My
prized collection of Looking Back volumes by Professor Ambeth R. Ocampo
***
Ano
pa ba ang komentaryo ko para sa patapos nang school year 2016-2017? Ah, patapos
na ang taunang markahan at wala namang natanggap na mga batayang aklat ang mga
Ikalimang Baitang! Ang unang school year kung kailan na-implement ang K to 12
curriculum para sa grade 5, o! Kaya nga bahala na ang mga guro at mag-aaral na
dumiskarte sa pananaliksik tutal ang sinasabing pilosopiya raw ng K to 12 ay
“constructivism”- the learners are responsible for their own learning so they
should learn to ‘construct’ in order to learn while teachers act as
facilitators who should provide the ‘scaffolds’ of activities lalo pa’t 50% ng
assessment ay performance-based. Constructivism, construction... the bright
learners na may kusang-loob na matuto ay ang mga skilled workers, foremen,
engineers, and architects. While the not-so-bright- kahit parang mga pako na
kailangan pang ‘pukpukin’ upang bumaon o hanggang spoon-feeding approach na
lamang gaano man ang pag-motivate sa kanila- ano sila? Mga may status ng
contractual construction workers and extra laborers with all the minimum wage?
Ganoon na nga siguro ang kalakaran sa “construction site”- the K to
12-compliant school!
More on performance-based daw ang
bagong kurikulum. Kapag ang isang mag-aaral ay merong poor performance, teacher
factor daw... punyemas! Naobserbahan ko ang maraming titser. Turo sila nang
turo; talakayan dito, talakayan doon; activity dito, activity doon... at sa
bandang huli, ilan lamang ba ang mga tunay na natuto? Isa, dalawa, tatlo, wala
pang isang dosena? Kung yun na lang ba ang naibunga ng mga efforts at
pagsisikap ng isang guro, iaasa na lang ba sa panahon ang tunay at lubos na
maturity ng isang mag-aaral? Thus the “if not now, when?” mantra.
Estimated na sampung buwan ng
pagtuturo ng Filipino at Araling Panlipunan (AP) sa Ikalimang Baitang...
madalas nga ay para akong nangangapa sa dilim lalo pa’t walang opisyal na
batayang aklat na sang-ayon with that so-called K to 12 curriculum. Kung
opinyon ko ang tatanungin, ang RBEC pa rin ang higit na mainam kahit makabagong
panahon na. Decongested daw ang bagong curriculum... kaya lang masyado yatang
na-decongested na pati ang mga bagay na dapat ay naroon na talaga at hindi na
kailangang pakialaman ay nadali pa. Siguro nasobrahan sa pag-decongest ang
bagong curriculum, hehehe! Ang content-based na lumang kurikulum-siksik,
liglig, at umaapaw sa strictly chronological events. Pagdating sa K to 12,
ho-hum, simple presentation of facts and figures and then the subjective
treatment or analysis because of the philosophy of constructivism.
Sa lumang kurikulum na talagang
na-miss ko, ganito ang pagkakaayos sa mga paksa. Unang markahan: tungkol sa mga
sinaunang ninuno at share ang grading period na ito sa panahon ng mga Espanyol
mula kolonisasyon hanggang epekto sa katutubong kultura. Sa Ikalawang markahan,
kabuhayan sa panahon ng mga Espanyol, paglinang ng nasyonalismo, himagsikan at
kalayaan hanggang sa panahon naman ng mga Amerikano at ang epekto nito sa
kalagayan at kasaysayan ng bansa. Pagsapit ng Ikatlong markahan, panahon ng
Komonwelt at mga Hapones at ng Ikatlong Republika. At sa Ikaapat na markahan,
rehimeng Marcos lalo na ang Batas Militar hanggang EDSA Revolution (na ang mga
araw ng talakayan ay madalas tumatapat bago o pagkatapos ng mismong People
Power anniversary) at ang lagay ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng mga
pangulong nanungkulan pagkatapos nito hanggang kasalukuyan. Ang finale ng
dating HEKASI 5 ay nakalaan sa pangangalaga sa demokrasya.
Ngunit ginawa ko na lang ang aking
tungkulin at gusto ko na lamang magpakasipag. Ang sweldo ko ay galing sa buwis
na kinokolekta ng gobyerno mula sa mga mamamayang Pilipino, ano? Maraming
salamat sa Panginoon, lumipas na ang isa pang school year. Masaya pa rin ako
kahit wala akong advisory class.
