This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Sunday, September 30, 2018

Coffee Aroma

Ika-8 ng Setyembre, traditional nativity of Mama Mary. Maaliwalas ang panahon buong araw at mainam para sa simpleng visita iglesia. Tatlong simbahan- ang Our Lady of the Assumption Chapel ng Harrison Plaza Manila, Our Lady of Sorrows Parish sa F.B. Harrison dito sa Pasay (sa Setyembre 15 pa ang pista dito tulad ng Turumba ng Pakil, Laguna), at ang huli sa itinerary ay ang National Shrine of Our Lady of Perpetual Help- Parañaque or simply, the Baclaran Church. Tatlong lungsod sa loob ng maghapon, hehehe! Hindi nga lang ako nakadalo sa Misa, tsktsktsk!
Speaking of Baclaran Church, pagkatapos ng thanksgiving prayers ay namasyal ako sandali sa compound nito. Inayos ang mga gardens at ang saya mamasyal doon pagkalabas sa simbahan. Naggagandahan ang mga murals and mosaic na Pinoy na Pinoy ang tema at disenyo. Kaakit-akit na mga likhang-sining na gawa ng mga talented artists! Ang dami ngang kalapati doon at buti nga hindi sila hinuhuli ng mga miming na nakatira sa simbahan. Yun nga lang, nang napagawi ako sa Bantayog ng mga Desaparecido na kay lapit-lapit na sa Roxas Boulevard gate, nakakadismaya ang nadatnan ko sapagkat nagkalat ang basura at siguradong ang mga taong huling tumambay sa tapat mismo ng memorial marker ang nagkalat doon ng mga pinaglamunan nila na nakalagay sa mga styrofoam at plastic cups kahit na ang lapit-lapit na sana ng mga itinakdang basurahan sa paligid! Eh anong drama ng mga taong yun? Ignorante na nga sa kasaysayan pati ba naman sa simpleng pangangalaga ng kapaligiran? Pati mga kinakalawang na plake na may listahan ng biktima ng human rights abuses ay hindi pinalagpas ng mga dumaraming “love locks” na ikinabit sa gilid nito na para na ngang bandalismo. Anong nais ng mga mag-syotang naglagay ng mga kandado? Yung mga martial law victims ang gusto nilang makasaksi sa kanilang wagas na pag-ibig o paglalandian with all those sweet nothings galore?
Ang Bantayog ng mga Desaparecido ay isa sa mga naunang atraksyon sa mga hardin ng Baclaran Church buhat pa noong 2004. Madalas nga kapag ang ruta ng mga aktibista at iba pang militanteng grupo ay ang Roxas Boulevard, nag-i-stopover sila doon. Sa ibang pook, sa Tigbauan, Iloilo na aming probinsya, ang memorial marker sa may plasa na para kay Father Jose Tangente na isa rin desaparecido, ay dinadaan-daanan lang ng mga namamasyal at ewan kung ilan lamang ang pumansin. Move on na raw, sabi ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at wala pang 24 oras, pinulaan na siya at binatikos dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ganoong kadali ang sinasabi niyang ‘move on’ kung wala namang closure, ayon sa kanyang mga kritiko. Nariyan pa si dating Senador Enrile na kabilang pa naman sa EDSA 1 leaders noon kaya lang bumaligtad din. Binatikos din siya dahil sa one-on-one interview with Bongbong Marcos mga ilang araw bago ang anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law at ang tema ng pinagsasabi nila ay naglalaman ng history revisionism. Hindi ako naniniwala na ‘solid’ ang North.  Naipakita sa isang balita ang Misa sa isang simbahan sa Ilocos Norte kung saan ang mga ininterbyu na karamihan ay matatanda at binatikos nila ang ‘move on’ ng kanilang kagalang-galang na gobernadora. Well, sa ilang literary articles, may mga Ilokano na nagsasabi na hindi lahat ng Ilokano ay maka-Marcos o loyalista.
