This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Sun's Warmth

Fernando Amorsolo's Fruit Pickers under the Mango Trees (courtesy of Wikipedia)

SUMMER EGO TRIPPIN’ (first posted on April 2010)

Crossless Christ or Christless Cross? Noong isang taon ko pa nabasa ang terms na ito sa Lenten reflections ng isang pari, si Fr. Bel San Luis, na may column sa Manila Bulletin Editorial section. Well, how do we observe the season and celebrate the coming Easter?
Headlines nitong mga nakaraang araw ang tungkol sa students' unrest sa dalawang unibersidad na kilalang strongholds of student activism. Mga protesta laban sa tuition fee hike tapos sa administrasyon ng paaralan nila. Napanood ng buong bansa ang mainit na gulo na nagaganap kapag umiral ang matinding bugso ng damdamin at saradong daanan ng komunikasyon ng magkakaibang panig. At may mga nagsunog ng mga gamit sa kanilang paaralan na paraan daw ng kanilang protesta (samantalang maraming eskwelahan sa ating bansa ang nangangailangan ng mga kagamitan); kaya umaksyon na ang kapulisan kahit wala man pinapanigan at huli ang mga student leaders. At mukhang hindi pa rin pasisindak ang mga raliyistang estudyante man doon o nakikisawsaw lang (bunsod ng nagbabagang adhikain...o di kaya'y nagtatapang-tapangan lang ang ilan para maipamalas na hindi sila dapat ismolin; ganoon?). Tapos green spray para sa isang chancellor nang pumunta sa isang meeting. Hindi ko man kilala ni isa sa mga aktibistang iyon o kung ano man uri ng pakikibaka nila ay wala na ako doon. Nakatira tayo sa isang demokratikong bansa. Mayroong kalayaan sa pagpapahayag na ating tinatamasa. May karapatan na ipaglaban ang mga karapatan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pikit-mata na lang na susunod sa mga utos at kung kinakailangan ay ipahayag ang hinaing o saloobin kapag mayroon nang banta o hamon laban sa mga karapatang-pantao o pagkatao ng isang tao. Subalit natutunan naman natin na ang kalayaang ito ay nararapat na ilagay sa tamang lugar, sa wastong paghahayag, di ba? Ano bang mangyayari kapag lumabis na ang ideyalismo? O reyalismo? At iba pang -ismo? Hay, the left and the right and the center...
***
Sa tuwing nanonood ako ng "Queen Seon Deok", lalo kong natutunan na mula pa sa mga sinaunang panahon ay malalim na ang interest ng tao sa pag-aaral sa kalangitan. Malamang na sa panahon noon, ang astronomiya ay hindi hiwalay sa astrolohiya pati feng shui (ang bulaklak ng plum ni Sadaham ay code name pala ng isang pambihirang kalendaryo na na-develop sa Tsina). Ang petsa ng kapanganakan ng kambal na prinsesa ay nagkaroon ng isang palatandaan sa langit. Ang constellation ng Big Dipper (sa kultura nila ay ito ang "araro") ay nagpamalas ng phenomenon nang ang isang bituin sa may handle nito ay nagliwanang at nahati sa dalawa. Ito raw ang hudyat na ipinanganak na ang tatalo kay Lady Mi-Shil (beautiful sinister, ain't she?). Ngunit ang modernong astronomiya ay may paliwanag tungkol dito (aba, elementary science ito sa ating panahon, ano? sorry na lang sa mga lumimot sa kanilang Science lessons noong Grade 6). Noong ancient times pa pinangalanan ang mga bituin ng Big Dipper- Dubhe at Merak (ang mga pointer stars ng Polaris the North Star), Megrez, Phecda, Alioth, Mizar, at Alkaid. Ang Mizar na nasa handle ng constellation na ito ay isang double star at napakaraming ganito sa star catalog. At dahil sa doble, ito ay eclipsing binary na kapag