This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Tuesday, December 29, 2015

A Sweet December

Disyembre 2. Celebrating the anniversary of my favorite city, Pasay.

The Pasay City Hymn
(Katha nina Ofelia San Juan/ Raymond San Juan at Liriko ni Ivan Grulla;
Courtesy of the Pasay City Government Website)

Mabuhay! Lungsod ng Pasay
Perlas ng Kamaynilaan
Hangad ay kaunlaran
Sa lahat ng larangan.

Mabuhay! Lungsod ng pasay
Dungawan ng sandaigdigan
Ugaling mapagtanggap
Ng tunay na mamamayan.

(Chorus)
Pasay! Mahal kong Bayan
Sa puso’y nag-iisa
Pasay, dakilang bayan
Pasay, mabuhay ka!

Ang lahat ay maka-Diyos
Makabansa, makatao
Masipag at mapagmahal
Ang tunay na Pasayeño!

(Ulitin ang Chorus)
Pasay...
Mabuhay ka!

******* 
Kamakailan lamang ay agaw-pansin sa lahat ang kaakit-akit at makasining na pagbabago sa pader ng Pasay City Cemetery na nakaharap sa Tramo (ito pa rin ang tawag ng nakararaming taga-Pasay para sa pangunahing lansangang iyon sa halip na Aurora Boulevard na higit na kilala bilang malaking kalsada sa Cubao, Quezon City). Dati-rati, ang pader ay naging lugar ng kapabayaan, urban filth, and desecration to the dead lalo pa’t bahagi pa naman yun ng sementeryo. Halos puno yun noon ng mga walang kwentang bandalismo at graffiti na gawa ng mga kabataang tinakasan na yata ng katinuan nila at walang pagpapahalaga sa kalinisan ng kapaligiran; sa gabi, ay mga nakatambay doon na ilang mga taong tila hindi gagawa ng mabuti sa lipunan. Tuwing panahon ng eleksyon, punung-puno naman yun ng mga campaign posters and stickers; kung sabagay, mas mabuti na nga ang ganoon kaysa graffiti. Sa pagtutulungan ng National Commission for Culture and Arts (NCCA) at ng Pasay local government at mga karatig barangay, ilang talented artists ang nagtulungan upang gawin ang makukulay na wall murals. Pampa-good vibes sa mga motorista, commuters, pedestrians, at iba pang tagaroon na nais naman ng mga makabuluhang artworks na nagtataglay ng magagandang mensahe ng pag-asa, pangarap, pangangalaga sa kalikasan, at pagmamahal sa aming lungsod ng Pasay. Napakalaki rin ng painting doon ni Pope Francis lalo pa’t makailang beses napabilang ang Pasay sa papal itinerary and motorcade nitong pagbisita niya noong Enero.
Wala akong kuhang larawan ng mga murals na iyon. Harinawa’y magtagal pa yun at mapangalagaan ng  mga kinauukulan. Sana, sumagi naman sa utak ng mga taong mahilig manira ng mga pampubliko at pribadong lugar ang tungkol sa pagbibigay-halaga sa kalinisan at kaayusan. Huwag naman nilang pagtripang bakbakin ang mga pintura o dumihan ang pader ng basura itinatapon nila lalo na tuwing gabi. Siyempre, ang ipinangpagawa sa mga mural ay gastos ng gobyerno mula sa buwis na binabayad ng mga mamamayan!     




Disyembre 17. Christmas party sa Villamor Air Base Elementary School. Ngayong taon ay muli akong naging event organizer and party host sa children’s party. For a hassle-free party, nagpa-order na lang kami sa Greenwich-ASEANA nang ang kanilang staff ay nagtungo sa school noong isang araw. Ang dami-dami kong pinagkaabalahan nitong mga nakaraang araw at stressed out pa kaya lang naging absent-minded naman ako nang nagbayad na ako para sa mga orders at ang engot ko nang hindi ko nai-double-check ang total costs sa official receipt. Subalit sinabi ng delivery man na napasobra ang binayad ko sa staff nila kaya pinabalik ang labis na salapi. Sinuri ko uli ang resibo. Sobra nga ang binayad ko; siguro nagkamali rin sa pag-compute ang staff ng Greenwich. Well, naging engot nga ako noong isang araw sa transaksyon, ang mahalaga, maraming salamat sa Panginoon, nanaig ang katapatan ng Greenwich staff and all’s well that ends well!
Ah, very pleasant naman ang Christmas party sa aming klase kahit simple lamang. At least hindi gaanong stressful di tulad noong 2013 (refer to blog post December 2013 “Tanglaw ng mga Parol”). Ang mga bata ngayon sa advisory class ay mas cooperative at nang nagpa-games ako, isport lang sila at hindi sinisira ang laro. Kabilang sa mga games ay ang ‘pin the tail’; nagdrowing ako sa pisara ng isang unggoy sapagkat ang susunod na taon 2016 ay Year of the Monkey tapos gumupit na lang ako sa scratch paper ng buntot nito. Actually, natutunan ko ang parlor game na ito mula sa isang cartoons. Noong grade 5 ako, ang RPN-9 (now CNN Philippines) ay kagaya rin ng iba pang TV networks; nagpapalabas din ng vintage cartoons and animé (tulad ng Dragon Ball na first time napanood dito at naka-dub pa sa English). Kabilang sa daytime toon block ng channel 9 ay ang very popular “Casper: The Friendly Ghost”. Sa isang episode kasi doon, si Casper ay sumali sa isang Halloween party at ang kanyang pagiging multo ang kanyang costume mismo. Sa isang game doon, ang ‘pin the donkey’s tail’, ang player ay nakapiring ang mga mata at kailangang matantiya niya kung saan banda sa donkey illustration itutusok ang buntot na tela. Kaya lang napalayo si Casper at naitusok pa niya ang buntot sa tunay na donkey na agad siyang nasipa at tumilapon siya sa dram ng tubig kaya natunaw ang pintura niya sa sarili. At nang nalaman ng mga tao na tunay pala siyang multo ay kumaripas ng takbo ang mga ito. Haha, thanks, Casper!
Basta masaya ang party. Pagkatapos magsikain ng mga bata, exchange gift na at pati ako ay nakatanggap din ng mga regalo. May okasyon naman, eh. Mabuti naman at may mga batang nagpaiwan muna para tulungan akong maglinis at ayusin muli ang classroom.

