*Hey, BLOGGER ADMINISTRATION! Why are you like that! My new blog does not have harmful contents and other violations against your so-called standards and yet you want it unpublished for what? Grabe naman itong Blogger site admin na ito. Pinaghirapan kong i-type dito ang blog ko at i-upload ang sangkaterbang pictures tapos sa di malinaw na dahilan ay bigla nilang pina-unpublish! All photos were mine, Blogger. I did not grab them from anyone!
Disyembre 10, 2022. Ang
aking thanksgiving pilgrimage sa apat na simbahan sa Maynila sa araw na ito ng
Our Lady of Loreto, pagkatapos ng tatlong taon. Una sa aking itinerary ay ang
Sta. Cruz Church. Ikalawa naman ay ang Quiapo Church. Mainam at napanatiling
maluwag sa Carriedo kaya maginhawang maglakad doon hindi gaya noon na inangkin
na ng mga sidewalk vendors ang halos buong kalsada at iba pang daanan sa
paligid ng simbahan. Hay, balik na nga sa dating sitwasyon bago mag-pandemic sa
Maynila.
Mula St. Jude, bumalik ako sa J.P. Laurel at naglakad doon. Umaambon na at sa kulimlim nang panahon, tahimik ngunit malumbay na pakiramdam habang naglalakad sa labas ng Malakanyang. Nakalanghap ako ng halimuyak mula sa mga namumulaklak na tanim mula sa mga bakuran ng mga lumang bahay na nadaanan ko. Nadaanan ko rin ang Manila Liberation Park. Nabawasan lamang yung vandalism pero sana bigyang-pansin pa rin ng management nito. Magdadapithapon na at mabilis nang magdilim kaya dapat bilisan na ang lakad para makarating sa ikaapat na itinerary, ang National Shrine of St. Michael and the Archangels. At sa pagdaan ko sa Malacañang Complex, may nagaganap pang Christmas party doon sa mga lawn saka may mga media personnel. Hindi naman ako pwedeng mag-usyoso. Anyways, hindi naman ako interesado kasi kailangang makarating na sa St. Michael. Pagdating sa naturang simbahan, madilim na sa loob at nagtitipid doon sa ilaw. Mag-isa pa ako doon ngunit hindi naman nakakatakot. Matapos manalangin, pumunta naman ako sa gilid na eskinita nito na tabi rin ng ospital doon sa San Miguel. Nais kong masilayan muli ang Ilog Pasig mula sa dike sa likod ng simbahan. Kahit dapithapon na at makulimlim ang langit, ang ilog ay banayad pa rin at natatanaw pa yung Isla de Convalecencia at ang Hospicio de San Jose. Gusto ko pa sanang magmuni-muni mula doon sa dike kaya lang ang bilis ng oras. Malapit nang maggabi at kailangang makabalik na sa Quiapo. Tapos panibagong lakaran na naman; oo nga pala, pinagbawalan muna ang mga San Miguel-Quiapo jeep na pumasok sa Malacañang complex kaya hindi rin sila pwedeng abangan mula sa tapat ng simbahan paglabas nila sa San Rafael street. Kailangang lakarin yung kabilang dulo ng gate tapos lakad pa sa susunod na kanto kung saan dumaraan ang mga jeep galing TIP. Hay, naman! Kailan kaya pinatupad ang ganoong ruta ng dyip? Noong kasagsagan pa ba ng pandemic o nang bago na ang presidente ng bansa? (*Please take note that taking pictures of the Malacañang Palace, its sprawling lawns, and other facilities within its premises is strictly prohibited*)
Nadaanan
ko hanggang sa dulo ng J.P. Laurel street ang ilang luma ngunit malalaking
bahay. Minsan napapaisip ko, tutal ang bahaging ito ng San Miguel district ay
isa sa mga highly-secured areas hindi lang sa Kamaynilaan kundi sa buong bansa,
tapos tahimik pang lugar siyempre paligid ng pambansang palasyo, masarap kaya
manirahan dito?
