This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Thursday, November 30, 2017

Blueberry Cheesecake


“Love me or hate me. That’s it. Just be yourself.
Be the badass that you are.”
“Tanggalin mo yung libog, and then you will see the woman.
You will see her like an angel na sobrang ganda.
So kailangan tanggalin mo yung pagkamanyak at pagka-creepy ng mga lalaki.”
“I can’t be alone. A woman drives me to become a better man, so tama yung kasabihan na
“Behind every successful man is a woman”.
Nagagalit ang ibang mga lalaki kapag nalaman nila na mas matapang pa ang babae sa kanila.
For instance, kapag may sakit, ang pain tolerance ng babae sobrang taas.
They’re goddesses. They’re more intelligent than men.
I like hearing their voices, so I don’t play around anymore. I learn from them.”
(excerpts from FHM Gent section interview with the controversial, self-proclaimed sapiosexual Baron Geisler; courtesy of FHM October 2016 issue; 
published by Summit Media;
at ang back issue na ito ay nabili ko pa sa Booksale branch sa SM City Sucat, Parañaque)

*******
The vast open area of Villamor Air Base Elementary School through different years

Way back in 2011

2014

2017- back to the way it used to be!
*******
Kapag vacant period ko mula sa aking trabaho sa VABES, madalas ay I would just sneak out sa back door exit ng aming campus kung saan paglabas doon ay South Superhighway na (mag-ingat lang sa paglalakad dahil makitid ang pedestrian sidewalk sa gilid nito) at tapos kaunting lakad lang, masilayan mo na ang gate ng St. Alphonsus Liguori Parish ng kalapit na Magallanes Village and the towering Asia Pacific College, nasa Makati ka na. Ang dinarayo ko kasi doon Shell Station kung saan may mga palamunan, este, mga restaurant and convenience store. Minsan, kapag trip ko ng ibang klaseng meryenda, gusto ko ng pastries mula sa Shell selections and coffeeshop, eh! At pagkabili, hay, ang bilis lamang bumalik sa school. Sarap ng choco roll na parang croissant at lalo na yung blueberry cheesecake. Yummy!
*******


(first three pictures taken at Madame Tussaud's, Siam Paragon, Bangkok)



Nobyembre 4. Pinanood ko ang first of the documentary series of 18th anniversary specials ng “I-Witness” sa GMA-7. Nagtungo ang journalist na si Kara David sa Chiang Mai na nasa northern Thailand na upang i-cover ang tungkol sa kalagayan ng mga elepante. Kaawa-awa rin ang lagay ng mga gentle giants na ito sa tourist shows; mapapanood na nagbibigay-aliw sila sa mga turista pero pagkatapos ng pagtatanghal ay ikukulong na sila pagkatapos ikadena ang kanilang mga paa. At ang kanilang mga mahouts ay armado rin ng mga kahoy na dos por dos na meron pang matalas na hook sa dulo nito na ipinampapalo raw sa kanila kung di sila sumunod. Ang paliwanag ng kinauukulan ay para raw huwag gumala ang mga elepante at mamerwisyo sa mga residential areas at kabukiran. Binisita rin ni Miss Kara ang tanyag na elephant sanctuary ng Chiang Mai na pinangangasiwaan ng ethnic groups na yung marami sa kanila ay mga refugees galing Myanmar. Ang naturang sanktwaryo ay napakaganda at napakapayapang lugar na napalilibutan ng mga bulubundukin at maraming ilog at ang mga elepante ay tahimik na namumuhay nang malaya; ang ilan sa kanila kasi ay naging biktima ng pang-aabuso at sinagip ng mga nagmamalasakit na NGOs doon. Nakapanayam din ang Karen ethnic tribes na nangangalaga rin sa hayop. Meron din matutunang aral mula sa kanila tungkol sa pagmamahal sa kalikasan. At ang mga elepante ay kabilang sa mga kayamanan ng kalikasan.

Nang nasa Bangkok kami nitong Oktubre, wala akong nakita ni isang elepante; palibhasa, di man lang kami nakapamasyal sa zoo doon. Noong namasyal ako sa Manila Zoo, nasilayan ko ang kaisa-isang elepante sa Pilipinas, si Mali. Mula sa pagiging regalo ng Sri Lanka na dumating noong panahon ni Marcos, siya na ang “Queen of the Manila Zoo”. Dahil matagal na siya doon, ano kayang iniisip niya? Minsan kaya sumagi sa kanyang isip na isa na rin siyang kaisa ng mga tao gaya ng mga tagapag-alaga niya at mga bumibista sa kanya? Paano kung natupad ang matagal nang pangarap ng mga animal rights activists na ihatid na siya sa elephant sanctuary na iyon sa Chiang Mai? Makakapag-adjust kaya siya ?