*******
Disyembre 21. Mabuti na lang at hindi ako tumuloy sa lakad ko nitong umaga kundi ay hindi ko mapapanood ang Miss Universe 2015 Coronation Night na palabas sa ABS-CBN live from Las Vegas kahit na patapos na ito. Lalo ko yung tinutukan nang tinawag na ang finalists at kasama pa si Miss Philippines Pia Alonzo Wurtzbach; pagdating sa Q & A portion, wow, napakagaling ng sagot niya as in confidently beautiful with a heart.
At ito na ang twister, hindi lang twist. Sa pag-anunsyo ng mga wagi, yumanig malamang sa Las Vegas. Second runner-up- Miss USA; kapansin-pansin ang pagbawas ng tamis sa kanyang ngiti at paglamlam ng kislap sa kanyang mga mata. First runner-up- Miss Philippines; kitang-kita naman na tanggap na niya ang kanyang kapalaran. And this year’s Miss Universe... ninanamnam na ni Miss Colombia ang kanyang tagumpay pero bakit parang hindi nagbubunyi ang karamihan sa mga tao? Wait, I made a mistake... at least, the comedian-host was man enough for atonement. And presenting Miss Universe 2015: Miss Philippines! Glory and honor for the country, great Christmas presents not only for Pia but for the whole Filipino nation as well.
*******


Replica of the X-Wing Star Fighter at the Star Wars exhibit at SM Mall of Asia

Disyembre 22. Sa araw na ito ng maaliwalas na panahon habang inoobserba ang winter solstice kahit wala namang winter season dito sa Pilipinas, isang Christmas gift na ang makapanood ng most anticipated movie ng taon, ang Star Wars VII: The Force Awakens sa SM Mall of Asia Cinemas. First time pa lang na nabanggit yun sa entertainment news ay inabangan ko na at hindi ko talaga palalampasin sa sinehan. 251 pesos ba naman, o! Ah, may ipon naman ako para dito at saka minsan-minsan lang ito. Ang nanay at tatay ko lamang ang libre sa ticket!
Habang hindi pa nagsisimula ang latest installment ng Star Wars saga, nagmumuni-muni muna ako. Huli pa akong nakapanood ng sine noong 2006 pa at sa Masagana pa yun sa Libertad (now Puregold-Wellcome Plaza); kaya nga napakalaking kawalan ng Masagana cinemas na bukod sa mas mababa ang presyo ng tiket ay wala rin namang pinag-iba sa mga sinehan ng mas malalaking mall. Marami na akong napanood na sine doon noong wala pang isandaang piso (ranging from 60 to 80 pesos only!) ang presyo ng mga tiket tulad ng “Passion of the Christ”, “Troy”, “Shrek 2”, “Hellboy”, at doon ko pa napanood ang “Star Wars III: Revenge of the Sith”. Nakapanood din ako ng local films doon tulad "Panaghoy sa Suba", “Enteng Kabisote”, “Moments of Love”, "Batanes", at ang first full-length Pinoy animated film na “Urduja”. Nabanggit ko rin sa past blogs ko na nakapanood din ako doon ng dalawang adult-oriented films, ang “Basic Instinct 2” at “Casa”. Basta, nang nanood ako doon, naka-disguise ako bilang lalaki at lalong ayoko nang may katabi! Ang isa pa sanang budget-friendly cinemas ay nasa Pearl Plaza sa Tambo, Parañaque at hindi ko alam kung operational pa ba ang mall na yun; basta doon kami nakapanood ng magagandang sine ng early dekada 2000s- “A.I. Artificial Intelligence”, “Home Along da River”, at ang “Mano Po 1”. Ang dami namang tumangkilik sa mga sinehan nito pero bakit hindi nagtagal?
Sarado na nga pala ang karamihan sa mga stand-alone o maliliit na sinehang hindi sakop ng mga mall. Mula nang ‘nasunog’ umano ang Masagana at naging Wellcome Plaza makalipas ng maraming buwan, wala nang sinehan. Talamak na talamak na kasi ang movie piracy para sa masang hangad lang ay murang entertainment. Ipapalabas din naman ang mga sine sa mga cable movie channels basta maghintay ka lamang, hehehe! Yung ilang sinehan ay operational pa rin but in a different way; nagpapalabas pa rin sila ng mga sine, lumang sine na inaanunsyo ng mga hand-painted marquee pero adult films na karamihan ay gay erotic flicks... tapos, ang sinehan ay pugad pa umano ng kalaswaan at pagkalat ng mga sakit na kahit ilang beses nang ni-raid ng pulis, bumabalik pa rin makalipas ng ilang linggo; business as usual.
Naantala ang pagninilay ko nang nagsimula na ang sine with the opening words of “A long, long time ago in a galaxy far, far away...” at nasundan ng iconic musical score na akala mo’y isang malaking batalyon ang mga miyembro ng orchestra ang tumutugtog. The movie’s great! Hay, ang sarap mag-imagine... paano kung totoong may mga ganoon ngang sibilisasyon? Paano kung ang galaxy na iyon ay ang Whirlpool Galaxy o isa sa mga extragalactic system ng Virgo constellation? Dito ba yun sa Milky Way? Meron pa bang ibang sibilisasyon anywhere in the Universe bukod sa mga taga-Earth?
*******


Disyembre 25, araw ng Kapaskuhan. Kayganda ng panahon. Habang hinihintay naming magsimula ang pang-umagang Misa sa Our Lady of Loreto Chapel sa loob ng Camp Jesus Villamor Air Base, nag-usyoso kami sa mga naka-exhibit na mga kubol sa di-kalayuan. Bawat booth ay may mga mensahe at makikita dito kung gaano ka-malikhain ang iba’t ibang departamento ng Philippine Air Force na lumahok dito. Gumamit din sila ng indigenous and recycled materials. Ngayong taon ang motifs and themes ng bawat kubol ay hango sa sikat na awiting Pamasko na “12 days of Christmas” na paulit-ulit na inaawit pero meron palang kino-convey na mas malalim na mensahe ng religious observance ng Pasko.