Mabilis naman makabalik sa Quiapo,
doon sa Carlos Palanca street. Sayang at nadatnan kong sarado yung Island
Souvenir shop kung saan nakabili ako noon ng ilang items na galing sa iba-ibang
probinsya. Papuntang Excellente Ham store, bumili ako ng pineras na chico na
gusto ko kahit medyo mahal at saka kalahating kilo ng kastanyas na huli pa
akong nakakain nito noong 2019 pa. Sa Excellente, hindi naman ako bumili ng
kanilang tanyag na hamon kundi ang chicken galantina na parang de luxe na
embutido. Masarap kasi yun. At gabi na nang ako’y nakasakay sa siksikang LRT,
at least mabilis namang nakauwi.
Disyembre
17, 2022. Kulay vanilla na alapaap at makulimlim
din ang araw na yun ng flight namin papuntang Iloilo. Ilang oras din delayed
ang biyahe kasi merong thunderstorm tapos naiipon na ang mga pasaherong
naghihintay sa kani-kanilang flights. Hapon na nang natuloy ang Iloilo flight
at nakaranas pa ng turbulence ang eroplano ng Cebu Pacific kasi dumaan sa ilang
lugar kung saan may nagaganap na localized thunderstorms. Nakakahilo ngunit
hindi naman ako nasuka. At habang palapit na sa Western Visayas ang eroplano,
nagiging maaliwalas na ang panahon at natunghayan ko muli ang mga bulubundukin
ng Aklan at Antique at ang mga malalawak na kapatagan ng Capiz at Iloilo hanggang
sa maluwalhating paglapag sa Iloilo Airport sa Cabatuan. Maraming salamat sa
Panginoon sa ligtas na paglalakbay na ito. Amen.
Ito ang unang beses
na nakapag-Christmas vacation kami sa Iloilo. Usually kasi tuwing Abril o Mayo
ang bakasyon pero bago iyon nag-pandemic tapos ang school calendars pa noon ay
June to March (overdue na ito na sana ibalik na ang ganoong academic year kaya
DepEd at CHED, huwag gaya-gaya sa ibang bansa dahil klima ng Pilipinas ang
mahalagang salik dito at hindi ang international standards kuno kung anong
buwan dapat magsimula ang pasukan). Pero okey palang magbakasyon sa Iloilo nang
Disyembre at mainam ang panahon kahit na may mga maulang araw tapos masaya pa
ang makaranas ng Pasko sa probinsya kasama ang aming mga kamag-anak at kaibigan.
Nasa ikaapat na Linggo na ng Adviento at muli kaming nakapagsimba sa St. John
de Sahagun Parish or Tigbauan Church na noong huli kaming nagtungo doon ay wala
pang kisame ang interior ng simbahan at lalo nang wala pa yung napakalaking
retablo sa altar na nakakapanibago sa totoo lang kasi sa tagal ba naman ng
panahon na ang nasisilayan doon ay yung magnificent mosaic na kung nais mong
matunghayan ay pupunta ka pa sa likod ng retablo.
St. John de Sahagun Parish or Tigbauan Church and the town plaza. Nakatutuwa ang mga Christmas display sa liwasan at noon ko rin nakita nang malapitan yung mga nakaukit na relief tungkol sa kasaysayan at kultura ng Tigbauan sa entrance ng covered court at gayundin ang nakapintang murals di kalayuan sa simbahan.
Gumala uli ako doon
sa may bakuran ng simbahan, sa may baba ng kampanaryo. Walang pinagbago. May
mga nabuwal na puno at masukal doon sa ilang lugar lalo na sa pasilidad kung
saan naroon ang isang private school noon na nagsara na. Mag-isa akong
nagmuni-muni doon. Sa IMAHINASYON ko, pinagmamasdan ko ang churchyard na ito ng
St. John de Sahagun na nagkaroon ng major facelift. Ang Adoration Chapel na napakahalagang bahagi ng bawat simbahan ay muling inayos, consecrated, at bukas muli para sa lahat ng nagnanais maglaan ng panahon para sa Panginoon sa pamamagitan ng Blessed Sacrament. Nasilip ko yung munting
sementeryo mula sa likod ng altar ng simbahan. Crowded na masyado doon sa Municipal
Cemetery; feasible idea ba na palawakin ang ossuary or columbarium complete with
candle chapel and garden sa area na yun ng Tigbauan Church katulad ng sa
maraming simbahan gaya sa Shrine of St. Therese at ang Sta. Clara sa Padre
Burgos dito sa Pasay, pati ang St. Michael sa Malakanyang, ang Sto. Domingo sa
QC, at marami pang iba? Kung nagawang
mapaganda ang interior ng simbahan na meron nang kisame at retablo, bakit hindi
rin isali ang bahagi ito na pwede pang gawing meditation park and
recollection/retreat area na center for catechism and Catholic apologetics din?