Way back in 2006, ginanap noon sa Araneta Center-Cubao ang napaka-ambisyosong dagdag-atraksyon daw, ang “Elephant World Show”na pagtatanghal ng isang Thai company. Pero isang maalinsangang araw, ang alpha male elephant nila ay nakawala at nakatakas mula sa mga mahouts nito. Malayu-malayo rin ang narating ng pamamasyal ng isang yun sa Quezon City at nahirapan ang mga awtoridad na mahuli ito. Kaawa-awang hayop nang tinarget ng tranquilizers tapos bahagyang nadaganan pa nito ang isang nakaparadang sasakyan sa tabing-kalsada nang nawalan ng malay. At pagkatapos ng insidenteng iyon, hindi na nagdaos muli ng elephant shows sa Pilipinas.

*******

Nakabili ako ng 65-peso 1986 edition pocketbook “French For Travellers” mula sa Berlitz. Sa totoo lang, ang gusto ko talaga ay Castillian Spanish  for self-study subalit my, oh, my... French is such an elegant language! Mahirap nga lang dahil di dapat literal ang pagbigkas sa written words di tulad sa English, Spanish, Portuguese, and Italian ngunit masaya rin, a. Subukan ko nga dito sa blog ang ilang natutuhan ko:
Bonjour! Je ne parle pas bien Français, s’il vous plâit. Au moins je voudrais étudier cette belle langue. Un instant, combien de temps je ferai étudier jusqu’à je devenir bon dans Français?Ma Français voici est-il si médiocre? Oh, bien... pouvez-vous m’aider améliorer ma Français enfin? Merci.
(Good day! I don’t speak much French, please. At least, I’d like to study this beautiful language. Wait, how long I should study until I become good in French. Is my French here that poor? Oh, well... can you help me improve my French anyhow? Thanks.)
Hay, matatagalan pa nga bago ako maging cabisote man lang ng wikang Pranses, hehe! 
*******
Nobyembre 13. Nagsimula na ang ASEAN Summit. Makasaysayan pa ito dahil ika-50 anibersaryo pa at mapalad ang Pilipinas para pangunahan ang nabanggit na event. As usual, mga tatalakayin ay ang tungkol sa progreso- kabuhayan, kalakalan, teknolohiya. Pag-uukulan din ng pansin ang mga isyu sa seguridad at pangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan ng ASEAN nations gayundin ang tungkol sa mga karapatan ng mga migant workers. Kaya lang, ayon na rin sa paliwanag ng kinauukulan, ang summit ay hindi raw platform para sa konkretong solution sa matagal nang “Rohingya Muslims’ Crisis” sa Myanmar; ang gobyerno ng bansang iyon ay matagal nang binabatikos dahil sa human rights abuses against the ethnic tribes and hundreds of thousands fled to neighboring countries of Bangladesh, Thailand, and Malaysia. Kinondena na ng United Nations ang atrocities sa ethnic minorities. Pero bakit ang democracy icon na si Aung Sang Suu Kyi ay nananahimik lang?
Hay, ASEAN Summit... basta, pag may ganitong malaking event, di mawawala ang mga kilos-protesta ng mga emosyunal na militanteng grupo na para sa kanila lahat na ng presidente ng Pilipinas ay hindi nila gusto at mas lalong nakundisyon na ang isipan nila na ang gobyerno ng Amerika ay masama. Bukod sa bumabahang bugso ng damdamin, ang ilang sa kanila ay busy sa pag-vandalize ng mga pampublikong lugar at pati tarpaulin na nakapaskil na wala namang kinalaman sa events ay bababuyin pa ng mga bopol na kasama nila na kung di mga nasobrahan ng emosyon o dunong (kung estudyante sa mga ‘progresibong pamantasan’) eh, hehehe, may sahod malamang sa pagsali-sali sa rally, ano? Ang gusto siguro ng mga aktibistang ito, ang lider ng Pilipinas ay dapat isang clone ni Vladimir Lenin o Karl Marx o nagtataglay man lang ng genes ni Che Guevarra; at pagkatapos, kung sakaling dumating ang sandaling ang pamumuno ng ‘ideal leader’ nila ay hindi na naging maayos alinsunod sa kanilang mga pamantayan at inaasahan, babalik na naman sila sa mga kalsada na nakataas ang mga kamao habang sumisigaw-sigaw ng “Makibaka! Huwag matakot!” Makalipas ng ilang sandali, nariyan na ang mga hukbo ng komunistang gobyerno, paghuhulihin ang mga militanteng grupo at ikukulong sila sa mga gulags bilang kaparusahan sa aktibismo nila. Hehehe, satire in the form of this essay.
As for the heads of state who attended the ASEAN Summit, Donald Trump will never be the darling of the crowd because it was bestowed already to Canadian Prime Minister Justin Trudeau lalo pa nga nang binisita nito ang isang women and children’s clinic sa Tondo at pagkatapos ay pumasok pa sa kalapit na Jollibee para mag-takeout orders. Hindi naman siya nagbibingi-bingihan tungkol sa matagal nang umaalingasaw na “Canadian garbage woes” na ini-export ng bansa niya noong 2013 pa at dapat ibalik yun sa kanila, a!
*******
Nobyembre 18. Maaliwalas ang panahon na kahit bahagyang maalinsangan, gusto ko ito dahil masigla ang aking dugo. Tulad ng aking tradisyon taun-taon, ang aking nine-night recitation ng aking St. Jude’s Novena at sa mismong araw na ito, ang Rosary and Chaplet of the Divine Mercy. Habang papuntang ako sa Dugong Bombo na ginanap muli sa SM Manila, nagkataong nakasakay ako sa isang grabe ang siksikan na LRT! Mabuti at may isang mapagmalasakit na babae na hinawakan ang kamay ko dahil wala akong makapitan sa kapal ng dami ng pasahero sa bagon. God bless her. Pagdating sa event, ang haba ng pila tapos yung maliit na bakanteng pwesto na inilaan sa mismong blood donation, akala ko bodega. Anyways, all’s well. Mas marami lang nga siguro ang donors’ turnout ngayong taon. Ang nakaligtaan ko nga lang ay dapat uminom ako ng sapat na tubig prior to blood-letting. Medyo nagtampo tuloy ang artery ko dahil natagalan ang blood flow. Maraming salamat sa Panginoong Diyos, ako’y naging qualified blood donor muli.
*******
Nobyembre 19. Napanood ko nitong gabi ang televised program ng katatapos na “Reina Hispanoamericana 2017” mula Bolivia kung saan nanalo si Miss Philippines Teresita Ssen “Wynwyn” Marquez samantalang first time pa lang sumali ng Pilipinas na tanging Asian country doon ngunit mayroon din Hispanic heritage just like the Latin American countries. Simple lamang na beauty pageant pero masaya lalo na para sa mga Pinoy.
*******
Makailang beses na nga na kapag naglalakad ako sa daan tapos may makasalubong akong ilan sa mga batang naging mag-aaral ko noon tulad ng mga mula sa huling advisory class na hinawakan ko, iniiwas nila ang paningin nila. Tsktsktsk! Damn it, had I become a monster that time? At nitong isang araw lamang, naglalakad ako papuntang kompyuteran nang namataan ko sa malapit itong bata na high school na ngayon. Tinakpan niya ang pagmumukha niya at pagkatapos ay tumalikod pa. Akala niya’y hindi ko na siya kilala. Sinusulyap-sulyapan ko siya habang ako’y dumadaan noon at pagkatapos ay bahagya niyang sinundan ako ng tingin at kahit ilang microseconds lang iyon, nagtagpo ang aming paningin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkabalisa at bakas sa mukha niya ang ligalig na animo ang nakita niya ay maligno sa halip na titser niya noong Grade 5 siya. Ang isang yun ay pagpapasaway lagi ang gawa noon sa klase. Sa totoo lang sa kakaibang tagpong iyon sa daan, para bang gusto kong palitawin muna ang original kong pagkatao kapag wala sa paaralan at pagtripan emotionally yung ugok makita muli ang facial reaction niyang iyon na nasisindak dahil sa aking malamig na presensya bilang multo mula sa nakaraan na bigla na lang sumusulpot sa paligid ng tulad niyang wala namang respeto sa akin. Hehehe, satire in the form of this essay.
*******