*******

Kabilugan ng Buwan Noong Gabi ng Pasko 2015
The most beautiful in the night sky last Christmas

“O, Maliwanag na Buwan”
(Tagalog lyrics by Levi Celerio from the Ilocano folk song “O, Naraniag nga Bulan”/
 Made popular by Pilita Corrales)

O, maliwanag na buwan
Nakikiusap ako
Ang aking minamahal
Sana ay hanapin mo.
Tadhana man ay magbiro
Araw man ay magdaan
Ang pag-ibig ko sa kanya
Ay hindi magbabago
Hanggang sa kamatayan.
(Chorus)
O, buwan, sa liwanag mo
Kami ay nagsumpaan ng irog ko
Giliw ko ang sabi niya
Ang puso ko’y iyong-iyo.
O, buwan, pakiusap ko
Saan man naroroon ang irog ko
Siya’y aking hinihintay
Sabihin mo.
*******

Disyembre 28. Ngayon ay Feast of the Holy Innocents. Ito ay ang paggunita sa mga abang paslit na pinapatay ni Herodes sa pagtugis sa Batang Panginoong Hesus. Parallel event ito noong kapanganakan ni Moses. Hanggang sa makabagong panahon, napakarami pa ring mga inosenteng musmos, kasama yaong mga hindi pa ipinanganak nang masilayan naman ang mundo, ay nagbuwis ng buhay at kabataan nila dahil sa mga makasariling hangarin ng ilang tao. Mga batang iminulat na sa karahasan at sapilitang isinasali sa kaguluhang pinasimulan ng mga matatanda. Mga batang napariwara ang buhay bunga ng katiwaliang naidulot sa kanilang pagkatao at kasalatan sa wastong paggabay kaya sa murang gulang pa lamang ay nagdurusa na sila. Mga biktima ng kahirapan, pang-aabuso, at iba pang sanhi upang hindi malasap ng isang bata ang isang magandang buhay. “... sa kanila ang Kaharian ng Diyos,” winika ng Panginoon nang pinalapit sa Kanyang piling ang mga bata. Pagpalain nawa ng Panginoon ang lahat ng kabataan ng mundo. Amen.
*******
Disyembre 29. Nagpapatuloy ang 2015 Metro Manila Film Festival. Very disappointing nga lang sa SM MOA cinemas kasi akala ko lahat ng kalahok na pelikula ay ipinalalabas doon. Tapos wala palang free tickets for seniors basta MMFF entries; discount, meron. Ang gusto ko pa naman panoorin ay ang “Nilalang”; at kung hindi lang ito ang palabas, di bale na lang; trip ko pang mapanood ang mature na si Maria Ozawa kaysa sa wholesome pang dubsmash-dubsmash na lang na si Maine Mendoza, hehehe! Kaya lang, ang nanay at tatay ko ay nanood ng isang sine at yun ang “My Bebe Love #KiligPaMore”. Ayoko nga nun! Nakikinita kong ang ‘pa-good vibes’ daw na popular na sine ay corny, mababaw ang plot, at pulos advertisement ng mga commercial products... I’m so sorry, Eat Bulaga at sa AlDub nation, honest lang ako dito. Pumili na lang ako ng ibang pelikula kahit na nanghihinayang ako sa babayaran kong tiket. May mga horror movies, action thriller tapos mga corny rom-coms. At napagpasyahan kong piliin ang “#WalangForever” para malaman kung bakit sina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales ang mga itinanghal na Best Actress & Best Actor at ang naturang pelikula ay ginawaran pa ng Best Picture accolade.
Halos mapuno ang Cinema 2 ng mga manonood pero mabuti na lang at wala akong katabi! Ang “Walang Forever” ay isang bittersweet rom-com na sa simula’y medyo boring para sa akin tapos puro na lang daldal nang daldal ang mga characters na kahit na nagpapakwela na at humahagikgik na ang karamihan sa mga manonood, hindi ako affected o kaya’y bato na ako sa punyemas na kilig factor ng ganoong uri ng sine. Pero as the movie progresses, with the hugot-kulangot moments intensifying, sa wakas, nabighani na rin ako sa kwento.
*******

