“Love me or hate me. That’s
it. Just be yourself.
Be the badass that you are.”
“Tanggalin mo yung libog, and
then you will see the woman.
You will see her like an angel
na sobrang ganda.
So kailangan tanggalin mo yung
pagkamanyak at pagka-creepy ng mga lalaki.”
“I can’t be alone. A woman
drives me to become a better man, so tama yung kasabihan na
“Behind every successful man
is a woman”.
Nagagalit ang ibang mga lalaki
kapag nalaman nila na mas matapang pa ang babae sa kanila.
For instance, kapag may sakit,
ang pain tolerance ng babae sobrang taas.
They’re goddesses. They’re
more intelligent than men.
I like hearing their voices,
so I don’t play around anymore. I learn from them.”
(excerpts
from FHM Gent section interview with the controversial, self-proclaimed
sapiosexual Baron
Geisler; courtesy of FHM October 2016 issue;
published by Summit Media;
published by Summit Media;
*******
The vast
open area of Villamor Air Base Elementary School through different years
Way back
in 2011
2014
2017-
back to the way it used to be!
*******
Kapag vacant
period ko mula sa aking trabaho sa VABES, madalas ay I would just sneak out sa
back door exit ng aming campus kung saan paglabas doon ay South Superhighway na
(mag-ingat lang sa paglalakad dahil makitid ang pedestrian sidewalk sa gilid
nito) at tapos kaunting lakad lang, masilayan mo na ang gate ng St. Alphonsus
Liguori Parish ng kalapit na Magallanes Village and the towering Asia Pacific
College, nasa Makati ka na. Ang dinarayo ko kasi doon Shell Station kung saan
may mga palamunan, este, mga restaurant and convenience store. Minsan, kapag
trip ko ng ibang klaseng meryenda, gusto ko ng pastries mula sa Shell
selections and coffeeshop, eh! At pagkabili, hay, ang bilis lamang bumalik sa
school. Sarap ng choco roll na parang croissant at lalo na yung blueberry
cheesecake. Yummy!
*******
Nobyembre
4. Pinanood ko ang first of the documentary series of 18th anniversary specials
ng “I-Witness” sa GMA-7. Nagtungo ang journalist na si Kara David sa Chiang Mai
na nasa northern Thailand na upang i-cover ang tungkol sa kalagayan ng mga
elepante. Kaawa-awa rin ang lagay ng mga gentle giants na ito sa tourist shows;
mapapanood na nagbibigay-aliw sila sa mga turista pero pagkatapos ng
pagtatanghal ay ikukulong na sila pagkatapos ikadena ang kanilang mga paa. At
ang kanilang mga mahouts ay armado rin ng mga kahoy na dos por dos na meron
pang matalas na hook sa dulo nito na ipinampapalo raw sa kanila kung di sila
sumunod. Ang paliwanag ng kinauukulan ay para raw huwag gumala ang mga elepante
at mamerwisyo sa mga residential areas at kabukiran. Binisita rin ni Miss Kara
ang tanyag na elephant sanctuary ng Chiang Mai na pinangangasiwaan ng ethnic
groups na yung marami sa kanila ay mga refugees galing Myanmar. Ang naturang
sanktwaryo ay napakaganda at napakapayapang lugar na napalilibutan ng mga
bulubundukin at maraming ilog at ang mga elepante ay tahimik na namumuhay nang
malaya; ang ilan sa kanila kasi ay naging biktima ng pang-aabuso at sinagip ng
mga nagmamalasakit na NGOs doon. Nakapanayam din ang Karen ethnic tribes na
nangangalaga rin sa hayop. Meron din matutunang aral mula sa kanila tungkol sa
pagmamahal sa kalikasan. At ang mga elepante ay kabilang sa mga kayamanan ng
kalikasan.
Nang nasa
Bangkok kami nitong Oktubre, wala akong nakita ni isang elepante; palibhasa, di
man lang kami nakapamasyal sa zoo doon. Noong namasyal ako sa Manila Zoo,
nasilayan ko ang kaisa-isang elepante sa Pilipinas, si Mali. Mula sa pagiging
regalo ng Sri Lanka na dumating noong panahon ni Marcos, siya na ang “Queen of
the Manila Zoo”. Dahil matagal na siya doon, ano kayang iniisip niya? Minsan
kaya sumagi sa kanyang isip na isa na rin siyang kaisa ng mga tao gaya ng mga
tagapag-alaga niya at mga bumibista sa kanya? Paano kung natupad ang matagal
nang pangarap ng mga animal rights activists na ihatid na siya sa elephant
sanctuary na iyon sa Chiang Mai? Makakapag-adjust kaya siya ?