Sa wakas, nakabili na ako ng Playboy magazine Philippine edition mula 7-11! Bi-monthly ang publication ng Playboy Philippines. Panlalaki raw ito... no way! Eh, gusto ko rin magbasa, hehe! Iba’t ibang features naman ang tinatalakay dito pero umiikot pa rin ang reputasyon nito sa mga litrato ng mga tsiks, the Playmates! Artfully done naman ang mga seductive photos (na sana’y di na-photo-shopped!), ngunit ang malaking pinag-iba nito sa FHM, merong ‘exposures’ kaya tuloy nagkaroon ng soft porn effects lalo na para sa mga readers na lalakeng di maawat ang paninigas... ng panga nila sa pagkatulala sa mga nasisilayang kagandahan sa magazine!
Sa totoo lang, kaya ako bumili ay inaabangan ko kung sa issue nito ay merong cover story tungkol sa founder nitong si Hugh Hefner na payapang namaalam noong Setyembre pa pero sa halip ay ang tungkol sa kanyang struggles para maging comic artist noong kabataan niya lalo pa’t may talent pala siya sa arts. Kaya lang, ika nga sa kasabihang “when life throws you lemons, then make a lemonade”, hindi ang maihanay sa mga tulad nina Charles Schulz, Stan Lee, at iba ang naging kapalaran niya because there was something more than comics daydreaming and then came... Playboy. Ang lolo kasi nating ito ay flamboyant man lalo na tungkol sa women’s affairs, nananatili pa rin elusive all his life. He amassed great fame and fortune and all the beautiful women he could have but not true love.