Disyembre 30. Araw ngayon ni Gat José Rizal. Sayang at hindi ako nakapamasyal sa Rizal Park. Siyanga pala, may napulot akong cutout picture galing school at ito ay mula sa isang lumang magasin na larawan ng Luneta noon. Base sa pananamit at porma ng mga tao sa litrato lalo na yung bell bottoms, dekada ‘70s ito. Mapapansin ang itsura ng lugar noon na hindi ganoon kadami ang mga puno at mga halaman. At mas marami pa palang “pambansang photobomber” noon sa likod ng monumento ni Rizal! More unattractive than the Torre de Manila of today!
Sa laidback na araw na ito, hay sa wakas, napanood ko na sa TV5 ang last episode ng “X-Men Animated Series”. Inabot pa ng dalawang dekada. Kumpleto na ang excitement na nagsimula pa noong 1993 nang una ko itong pinanood at sinubaybayan tuwing Friday primetime slot ng channel 2 noon. Sa kabanata, si Professor Charles Xavier ay naghihingalo na dahil sa matagal nang iniindang sakit kaya bilang huling respeto sa kanya, ilan sa kanyang mga estudyante ay sumadya sa kuta ni Magneto upang ipaalam dito ang nangyari at humingi rin ng tulong dito na mapadali ang komunikasyon nila kay Empress Lilandra mula sa malayong planeta nito. Sa isang iglap ay nag-teleport si Lilandra para pagalingin si Professor X pero sa kondisyong dadalhin na niya ito sa kanyang planeta at mananatili doon sa di-tiyak na panahon. Yun na ang huling pamamaalam ni Professor X sa kanyang X-Men family at mga kaibigan na nagsama-sama habang pinanonood siya at si Lilandra na lumisan patungo sa kabilang dako ng Universe. Hey, ang ganda ng finale pala nito.
*******
Disyembre 31. Bisperas ngayon ng Bagong Taon tapos makulimlim pa ang panahon at may pagbabadya ng ulan. Napanood ko sa Cinema One itong original at ‘80s hit movie na “Petrang Kabayo at ang Pilyang Kuting” starring Roderick Paulate na kilala pa noon pa sa funny gay roles at ang emerging child star na si Aiza Seguerra along with popular teen celebrities. Ito ang trip ko kaysa yung modern remake, hmp! Nakakatawa talaga ang tandem nina Roderick at Aiza. At saka, merong eksena doon na sa palagay ko’y pinagmulan ng pangalan ng isang pinagbabawal na paputok. Nang nalaman ng bida na nagiging kabayo na siya dulot ng sumpa at hindi niya alam kung paano siya makakalaya sa pamamagitan ng tatlong kabayanihang kailangang magawa niya bago ang 21st birthday niya, isa sa mga suicide attempts niya na nauwi lang sa kapalpakan at katatawanan ay nang lulundag na sana siya mula sa mataas na bahay na matapos mag-emote-emote ay sumigaw pa ng “goodbye, Philippines!” sabay nahulog siya sa trak ng basura!
Pero wala naman akong balak magsindi ng paputok ngayong bisperas. Tapos na ako doon noon pa. Halos buong gabing may mahinang pag-uulan pero hindi pa rin nito napigilan ang pagbulusok ng aerial fireworks. Maganda nga na umulan para mahugasan ang pulbura sa kapaligiran. Looking back 2015, the usual ups and downs. Mga di-malilimutang karanasan, tagpo, biyahe, people, along with all else. The goat or the sheep has the last baa-baa and meeeh-meeeh, and the monkey is already hoppin’ and swingin’ in at saka timing nga naman ang hit single with its cute music video of groovy dancin’ chimps ng bandang Coldplay para sa “Adventure of a Lifetime”.
What’s in store for 2016? Perhaps, I would be still running in circles. Pero ayoko nang magpaka-pessimistic. Kung walang katuparan ng pangarap, sigh... ganoon na lang siguro kahit ano pang effort ko. Higit sa lahat, sa paghihiwalay ng luma at bagong taon, ako’y nagpapasalamat sa Panginoon sa Kanyang mga biyaya sa ating lahat.
Maligayang Pasko at Masaganang Bagong taon!



Friday, November 27, 2015

November Rain and El Niño


Fra Angelico's Sermon on the Mount

“The Beatitudes”
 From Matthew 5:1-12

Seeing the crowds, Jesus went up the hill. There He sat down and was joined by His disciples.
Then He began to speak. This was what He taught them:
“Blessed are the poor in spirit; theirs is the kingdom of heaven.
Blessed are the meek; they shall inherit the earth.
Blessed are those who mourn; they shall be comforted.
Blessed are those who hunger and thirst for what is right; they shall be satisfied.
Blessed are the merciful; they shall have mercy shown them.
Blessed are the pure in heart; they shall see God.
Blessed are the peacemakers; they shall be called children of God.
Blessed are those who are persecuted;  theirs is the kingdom of heaven.
Blessed are you when wicked men abuse you and persecute you and speak all
kinds of calumny against you all because of Me.
Rejoice and be glad for your reward will be great in heaven.
This is how they persecute the prophets before you.”
*******

