This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Saturday, June 30, 2018

Napoleones

Gallery of Aerial Views, Sky, Sunset, and a Painting





*******

Karamihan sa mga cartoons at iba pang animated series ngayon ay 3-D na o di kaya’y 2-D man pero may halo nang 3-D technology pero para sa akin ay masarap pa rin balikan at panoorin ang mga lumang cartoons na 2-D na nagkakaroon ng re-runs tulad na lang sa kiddie channel na “Yey!” (paano, narinig ko kasi na yun ang channel na pinanonood ng mga boarders namin gabi-gabi, hehe!). Timeless naman ang animated series na kahit ilang dekada na mula nang nilikha ang mga ito ay swak pa rin para sa mga makabagong henerasyon lalo na kapag ang ganda at ang saya ng storyline at merong mga mabubuting aral na matututuhan. Halimbawa ay ang mga Japanese-produced animated series (not necessarily the animé genre) na hango sa mga classics gaya ng “Cedie”, “Trapp Family Singers”, at ang “Peter Pan” na mga nagpasaya sa mga umaga o hapon ng mga batang ‘90s; una kong napanood ang mga iyon noong 1993 sa channel 2 pa; ang “Judy Abbott” ay napanood ko naman noong 2004 na.
Pero sa mga series na yun, ang paborito ko talaga ay ang “Trapp Family Singers” na una ko pang nasubaybayan at kinaaliwan bago ko pa napanood ang pelikulang “The Sound of Music” sa channel 13 pa nga nang parehong taon iyon. Ang “Trapp Family Singers” ay hango rin sa memoirs of the real Maria Von Trapp; sa totoo lang, doon pa ako unang na-familiarized tungkol sa Austria o sa Tyrol at Alps, at pati nakapag-advance na ako sa pang-high school Social Studies- World History dahil sa mga episodes tungkol sa mga Nazis, kay Hitler, at pati dictatorial-type of government and anti-Semitism kasi mayroong eksena doon na ang Jewish family doctor ng mga Trapp ay dinakip ng mga Germans; 1993 din pala yun nang ipinalabas ang award-winning film na “Schindler’s List” at naaalala ko pa ang series of historical facts na may kaugnayan doon na saglit na tinatalakay ni Ernie Baron (†) pagkatapos ng ulat-panahon niya sa TV Patrol noon.
*******

“... it’s hard to get mad when there’s so much beauty in the world.”  ~Lester Burnham (Kevin Spacey’s character in “American Beauty”)

At ang quotable quote na iyon mula sa isa sa mga all-time favorite movies ko ay naging personal mantra ko na. Nakararanas ako ng unfair criticism, misunderstandings, and humiliating words mula sa ibang tao subalit gusto ko na lang ay magkibit-balikat, maging indifferent kaysa mag-self-pity kaya dapat maghanap ng diversion at batid ko naman kung paano iwasto ang aking mga pagkakamali, ang ibaling naman ang pansin sa ibang higit na nakatutulong o nakagagaan ng kalooban. Kung tuloy pa rin ang bangga ng negativities around, problema na yun ng tumbong nila at ako naman ay mayroong sweet diversion towards tranquility of self.
*******
Ano bang meron sa isang halik o kiss? Yeah, yeah, expression of love and affection and greeting... meron ding Judas kiss  at may mga halik din na nagsimula sa pagpapakwela o katuwaan o simpleng fangirl/fanboy go-gaga over idol at meron ding nagdudulot ng matinding kontrobersya with all that hullabaloo that’s not to be treated as some trivial thing.
Noong isang araw pa ang panibagong isyu na nagpadagdag pa sa ‘makulay’ na presidency ng ating Pangulo nang nasa South Korea pa siya at nagtalumpati sa harap ng Filipino community doon. As usual, upang huwag naman pulos formal engagements, bakit di magkaroon ng kaunting katuwaan? Merong fangirl ang pinalapit niya at pagkatapos ay mayroong mabilisang halik at sa labi pa at yung ale, sa totoo lang ay kasal na isang Koreano at meron nang dalawang anak. D.O.M. naman ang tatang natin, o... Duterte of madlangpipol. Hati ang opinyon ng mga Pinoy tungkol doon. Ang sabi ng ilan, wala namang malisya doon kasi trip-trip lang na katuwaan; ang ilan naman ay nabastusan kahit simpleng biro lamang; tapos, ang ilan, kibit-balikat, hehehe! At umabot naman sa rurok ang ingay ng kontrobersyal na halik nang nagkaroon ng panibagong FB post itong isang nagngangalang Mocha Uson na ipinagtanggol ang halik na yun mula sa mga kritiko sabay kumpara naman sa isang lumang video ni Ninoy Aquino sa loob ng eroplano minutes before the assassination at kung saan dalawang fans ang humalik sa kanya. And then, tulad sa laging sinasapit, batikos ang inani ni Mocha for her thoughtlessness. Ayon sa isang sociologist, magkaiba naman ang konteksto ng Duterte fan kiss na yun na tila set-up lang, mula sa Ninoy Aquino fan kiss na yun pala ay isa nang premonition ng isang malungkot na pangyayari.
Siyempre, ang pinaka-vocal sa panggagalaiti ay si Kris Aquino, bunsong anak ni Ninoy at Cory at binira ng maaanghang na pananalita at paghahamon ang walang pakundangang lipas nang sexy starlet. Masyado na raw binabastos ng babayitang iyon ang kanyang pamilya. Hindi ako fan ni Kris Aquino at noon pa man ay naaartehan ako sa kanya pero sa pagkakataong ito, napahanga ako sa kanyang classy defense ng kanyang pamilya laban sa cheap attacks ng gaya ni Mocha.
Lala Candies' Mocha Loca- yum,yum,yum!