May epekto ba talaga ang bagong
kurikulum with all its ‘grandiose’ objectives? Ano? Parang experimental lamang
or hit-and-miss ang nangyari? Pagdating sa Filipino, parang nirambol lang ang
arrangement ng dating Basic Education Curriculum. Dagdag-bawas sa mga paksang
tatalakayin! Tapos, ang mga natalakay sa isang markahan, uulitin na naman sa
susunod! At sa Araling Panlipunan, nakupo! May mga hinugot na mga aralin sa
heograpiya at iba pa mula sa noo’y HEKASI ng grade 4 at first quarter ng
Araling Panlipunan ng grade 7; at muli kong inasahan ang aklat kong “Kasaysayan
at Pamahalaan ng Pilipinas” na textbook ko noong first year high school ako sa
St. Paul Parañaque. Ang nakasaad sa K to 12 curriculum guide ay ang mga paksang
tatalakayin ay magsisimula sa pisikal na katangian at lokasyon ng Pilipinas at
sinusundan ng tungkol sa prehistory nito mula Taong Callao o Tabon etcetera
hanggang sa pre-Hispanic antiquity at ang mga huling aralin lalo na pagdating
ng ikaapat na markahan ay mga pangyayari sa bansa sa pagwawakas ng Kalakalang
Galyon noong 1815 lamang pero isinama rin ang tungkol kay Hermano Pule at ang
pinangunahan niyang pag-aaklas noong 1841. At sa mga pinasagutang periodical
tests, bakit may mga tanong tungkol sa Suez Canal o sa GomBurza? Pati ang mga
kilalang Katipunera o ang tungkol sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo? May
mga tanong pa sa first periodical test na inulit sa second tapos lumitaw na
naman sa third at binanggit pa sa fourth.
Spanish period maps of Islas Filipinas by Padre Pedro Murillo Velarde and Nicolas dela Cruz Bagay (courtesy of Google images)
Still,
I look at the bright side. Mayroong mga aralin ng AP ngayon ang hindi gaanong
natutukan sa HEKASI noon na para bang footnotes na lang sa textbook. Binigyan
ng pansin ang mga kaganapan ng late 16th, 17th, 18th, and early 19th centuries.
Tinalakay ang tungkol sa mga naunang pag-aalsa hindi lang ang kay Lapu-Lapu o
Sulayman at Lakandula kundi nabanggit din ang mga katulad nina Juan Sumuroy, Francisco
Maniago, at marami pang iba na natabunan kasi ang pagkakakilanlan dahil sa mga
higit na kilalang mga bayani. Siyanga pala, first time ko lang natutukan sa
talakayan sa Araling Panlipunan gaya ng tungkol sa pag-aaklas ng mga Sangleyes
na unang tawag sa mga Tsinoy noon at bahagi rin sila ng kasaysayan ng bansa; at
ang pagdating sa Pilipinas ng mga 17th century Japanese Christian exiles sa
pangunguna ni Justus Takayama Ukon maraming taon bago ang martyrdom ni San
Lorenzo Ruiz at mga kasama sa Japan; hindi lang isinaad sa curriculum guide ang
mga paksang ito ngunit nais ko pa rin bigyang-halaga. Maging ang tungkol sa
pagtatangka ng mga taga-ibang bansa na agawin ang ating bansa mula sa Espanya.
Sila ang mga Portuges at Olandes. At ang isang partikular na araling halos
hindi pansin sa mga history textbooks na lagi lang nakatutok sa pananakop ng
mga Espanyol, Amerikano, at Hapones, ay ang pagsalakay ng mga Briton at
pag-okupa nila sa Maynila noong 1762-1764 pati ang paglipat ng pansamantalang
kabisera ng kolonya sa Bacolor, Pampanga tulad ng na-feature sa Inquirer nitong
mga nakaraang buwan. Yun din ang parehong panahon ng pag-aalsa nina Diego at
Gabriela Silang at ni Juan Palaris. Ngunit ang paksang naghatid talaga ng
kasiyahan sa akin upang ito ay talakayin ay ang tungkol sa pag-aaklas ng
Cofradia de San Jose. Aywan ko nga ba pero bago pa man ako makasama sa film
viewing ng “Hermano Puli” sa GSIS (pakitunghayan sa August 2016 blog post “Surge of the Southwest Monsoon
Breeze”), noon pa ako medyo fascinated sa katauhan ni Pule at noon ko pa
gustong makarating sa Lucban o sa Tayabas o sa paanan ng Bundok Banahaw sa
Quezon.