Post script. Nobyembre pa lang at napakalayo pa ng Eleksyon 2019, naglipana na ang mga pahiwatig ng mga tatakbong kandidato sa print ad man o TV at pati social media. Ang sa palagay ko’y pinakamatagal na airtime ay yung kay Imee Marcos at dalawang komersyal pa yun. Whatever! At naalala ko ang nabasa kong news article sa Philippine Daily Inquirer noong 2016 tungkol sa follow-up sa isa sa maraming kasong isinampa laban sa mga Marcos. Binanggit kasi si Imee doon na noong dekada ’70, opisyal siya ng isang local government unit na may kinalaman sa youth sector. Nang bumisita siya noon sa Mapua Institute para sa isang youth forum, isang engineering student ang lakas-loob na nagtanong at naghayag ng kanyang mga saloobin tungkol sa mga pangyayari noong Martial Law lalo na ang tungkol sa human rights abuses. Di-naglaon, ang estudyante ay dinukot ng ilang kalalakihan at bangkay na nang natagpuan. Ayon sa mga ulat, away raw sa dormitoryo ang pinag-ugatan subalit nagkaroon pa rin ng ibayong imbestigasyon at nagkaroon ng hinala na ang mga salarin ay ang mga bodyguard mismo ng First Family. Post script again. Bago matapos ang taong ito, hinatulang guilty si Imelda Marcos para sa ilang mabibigat na kaso kaya lang nakapagpiyansa. At saka matanda raw siya. Hay, iba talaga kapag nasa pedestal pa rin, tsktsktsk! 






*******
Ika-10 ng Setyembre. Viral daw ang video na kuha sa ginanap na Misa sa opisina ni Senador Antonio Trillanes IV na nitong mga nakaraang araw ay nahaharap sa alanganin dahil sa status ng kanyang amnestiya; talaga naman itong gobyerno, hahanap at hahanap ng butas o katiting na mantsa na palalalain mapatahimik lang ang kanilang mga kritiko. Doon sa Misa, ang pari, sa kanyang homily ay pabirong nagpatawa na nagdasal daw siya para magkasakit si Duterte. Siyempre, kiliti ang hatid sa mga nakikinig at overreaction naman para sa mga tagasuporta ng pangulo. At ang tatang Digong ay singbilis ng kidlat ang pagbwelta at batikos sabay banat na sana raw, sabi niya, lahat ng paring Katoliko ay mamatay sa ‘venereal disease’. Tsktsktsk! Itong si Duterte, ugaling magpasimula ng masasakit na tirada laban sa mga pari buhat pa noon pero kapag siya naman ang banggitin kahit sa simpleng biro lamang, triple pa ang pagkapikon niya tapos magmamaoy na sa pananalita niya. At patuloy ang problema sa presyo ng bigas lalo na sa NFA Rice as of this time of the year gayundin ang iba pang bilihin, sabayan pa ng pagsipa ng presyo ng gasolina tapos nakaamba ang pagtaas din ng pamasahe sa mga pampublikong transportasyon at iba pang economic woes ng bansa. 
*******
Napanood ko itong isang episode ng “Biyahe ni Drew” sa GMANewsTV at nakatutuwa namang ang featured place doon ay ang aking home city of Pasay. Tunay nga namang maraming hidden jewels ang aming lungsod na hindi dapat ma-bypass at nakasisiyang makarinig ng bright and positive feedback and perspective ng ibang tao tungkol dito. Nagtagal din ang itinerary ni Drew Arellano dito sa Villamor Air Base dahil nag-tour siya sa Philippine Air Force and Aerospace Museum plus ang Aircraft Park pa, ang Villamor Air Base Golf Club, at Newport Complex around Resorts World. Sayang at hindi napabilang ang Shrine of St. Therese dito rin sa Villamor at ang The Henry doon sa F.B. Harrison. Ang dami rin niyang napuntahan mula sa mga social na establisyimento sa S Maison-Conrad Hotel, La Fiesta, ang Pablo Antonio heritage house sa Padre Zamora, at hanggang sa mga pang-masang lugar doon sa Pasay Public Market kaya lalong nakilala ang Elyglofan pancit palabok at yung Harlem Restaurant sa Libertad.