Way back
in 2006, ginanap noon sa Araneta Center-Cubao ang napaka-ambisyosong dagdag-atraksyon
daw, ang “Elephant World Show”na pagtatanghal ng isang Thai company. Pero isang
maalinsangang araw, ang alpha male elephant nila ay nakawala at nakatakas mula
sa mga mahouts nito. Malayu-malayo rin ang narating ng pamamasyal ng isang yun
sa Quezon City at nahirapan ang mga awtoridad na mahuli ito. Kaawa-awang hayop
nang tinarget ng tranquilizers tapos bahagyang nadaganan pa nito ang isang
nakaparadang sasakyan sa tabing-kalsada nang nawalan ng malay. At pagkatapos ng
insidenteng iyon, hindi na nagdaos muli ng elephant shows sa Pilipinas.
*******
Nakabili
ako ng 65-peso 1986 edition pocketbook “French For Travellers” mula sa Berlitz.
Sa totoo lang, ang gusto ko talaga ay Castillian Spanish for self-study subalit my, oh, my... French
is such an elegant language! Mahirap nga lang dahil di dapat literal ang
pagbigkas sa written words di tulad sa English, Spanish, Portuguese, and
Italian ngunit masaya rin, a. Subukan ko nga dito sa blog ang ilang natutuhan
ko:
Bonjour! Je ne parle pas bien
Français, s’il vous plâit. Au moins je voudrais étudier cette belle langue. Un
instant, combien de temps je ferai étudier jusqu’à je devenir bon dans Français?Ma
Français voici est-il si médiocre? Oh, bien... pouvez-vous m’aider améliorer ma
Français enfin? Merci.
(Good
day! I don’t speak much French, please. At least, I’d like to study this
beautiful language. Wait, how long I should study until I become good in
French. Is my French here that poor? Oh, well... can you help me improve my
French anyhow? Thanks.)
Hay,
matatagalan pa nga bago ako maging cabisote man lang ng wikang Pranses,
hehe!
*******
Nobyembre
13. Nagsimula na ang ASEAN Summit. Makasaysayan pa ito dahil ika-50 anibersaryo
pa at mapalad ang Pilipinas para pangunahan ang nabanggit na event. As usual,
mga tatalakayin ay ang tungkol sa progreso- kabuhayan, kalakalan, teknolohiya.
Pag-uukulan din ng pansin ang mga isyu sa seguridad at pangangalaga sa
kapakanan ng mga mamamayan ng ASEAN nations gayundin ang tungkol sa mga
karapatan ng mga migant workers. Kaya lang, ayon na rin sa paliwanag ng
kinauukulan, ang summit ay hindi raw platform para sa konkretong solution sa
matagal nang “Rohingya Muslims’ Crisis” sa Myanmar; ang gobyerno ng bansang iyon
ay matagal nang binabatikos dahil sa human rights abuses against the ethnic
tribes and hundreds of thousands fled to neighboring countries of Bangladesh,
Thailand, and Malaysia. Kinondena na ng United Nations ang atrocities sa ethnic
minorities. Pero bakit ang democracy icon na si Aung Sang Suu Kyi ay
nananahimik lang?
Hay,
ASEAN Summit... basta, pag may ganitong malaking event, di mawawala ang mga
kilos-protesta ng mga emosyunal na militanteng grupo na para sa kanila lahat na
ng presidente ng Pilipinas ay hindi nila gusto at mas lalong nakundisyon na ang
isipan nila na ang gobyerno ng Amerika ay masama. Bukod sa bumabahang bugso ng
damdamin, ang ilang sa kanila ay busy sa pag-vandalize ng mga pampublikong
lugar at pati tarpaulin na nakapaskil na wala namang kinalaman sa events ay
bababuyin pa ng mga bopol na kasama nila na kung di mga nasobrahan ng emosyon o
dunong (kung estudyante sa mga ‘progresibong pamantasan’) eh, hehehe, may sahod
malamang sa pagsali-sali sa rally, ano? Ang gusto siguro ng mga aktibistang
ito, ang lider ng Pilipinas ay dapat isang clone ni Vladimir Lenin o Karl Marx
o nagtataglay man lang ng genes ni Che Guevarra; at pagkatapos, kung sakaling
dumating ang sandaling ang pamumuno ng ‘ideal leader’ nila ay hindi na naging
maayos alinsunod sa kanilang mga pamantayan at inaasahan, babalik na naman sila
sa mga kalsada na nakataas ang mga kamao habang sumisigaw-sigaw ng “Makibaka!
Huwag matakot!” Makalipas ng ilang sandali, nariyan na ang mga hukbo ng
komunistang gobyerno, paghuhulihin ang mga militanteng grupo at ikukulong sila
sa mga gulags bilang kaparusahan sa aktibismo nila. Hehehe, satire in the form
of this essay.
As for
the heads of state who attended the ASEAN Summit, Donald Trump will never be
the darling of the crowd because it was bestowed already to Canadian Prime
Minister Justin Trudeau lalo pa nga nang binisita nito ang isang women and
children’s clinic sa Tondo at pagkatapos ay pumasok pa sa kalapit na Jollibee
para mag-takeout orders. Hindi naman siya nagbibingi-bingihan tungkol sa
matagal nang umaalingasaw na “Canadian garbage woes” na ini-export ng bansa
niya noong 2013 pa at dapat ibalik yun sa kanila, a!