Post script to this essay: ika-3 ng Oktubre ngayong taon, naganap na ang long overdue resignation ni Mocha Uson mula sa pagiging assistant secretary sa PCOO. Ang ‘deciding factor’ ay noong hindi raw siya sumipot sa budget hearing ng kanilang kagawaran. Masyado na siyang agaw-pansin noon pa man na feeling ‘tagapagtanggol ng mga api’ pero ang dating ay siya ang taga-api ng mga kritiko ng kanyang amo; at pagkatapos, kapag binuweltahan naman ng mga binabatikos niya, depensa agad siya tapos feeling ‘persecuted’, inaapi raw...hmp! Makalipas ng ilang araw nang nagdaos na ng registration ang COMELEC para sa mga tatakbo sa national elections sa susunod na taon, napaulat na kabilang siya sa mga tatakbong party-list representatives. Well, hayaan na lang at ang pagnanais na mapaglingkuran ang bayan ay hindi lang tungkulin kundi karapatan, hehehe!
Siyanga pala, noong isang araw rin, merong lalakweng abogado at loyalista raw na nagngangalang Larry Gadon (who the hell is that, anyway?) ang nagpa-presscon ng kanyang mungkahi na ibalik na raw sa dating katawagang Manila International Airport ang Ninoy Aquino International Airport sabay banat ng mga paratang at iba pang paninira laban kay Ninoy tulad ng gawain ng kahit sinong panatikong loyalista. Wala namang pumansin sa kanya. Eh yung Francisco Bangoy International Airport? Ibalik din sa pagiging Davao International Airport? Ang Daniel Z. Romualdez Airport, gusto niyo, tawagin uling Tacloban Airport, eh. Isama na rin yung Clark International Airport. Palitan niyo na rin ng pangalang Pampanga International Airport! Kung ang airport nga sa Laoag, naisip din ba ng mga loyalistang palitan ng pangalang Ferdinand Marcos International Airport? Satires in the form of this essay.
Ang alam ko ay hindi naman lahat ng Ilokano ay mga maka-Marcos. Anong solid North? Exaggeration of some propaganda! Sa palagay ko meron din mga Ilokano, mismong taga-Ilocos Norte pa, ang kabilang sa libu-libong biktima ng human rights abuses noong panahon ng Martial Law. 
*******
Hay, break muna mula sa mga naglipanang Koreanovelas! Oppa sabay fingerheart? Upakan na nga yan!  Mabuti naman at ang GMA-7 ay nagpalabas ng isang lakorn or Thainovela, the first of its kind on Philippine TV, ang “You’re My Destiny” bagamat remake naman ito ng Taiwanese rom-com na “Fated to Love You”. Well, nakaka-hook ang subaybayan ang YMD sa first episode pa lang; pati nga instructional video ng pagluluto ng Thai ginataang bilu-bilo ay napanood ko sa isang kabanata doon. Nagkaroon naman kasi ng entertainment exchange ang channel 7 at ang Thai partners nito kasi nitong mga nakaraang buwan ay naipalabas na sa Thailand ang “My Husband’s Lover” (hay, grabe, nakaka-miss ang teledramang iyon na para bang ang saya uli panoorin; kung may remake man, sino kaya ang mga gaganap?) at ang “Dalawang Mrs. Real” kaya nga nagpunta rin doon ang ilang Kapuso stars para sa promotion ng kani-kanilang show. Ano kaya ang itsura ng mga Pinoy drama na naka-dub na sa local languages kung saan ini-export ang mga ito?.
*******
Hunyo 13. Tag-habagat na at meron pang pabugsu-bugsong ulan sa maraming pook sa bansa. Ngunit gusto ko ang ulan sa totoo lang. Balita ito noong isang araw pa tungkol sa napaulat na pagkuha ng ilang Chinese coast guard sa huling isda ng mga mangingisdang Pilipino mula Zambales at Pangasinan na pumapalaot sa Panatag/ Scarborough/ o simpleng ‘Karburo’ Shoal at ang pagkasira ng mga bahura doon sa shoal ay dahil daw sa pangunguha ng mga taklobo nung mga mainland tsekwa! Bullying na yun ng mga mainland Chinese sa kabila ng pagkakapanalo ng Pilipinas sa territorial rights dispute sa UN Tribunal Council noong 2016.