“The Brave and the Lonely” by Robert Vaughan /  Published by River Books

            Ika-6 ng Nobyembre. Gabi. Sa wakas, natapos ko na ring basahin ang isang lumang American paperback na “The Brave and the Lonely” ni Robert Vaughan. Inabot ng 12 taon bago ko ito natapos basahin at ganoon din katagal bago ko ito na-appreciate kahit na nag-scan and skim reading ako sa ilang pahina nito na pulos paragraphs of military and scientific jargon, sangkaterbang technical descriptions and other terms so alien to me. 12 taong natengga ito sa loob ng aparador na natambakan pa ng mga local and imported paperbacks. Noong 2003, maaga akong umuwi mula AIMS dahil wala ang mga titser namin kaya wala rin klase. Dumaan muna ako sa noo’y nakatayo pang Holiday na dating sinehan tapos naging commercial building at nitong 2014 naman ito na-demolished at hanggang ngayon ay tiwangwang pa rin ang napakalawak na loteng minsa’y kinatirikan nito sa kanto ng Libertad at F. B. Harrison. Meron pang Merriam-Webster Bookstore branch sa Holiday. Naghanap ako dito ng gusto kong libro at napagtripan ko ang “The Brave and the Lonely” na nagkakahalaga lamang ng 40 pesos. Napuna kong second printing na lang pala ito circa 1993; ang first printing ay noong 1982 pa. Para bang ni-reprint in romance paperback format kahit na hindi talaga mukhang full-pledged romance genre ang nobela. Binasa ko na noon pa ang ilang kabanata at pagkatapos ay napangitan ako kaya hindi ko na pinagtiyagaang tapusin ang pagbabasa at pag-unawa dito. Makapal kasi; pero meron pa nga akong tatlo pang American romance paperbacks sa aking koleksyon.
            Sa cover illustration at back cover teaser nito, mapagkakamalan itong katulad din ng typical romance genre na nakatambak sa mga BookSale branches yet the story tell otherwise. Mayroon nga siyang romantic, intimate chapters with dose of eroticism just like in any title of the women writers-dominated Harlequin books and other romance publications; well the author of the featured book here is a man and a former soldier as well. If it is made into movie, it will be an epic film, a World War II flick, yet it’s not all about the womanizing escapades, sports/military exploits of the G.I. protagonist but how he and his all-American family coped up with their lives during the war. The novel, despite the tragic scenes and relationships gone sour, had a satisfying and happy ending which will make the reader happy, too. 
            Nitong mga nagdaang linggo ko lang binalikan ang “The Brave and the Lonely”. Naawa ako sa libro. Ang binding nga nito ay walang kagusut-gusot nang binili ko; palatandaan na wala pang bumabasa dito nang buo sa loob ng matagal na panahon. Subalit ang isang ito, katulad ng iba pang aklat sa aking koleksyon na ang karamihan ay mga pinaglumaan na at halos nilimot na ng panahon na mga binili ko sa isang BookSale branch tulad ng 15-peso each na “Chariots of the Gods?” (Erich Von Däniken) at “Mythology” (Edith Hamilton) ay destined to be mine.
            Let’s talk about the Robert Vaughan novel again. Ang naglathala nito ay ang River Books na wala ngang nakasaad kung saang lupalop ng Estados Unidos ang tanggapan nito pati mga pangalan ng editorial staff at ang talented artist na gumawa ng cover illustration ay hindi rin nabanggit sa copyright page. Basta, nasa huling pahina ang tungkol sa may-akda na mayroon palang military background bago siya nag-settle down with a peaceful family life and full literary career. Nag-Google search pa nga ako tungkol sa taong iyon at meron pang kapangalan pero meron talagang tungkol sa kanya at base sa larawan ay balbasarado na pwede mong mapagkamalang si Kenny Rogers. Marami na pala siyang naisulat na nobelang may kinalaman sa American history pati mga tungkol sa ibang digmaan lalo pa’t ang military experiences niya ang naging inspirasyon niya sa plots and themes ng mga ito.
            Sa panahong ito na ang bukambunganga na lang ng ilang “influential” readers and bloggers ay tungkol sa mga Wattpad, Nicholas Sparks novels, Hunger Games, Fifty Shades of Grey, at iba pang “popular and trending bestsellers” umano na prominenteng dinidispley ng National Bookstore & Powerbooks at mga balang araw ay kukupas din ang kasikatan ng mga ito. Hayaan na lang sila sa trip nila at hayaan din ako sa trip ko. Wala akong interes sa mga ganoong libro dahil higit pa akong nakatatagpo ng mga magagandang kwento, ng mga bagong mundo na aking nararating sakay ng aking imahinasyon sa mga obscure at naeetsapwerang aklat. Sa nobela ni Mr. Vaughn, para na rin akong nakasakay sa may cockpit ng isang World War II bomber plane at tanaw na tanaw ko na ang mga Nazi targets. O, di kaya’y nakapamasyal ako somewhere along the scenic, small towns of the American Midwest. And then, sinundan ko ang mga physicists sa pag-imbestiga sa epekto ng atomic bomb sa mismong ground zero ng Hiroshima; oh, the humanity! Pero sa nobela, lalo akong na-familiarize sa tinatawag na Manhattan Project na isa palang grand plan of human sacrifice to bring the empire of the sun to her knees. At katulad ng iba pang war-themed literary works, mayroon itong pagpapaalala na sa bawat digmaan, ang lahat ng panig ay talunan.
It’s just that the story’s great and sparks the imagination. It felt like visiting a family on the other side of the planet and listening to their joys, sorrows, and glories, including the intrigues and weaknesses which challenged their all-American values. Hey, wait up! Ayon sa mga aklat ng kasaysayan ng Pilipinas, nadamay lang ang bansa sa digmaan dahil sa pagiging sakop pa rin ng Amerika. Tsktsktsk... yun ay isang mabigat na katotohanang naba-bypass sa mga pelikula at panitikang may temang WW II.
Well on the other hand, sa mga booklovers out there, believe me, palagi na lang ba kayong susunud-sunod sa mga nagbabandera ng mga listahan ng “bestsellers” na highly-recommended ng mga literary critics na dapat basahin? It’s up to you. And as for me, some least known books are actually among the coolest books.
*******
Nobyembre 14. Matagal ko nang pinaghandaan ang araw na ito. Pagkagaling ko sa enrollment para sa graduate courses sa City University of Pasay, nagpunta naman ako sa Maynila. Pero bago yun, dumaan muna ako sa Chowking sa Taft bago sumakay sa LRT kasi gusto ko munang mananghalian. Kailangang magpakabusog.
Habang ako’y lumalamon ng mga inorder ko, sa gilid ng aking paningin ay inoobserbahan ko rin ang mga tao sa paligid ko. Ah, matagal na ang Chowking dito sa Wellcome-Puregold na tinatawag pa noong Masagana Citimall. At kanina naman, sa kalapit na table dito rin sa Chowking, may isang pamilya- ang mag-asawa at dalawa nilang anak na babae na sa uniporme pa lang ay mga mag-aaral ng St. Mary’s Academy sa may Padre Burgos (may Saturday class kasi sila) at yung isa ay naka-gayak pa na galing sa kanyang First Communion; suot pa nga niya ang kanyang maikling belo. Hindi ko maulinigang nagkukwentuhan ang pamilyang iyon habang nilalasap nila ang masasarap nilang orders o kahit tapos na silang kumain. Bawat isa kasi ay abalang-abala sa hawak na cellphone at iba pang gadgets. Siguro, yun ang tinatawag na “modern Filipino family”.
Nag-LRT na ako patungong Doroteo Jose Station. Sa totoo lang ay nostalgic para sa akin ang Recto lalo na kapag napapansin ko ang tambak ng sangkaterbang lumang aklat pati ang ilang tindahan dito tulad ng Merriam-Webster Avenida branch at ang mga diced hopia.
Habang patungo ako sa Isetann Recto, nadaanan ko ang mga nakabalandrang “red light district” sa tabi-tabi pati mga beerhouse na katanghaliang-tapat pa lang ay may mga “matinee shows” na ayon sa “menu” ng mga naka-displey na marquee sa entrance ng mga ito. Siguro, iri-raid ng awtoridad ang mga ito at ipapasara ng city hall at pagkatapos ng ilang buwan o kahit linggo pa, pag malamig na ang sitwasyon, business as usual uli.
Hindi naman pasyal at gala ang sadya ko sa Isetann. Ngayong taon, dito naman ginanap ang Dugong Bombo 2016 ng Bombo Radyo Network at ng 102.7 StarFM samantalang maraming taon din naging venue noon ang mas malawak na SM Manila. Pagdating ko sa event center, walang mahabang pila. Naroon pa rin ang usual questionaires, interview, at CBC. Maraming salamat sa Panginoong Diyos, ako’y naging qualified blood donor muli. Pinaghahandaan ko talaga ang ganitong pagkakataon sa pamamagitan ng rosaryo, St. Jude’s novena recitation, at pagpapatuloy ng healthful living. Ang blood donation ay isang pagkakawanggawa na dedicated sa Panginoon at sa paglilingkod sa kapwang nangangailangan at hindi ito dapat i-flaunt. Tagumpay pa rin ang event dahil sa pagtutulungan ng stakeholders at tuluy-tuloy na pagdating ng donors. Sana, sa susunod na taon, sa SM MOA naman ganapin ang Dugong Bombo dahil doon ang maraming tao.
*******
Instant bakasyon nang idinaos ang Asia-Pacific Economic Cooperation Summit dito sa bansa. Kaya lang hindi pwedeng maglalabas at mahirap mag-commute sa lawak ba naman ng sakop ng road closures. Siguro ang mas nag-enjoy ay ang gaya ng mga taga-Marikina o Valenzuela at San Juan at iba pang hindi naman gaanong apektado. Ang huling APEC dito sa bansa ay ginanap noong 1996 pa kung saan gumastos daw nang katakut-takot ang Ramos administration; pinagawan ng seaside villas sa Subic ang mga delegado. At makalipas ang maraming taon, karamihan sa mga villa ay napabayaan na. Kung hindi na talaga maaaring magkaroon ng commercial value ay pwede nang resthouse para sa mga unggoy mula sa mga kalapit na kagubatan.
Kaygaganda ng mga APEC objectives na huwag sanang maging ningas-kogon lang. Mayroon ding mga kilos-protesta ng mga aktibista. Sa palagay ko, ang mga maka-kaliwang grupong ito ay tila ba hindi masaya sa kahit sinong pangulo ng Pilipinas na nasa pwesto! Hehe, natural sa maraming tao ang magpadaig sa bugso ng damdamin at ang umuusok na naglalagablab na angst ay nangangailangan ng outlet. Makikita yun sa mga vandalism na ginawa ng mga miyembro nila sa mga pampublikong lugar tulad ng ilalim ng mga LRT tracks at tulay, tsktsktsk! Kung isang clone siguro ni Karl Marx ang maging presidente ng bansa, siguro magdiriwang ang mga ito basta kapareho nila ng ideolohiya... at kapag humantong sa punto na hindi na nila gusto ang pamamalakad ng lider, hayun na naman sila sa mga lansangan tapos paghuhulihin sila at saka ikukulong sa mga gulag; pagbabayaran nila ang public scandal at bandalismong nilikha ng mga kilos-protesta nila sa ‘hard labor for the state’.
Demokratiko naman ang kalagayan dito sa bansa at malaya ang mga mamamayan na maghayag ng saloobin. May mga sang-ayon din naman sa ipinaglalaban umano ng mga militante lalo na ang tungkol sa excesses of globalization and the scourge of labor contractualization schemes. Ang APEC ‘products’ ay sadya talagang mayroong pros and cons.
*******