*******
Botanical gallery



*******
Bittersweet indulgence: Whittaker’s Dark Ghana 72% Cocoa with irresistible peppermint fondant
                                                 *******                           
Ika-15 ng Setyembre. Nagpunta ako sa 2018 Manila International Book Fair (MIBF) sa SMX Convention Center ng SM Mall of Asia at ikasampung taon na ngang idinadaos doon. Ang haba-haba ng pila sa entrance at ang ticket ay umabot na sa 35 pesos! Grabe naman. Siguro, isa yung factor kung bakit tila nabawasan ngayong taon ang visitors’ turnout pero ewan ko lang. Nakabili ako ng trip kong items at nakita ko pa sa personal sina Prof. Ambeth Ocampo at si Sen. Rissa Hontiveros. Ang daming naggagandahang aklat na kung di lang kasi nakapanlulula ang mga halaga! Gusto ko pa naman yung “Boxer Codex” at ang coffeetable book tungkol sa pre-Hispanic gold treasures.
                *******
Gallery of Books



Jokes for Everyone by Father James Calasara. Kamag-anak namin ang may-akda nito. Limited lang kasi ang publication ng naturang aklat at nabili ko ito noon pa sa MIBF. 999 clean jokes na pampa-good vibes and sense of humor need not to be too hilarious and boisterous. 
Why I Love Being Catholic by Bro. Bo Sanchez & Kerygma Books. Noong una, nagulat ako sa presyo para sa pocketbook na ito pero naunawaan ko na. Ang proceeds kasi ay mapupunta naman sa ministries and charitable institutions na sinusuportahan nina Bro. Bo and his team. Ang ganda ng nilalaman ng aklat at talagang nakaka-impluwensya, through the inspiration of the Holy Spirit na pangalagaan at lalo pang kilalanin ang pananampalataya. This book is highly-recommended in knowing and cherishing the Catholic Christian faith na kung pwede lang sana ay ipahiram ko ito sa mga kakilala kong nilisan na ang ating Inang Simbahan nang hindi muna siya lubos na kinilala.   
Goyo, ang Batang Heneral: The History Behind the Movie by Anvil Publishing. Sayang at hindi ko napanood ang pelikula at aabangan ko na lang sa cable movie channels. Nabili ko rin ito sa MIBF at meron pang autograph ni Prof. Ambeth na merong foreword dito subalit ang malaking bahagi ay hango sa panayam sa historian na si Isagani Giron. Sayang nga lang at hindi nag-extend sa mga sinehan ang pagpapalabas nito di gaya ng Heneral Luna noong 2015. Maganda rin siguro ang kwento ng sine pero higit na nakakaintriga ang tunay na talambuhay ni Gregorio Del Pilar na noon pa man ay familiarized na ako sa kanya. Bagamat pinapurihan ang kanyang katapangan, isa pa rin siyang flawed character tulad nina Aguinaldo at Luna. Kung mas mura lang sana ang presyo ng mga tiket sa sinehan! Nabanggit sa libro na ang “Heneral Luna” raw ang pinakamalaki ang kinita sa takilya sa mga Pinoy historical epic films; hay, naku! Siyempre dahil sa movie ticket price inflation pero kung ang pagbabasehan ay istatistika o aktwal na dami ng mga nanood mismo sa mga sinehan, panalo pa rin ang “Jose Rizal” ng GMA Films, ano? Wonderin’ kung bakit hindi na nagpo-produce ng mga socially-relevant o makabuluhang pelikula ang GMA films kahit mga de-kalibreng indie movies? Para masawata naman ang mga kakornihan ng mga rom-com flicks ng Star Cinema at ABS-CBN na pinagbibidahan ng mga nakakaumay nang loveteams nila, hehehe!
Bakit Single Ka Pa Rin? by Velden Lim & Kerygma Books. Mixed reaction para sa akin. Wala namang problema sa pagiging single, ano? And I myself am single-blessed by choice. Ang aklat ay tila mas naka-address for single ladies rather single gentlemen pero lahat naman ay pwedeng maka-relate whatever the gender may be. Informative as well as entertaining with captivating quotes such as this one by Velden: “...oo, single ka pa rin but always remember: you are never alone. Stop looking for love and validation in the wrong people and places. Whether you have a partner or not, you are forever loved by God. Loved. That’s who you are.”
Gobbolino, the Witch’s Cat by Ursula Moray Williams & Kingfisher Classics. Nabili ko ito sa Booksale-Harrison Plaza for 50 pesos only. Isa itong cute na furry fairy tale in the form of a light, short novel for kids and adults alike. Ma-imagine agad kung gaano ka-cute na miming ang ating bida. Sana magkaroon ito ng animated film adaptation.
