This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Wednesday, March 29, 2017

Starlight

My prized collection of Looking Back volumes by Professor Ambeth R. Ocampo
***
        Ano pa ba ang komentaryo ko para sa patapos nang school year 2016-2017? Ah, patapos na ang taunang markahan at wala namang natanggap na mga batayang aklat ang mga Ikalimang Baitang! Ang unang school year kung kailan na-implement ang K to 12 curriculum para sa grade 5, o! Kaya nga bahala na ang mga guro at mag-aaral na dumiskarte sa pananaliksik tutal ang sinasabing pilosopiya raw ng K to 12 ay “constructivism”- the learners are responsible for their own learning so they should learn to ‘construct’ in order to learn while teachers act as facilitators who should provide the ‘scaffolds’ of activities lalo pa’t 50% ng assessment ay performance-based. Constructivism, construction... the bright learners na may kusang-loob na matuto ay ang mga skilled workers, foremen, engineers, and architects. While the not-so-bright- kahit parang mga pako na kailangan pang ‘pukpukin’ upang bumaon o hanggang spoon-feeding approach na lamang gaano man ang pag-motivate sa kanila- ano sila? Mga may status ng contractual construction workers and extra laborers with all the minimum wage? Ganoon na nga siguro ang kalakaran sa “construction site”- the K to 12-compliant school!
          More on performance-based daw ang bagong kurikulum. Kapag ang isang mag-aaral ay merong poor performance, teacher factor daw... punyemas! Naobserbahan ko ang maraming titser. Turo sila nang turo; talakayan dito, talakayan doon; activity dito, activity doon... at sa bandang huli, ilan lamang ba ang mga tunay na natuto? Isa, dalawa, tatlo, wala pang isang dosena? Kung yun na lang ba ang naibunga ng mga efforts at pagsisikap ng isang guro, iaasa na lang ba sa panahon ang tunay at lubos na maturity ng isang mag-aaral? Thus the “if not now, when?” mantra.
          Estimated na sampung buwan ng pagtuturo ng Filipino at Araling Panlipunan (AP) sa Ikalimang Baitang... madalas nga ay para akong nangangapa sa dilim lalo pa’t walang opisyal na batayang aklat na sang-ayon with that so-called K to 12 curriculum. Kung opinyon ko ang tatanungin, ang RBEC pa rin ang higit na mainam kahit makabagong panahon na. Decongested daw ang bagong curriculum... kaya lang masyado yatang na-decongested na pati ang mga bagay na dapat ay naroon na talaga at hindi na kailangang pakialaman ay nadali pa. Siguro nasobrahan sa pag-decongest ang bagong curriculum, hehehe! Ang content-based na lumang kurikulum-siksik, liglig, at umaapaw sa strictly chronological events. Pagdating sa K to 12, ho-hum, simple presentation of facts and figures and then the subjective treatment or analysis because of the philosophy of constructivism. 
          Sa lumang kurikulum na talagang na-miss ko, ganito ang pagkakaayos sa mga paksa. Unang markahan: tungkol sa mga sinaunang ninuno at share ang grading period na ito sa panahon ng mga Espanyol mula kolonisasyon hanggang epekto sa katutubong kultura. Sa Ikalawang markahan, kabuhayan sa panahon ng mga Espanyol, paglinang ng nasyonalismo, himagsikan at kalayaan hanggang sa panahon naman ng mga Amerikano at ang epekto nito sa kalagayan at kasaysayan ng bansa. Pagsapit ng Ikatlong markahan, panahon ng Komonwelt at mga Hapones at ng Ikatlong Republika. At sa Ikaapat na markahan, rehimeng Marcos lalo na ang Batas Militar hanggang EDSA Revolution (na ang mga araw ng talakayan ay madalas tumatapat bago o pagkatapos ng mismong People Power anniversary) at ang lagay ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng mga pangulong nanungkulan pagkatapos nito hanggang kasalukuyan. Ang finale ng dating HEKASI 5 ay nakalaan sa pangangalaga sa demokrasya. 
          Ngunit ginawa ko na lang ang aking tungkulin at gusto ko na lamang magpakasipag. Ang sweldo ko ay galing sa buwis na kinokolekta ng gobyerno mula sa mga mamamayang Pilipino, ano? Maraming salamat sa Panginoon, lumipas na ang isa pang school year. Masaya pa rin ako kahit wala akong advisory class.
          May epekto ba talaga ang bagong kurikulum with all its ‘grandiose’ objectives? Ano? Parang experimental lamang or hit-and-miss ang nangyari? Pagdating sa Filipino, parang nirambol lang ang arrangement ng dating Basic Education Curriculum. Dagdag-bawas sa mga paksang tatalakayin! Tapos, ang mga natalakay sa isang markahan, uulitin na naman sa susunod! At sa Araling Panlipunan, nakupo! May mga hinugot na mga aralin sa heograpiya at iba pa mula sa noo’y HEKASI ng grade 4 at first quarter ng Araling Panlipunan ng grade 7; at muli kong inasahan ang aklat kong “Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas” na textbook ko noong first year high school ako sa St. Paul Parañaque. Ang nakasaad sa K to 12 curriculum guide ay ang mga paksang tatalakayin ay magsisimula sa pisikal na katangian at lokasyon ng Pilipinas at sinusundan ng tungkol sa prehistory nito mula Taong Callao o Tabon etcetera hanggang sa pre-Hispanic antiquity at ang mga huling aralin lalo na pagdating ng ikaapat na markahan ay mga pangyayari sa bansa sa pagwawakas ng Kalakalang Galyon noong 1815 lamang pero isinama rin ang tungkol kay Hermano Pule at ang pinangunahan niyang pag-aaklas noong 1841. At sa mga pinasagutang periodical tests, bakit may mga tanong tungkol sa Suez Canal o sa GomBurza? Pati ang mga kilalang Katipunera o ang tungkol sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo? May mga tanong pa sa first periodical test na inulit sa second tapos lumitaw na naman sa third at binanggit pa sa fourth.