Noong isang araw ay muli akong nakadaan sa Merriam-Webster Bookstore Avenida na malapit sa kanto ng Recto. Kapansin-pansin na ang MW branch na ito ay halos frozen in time; tipong “old curiosity shop”. Maraming tindang aklat ang lumang-luma at maalikabok na pati mga magasing naninilaw na ang mga pahina subalit ang mga presyo ay katulad na katulad pa rin noong sinaunang panahon nang first time dinispley ang mga ito sa mga bookshelves! Hindi sila nagki-clearance sale kagaya ng marketing scheme ng maraming bookstores as in “everything must go” para maka-attract naman ng maraming mamimili. Naroon pa rin ang tambak ng higit sa dalawang dekada nang mga Valentine Romances na para bang mula nang ako’y nakabili ng limang titles nito way back in 2011 ay hindi na muling nabawasan pa ang stock nito! Well, sa MW branch na ito matatagpuan ang ilang great classics na hindi naman mahahanap sa mas malalaking bookstores. Halimbawa ay ang original “Fairy Tales” ni Hans Christian Andersen na nabili namin dito noong 1999. Makikita rin ang “The Picture of Dorian Gray” ni Oscar Wilde at ang “Sons and Lovers” ni D.H. Lawrence.
Dalawa pang vintage local romance paperbacks ang binili ko dito. Kahit na higit sa dalawang dekada na ang lumipas, ang presyo ay ganoon pa rin! Natapos ko nang basahin ang mas maikli- “Tanikala ng Puso” (1995) ni Mabini D. Castillo. Ayos naman ang takbo ng kwento pero kulang sa editing and proof-reading kaya madalas hindi maintindihan ang pagsasalaysay. Yung mas luma at mas makapal naman na “Regie” (1991) ay kay Maria Elena Cruz na may isa pang short romance novella ang nabasa ko na, ang “Hindi Isang Paru-paro Lamang” mula sa Valentine Romances with “Books For Pleasure” as the publishing company. Ang may-akda ay isang proud Mindoreña dahil special mention lagi sa mga nobela niya ang kanyang probinsya na Oriental Mindoro.
Sa totoo lang, ang “Regie” ay may level nang tulad sa heavy contemporary Pinoy literature at hindi casual “romance novella” at pag binasa mo ay nagpapaalala ng mga katha ni Lualhati Bautista na palaging pina-book report sa panghayskul na Filipino subject. Yun nga lang, ang nabanggit na nobela ay isang mature, adult-oriented novel na mayroong slightly discreet pornographic na pagsalaysay sa ilang kabanata nito with frequent foul language. At saka, yung mga pangunahing tauhan, bagamat may mga itsura ayon sa narration, ay hindi mga ideal and attractive ang personality; tipong hindi halos kaibig-ibig na mga tao. Well, sabihin na lang na very human lang sila. Middle class working people in contrast to the conventional “rich, elegant, and sheltered characters” ng karamihan sa mga romance paperbacks ngayon and especially from those Wattpad novels! Human condition ang may heavy portrayal sa nobelang ito at di lang romansa.
Kahit 1991 pa inilathala ang nobela, ang setting and time elements ay late ‘70s or closing years na ng Martial Law hanggang Agosto 21, 1983 onwards kung saan sa huling kabanata ay tungkol sa mga tagpo nang ang mga tauhan ay nagtungo sa libing ni dating Senador Ninoy Aquino. Very retro ang feeling, transporting you back in time, noong hindi pa grabe ang trapik sa Metro Manila, ang mga NPA ay puno pa ng ideolohiya at hindi ang tungkol sa extortion sa mga small to medium enterprises ang pinaggagawa, at ang araw-araw na pamumuhay ng nakararaming tao ay maayos pa rin kahit na hindi pa sumasagi sa isipan nila kung ano ang cellphone at lalo na ang Internet. Panahon din ng Marcos regime ang nasa nobela at mababasa ang iba’t ibang pananaw ng mga tao sa panahong iyon; basta, makakatagpo ng fascination ang mga readers nito. About the characters? Nakakainis ang mga characters sa totoo lang, hehe! Ngunit mahusay silang hinulma ng may-akda bilang flawed characters na ninakawan ng innocence ng magulong lipunan at mga sitwasyon and with all the discourses on existentialism blahblahblah. And Madame Maria Elena Cruz made sure that the main characters are soulmates in order to have their own happy ending as well pagkatapos malampasan ang mga pagsubok sa buhay.