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig (Primo Viaggio Intorno al Mondo) ni Antonio Pigafetta at salin ni Phillip Yerro Kimpo / Aklat ng Bayan c/o Komisyon sa Wikang Filipino at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining. Nabili ko rin ang rare book na ito sa MIBF. Before Samuel Pepys, St. Thérèse of the Child Jesus, Anne Frank, at iba pang tanyag na diarists na inihandog ang kanilang precious journals sa mundo, isang aristokratong Italyanong binata na kabalyero, historyador, at navigator na nagngangalang Antonio Pigafetta, ang sumama sa ekspedisyon ng ex-Portuguese-turned-Spaniard na si Ferdinand Magellan noong Setyembre 1519. Dahil sa kanyang talaarawan, nabatid ng mga Kanluranin na mayroon palang isang kapuluan sa kabilang panig ng Mundo na balang araw ay tatawaging Pilipinas; hindi naman kasi sadya ang pagsapit nila dito at yung Moluccas, Indonesia lamang talaga ang hangad nila in the first place. At mula sa mga pahina ng akdang iyon ni Pigafetta, nabatid ng mga sumunod na henerasyon ng mga Pilipino ang tungkol sa matapang na pinuno ng isla ng Matan (Mactan) na itinuring na unang bayaning Pilipino na lumaban sa mga dayuhang mananakop mapanatili lamang ang kalayaan ng kanyang bayan at siya’y si Lapu-Lapu.
 Sa totoo lang, nakaka-enjoy basahin ang akda ni Pigafetta. Talagang glimpses from the past, doon sa kanyang kapanahunan, ang madarama ng isang mambabasa. Mula man ito sa point of view ng isang dayuhang manlalakbay na hindi rin nalalayo sa pananaw ng mga conquistadores, nabibigyan din ng pagkakataong mabatid ng mambabasa ang human side nila kahit pa ang portrayal sa kanila sa mga history textbooks at mga historical films ay mga tipong ‘kontrabida’ na sinikil ang kalayaan at karapatang-pantao ng mga katutubo sa mga lupaing kanilang sinakop. Bukod sa detailed accounts of the first world circumnavigation na ipinagpatuloy ng ekspedisyon sa kamatayan ni Magellan hanggang sa pagbabalik nila sa Espanya, ang dami-daming kwento ni Pigafetta mula sa mga pook na kanilang napuntahan at ang mga hayop at halaman na nakita niya doon, ang lagay ng panahon at kalangitan, astronomical and geographical references, at lalo na ang tungkol sa iba’t ibang lahi ng tao at kultura ng mga ito na kanilang nakatagpo habang ginagalugad ang Mundo; meron siyang binanggit na ang mga katutubong taga-Patagonia sa South America ay mga higante- maaari kayang exaggeration yun o pwede rin nagkaroon ng genetic case of gigantism sa mga katutubo na kanilang nadatnan.
Sa palagay ko, ang climax ng kanyang akda ay ang malinaw na pagsasalaysay niya tungkol sa labanan sa Mactan noong Ika-27 ng Abril, 1521 subalit walang pagbabanggit kung nakita niya mismo nang personal si Lapu-Lapu; çilapulapu pa ang baybay doon; ayon sa mga historians, ang “çi” at hindi naman siguro ‘si’ na isang pantukoy, ay honorary title para sa mga kasapi ng antas ng mga maginoo o kadatuan sa lipunang Bisaya samantalang sa mga Tagalog ay “Gat” o pinaikling pamagat. Nabanggit din niya sa kanyang talaarawan na hindi na niya naipagpatuloy ang pakikipaglaban dahil tinamaan daw siya ng palaso na may lason mula sa hanay ng mga taga-Mactan kaya namaga ang katawan niya pansamantala. Kung si Ferdinand Magellan ay kadalasan ang portrayal sa kanya sa mga history books ay isang tuso at malupit na tao at ipinangalan pa sa kanya ang “strait of Magellan”, ang mga celestial neighbors ng Milky Way galaxy sa universe, ang “Magellanic Clouds”, at pati ilang lugar sa Pilipinas bilang Magallanes (naturalized Spanish surname niya), para naman sa tapat niyang lingkod na si Pigafetta, ito ang eulogy para sa kanya:
“...ang aming salamin, aming liwanag, at ang aming tunay na gabay.”