At ang mga alipores naman ng ating Pangulo ay tila pinanigan ang China na wala naman masama sa sinabi ng gobyerno ng bansang ito na nakakapangisda na ang mga Pilipino sa Scarborough dahil sa ‘out of China’s goodwill’. Punyemas! Sumegunda pa yung spokesperson na ang pangyayaring iyon na pag-aagaw ng mga mainland tsekwa sa mga isda ng mga Pilipino ay ‘maliit lang na bagay’ o di kaya’y barter trade, ayon kay Duterte- first class na mga isda na ang mahal-mahal kada kilo pag binenta sa mga palengke kapalit ng mga made in China de-lata and beer na malapit nang mag-expire? Ano kaya kung ang mga mama na ito ang mga maglayag mismo doon sa mga bahura ng Panatag sa loob ng kalahating araw sakay ng lumang bangka at magtiis doon ng ilang araw makahuli lamang ng isda? May mga taga-gobyerno ang nagsabi na itong si Duterte ay mahigpit sa mga Pilipino pero pagdating sa China ay maluwag ito sa pag-iwas kasing galitin ang bansang naging sakim na sa pag-angkin ng mga teritoryo. 
*******
Hunyo 16. Makulimlim buong araw ngunit tumuloy pa rin ako sa lakad ko sa Shaw Boulevard, Mandaluyong. Buti at hindi siksikan sa MRT at nakaka-enjoy maglakad sa Shaw habang sinusulyapan ang mga nadaraanan kong nagtataasang gusali ng Ortigas Business District. At pagkatapos, lalo kong na-realize na hindi ko nga kapalaran ang maging office yuppie. Hindi ako destined na maging empleyado sa isa man sa mga high rise building sa Ayala o Ortigas tapos Lunes hanggang Biyernes, magko-commute sa EDSA at indahin ang kabwisit-bwisitang trapik dito o doblehin pa ang kalbaryo kapag tumirik ang mala-sardinas sa sikip na MRT. Subalit hanga pa rin ako sa mga empleyadong nakakatiis sa ganoong mga sitwasyon sapagkat pinahahalagahan nila ang kanilang hanapbuhay.
Nakarating na ako sa St. Francis of Assisi Parish na nasa compound ng Lourdes School. Nadatnan ko uli na mayroong wedding Mass palibhasa ay araw ng Sabado. Pagpasok ko pa lang sa naturang simbahan, namangha na ako. Napakaganda! Kung ang karamihan sa mga simbahan ay pahaba ang lawak, ang St. Francis ay malapad at pahalang. Nakatutuwang pagmasdan ang mga frescoes na naglalarawan ng buhay ni St. Francis. Sa lower ground floor ay mayroong candle chapel na nakapangalan kay St. Padre Pio Pietrelcina at ang patroness ng school, ang Our Lady of Lourdes. Kaya lang habang nasa loob pa ako ng simbahan, biglang umulan nang malakas. Buti naman at di nagtagal. Maraming salamat sa Panginoon para sa araw na ito. Amen.
Basta, tuloy lang ako sa aking anytime visita iglesia. Hunyo 23, apat na simbahan ang binisita ko- tatlo mula Makati, ang National Shrine of the Sacred Heart, Don Bosco, San Ildefonso, at dito sa Pasay, ang Sta. Clara. Sino bang mga ugok na hangal na mayroong pangangatwiran na ang mga simbahan ay para lamang sa mga banal at kung may makasalanan man ang pumasok, masusunog daw ang mga ito?! What pathetic reasons!
*******
Hunyo 18. Idineklara ng pamunuan ng Simbahan ang petsang ito bilang National Day of Mourning for slain priests. Ilang pari na kasi ang pinaslang at mapalad ang ilan na nakaligtas. Itinuturing silang mga martir. Ang Panginoon na ang bahala sa mga salaring iyon. Latest victim si Fr. Richmond Nilo () ng Nueva Ecija na kilalang aktibo sa pagtulong sa mga biktima ng social injustice doon sa komunidad niya. At itong si Duterte, kaysa kumustahin ang paglutas ng PNP sa mga kaso, ang nagawa na lang ay lalo pang pinagsalitaan ng di-maganda ang isang pinaslang na pari na taga-Cagayan; meron daw siyang ‘intelligence source’ tungkol sa umano dark side nung pari kaya tuloy ito tinira habang nagmi-Misa. Kung totoo ang ‘source’ niyang yun, nasaan ang mga ebidensya? O, sadya lang talagang may anti-clericalism ang ating magaling na presidente?