Saturday, October 31, 2015

OktoberZest Fountain

The Road to Damascus

*******
            October 7, 2015, the Feast of Our Lady of the Most Holy Rosary. Mainit na ang pulitika sa bansa kahit pa matagal na matagal pa bago mag-eleksyon. At nalagay di lang sa hot seat kundi sa bumubulwak pang lava ang senatoriable na si Francis Tolentino dahil sa isang malaswang palabas daw na bahagi ng political sortie ng mga kapartido niya sa Laguna. Nagmistulang stag party raw o floor show sa isang beerhouse kaya tuloy katakut-takot na batikos ang tinanggap niya. Mala-ordeal by fire ang nangyari ngunit nasilayan ng madla na very human pa rin ang dating MMDA chairman at taglay ang guts upang humingi ng kapatawaran at aminin ang kanyang malaking pagkakamali. Isang kahanga-hangang katangian na dapat taglayin ng isang public servant hindi tulad ng ibang kilalang tao na sila na nga itong nagkamali tapos ang tigas pa ng mukha sa pagkibitbalikat sa kanilang pagkakasala.
*******
            Oktubre 11, 2015. Nang nagsimba kami sa Our Lady of Loreto Chapel sa loob ng Camp Jesus Villamor Air Base, ang Gospel reading ay tungkol sa “the rich but foolish young man” na nais maging alagad ng Panginoon subalit hindi niya naman magawang iwan ang karangyaan. Kagabi lamang sa TLC channel, mayroong travel show na featured ang isang Buddhist meditation exercises na kahanay ng yoga. Sa transcendental meditation, whatever the religious background, matutong mag-let go, ang bitiwan ang mga attachments na nagdudulot ng mga pag-aalala in order to liberate your self. Going back to the Gospel, kung literal ang pagkakaunawa sa diskurso doon, magkakaroon nga ng pag-aalala lalo na kung marami ka nang naipundar na kayamanan na pinagsumikapan mo pa naman. Subalit ang pagiging mayaman at pagiging tapat sa pagkakawanggawa o pagtulong sa kapwa ay maaari naman magsama, di ba? May punto rin si Willie Revillame nang minsang na-interbyu. Prangka siya sa pagsagot sa tanong kung anong pipilin niya- simpleng buhay o marangyang buhay? Marangyang buhay raw para sa kanya dahil kung marami kang salapi, higit na maraming pagkakataong makatulong sa kapwa at ibahagi ang kayamanan sa nangangailangan. Eh, opinyon niya yun; kaya lang sa nabasa kong life story niya sa Yes Magazine, talagang matagumpay siya sa showbiz career ngunit hindi sa pagkakaroon ng isang buong pamilya na kapiling niya sa loob ng isang masayang tahanan.
            Subalit nagbabala ang Panginoon tungkol sa “attachments”. Ang panahong nakalaan para sa Diyos ay para lamang sa Diyos. Panahong walang nakabalandrang attachments na magiging distraction lang natin sa pag-ibig Niya.
*******

            Para sa bawat makabayang Pilipino, dapat ngang iboykot ang mga mapa at lalung-lalo na ang mga globong “made in China”. Mapapansin talaga na sa bahagi ng Southeast Asian region, lantaran ang pagkalimbag ng tinaguriang “nine-dash claim” sa napakalaking bahagi ng South China Sea at pag-label ng “Nansha Islands” sa mga pinag-aagawang teritoryo dito. Such a great deal of greed!

            At saka, madalas na ang mapapanood na lang na mga balita galing mainland China na isinisingit sa mga local news programs ay tungkol sa mga madalas na road accidents doon because of human errors and even stupidity o di kaya’y pagguho ng mga gusali nilang mahina naman ang pagkakayari tapos mga inosenteng bata na napapahamak kung saan-saan gaya ng natusok ang kamay sa elevator o nahulog sa butas sa lubak-lubak na kalsada. Tsktsktsk! Bakit ba nagiging “international news” ang mga ito? Siguro, di lang dito sa Pilipinas iniuulat yun. Ano yun? Para kapulutan ng aral tungkol sa pag-iingat? O, hayaang mag-isip ang mga manonood ng pang-uuyam at pangungutya sa ilang tao sa China?
            Sana, ang mga susunod na balita galing China ay ganito: nagbibitak-bitak na ang mga pasilidad nilang ipinatayo sa mga inangkin nilang isla sa West Philippine Sea dulot ng hostile weather condition and rough seas tapos ang mga taong ipinadala nila doon ay labis nang nabuburyong at depressed pa kaya nagngangalngal nang ibalik na sila sa China dahil unti-unti nang gumuguho sa tindi ng mga storm surges tuwing may nananalasang bagyo ang mga ipinagmamalaki nilang “self-sufficient city” daw doon. O di kaya, ang mga Chinese poachers ay naka-engkwentro ang mga Abu Sayyaf tapos hinostage sila at inagaw ang kanilang “state-of-the art” fishing vessels kaya ang gobyerno nila ay nagmakaawa sa gobyerno natin na tulungan naman sila. O, kung may good news man, sana mga ganito: sunud-sunod na bumagsak sa kamay ng batas ang mga big time Chinese drug dealers na dinakip sa iba’t ibang bahagi ng mundo, malaya na ang mga Chinese political detainees na di-makatarungang ikinulong ng gobyerno nila; at sa wakas, nasilayan muli ng Dalai Lama ang kanyang dating tahanan sa Lhasa, Tibet kahit sandali lang nang hindi man lamang nababatid ng Chinese government.
            Well, here in the Philippines, democracy and responsible practice of the right to freedom of expression prosper on and on!
*******