Spanish period maps of Islas Filipinas by Padre Pedro Murillo Velarde and Nicolas dela Cruz Bagay (courtesy of Google images)



         Still, I look at the bright side. Mayroong mga aralin ng AP ngayon ang hindi gaanong natutukan sa HEKASI noon na para bang footnotes na lang sa textbook. Binigyan ng pansin ang mga kaganapan ng late 16th, 17th, 18th, and early 19th centuries. Tinalakay ang tungkol sa mga naunang pag-aalsa hindi lang ang kay Lapu-Lapu o Sulayman at Lakandula kundi nabanggit din ang mga katulad nina Juan Sumuroy, Francisco Maniago, at marami pang iba na natabunan kasi ang pagkakakilanlan dahil sa mga higit na kilalang mga bayani. Siyanga pala, first time ko lang natutukan sa talakayan sa Araling Panlipunan gaya ng tungkol sa pag-aaklas ng mga Sangleyes na unang tawag sa mga Tsinoy noon at bahagi rin sila ng kasaysayan ng bansa; at ang pagdating sa Pilipinas ng mga 17th century Japanese Christian exiles sa pangunguna ni Justus Takayama Ukon maraming taon bago ang martyrdom ni San Lorenzo Ruiz at mga kasama sa Japan; hindi lang isinaad sa curriculum guide ang mga paksang ito ngunit nais ko pa rin bigyang-halaga. Maging ang tungkol sa pagtatangka ng mga taga-ibang bansa na agawin ang ating bansa mula sa Espanya. Sila ang mga Portuges at Olandes. At ang isang partikular na araling halos hindi pansin sa mga history textbooks na lagi lang nakatutok sa pananakop ng mga Espanyol, Amerikano, at Hapones, ay ang pagsalakay ng mga Briton at pag-okupa nila sa Maynila noong 1762-1764 pati ang paglipat ng pansamantalang kabisera ng kolonya sa Bacolor, Pampanga tulad ng na-feature sa Inquirer nitong mga nakaraang buwan. Yun din ang parehong panahon ng pag-aalsa nina Diego at Gabriela Silang at ni Juan Palaris. Ngunit ang paksang naghatid talaga ng kasiyahan sa akin upang ito ay talakayin ay ang tungkol sa pag-aaklas ng Cofradia de San Jose. Aywan ko nga ba pero bago pa man ako makasama sa film viewing ng “Hermano Puli” sa GSIS (pakitunghayan sa August 2016  blog post “Surge of the Southwest Monsoon Breeze”), noon pa ako medyo fascinated sa katauhan ni Pule at noon ko pa gustong makarating sa Lucban o sa Tayabas o sa paanan ng Bundok Banahaw sa Quezon. 
          Tulad ng nakaraang school year, ang Ikaapat na Markahan ay lagi na lang maikli ang rating period tapos minamadaling matapos para lang makasabay sa mga fourth periodical tests kahit hindi pa natatapos ang mga paksa at araling dapat pang talakayin at mga summative tests na ibibigay pa sana ng mga guro. Tsktsktsk! Ganyan na lang siguro. Sa mga huling araw ng regular na klase na may palitan pa ng mga subject teachers, nilubos ko na lang iyon. Hindi ko na inaalala kung ni isang pagsusulit para sa ikaapat na markahan ay hindi ko pa naibibigay basta nais ko ng mga makabuluhan at buhay na buhay na talakayan! Kahit na hindi eksaktong binanggit sa curriculum guide, ang paksa ng talakayan sa mga araw na iyon ay tungkol sa paglinang ng diwang makabayan o nasyonalismo, ang Kilusang Propaganda, ang Katipunan hanggang sa timeline ng Himagsikan patungong Araw ng Kalayaan at pagbubuo ng nasyon; pati ang sinasagisag ng bawat bahagi at kulay ng watawat ng Pilipinas ay tinalakay rin. Basta, iba ang pakiramdam ko na para bang naghahayag na ako ng eulogy para sa lahat ng mga bayani, kilala man sila o hindi, na nag-alay ng sariling buhay upang ipaglaban ang Inang Bayan.
          Nais ko ng “dramatic exit”, isang pormal na pamamaalam sa mga mag-aaral na aking nakasama sa loob ng halos sampung buwan ng school year 2016-2017. Hindi ang mga score ng mga bata sa pagsusulit o ang grades nila sa report cards ang tunay na assessment ng kanilang pagkatuto sa Araling Panlipunan sa buong school year kundi ang sila ay lumaking mga mabubuting mamamayan ng bansa at mayroong lubos na pagpapahalaga sa mga aral mula sa mayamang kasaysayan ng bansa na patnubay patungong kinabukasan; ika nga ng apat na core values: maka-tao, makabayan, maka-kalikasan, maka-Diyos.   
                                                                             ***
          Mabuti na lamang at naroon pa rin ang pwesto ng PolyEast Records (tipong clearance outlet ng Astroplus and Astrovision) sa tapat ng Shopwise ng Harrison Plaza. Karamihan sa mga tindang CD (mga original ito, ha!) dito ay bagsak-presyo na at may mga tumatangkilik pa rin sa kabila ng talamak na online downloading ngunit iba pa rin ang old school sound trip nang pagpapatugtog sa CD players. Sana pati mga VCD, magtinda rin sila.