“...hindi malilimas sa ating panahon ang kasikatan ng kayrangal na kapitan. Bukod sa iba pa niyang katangian, mas matatag siya kaysa lahat ng iba sa harap ng kasakunaan. Mas mahusay niyang natiis ang gutom kaysa lahat ng iba, at mas naiintindihan niya kaysa sinumang tao sa mundo ang mga mapa ng dagat at nabegasyon. At siyang lantad ang katotohanang ito, sapagkat wala nang ibang may angking husay o katapangan na matuto kung paano ikutin ang mundo, tulad ng kanyang nagawa.”
At doon nagtatapos ang kwento tungkol sa buhay nina Ferdinand Magellan at Lapu-Lapu.  
Gayunpaman, ang paraan ng pagsasalaysay ni Pigafetta ay simple at direkta, meron nga lang explicit  contents, hehehe! Pero siguro, hindi naman niya intensyong maggatong ng sexual interests dahil ganoon lang siya ka-objective sa kanyang mga pagmamasid sa mga ‘intimate behaviors and practices’ ng mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo tulad ng sa sinaunang Pilipino at iba pang lahi nang walang panghuhusga agad kahit na naghatid malamang ang mga yun ng culture shock sa kanya at siguro pati ang mga Pilipino ngayon ay mamamangha o mae-eskandalo sa ilang sensitibong kaugalian ng mga ninuno na tipong ‘sssshhh...do not disturb’ moments. Basta, ang kanyang talaarawan ay nagsilbi rin highly-valuable reference tungkol sa ilang aspekto ng sinaunang kultura ng ating mga ninuno bago ang kolonisasyon ng Espanya sa bansa. Pagkatapos ng nilahukang ekspedisyon, wala nang iba pang references kung ano na ang nangyari sa kanya o kung nag-asawa na siya at nagkaroon ng pamilya o ano pa man.
Yun nga lang, tulad ng nabanggit sa foreword ng aklat, ang pagkilalang nararapat talaga para kay Pigafetta ay nasulot daw ng ibang historians gaya ng isang nagngangalang Maximilianus Transylvanus at ang “De Moluccas Insulae” nito kahit na hindi naman siya eyewitness ng ekspedisyong iyon at pinagbatayan lamang ang mga personal interviews sa mga survivors tulad ng gawain ng mga journalists ngayon. Maaaring meron din pulitika sa ekspedisyon lalo na sa barkong Victoria; di nabanggit ni Pigafetta ang pangalang Juan Sebastian del Cano na siyang pumalit kay Magellan bilang kapitan dahil ang mamang iyon kasi ay kabilang sa mga mutineers (na maswerteng pinatawad pa) nang nasa South America pa sila; malamang ay may sama ng loob si Pigafetta sa isang ito. Nagmula na sa ibang references ang  tungkol kay del Cano at pati ang dahilan daw kung bakit dali-daling lumisan sa Zubu/Sugbu (Cebu) ang ekspedisyon matapos pagpapatayin ang ilan nilang tauhan ng mga Sugbuhanon mismo na naunang malugod na tinanggap sila; pinagsamantalahan daw ng kanilang mga tripulante ang mga kababaihan doon. Malay natin, totoong nangyari yun at nakaligtaan lang banggitin ng ating diarist maliban sa tungkol kay Enrique (Henrich sa aklat), ang taga-Moluccas na tagapagsilbi at interpreter ni Magellan na nilait-lait daw ng mga kasamahan sa ekspedisyon nang iginiit nito ang kalayaang nakalaan para sa kanya dahil yun daw ang naipangako sa kanya ng kanyang amo kapag may mangyari dito. Ang naturang lalake ay inudyukan daw ang mga Sugbuhanon na huwag nang ituring na kaibigan ang mga dayuhang pinagsisilbihan nito.
 Gayunpaman, dito sa Pilipinas, si Antonio Pigafetta pa rin at ang kanyang diary ang panalo! At natupad din ang kahilingang inihayag niya halos 500 taon na ang nakalipas: “...maranasan at tumungo upang masilayan ang mga bagay na iyon para sa aking sarili, nang sa gayon ay maaari akong mapanatag kahit papaano, at nang sa gayon ay maaari kong makamit ang kaunting katanyagan sa mga susunod na salinlahi.”