Sa IMAHINASYON ko, itong bakuran ng Tigbauan Church ay naging eco-friendly and
self-sustaining community area, naka-landscape nang maganda, ang lago ng mga
halamang namumulaklak at mga herbal, merong vertical gardens, at mga taniman ng
mga gulay at rootcrops. Ang mangarap nang gising!
Naalala ko noong bisperas ng Pasko at dumalo kami sa Misa, ang dami-daming tao. Puno sa loob ng simbahan lalo bago magsimula ang Misa ay may idaraos munang Christmas program. Hindi na kami nakapasok sa loob kasi wala nang bakanteng mauupuan doon. Napanood ko rin naman yung palatuntunan sa pamamagitan ng live coverage nito sa Facebook page ng simbahan. Maganda at may makabuluhang mensahe. Sayang at sana merong wide screen and projector na naipwesto sa kinalalagyan namin para mapanood naman ng mga nasa labas yung programa at Misa. Marami sa mga nagsimba di-umano, nakagayak man, halata namang hindi pagsisimba ang pakay doon kundi tambay lang kasama ng mga barkada lalo na yung mga kabataan; daldalan lang inatupag.
St. John de Sahagun Parish or
Tigbauan Church and the town plaza. Nakatutuwa ang mga Christmas display sa
liwasan at noon ko rin nakita nang malapitan yung mga nakaukit na relief
tungkol sa kasaysayan at kultura ng Tigbauan sa entrance ng covered court at
gayundin ang nakapintang murals di kalayuan sa simbahan.
Ilog ng Tigbauan. At ang lago ng mga talahiban sa may pampang. Eh sa talahib o tigbaw nga hinango ang pangalan ng nabanggit na bayan. (Photos taken at Barangay Dorong-an across Barangay/Poblacion 2)
Photo exhibit sa Tigbauan
Tourism Office tampok ang kasaysayan ng bayan noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig hanggang sa Panay Landing doon sa Barangay Parara sa pangunguna ni
Gen. McArthur. Makikita rin sa isa sa mga larawan ang sinaunang anyo ng
Tigbauan Church bago ang deadly Lady Caycay earthquake noong 1948.
Plazuela de Iloilo.
Nitong Disyembre lang ako nakapunta sa Plazuela de Iloilo na noon ay
pinagmamasdan ko lamang kapag galing kami sa SM City Iloilo sa Mandurriao.
Mahabang gusali at saka noon daw, ang lugar na ito na kalapit lang ng original
location ng Iloilo Airport ay agricultural area na may mga fish ponds.
Nakaka-miss din ang
pagdayo sa Molo district. Na-miss lang namin ang katabi nitong Arevalo (Villa).
Ang iconic Molo Mansion na babalik-balikan mo talaga. Pagtawid sa kalsada ng
M.H. Del Pilar ay ang Molo Church at ang Plaza. Pati ang simbahan ay nagkaroon
din ng major facelift at nagmukhang bago. At lakad pa patungong Iloilo River
Esplanade, hay, sobra ko rin na-miss ang napakarikit na tanawin doon pati yung
mga bakawan ay patuloy rin sa paglago.
Disyembre 29, 2022. Huling araw ng bakasyon namin sa Tigbauan, Iloilo. Kung nitong mga nakaraang araw ay madalas ang ulan, maaliwalas naman sa araw na ito kaya nagustuhan ko rin maglakad-lakad hanggang makarating doon sa Sibalom Bridge tapos lakarin ang kahabaan ng dike hanggang makarating sa kung saan nagsasalubong ang dagat at ang ilog. Tahimik ang lugar na yun, solong-solo ko pa ang bahaging yun ng Parara beach na kay banayad nang mga oras na iyon. Gusto ko lang namnamin ang maikli ngunit payapang sandaling iyon. Sa muling pagbabakasyon sa Tigbauan, Iloilo!