nagsanib ito at ang faint companion nito, may kakaibang liwanag nga at pagkatapos ay maghihiwalay sila at masisilayan na ang kakambal na tinatawag na Alcor. May nabasa ako na isang ancient method of eyesight test ay yun kung matutukoy ba nila ang posisyon ng Alcor sa Big Dipper (dahil sa polusyon sa urban areas, mas mabuting tingnan na lang sa teleskopyo o kahit sa maliit na binoculars). Ang kultura nga naman ay hinuhulma ng panahon. Hay, sayang at sana tinago ko yung lumang edition ng Readers' Digest kung saan may featured article ang tungkol sa Silla Kingdom ng sinaunang Korea at doon ko unang nakita ang larawan ng isang astronomical observatory raw ni Queen Seon Deok. Noon ko pa yun nabasa, matagal na bago pa lang mapanood sa Asya ang sikat na Korean period drama. Simula pa noong unang panahon, nahihiwagahan at namamangha ang mga tao sa kalangitan anuman ang kultura- Tsino, Babylonian, Griyego o Egyptian, lahat ng tribo sa lahat ng kontinente. Sabi nga naman sa kanta ng Scorpions: 'coz we all live under the same sun/ we all walk under the same moon/ we all live under the same sky/ we all look up at the same stars, yeah/ then why, tell me why, can't we live as one?
***
Nong isang araw pa nag-premiere sa TV5 ang "Face-to-Face" hosted by Miss Amy Perez. Parang revival ng "Diretsahan" noong ABC-5 pa ang pangalan ng channel nila. Ito ang alternative ng TV5 sa mga talent shows ng dalawang magkalabang networks at nagpapaalala ng late morning talk shows na matagal naging trend sa TV on weekdays. Ang "Face-to-Face" ay higit pa sa reality shows pero may essence ng makabuluhang talk show. Siguradong humakot agad ng napakaraming viewers at sana ay may primetime replay rin ito para mas marami ang makapanood. Siguro nga na likas sa atin ang pagiging maurirat tungkol sa lipunan o kapaligirang ginagalawan because we're all social animals anyway. Ibang klaseng trip kung maki-tsismis sa mga barangay hall kapag may mga nagharap-harap na doon. Sa naturang show, syempre hindi mapigilan ang pagbulusok ng mga emosyon. May sigawan, murahan, batuhan ng maaanghang na salita at minsan ay nagkakasakitan na ang may open forum kaya nga may nakaantabay na bouncers. Hehehe, type ko ang ganitong show sa totoo lang. Mabuti at may tatlong inimbitahan advisers na mag-aabot ng payo at sa pagtatapos ng show, naroon ang pagsisikap na mapag-ayos ang mga panig na may hidwaan. Tulad ng laging sinasabi ng host, ang problema ay pwedeng tawanan ngunit hindi maaaring takasan. Just face it, right?
***
Dahil sa summer ngayon, huwag na lang pansinin ang alinsangan. Look at the bright side. Panahon ngayon ng pamumukadkad ng mga halaman lalo na yung malalaking puno. Noong Marso 14, araw ng Linggo at kasabay ng laban nina Pacquiao at Clottey, halos sabay-sabay na namulaklak ang mga narra na talaga namang napakagandang pagmasdan. Ganoon din ang mga akasya at banaba. At kapag nasa LRT ako, palagi kong natatanaw ang mga kalatsutsi na hitik na hitik sa dami ng bulaklak gayundin ang dwarf species nito na marami sa bahay namin. Nagbabalik uli ang aral na natutunan ko sa mga lilies lalo pa't malapit na ang Easter season. Ang mga bulaklak ng summer, mabilad man sa matinding sikat ng araw o pilit na iginugupo ng pabugsu-bugsong hangin, hindi nagpapatinag hangga't hindi pa tapos ang pamumukadkad nila at paghahatid ng kasiyahan sa sinumang nagpapahalaga sa Kalikasan. Mga kahanga-hangang nilikha ng Panginoon. 

