This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Friday, July 8, 2011

Feeds {as a plural noun} at the Back of the Yard

Nansha vs. Paracel-Spratlys. Philippines- West Philippine Sea. Vietnam- East Sea. China/Taiwan- South China Sea. Brunei and Malaysia- Northern Sea? Sa territorial dispute na ito ay lumalabas kung sino ang ‘pinakamasiba’, hehe! Ang ating bansa ay nag-claim lamang ng iilang pulo (Kalayaan Group of Islands) at sapat na ito to tell our Asean neighbors which part of the controversial Southeast Asian body of salt water are rightfully ours alinsunod sa exclusive economic zone and law of the sea. Ang laki-laki na nga ng China, eh, gusto pang kubkubin ang buong karagatan. Eh, kung tuluyan na nilang inangkin ang disputed areas? Di magpapatayo ng oil drilling sites tapos wantusawang pangingisda with poaching sa marine life na naroon tapos biglang nadisgrasya ang mga planta ng langis nila at nagkaroon ng malaking ecological disaster sa pook na itinuturing na bahagi ng ‘fragile coral triangle’? Ang lakas din ng loob ng Taiwan na maki-dispute din samantalang ito ang pinakamalayo sa mga claimants. Ang parehong bansa, ayon sa nabasa kong artikulo sa mga dyaryo, ay ipinangangalandakan ang ancient Han and Ming records nila umano na magdya-justify na kanila ang naturang karagatan kasama ang lahat ng isla na narito. So, noong pinag-aaralan na ng kanilang mga naka-seda nang ninuno ang karunungan nina Confucius at Lao-Tzu eh ang mga sinaunang tao sa Pilipinas ay nakatira pa sa mga kweba at kagubatan? Buti nga at hindi nila isinama ang ating kapuluan sa ‘records’ nila bilang bahagi ng kanilang imperyo samantalang “Ma-Yi” ang bansag nila dito na ibig sabihin ay lupain ng ginto. Hindi naman sa chinophobe na ako; aba’t narinig ko sa ilang kamag-anak na meron daw kaming isang malayong ninuno na isang immigrant mula sa southern China. Yun nga lang ay hindi naging dominant ang genes, hehe! Well, anyway... habang humahanga ako sa naiibang kagandahan ng Kalayaan Islands na napapanood ko sa TV, naisip ko na sana hindi na lang totoo ang mga ispekulasyon na mayaman umano sa langis ang karagatang nasa kanluran ng ating bansa. Ang oil resources na pinaglalawayan ng kahit aling bansa... ngunit kung ito naman ang magiging dahilan ng mga hidwaan ng mga bansa at kani-kanilang mamamayan di sana hindi na lang ito naroon. Renewable, environment-friendly energy na lamang ang pagtuunan ng pagsasaliksik sa halip na petroleum power na nakadadagdag sa palala nang palalang polusyon na matagal nang pasanin ng ating planeta. At saka, hindi ba nila ‘napakikinggan’ ang karagatan? Ang malawak na karagatan, kasama ang marine biodiversity na nananahan dito sa loob ng napakahabang panahon at noong wala pang mga tao, ang tunay na kayamanan! Bansang Tsina na marangal na tahanan nina Mao at Deng at mga Tienanmen Square activists, ano ba ang mas mahalaga sa iyo? Ang strategic location and exploitation of mineral resources and potential oil deposits ng iyong so-called South China Sea o ang mabuting samahan niyo ng mga kapitbahay sa Timog-Silangang Asya tulad ng Pilipinas?
*******
Bog-bog-bog-plak! She hit the sheriff! One nice, sunny day in a southern city after the deluge, merong action movie/reality show... Sana pinagbigyan na lang ng mama yung ale. At yung ale, talaga nga bang maalinsangan sa kanilang lungsod nang araw na iyon kaya nalusaw ang kanyang anger management? Para naman doon sa mga tao, binigyan ba sila ng notice ng korte na kailangan na nilang lisanin ang pook na kanilang inangkin ngunit hindi naman pala kanila? Yung local government, meron na bang nakahandang relocation site noon pa para sa kanila samantalang ang kanilang lungsod ay pinakamalaki raw sa buong bansa? And lastly, the politicos... hehe, ano pa man ang paliwanag at pride eh, lumabas pa rin ang “unbecoming of a public servant worthy of emulation”, hehe! Tsktsktsk!
