This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Wednesday, September 30, 2015

Anti-Pabebe Weirdness

GALLERY OF SATIRES AND SELF-SATIRES

I’m braggin’ here in my blog that even I do a little ‘cyberbullying’, nobody will react anyway because this site is very obscure and unheard of.



            Bakit kaya ganito na kahit tutukan ko pa nang husto ang kalyeseryeng yun ng “Eat Bulaga” o magtawa-tawanan sa pagpapakwela ng De Explorer Sisters pati sa kakornihan ng punyemas na dubsmash ng so-called most popular loveteam ngayon na AlDub, parang wala lang? Kung ba ga, ang napapanood ko sa imagination ko kahit nanood ako ng palabas na iyon ay isang lalaking may (*censored words*) kahit na kaseseksi ng strippers na nagla-lap dance na sa harapan niya. Ewan ko kung bakit hindi talaga ako matawa.
            Hindi kasi talaga ako mahilig sa mga rom-com lalo na kung hindi ko talaga trip ang kwento at mas lalo ang pansinin ang kung anong loveteam ang bida. At saka yung si _______, panay lang pa-kwela, ostentatious sa pag-flaunt kaya ang OA na ng drama niya to the point na nakakabanas nang panoorin; at saka mukha siyang boring and perhaps, (*censored word*)-boring as well. Yung si _______ naman, I used to be 25% fan niya; at ang kakarampot lang na 25% ay nag-dip to 0% na dahil nowadays hanggang sa kalyeserye na lang siya. Hey, hey! Wala akong kinikilingang loveteam; pakialam ko sa inyo! Yung mga tsiks na yun ng loveteams gaya ng _________,  ________, at ________, they’re just pretty, goody two-shoes but I think they aren’t (*censored word*)-attractive despite that (*censored word*) looks. And their guys, smart-assed (*censored word*).
            Speaking of dubsmash na malamang sa mga susunod na buwan ay pagsasawaan din, tandang-tanda ko na mayroong contest noon sa “Eat Bulaga” way back in the mid-‘90s na mala-lip sync battle pero ang mga contestant ay kailangang iarte kahit OA na pero may proper timing ang ipi-play na mga unforgetable lines mula sa mga pelikulang Pilipino. Kaya nga recycled trend lang ang dubsmash na yan tapos basura uli sa pop culture later on.
           
The essays and illustrations above are just satires on some excesses and this pathetic loser called Weirdjtt (officially known as Joan T. Teves the weirdo) didn’t mean to hurt the feelings of anyone. Walang personalan, blog lang. 
*******


“L'Absinthe” by Edgar Degas

            Ika-19 ng Setyembre, 2015. Bente pesos pa rin ang entrance ticket sa Manila International Bookfair sa SMX Convention Center, SM Mall of Asia Complex. The same scenario year after year after year since 2008; pero mabuti na rin na ang venue ay dito na lang sa may SMX kaysa naman sa malalayong lugar, ano?
            Kabilang sa mga booth na inusyoso ko ay sa mga kumpanyang naglalathala ng trending daw na pop literature kung saan mas maraming tao ang naiipon upang magpa-autograph sa mga trending din daw na mga writers ngayon ng Wattpad “masterpieces” o mga ubiquitous pa ring Tagalog romances. Kaya lang eh, ayoko rin mag-aksaya ng panahon doon. Kaya nga kanina nang nadaanan ko ang post-it message board sa napakalawak na area ng National Bookstore, sumulat ako ng isang napaka-bitter na mensahe: Wala na bang iba sa Philippine literature ngayon kundi pulos pop lit, Wattpad novels, at Tagalog romances na lang? Pagkatapos, dagli ko itong itinampal sa ibabaw ng sangkaterbang notes doon at muntik na ngang umalog ang message board, hehehe! 
            Subalit sa pagsuri ko sa dulu-dulo ng aking diwa, marahil nga na inggit lang ako sa mga manunulat na nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng pagkakakilanlan sa daigdig ng panitikan.  At ako’y walang puwang sa mundong iyon sa kabila ng ng mga katha na aking pinagsumikapan sa loob ng maraming taon na pinangangambahan kong mauuwi lang sa lalong pagkatambak sa loob ng aparador; at hanggang doon na lang? Kinamumuhian ko ang pagkasarado ng pang-unawa ng maraming editors at publishers at ang kanilang wala na sa katwirang mga hatol. Sila ay mga dreamshatterers na marahil ay dunung-dunungan lang. Patawarin nawa ako ng Panginoon sa mga pahayag na ito. Masyado na siguro akong bitter sa sunud-sunod na frustrations at kabiguang palagi ko na lang nilalasap.
*******
Heneral Antonio Luna

