This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Saturday, September 30, 2017

Azucar de Muscovado


Setyembre 1. Sa first Friday of September, 2017 tumapat ang Islamic holiday na Eid’l Adha at ito ay idineklarang special non-working holiday. Feast of the Sacrifice ang kahulugan nito sa English; yung mga teroristang hanggang ngayon ay naghahasik pa rin ng kaguluhan at dalamhati sa Marawi at iba pang lugar sa mundo, alam din ba nilang magsakripisyo ng kanilang buhay sa pagtalikod na sa kanilang mga buktot na ideolohiya at kahibangan upang maibalik na ang kapayapaan at kaayusan sa buhay ng napakaraming taong ginawan nila ng di-mabuti?

UPDATE para sa sanaysay na ito: Oktubre 16. Maugong na news headlines sa araw na ito ang pagkakapatay sa dalawang top leaders ng ISIS-inspired Maute-Abu Sayyaf terrorist group. Dahil sa tip ng isang nailigtas na bihag, natunton ng militar ang pinagkukutaan ng  mga ito at rat-tat-tat-tat-tat-tat... sapul sina Omar Khayyam Maute at ang hinirang daw na ‘emir of the Southeast Asian caliphate’ na si Isnilon Hapilon! Isinapubliko pa ang mga graphic images nila at kulang na lang ay iparada na ang mga bangkay nila sa buong Marawi bilang war trophies at sila naman itong pasimuno ng dalamhati  ng libu-libong mamamayan at pagkawasak ng dating maringal na lungsod, tsktsktsk! Nakakatakot tingnan yung mga litrato pero yung kay Hapilon, palibhasa ay buo pa ang katawan niya matapos mapuruhan sa may dibdib, tila ba ipinikit na lang niya ang mga mata upang tuluyan nang mamahinga mula sa wala namang saysay na ipinaglaban nila. And a couple of days later, idineklara na ng pamahalaan na malaya na ang Marawi, ang mga bakwit ay maaari nang umuwi, at tutugisin pa rin ng mga sundalo at pulis ang mga natitirang terorista. Isang malaking hamon di lang para sa pamahalaan kundi para sa buong bansa ang tulungang makabangon ang Marawi.

*******

Setyembre 9. Isang araw pagkatapos ng traditional nativity feast ni Mama Mary, nagsadya ako sa isang visita iglesia sa Shrine of Mary, Help of Christians sa may Don Bosco-Better Living, Parañaque. Napanood ko sa balita na ang simbahang nilapastangan at sinunog pa ng mga demonyong terorista pagkatapos dukutin ang ilang tao kabilang na ang parish priest, ang St. Mary’s Cathedral ay may kahalintulad na official name- Our Lady, Help of Christians. Bagamat Muslim city ang Marawi, merong Catholic residents pa rin doon. At may nabasa ako na si Mama Mary ay kabilang sa mga perfect, holy women of faith according to Islamic scholars. At mas lalo naman sa Kristiyanismo.

Hindi madaling mahanap ang naturang shrine lalo na para sa isang commuter na tulad ko na galing pa sa ibang lungsod. Naligaw ako sa malalawak na subdivision bago ako makarating sa simbahan na nasa gitna pala ng residential area. Isa nga pala akong ‘alien’ na napadpad sa suburban side na ito ng malaking lungsod ng Parañaque.  At saka yung mga sign boards na nagsasaad ng directions patungo sa shrine ay hindi accurate sa totoo lang at sana mas linawin pa nila ang mga ito upang makahikayat pa ng mas maraming pilgrims; kaya nga bago ako umalis sa simbahan, nag-iwan pa ako ng maikling liham sa may thanksgiving box doon at dito ko inihayag ang bahagya kong pagkadismaya though it was a good-natured comment subalit higit na nangibabaw ang aking pasasalamat na nakarating ako dito nang payapa kaysa sa kapaguran ko mula sa biyahe; just like what the Lord said, “... for My yoke is easy and My burden is light. Come and I’ll give you rest.” 