*******
dj ______,kung wala kang kasalanan di batuhin mo na ang mga obispo.don’t be a prig. / starfm,wag namang gamitin ang station sa political mudslinging.tinuturuan na kasi listeners na magtrial by publicity o manghusga na agad,eh. / dj nico, sana di ka katulad ng ibang djs na mga prejudiced- below the belt na freedom of expression! (excerpts from the text messages sent to 102.7 StarFM on Wednesday afternoon, July 6, in reaction to the ‘forum’ started by a FM radio disc jockey whose alias rhymes with a type of steak)
That was minutes before the Rock Rumble. Akala ko ay AM station ang pinakinggan ko kasi yung pinagsasabi nung isang dj ay tungkol sa isang recent controversy at nag-solicit siya ng reaction sa mga listeners and finally, siya na mismo ang nagbitaw ng sarili niyang saloobin. Nanonood din naman ako ng mga balita, ano? Yung tungkol sa PCSO, ilang obispo at pari, at mga sasakyan na form of donation daw na ipinamudmod noong nagdaang administrasyon. Pero sana kahit mga simpleng sasakyan na lamang kasi ang mahalaga ay yung practical use nito di na bale kung anong taon ang model nito. O, di kaya’y sana e-jeep na lang para bawas carbon emission na siyang dumaragdag sa polusyon sa kapaligiran. Or, bakit di na lang all-terrain vehicle? Ilan sa mga recipients ay nasa mga pook kung saan ang kanilang diocese ay nakasasakop ng maraming far-flung areas. Tsktsktsk! Ngunit hindi lang naman Catholic clergy ang nakatatanggap ng donations na ito mula sa PCSO kasi maging ang mga lider ng ilang religious denominations, remember? Kumplikadong isyu na hindi pa naman legally napatutunayan. At yung StarFM dj ay nag-exercise lamang ng kanyang freedom of expression by bashing the bishops right under their noses tapos samahan pa ng pag-ungkat ng RH bill, na ganito, ganoon... man, how dare you self-proclaim to be an idol? Naniniwala ako sa pamosong punchline na sinabi sa isang past season ng ex-Americal Idol judge na si Simon Cowell na “it’s just my opinion, and I’m always right”; but for some radio dj, it’s just their opinion and they’re not always right!
Gusto ko lang kasing mag-sound trip at ang Star ang pinakamadalas kong pakinggan. Ah, oo nga pala at ilang beses ko na rin napakinggan ang saloobin ng dj na iyon tungkol sa ilang isyu. Mga may halong pambabatikos; aba’t kung ganoon na lang eh bakit di na lang siya mag-radio announcer sa AM station? What thoughtless, irresponsible words of a cynic! Nakakadismaya sa paborito ko pa namang radio station na may ganitong dj (ilipat na lang sa ibang station kung siya na ang naka-on air, hehe!). Nakakalungkot nga naman ang makasagap ng mga kontrobersyal na balita. Mga tungkol sa iregularidad. Katiwalian. Ngunit noon pa man ay natutunan ko na mula sa isang talinghaga ng Panginoon tungkol sa isang babaeng nahuling nangangalunya (pero di ko naman kinukumpara ang mga dawit sa PCSO controversy sa Biblical character na ito, ano?). Na huwag manghusga agad. Maniwala sa due process of the law... huwag nang makisawsaw sa trials by publicity. Wala namang masama kung maghayag ng mga pananaw o saloobin dahil basic right ito ng bawat tao; kaya lamang kung below the belt na ang kuru-kuro ay lumalabas na ang prejudice, ang biases! Kaya habang umaalingawngaw ang bwena mano sa playlist na “Sad But True” ng Metallica, ay nakigamit ako ng cellphone at nag-send ng mga text sa kanila (pero iba na ang on-air na dj!). Bukambibig naman palagi ng dj na may ‘constructive criticism’ ang fb fan page niya. Di ko na kailangang i-activate muli ang fb account ko dahil sapat naman ang 29765 para sa listeners’ feedback para iparating ang honesty na ito na hindi lahat ay natutuwa sa pinakikinggan sa isa sa pinakapopular FM radio station ng bansa.
*******
Sa nature ba naman ng trabaho ko ngayon, kailangan na minsan ay ‘walang hiya-hiya’ na. Hindi naman talentado sa pag-awit ngunit minsan ay nagiging music coach ako (ehek!). Naituro ko na ang “Maghintay Ka Lamang” (Ted Ito) at “Bawal na Gamot” (Willy Garte) bilang bahagi ng character education. Maging ang “Sa Ugoy ng Duyan” (words by Levi Celerio/ music by Lucio San Pedro) at mga children’s songs na “Roses” at yung “Alpabetong Filipino” na hindi ko kailanman nalimutan buhat pa noong una ko itong napakinggan sa “ATBP” na isang sikat na pambatang programa sa channel 2 noong ‘90s at grade 4 pa ako noon. At sa palagay ko ay nakahanay na ang “Antipolo”, “Chua-ay” na isang Igorot harvest song, at “Sarong Banggi” kapag second grading period na ng HEKASI kung saan ang mga aralin ay tungkol sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Nakakahiya man na ako’y kumanta ngunit trabaho, eh. Hehe!
At minsan ay nagturo ako ng game to break the ice or monotony sa loob ng silid-aralan. Yung Simon Says na una kong natutunan noong Grade 5 pa ako. Yun bang kapag binanggit lang ang Simon Says ay saka pa lang susundin ang ipinagagawa ng facilitator ng game. At yung mga nahuli o di sumunod ay papatawan ng consequence. Sukatan din ito ng pagiging alerto. At nang nahuli na ang bibigyan ng consequence, hehehe, di ko maiwasan ang ‘mang-trip’ gaya na lang ng ‘parusa’ na may toilet humor kapag mga lalaki. Sabi ko gayahin nila ang aso kung paano ito umihi o di kaya’y umarte sila na para bang natatae na sa kinatatayuan nila. At libang na libang ang mga yun. Well, minsan-minsan lang naman ang magpalaro. Hmmm, malay ko kung yung iba sa kanila ay maging mga guro balang araw. Bukod sa pagtalima sa mga tungkulin ay sasamahan din nila sa minsa’y mga libangan ang kanilang mga mag-aaral kapag walang academic sessions. Gaya na lang sa game na Simon Says na minsan ay kinatuwaan nila nang husto noong sila pa ay mga estudyante.