Tulad ng nakaraang school year, ang
Ikaapat na Markahan ay lagi na lang maikli ang rating period tapos minamadaling
matapos para lang makasabay sa mga fourth periodical tests kahit hindi pa
natatapos ang mga paksa at araling dapat pang talakayin at mga summative tests
na ibibigay pa sana ng mga guro. Tsktsktsk! Ganyan na lang siguro. Sa mga
huling araw ng regular na klase na may palitan pa ng mga subject teachers,
nilubos ko na lang iyon. Hindi ko na inaalala kung ni isang pagsusulit para sa
ikaapat na markahan ay hindi ko pa naibibigay basta nais ko ng mga makabuluhan
at buhay na buhay na talakayan! Kahit na hindi eksaktong binanggit sa
curriculum guide, ang paksa ng talakayan sa mga araw na iyon ay tungkol sa
paglinang ng diwang makabayan o nasyonalismo, ang Kilusang Propaganda, ang
Katipunan hanggang sa timeline ng Himagsikan patungong Araw ng Kalayaan at
pagbubuo ng nasyon; pati ang sinasagisag ng bawat bahagi at kulay ng watawat ng
Pilipinas ay tinalakay rin. Basta, iba ang pakiramdam ko na para bang
naghahayag na ako ng eulogy para sa lahat ng mga bayani, kilala man sila o
hindi, na nag-alay ng sariling buhay upang ipaglaban ang Inang Bayan.
Nais ko ng “dramatic exit”, isang
pormal na pamamaalam sa mga mag-aaral na aking nakasama sa loob ng halos
sampung buwan ng school year 2016-2017. Hindi ang mga score ng mga bata sa
pagsusulit o ang grades nila sa report cards ang tunay na assessment ng
kanilang pagkatuto sa Araling Panlipunan sa buong school year kundi ang sila ay
lumaking mga mabubuting mamamayan ng bansa at mayroong lubos na pagpapahalaga
sa mga aral mula sa mayamang kasaysayan ng bansa na patnubay patungong
kinabukasan; ika nga ng apat na core values: maka-tao, makabayan,
maka-kalikasan, maka-Diyos.
***
Mabuti na lamang at naroon pa rin ang
pwesto ng PolyEast Records (tipong clearance outlet ng Astroplus and
Astrovision) sa tapat ng Shopwise ng Harrison Plaza. Karamihan sa mga tindang
CD (mga original ito, ha!) dito ay bagsak-presyo na at may mga tumatangkilik pa
rin sa kabila ng talamak na online downloading ngunit iba pa rin ang old school
sound trip nang pagpapatugtog sa CD players. Sana pati mga VCD, magtinda rin sila.
Lumang mall man at maraming bakanteng
business and office spaces, ang Harrison Plaza ay very nostalgic para sa akin.
***
Nitong Pebrero, nagwelgang-bayan ang
mga tsuper at operator ng mga dyipni laban sa panukalang batas na
magpi-phaseout sa mga old model na dyip. Dahil sa malawakang transport strike,
suspendido ang mga klase sa maraming lugar kabilang ang Pasay.
Layunin ng memo ng kinauukulan na
palawigin ang mga e-jeeps, ang makabagong ebolusyon ng pambansang sasakyang
pampubliko. May kamahalan ang mga ganitong uri ng dyipni ngunit ang mga
government banks ay handa namang magpa-loan sa mga may-ari ng sasakyan. Kaya
lang tuloy pa rin ang rali ng maraming drayber dahil mawawalan daw sila ng kita
sa pag-phaseout sa mga lumang dyip. Maganda naman ang paglaganap ng electric
vehicles. Mainam ito sa pagbawas ng lumalalang polusyon sa kapaligiran. Ito na
nga ang future of public transportation industry. Subalit para sa ilang mga
nagwelga, uunahin pa ba nila ang environmental concerns over their livelihood
at ang pagtaguyod sa kanilang pamilya at pangangailangan? At itong isang
madamdaming spokesperson ng mga welgista, naghayag ng claims nila na toxic daw
ang mga baterya ng e-jeeps at hindi maaasahan ang mga ito sa pagtawid sa baha
lalo na tuwing tag-ulan. Hay, ang sagupaan ng pros and cons.
***
Marso 25. Napanood ko ang episode ng
“Karelasyon” ng araw na iyon at nagulat ako na nag-location pala sila dito sa
Villamor Air Base. Ang picaresque story ay mayroong cast of anti-hero
characters na sina Katrina Halili, Joross Gamboa, Buboy Villar, Rob Moya, at Maey
Bautista. Maraming pamilyar na lugar dito sa aming barangay, lalo na ang Shrine
of St. Thérèse at ang NAIA-3, ang nakunan sa mga eksena doon. Hay, sayang. Kung
alam ko lang sana kung kailan sila nag-taping, sana naki-usyoso rin ako. Ideal
location para sa TV shows at mga sine ang aming barangay, ano?