*******

Setyembre 16 at 17. Sa mga maalinsangang araw na ito, nakadalo ako sa Manila International Book Fair na muling ginanap sa SMX Convention Center, SM Mall of Asia. Nakakabanas nga lang ang sobrang haba at tagal ng pila sa entrance dahil higit daw ang dami ng mga taong nagsadya sa naturang event ngayong taon. May mga nabili rin akong mga aklat at iba items mula sa mga booth ng exhibitors doon.

Kabilang nga pala sa mga binili ko ay ang aklat ng mga kwento ng isa sa mga pinakamahusay na Filipino fictionists, si Nick Joaquin. Collection of four lengthy short stories na talaga namang kapana-panabik ang tema. Ang pinakagusto ko doon ay ang “Doña Jeronima” na malamang ay na-inspired ang may-akda mula sa isang kabanata ng “El Filibusterismo” ni Jose Rizal kung saan ang mga tauhan doon ay nagkukwentuhan ng mga alamat mula sa Ilog Pasig habang naglalayag ang Bapor Tabo nila patungong Lawa ng Laguna.

At saka, nakabili rin ako mula sa Tradewinds booth ng Mangyan Ambahan poetry na inukit sa kawayan at native bamboo musical instruments kabilang ang Maranao kubing (jaw harp/ Jew’s harp). Later on, nakabili rin ako ng isa pa nito sa isang souvenir shop sa Quiapo na mas mura pa nga. Nakatutuwang patugtugin ang kubing. Di lang ako makapaniwala na ginagamit pala ito bilang bahagi ng paghaharana noon! 




*******

Setyembre 21, 2017, ginunita ang ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar. Man, at times did I sigh mula nang ipinatupad ang K to 12 curriculum dahil kabilang yun sa mga hindi na ituturo sa Ikalimang Baitang at labis akong nanghihinayang. Sana, balang araw ay makapunta ako doon sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City at sa EDSA Shrine. At sana, sa araw na iyon, maginhawa nang sumakay sa MRT!

*******

Setyembre 27. Teachers’ Day celebration ng Pasay City Division at ginanap muli sa Cuneta Astrodome. Naka-uniform ang mga guro ng kulay maroon na polo shirt at para kaming sasama sa Traslacion ng Nazareno sa Quiapo. Grabe, ang daming dumalo pero sana mas maaga naman nilang sinimulan ang palatuntunan kasi umabot hanggang gabi na. At merong raffle draws. Nainip ako. Umiral ang pagkabagot na ito at ang pag-aalala na makauwi na agad dahil ang hirap-hirap mag-commute pauwi kung sasabay sa sanlaksang tao.  Later, pagdating ko pa lang sa bahay, I was informed na nabunot pala ang pangalan ko sa raffle at ang dalawang libong pisong para sa akin sana ay forfeited na.

Tsktsktsk! Great. Ngunit sa aking pagdarasal at pagmumuni-muni, na-realize kong ang hindi naman pala para sa akin ay hindi talaga para sa akin. Huwag na akong manghinayang pa.

*******

Ngayong Setyembre, simula na ng bagong season ng paborito kong serye mula sa History Channel, ang “Ancient Aliens”. Ang gaganda ng mga episodes ng kasalukuyang season nito gaya ng tungkol sa reincarnation at ang maaaring extraterrestrial connection nito. Actually, makailang beses akong skeptic sa paniniwalang ito tulad ng sa scientific cloning na isa namang likely solution para sa muling pagkabuhay ng kahit anong nilikha sa mundo. Hindi nagkaroon ng puwang sa mga paniniwala ng Kristiyanismo ang reincarnation at ang tungkol sa sinasabing transmigration of souls ay yaong kapalaran sa kabilang-buhay. Pero anong malay ko kung reyalidad na pala yun ng cycle of life di lang dito sa Mundo kundi sa Universe mismo. Siguro kung hindi pa nakatakda sa kabilang-buhay ang isang kaluluwa ay maglalakbay pa siya at magkakaroon pa ng bagong anyo sa bagong buhay.