          Lumang mall man at maraming bakanteng business and office spaces, ang Harrison Plaza ay very nostalgic para sa akin.
***
          Nitong Pebrero, nagwelgang-bayan ang mga tsuper at operator ng mga dyipni laban sa panukalang batas na magpi-phaseout sa mga old model na dyip. Dahil sa malawakang transport strike, suspendido ang mga klase sa maraming lugar kabilang ang Pasay.
          Layunin ng memo ng kinauukulan na palawigin ang mga e-jeeps, ang makabagong ebolusyon ng pambansang sasakyang pampubliko. May kamahalan ang mga ganitong uri ng dyipni ngunit ang mga government banks ay handa namang magpa-loan sa mga may-ari ng sasakyan. Kaya lang tuloy pa rin ang rali ng maraming drayber dahil mawawalan daw sila ng kita sa pag-phaseout sa mga lumang dyip. Maganda naman ang paglaganap ng electric vehicles. Mainam ito sa pagbawas ng lumalalang polusyon sa kapaligiran. Ito na nga ang future of public transportation industry. Subalit para sa ilang mga nagwelga, uunahin pa ba nila ang environmental concerns over their livelihood at ang pagtaguyod sa kanilang pamilya at pangangailangan? At itong isang madamdaming spokesperson ng mga welgista, naghayag ng claims nila na toxic daw ang mga baterya ng e-jeeps at hindi maaasahan ang mga ito sa pagtawid sa baha lalo na tuwing tag-ulan. Hay, ang sagupaan ng pros and cons.
***
          Marso 25. Napanood ko ang episode ng “Karelasyon” ng araw na iyon at nagulat ako na nag-location pala sila dito sa Villamor Air Base. Ang picaresque story ay mayroong cast of anti-hero characters na sina Katrina Halili, Joross Gamboa, Buboy Villar, Rob Moya, at Maey Bautista. Maraming pamilyar na lugar dito sa aming barangay, lalo na ang Shrine of St. Thérèse at ang NAIA-3, ang nakunan sa mga eksena doon. Hay, sayang. Kung alam ko lang sana kung kailan sila nag-taping, sana naki-usyoso rin ako. Ideal location para sa TV shows at mga sine ang aming barangay, ano?
***
          Kamakailan lamang ay muling ipinalabas ang Tagalized “Voltes V” sa channel 7 sa morning block nito. 40th anniversary kasi ng naturang animé. Makailang beses ko nang napanood ito simula pa noon sa channel 13 way back in the early ‘90s at naka-dub pa sa English tapos ang full renaissance nito from episode 1 to the finale sa channel 7 noong 1999 kasama ang “Daimos”. Kaya lang sa panahon ngayon, nakakadismaya na ang pag-ere ng mga local TV networks sa mga animé! Bukod sa sinisiksikan ng sandamukal na komersyal at iba pang patalastas, maraming tinanggal na eksena na yung iba pa naman ay kapana-panabik pa basta mai-cram lang ito sa allocated airtime! At saka, hindi na ipinapalabas ang opening and ending soundtracks na kahit hindi naman maintindihan ang lenggwahe ay nadadala pa rin ang mga manonood sa himig nito. Tsktsktsk! Palibhasa, meron na kasing cable channels ng Toonami, Cartoon Network, Animax, Hero, and occasionally, AXN.
          Sa HEKASI 5 ng lumang kurikulum noon, basta pagsapit ng ikaapat na markahan, kabilang sa mga paksang tinatalakay ay tungkol sa panahon ng Batas Militar or simply the Dekada ’70. Bukod sa diskusyon tungkol sa mga di-mabubuting epekto ng Martial Law sa kamalayang Pilipino tulad ng human rights abuses at laganap pa ring katiwalian sa gobyerno, hindi ko maisantabi ang pagbanggit tungkol sa “Voltes V” at hindi ito bilang isang trivia lang; ni hindi pa nga ako ipinanganak nang panahong iyon. Noon pa ako familiarized sa kontrobersyang hatid ng nabanggit na animé which innocently pricked something that caught the attention of the Marcos regime way back in 1978. Ipinatigil ang pagpapalabas ng huling apat na kabanata nito simply because, ayon sa censors, marahas daw lalo pa’t karamihan pa naman sa mga manonood ay mga bata. Ngunit ayon sa mga kritiko, merong mas malalim na dahilan kung bakit. Sa parehong panahon, kabi-kabila ang mga kilusang rebelyong hinarap ng gobyerno... at pagkatapos sa huling mga kabanata ng “Voltes V”, ilalahad pa ang tungkol sa pagkakaisa ng mga tao upang tuluyan nang pabagsakin ang isang malupit na diktaduryal na pamahalaan. Ang katangian pa naman ng marami sa mga animé, hindi lang entertainment, ay ang pagtataglay ng malalalim na tema tulad ng pulitika, himagsikan, at iba pa.
***
Gallery of Satires