“Basic Instinct 2”
            Nang ako’y naiwan mag-isa sa bahay namin, pinanood ko na sa wakas ang binili kong original DVD ng sad to say, commercial flop umanong “Basic Instinct 2” na nagkakahalaga lamang ng 99 pesos sa Astroplus sa SM MOA. Actually, ito ang unang adult film na pinanood ko sa sinehan at sa dating Masagana Cinemas pa yun sa Libertad corner Taft Avenue; now, the said mall was called Wellcome Plaza-Puregold at ang Eng Bee Tin plus ang Chowking sa ground floor ang ilan sa mga pwesto na magpasa hanggang ngayon ay nananatili pa rin. 2006 pa yun noon, mag-isa lang ako sa sinehan na walang masyadong nanonood at naka-disguise pa ako bilang isang lalaki! Lakas-tama ng trip,a! Pero kailangan, eh, at palagi ko yung ginagawa tapos ayoko rin ng may katabi! Ang ikalawa at huling adult flick na inusyoso ko ay ang local erotic but not that pornographic “Casa” starring then starlet Asia Agcaoili and wonderin’ where’s she now?
            Going back to the aforementioned DVD movie, una akong naintriga sa sineng ito nang nabasa ko sa dyaryo noong Marso 2006 ang isang panayam kay Sharon Stone at pagkatapos, naging goal ko na bago matapos ang buwan ay dapat mapanood ko yun sa Masagana Citimall. Kahit na hindi gaanong maintindihan ang maraming conversations lalo na ang London cockney accent ng mga British actors, naunawaan ko pa rin ang takbo ng plot ng naturang erotic thriller na sa disappointing results nito sa commercial cinemas, malayung-malayo raw sa tagumpay ng naunang Basic Instinct (1992).
            Ang character ni Sharon Stone bilang Catherine Trammell ay masasabing anti-heroine, pang-movie villainess talaga subalit hanggang sa pagtatapos ng pelikula, ang mga movie viewers ay mahihiwagahan pa rin kung ang irresistible femme fatale na ito ay tunay bang guilty o di kaya’y pinaghihinalaan lamang siya dahil na rin sa ginagawa niyang pagmamanipula o mind games sa kanyang mga biktima of mostly men who got so obsessed with her and ultimately brought to their self-destruction. After all, isa sa mga sinabi niya sa huling eksena “... it’s just a story.”
            Nitong mga nakaraang taon, napanood ko rin sa TV5 (o ABC-5 pa lang nang mga taong iyon) ang “Basic Instinct 1” at hindi pa naka-dub sa Tagalog. Marami lang na tinanggal na mga eksena lalung-lalo na yung notoryus “leg-crossing and uncrossing” ng bidang babae pati ang mga lesbian scenes and themes na napaulat noon na nagpaputok ng butsi ng mga militant LGBT members, hehehe! And Sharon Stone remains one of the most beautiful actresses in film industry despite her past controversies of alleged racism and unfair treatment concerning her Filipina househelper who sued her in court and her insensitive, Chinophobic statements after the deadly Szechuan earthquake many, many years back which she declared as “China’s karma”.


James Corden's spoof of Sharon Stone (courtesy of Google and People website)

*******
            Nang muli akong naiwan sandali mag-isa sa bahay, naisipan kong panoorin yung dalawang lumang DVD na kasama sa mga naiwang gamit ng aming bedspacer na nag-abroad na. Isang tingin lang sa mga ito, alam kong hindi kaaya-aya ang nilalaman nito. Oh well! I-check ko uli kasi nakatakda nang ibasura ang mga ito. Kamakailan lamang, nag-browse ako sa Google images ng mga antique Japanese ukiyo-e woodcut prints at kabilang sa mga ito ay ang mga tinatawag na shunga o graphic depiction ng kahalayan according to the artists’ notion at mga wisyo noong Tokugawa period. Karamihan naman sa human figures doon ay hindi naman appealing ang itsura, hehehe! Hindi porn star quality lalo na yung mga hayok sa laman na mga lalaki na hindi nga kagwapuhan tapos yung hairstyle pang out-of-this world. Actually, way back in 2004 at hindi pa gaanong pinaghihigpitan ang mga cable companies, may isang Japanese movie channel ang nagtatanghal pala ng “midnight adult films”; soft porn ang genre at hindi ipinapakita ang “waist down” sa mga love scenes at minsan nga halos no exposure at all tulad sa isa pang Korean channel.
            Going back to the smut DVDs, katulad ng isang curious teenager, isinalang ko yun sa player... at hindi ko talaga magawang mapanood nang buo o diretsahang pagmasdan tapos pina-fast forward ko na lang. Isa akong musmos na pinakialaman ang gamit ng nakatatanda at yung bedspacer namin na may-ari nito ang siyang matanda! Mapapanood ang usual routine na parang mechanical na without passion ng mga sex performers sa kanilang hardcore adult videos. General reaction sa videos: nakakadiri! Pero parang ang nangyari ay social research o pag-obserba sa buhay ng ibang tao. Sa isang eksena doon, nakita ko pa ang taga-video na nag-reflect sa salamin ng kwarto kung saan nagaganap ang mga kasalanan. Other comments on those AV: nagpo-provoke ng prurient interests sa mga viewers na walang kontrol sa sarili. Mabuti at ang lahat, maliban sa isang video, ay heterosexual relations. Kita naman sa itsura ng mga performers na sila’y hindi minors. There are no sadomasochism acrobatics nor drug-induced performances. Just lustful intimacies. Kung dalawang uri lang ng panooring pelikula between disgusting horror films or adult movies concerning adult performers with consent, yung pangalawa na ang pipiliin ko, hehehe! Basta, hindi ko na lang titingnan nang diretsahan ang maraming eksena!
            Wala man values ang porn DVDs na yun except perhaps, considerable campaign for safe sex, ang mga actors and actresses ay hindi dapat husgahan. Why don’t we pray for them that someday they shall regain their dignity, self-respect, and self-worth once more?