            Look, I’m so sorry. Alam kong mali at labag sa aking prinsipyo pero sa kadahilanang hindi ko na inabot ang huling araw ng pagpapalabas sa mga sinehan ng pelikulang “Heneral Luna”, kibitbalikat na lang akong bumili ng kopya nito sa isa sa mga pirated DVD stores na nagsulputan na parang mga kabute sa kahabaan ng 10th street dito sa Villamor Air Base; gawain ng karamihan sa masang Pinoy! Halos lahat ng tindang DVD ay 25 pesos lang pero napansin ko sa maraming tindahan nito, tila hindi na gaanong mabili sa totoo lang; tapos, pansinin na lang ang DVD cover- naroon ang movie billing pero recycled naman galing sa iba pang DVD cover kasi Pinoy film tapos ang cast ay mga Thai! Siguro, napagtanto ng maraming tao na mas memorable pang manood sa mga sinehan kahit nagmahal man ang ticket o di kaya’y abangan na lang ang pagpapalabas ng pelikula sa mga cable movie channels. At talagang pinirata ang naturang pelikula na malamang sa loob ng sinehan naganap ang pagnanakaw ng pagpapalabas nito kasi nadirinig mo pa ang mga background na halakhakan ng mga manonood. Alam kong lalabas din ang original DVD ng “Heneral Luna” makalipas ang ilang buwan sa mga records stores tulad ng Astroplus; ang malaking tanong ay magkano naman? Baka, doble o triple pa ang presyo nito kaysa sa ticket sa sine noong ipinalabas ito palibhasa critically-acclaimed and certified blockbuster!
            Well, the film may be violent and even gory with all the bukambibig stuff about the Artikulo Uno thing subalit sure na ang pwesto nito sa mga all-time great Filipino films along with “José Rizal” and “Himala”. Napakahusay ng pagganap ng aktor na si John Arcilla para sa bida. No wonder na ito ang entry ng bansa sa Oscars kaya lang alam naman natin ang kalakaran doon pagdating sa foreign film category, tsktsktsk! Ang maikling buhay ng short-tempered yet legendary Filipino patriot from the Ilocos region, si Antonio Luna ay buong tapang na nakipaglaban sa mga Espanyol at Amerikano subalit katulad ni Andres Bonifacio, namatay rin siya sa kamay ng mga kapwa-Pilipino tapos si Emilio Aguinaldo muli ang sinisi. Sa isang di-malilimutang linya sa pelikula, isinaad ng bida na hindi ang mga Espanyol o Amerikano ang tunay na kalaban ng mga Pilipino kundi ang kani-kanilang sarili. Yeah, tama nga naman! Kaya nga iisa ang battle cry and supreme tactic ng mga dayuhang mananakop: divide and conquer!
Kung halimbawa kaya na si Heneral Luna ay hindi agad namatay, siguro masasawi rin siya sa murang edad at malamang sa atake sa puso. Mainitin kasi siya na parang laging may altapresyon. At sa biopic na ito ng Artikulo Uno Productions, naging kontrobersyal ang paglabas sa social media na mga tanong ng ilang kabataan:  bakit ba palagi na lang nakaupo si Apolinario Mabini, ang dakilang lumpo? Eh, di lumalabas tuloy na marami na sa mga mag-aaral ngayon ay mga eng-eng na pagdating sa kasaysayan ng sariling bansa. Itinuturo naman ang kasaysayan sa lahat ng paaralan pero mga bingi-bingihan o sadyang may deposito na ng tutuli ang ilang mga tainga doon.
*******
BOTANICAL GALLERY