*******
Nobyembre
18. Maaliwalas ang panahon na kahit bahagyang maalinsangan, gusto ko ito dahil
masigla ang aking dugo. Tulad ng aking tradisyon taun-taon, ang aking
nine-night recitation ng aking St. Jude’s Novena at sa mismong araw na ito, ang
Rosary and Chaplet of the Divine Mercy. Habang papuntang ako sa Dugong Bombo na
ginanap muli sa SM Manila, nagkataong nakasakay ako sa isang grabe ang siksikan
na LRT! Mabuti at may isang mapagmalasakit na babae na hinawakan ang kamay ko
dahil wala akong makapitan sa kapal ng dami ng pasahero sa bagon. God bless
her. Pagdating sa event, ang haba ng pila tapos yung maliit na bakanteng pwesto
na inilaan sa mismong blood donation, akala ko bodega. Anyways, all’s well. Mas
marami lang nga siguro ang donors’ turnout ngayong taon. Ang nakaligtaan ko nga
lang ay dapat uminom ako ng sapat na tubig prior to blood-letting. Medyo
nagtampo tuloy ang artery ko dahil natagalan ang blood flow. Maraming salamat
sa Panginoong Diyos, ako’y naging qualified blood donor muli.
*******
Nobyembre
19. Napanood ko nitong gabi ang televised program ng katatapos na “Reina
Hispanoamericana 2017” mula Bolivia kung saan nanalo si Miss Philippines
Teresita Ssen “Wynwyn” Marquez samantalang first time pa lang sumali ng
Pilipinas na tanging Asian country doon ngunit mayroon din Hispanic heritage
just like the Latin American countries. Simple lamang na beauty pageant pero
masaya lalo na para sa mga Pinoy.
*******
Makailang
beses na nga na kapag naglalakad ako sa daan tapos may makasalubong akong ilan
sa mga batang naging mag-aaral ko noon tulad ng mga mula sa huling advisory
class na hinawakan ko, iniiwas nila ang paningin nila. Tsktsktsk! Damn it, had
I become a monster that time? At nitong isang araw lamang, naglalakad ako
papuntang kompyuteran nang namataan ko sa malapit itong bata na high school na
ngayon. Tinakpan niya ang pagmumukha niya at pagkatapos ay tumalikod pa. Akala
niya’y hindi ko na siya kilala. Sinusulyap-sulyapan ko siya habang ako’y
dumadaan noon at pagkatapos ay bahagya niyang sinundan ako ng tingin at kahit
ilang microseconds lang iyon, nagtagpo ang aming paningin. Kitang-kita ko sa
mga mata niya ang pagkabalisa at bakas sa mukha niya ang ligalig na animo ang
nakita niya ay maligno sa halip na titser niya noong Grade 5 siya. Ang isang
yun ay pagpapasaway lagi ang gawa noon sa klase. Sa totoo lang sa kakaibang
tagpong iyon sa daan, para bang gusto kong palitawin muna ang original kong
pagkatao kapag wala sa paaralan at pagtripan emotionally yung ugok makita muli
ang facial reaction niyang iyon na nasisindak dahil sa aking malamig na
presensya bilang multo mula sa nakaraan na bigla na lang sumusulpot sa paligid
ng tulad niyang wala namang respeto sa akin. Hehehe, satire in the form of this
essay.
*******
Sa wakas,
nakabili na ako ng Playboy magazine Philippine edition mula 7-11! Bi-monthly
ang publication ng Playboy Philippines. Panlalaki raw ito... no way! Eh, gusto
ko rin magbasa, hehe! Iba’t ibang features naman ang tinatalakay dito pero
umiikot pa rin ang reputasyon nito sa mga litrato ng mga tsiks, the Playmates!
Artfully done naman ang mga seductive photos (na sana’y di na-photo-shopped!),
ngunit ang malaking pinag-iba nito sa FHM, merong ‘exposures’ kaya tuloy
nagkaroon ng soft porn effects lalo na para sa mga readers na lalakeng di
maawat ang paninigas... ng panga nila sa pagkatulala sa mga nasisilayang
kagandahan sa magazine!
Sa totoo
lang, kaya ako bumili ay inaabangan ko kung sa issue nito ay merong cover story
tungkol sa founder nitong si Hugh Hefner na payapang namaalam noong Setyembre
pa pero sa halip ay ang tungkol sa kanyang struggles para maging comic artist
noong kabataan niya lalo pa’t may talent pala siya sa arts. Kaya lang, ika nga
sa kasabihang “when life throws you lemons, then make a lemonade”, hindi ang
maihanay sa mga tulad nina Charles Schulz, Stan Lee, at iba ang naging
kapalaran niya because there was something more than comics daydreaming and
then came... Playboy. Ang lolo kasi nating ito ay flamboyant man lalo na
tungkol sa women’s affairs, nananatili pa rin elusive all his life. He amassed
great fame and fortune and all the beautiful women he could have but not true
love.
No comments:
Post a Comment