Nang minsang nagtalumpati siya sa isang event, meron siyang ipinakitang aklat; yun siguro ang librong pinagsasabi niyang ebidensya raw na kanyang ilalabas laban sa Simbahan kapag nanalo sa eleksyon noong 2016. Ang aklat ay isinulat ng isang Pilipinong may-akda na malay ko at pakialam ko kung sino man yun at ito ay mga exposé raw ng priestly abuses within the Catholic Church. Really? Bukod sa ‘magnum opus’ ng kung sinong author na yun na paniwalang-paniwala ni Duterte at binibigyan pa niya ng publicity, meron din ba iba pang libro out there, na tungkol naman sa mga born again pastors, evangelists, and ministers na meron din kahalintulad na kasong kinaharap ng mga pari sa ‘paboritong libro’ na yun ng ating Pangulo?  
Makalipas ang ilang araw, bago pa matapos ang buwan ng Hunyo, meron yatang nabubuwang, hehe! Sa isang komperensya ng mga government employees sa Davao, sa halip na ang speech ni Duterte ay tungkol sa event, ang mga pinagsasabi niya ay umikot lang sa kanyang pagkamuhi sa Simbahang Katoliko at ang kanyang ‘claims’ na siya raw ay minolestya ng isang pari noong siya ay bata pa. Kung meron man time machine, ipahiram yun kay Duterte para balikan niya ang panahon, iligtas ang kanyang teenage self at ipapulis ang pari. Kaya lang tumanda na siya sa kanyang sama ng loob, pinalipas pa ang mahabang panahon bago mag-#MeToo rin siya. At pagkatapos, nasundan pa ng mga karagdagang tirada laban sa church doctrines, ang Bibliya, at humantong na sa rurok ang blasphemy niya nang nilapastangan na niya mismo ang Diyos.
Patawarin nawa ng Panginoon ang “kagalang-galang” na Pangulo ng Pilipinas.
At umani ng pagkarami-raming batikos ang mga pahayag ng ating presidente. Mas dumadagundong pa kaysa mga pangangatwiran ng mga kampi sa kanya at ‘nililinaw’ ang kanyang mga pinagsasabi sa publiko. Inabangan ko sa balita kung may nasabi rin ba ang kanyang dating best friend na si Pastor Apollo Quiboloy tungkol sa kontrobersyang kinakaharap niya; wala. Noong nakaraang taon, sa araw ng kanyang SONA, meron pang column si Mocha Uson sa editorial section ng Philippine Star at hinirang nito na si Tatay Digong niya ay isang “once in a lifetime president”... yeah, there’s a point in that. Once in a lifetime president nga na nakakawalang respeto dahil sa ipinapakitang kawalan ng respeto sa maraming tao, sa mga pananampalataya ng kapwa-tao, at sa Panginoon.
Si Inday Sara Duterte na ang nagsasabi, huwag na lang pansinin ang mga pahayag ng kanyang ama kung ito ay labas na ng mga tungkulin bilang pangulo ng bansa. Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, VP Leni Robredo, at iba pang mambabatas, nililihis lang ni Duterte ang mga pahayag niya mula sa mas importanteng isyung panlipunan at pambansa para pagtakpan ang mga kakulangan ng kanyang administrasyon sa pagtugon sa mga ito.
Makalipas ng ilang araw, matapos ng mga inter-religious dialogues at mahinahong payo mula sa mga kilala at ma-impluwensyang tao, simple lang  na naghayag si Duterte ng mga salitang ito na ang Panginoong Diyos lamang ang makababatid kung taos-puso ba ang pagkakabigkas nito, “Sorry, God”.