There she goes again: the loud-barking attack Pekingese of the administration and self-styled heroine ‘tagapagtanggol ng mga api’
***

“Benham Rise”
***
Botanical Gallery













***

Grand Finale of this Blog Post

          Maraming salamat sa Panginoong Diyos, nakasumite na ako ng creative literary work sa Wattpad. Pinagsisisihan ko ang mga satirical statements and bitter caricature patungkol sa Wattpad na nai-post ko dito sa aking past blog entries. Oo na, inggit lang kasi ako sa mga Wattpad writers! And if you can’t beat ‘em, you might as well join ‘em. Please visit my Wattpad space for more details and I’m also known as “Weirdjtt” there. At ito ang aking bwena manong akda na mababasa doon: Pedophile B.I.T.C.H. (Bound In Total Control of Himself)
          Ganyan talaga ang nais kong pamagat! Provocative, nang-uudyok, nagsi-seduce na lumapit sa Wattpad site ng mga anonymous readers na curious kung bakit ganoon ang pamagat! Huwag kayong mag-alala. Walang nakalalasong contents dito. Please visit my Wattpad story.


It all started with a simple attraction that turned into infatuation and eventually deep-seated sinful desires...
  Meet Lyndon, a thirty-something bachelor. Living a somehow and somewhat simple, quiet life until a young, prepubescent girl came into his life. Shall he give up in order to unleash the urges that  constantly struggle against his disciplined manhood and just face the consequences afterwards?