***
Kamakailan lamang ay muling ipinalabas
ang Tagalized “Voltes V” sa channel 7 sa morning block nito. 40th anniversary
kasi ng naturang animé. Makailang beses ko nang napanood ito simula pa noon sa
channel 13 way back in the early ‘90s at naka-dub pa sa English tapos ang full
renaissance nito from episode 1 to the finale sa channel 7 noong 1999 kasama
ang “Daimos”. Kaya lang sa panahon ngayon, nakakadismaya na ang pag-ere ng mga
local TV networks sa mga animé! Bukod sa sinisiksikan ng sandamukal na
komersyal at iba pang patalastas, maraming tinanggal na eksena na yung iba pa
naman ay kapana-panabik pa basta mai-cram lang ito sa allocated airtime! At
saka, hindi na ipinapalabas ang opening and ending soundtracks na kahit hindi
naman maintindihan ang lenggwahe ay nadadala pa rin ang mga manonood sa himig
nito. Tsktsktsk! Palibhasa, meron na kasing cable channels ng Toonami, Cartoon
Network, Animax, Hero, and occasionally, AXN.
Sa HEKASI 5 ng lumang kurikulum noon,
basta pagsapit ng ikaapat na markahan, kabilang sa mga paksang tinatalakay ay
tungkol sa panahon ng Batas Militar or simply the Dekada ’70. Bukod sa
diskusyon tungkol sa mga di-mabubuting epekto ng Martial Law sa kamalayang
Pilipino tulad ng human rights abuses at laganap pa ring katiwalian sa
gobyerno, hindi ko maisantabi ang pagbanggit tungkol sa “Voltes V” at hindi ito
bilang isang trivia lang; ni hindi pa nga ako ipinanganak nang panahong iyon.
Noon pa ako familiarized sa kontrobersyang hatid ng nabanggit na animé which
innocently pricked something that caught the attention of the Marcos regime way
back in 1978. Ipinatigil ang pagpapalabas ng huling apat na kabanata nito
simply because, ayon sa censors, marahas daw lalo pa’t karamihan pa naman sa
mga manonood ay mga bata. Ngunit ayon sa mga kritiko, merong mas malalim na
dahilan kung bakit. Sa parehong panahon, kabi-kabila ang mga kilusang rebelyong
hinarap ng gobyerno... at pagkatapos sa huling mga kabanata ng “Voltes V”,
ilalahad pa ang tungkol sa pagkakaisa ng mga tao upang tuluyan nang pabagsakin
ang isang malupit na diktaduryal na pamahalaan. Ang katangian pa naman ng
marami sa mga animé, hindi lang entertainment, ay ang pagtataglay ng malalalim
na tema tulad ng pulitika, himagsikan, at iba pa.
***
Gallery
of Satires
There
she goes again: the loud-barking attack Pekingese of the administration and
self-styled heroine ‘tagapagtanggol ng mga api’
***
“Benham
Rise”
***
Botanical
Gallery
***
Grand
Finale of this Blog Post
Maraming salamat sa Panginoong Diyos,
nakasumite na ako ng creative literary work sa Wattpad. Pinagsisisihan ko ang
mga satirical statements and bitter caricature patungkol sa Wattpad na nai-post
ko dito sa aking past blog entries. Oo na, inggit lang kasi ako sa mga Wattpad
writers! And if you can’t beat ‘em, you might as well join ‘em. Please visit my
Wattpad space for more details and I’m also known as “Weirdjtt” there. At ito
ang aking bwena manong akda na mababasa doon: Pedophile B.I.T.C.H. (Bound In Total Control of Himself)
Ganyan talaga ang nais kong pamagat! Provocative, nang-uudyok, nagsi-seduce na lumapit sa Wattpad site ng mga anonymous readers na curious kung bakit ganoon ang pamagat! Huwag kayong mag-alala. Walang nakalalasong contents dito. Please visit my Wattpad story.
Ganyan talaga ang nais kong pamagat! Provocative, nang-uudyok, nagsi-seduce na lumapit sa Wattpad site ng mga anonymous readers na curious kung bakit ganoon ang pamagat! Huwag kayong mag-alala. Walang nakalalasong contents dito. Please visit my Wattpad story.
It all started with a simple attraction that turned into infatuation and eventually deep-seated sinful desires...
Meet Lyndon, a thirty-something bachelor. Living a somehow and somewhat simple, quiet life until a young, prepubescent girl came into his life. Shall he give up in order to unleash the urges that constantly struggle against his disciplined manhood and just face the consequences afterwards?
Meet Lyndon, a thirty-something bachelor. Living a somehow and somewhat simple, quiet life until a young, prepubescent girl came into his life. Shall he give up in order to unleash the urges that constantly struggle against his disciplined manhood and just face the consequences afterwards?
No comments:
Post a Comment