SOUTHWEST MONSOON TIDINGS (first posted on May 2010)

There’s a new leader in our beloved country and millions and millions celebrated… however, I don’t, honestly. May his parent forgive this weirdo. Sigh. Sasapitin din ba niya ang sinapit na ng mga naunang pangulo kung saan sa simula lamang ay pulos paghanga at karangalan ang tinamo subalit darating naman ang araw na mapapalitan iyon ng mga pagkadismaya at batikos? Na may mga raliyista ang gagawa na rin ng mga effigy na kamukha niya at pagkatapos ay susunugin ito sa mga kilos-protesta? Makatatanggap ba siya ng mga sumbat at pasaring mula sa iba’t ibang tao? Sigh again, sa ayaw man natin o sa gusto, siya ang mamumuno sa loob ng anim na taon, wala na akong magagawa pa. Ang nararapat na lang natin gawin ay ang magsumikap na manatiling mga mabuting mamamayang Pilipino. At iparamdam pa rin ang ating paggalang sa ating Pangulo.
***
Kung makakausap ko lang nang personal si Pope Benedict XVI, tatanungin ko siya kung bakit hindi usually ipinapapulis ang ilang nagkasalang pari at hayaan na ang due process of the law para sa mga kaso tulad ng ganoon. Tao lamang ang mga pari ngunit kapag napabalitang nagkasala, may katakut-takot nang panghuhusga ang matatamo at panunumbat sa pagsira sa tiwala ng lipunan. Yun bang sa pagka-puritanical priggish na unawa ng ibang tao ay para bang mga paring Katoliko lamang ang nagkakasala at ang mga church leaders na ng ibang relihiyon ay ganoon na ka-dalisay! Bakit may ilang tao na nakahahanap pa ng kasiyahan kapag nagsasagawa ng demolition jobs laban sa Simbahan eh, sawsaw lang sila sa isyu at hindi sila ang mga biktima? Patunayan muna nila na taglay nila ang mala-Albigensian/Cathari na ‘busilak na pagkatao’ bago sila manlibak ng kapwa nila. Sino ba tayo upang husgahan ang kapwa natin? At may naalala ako. May isang telephone conversation na sadyang nagpapangit sa isang eksena ng “The Hot Chick” ni Rob Schneider. Ewan, basta pangit pakinggan at alam niyo na yun kung napanood niyo yung sine. Pero ang mas liberated na “Sex and the City” (HBO series and not the movies, though!) kung saan sa isang episode ng isang lumang season nito ay somehow and somewhat ay siya pang pinagpitagan ang priestly celibacy. Ang ating favorite irresistable seductress na si Samantha ay infatuated sa isang bata-bata pang pari (she’s hotter than Carrie, Charlotte, or Miranda combined). At hindi nagtagal at tiyempong nagdarasal mag-isa yung pari sa loob ng kapilya ay sinamantala ni Samantha ang pagkakataon na lumapit dito upang ‘ikumpisal’ kung gaano niya ito pinagnanasahan. Pero nanatiling stoic yung pari. Tinanggap nito ang dalawang de-lata na donasyon nung tsik sabay sabing “Thank you... but I love God”. At iniwan si Samantha na napahiya sa bigo niyang conquest!
“Deny yourself, take up your cross, and follow Me”- Christ.
Tayo nga ay malimit tayong mag-request sa ating mga mahal sa buhay at mga kaibigan na ipagdasal tayo. Bakit hindi naman natin ipanalangin ang mga nanalangin na para sa atin? The following is the “Prayer for Priests” na galing sa “Sacred Heart Novena” at nauna na itong nai-post sa Twitter ko bilang nakanumero na series of tweets. Sacred Heart of Jesus, hear my humble prayer on behalf of your priests. I pray for your faithful and fervent priests; for your unfaithful and tepid priests; for your priests who labor at home and abroad; for your tempted priests; for your lonely and desolate priests; for your young priests; for your dying priests; for the souls of your priests in purgatory. Merciful Heart of Jesus, remembering that they are but weak and frail human beings, give them a deep faith, a bright and firm hope, and a burning love. I ask that in their loneliness, you comfort them; in their sorrow, you strengthen them; in their frustrations, you show them that is through suffering that the soul is purified. Loving Heart of Jesus, keep them close to your Sacred Heart; bless them abundantly, in time, and in eternity. Amen.
***
Finale of this blog. Ah, last May 26 ay 38⁰C at 2:10 pm. Ngunit hindi ko halos naramdaman sapagkat higit kong pansin ang pamumukadkad ng mga flame trees o caballero o yung puno na kauri ng mga ipil-ipil na agaw-pansin ang naggagandahang bulaklak tuwing tag-init. Ang mga bougainvillea at melendres (myrtle)ay kaygaganda rin. Flores de Mayo... to the flowers of Luneta (not Heidelberg, though) at tila, maging sila ay may ipinahiwatig na magandang balita. Yung bang pagkagaling ko sa PNU ay kailangan kong mag-Internet sa isang computer shop sa Villamor concessionaires area. May natanggap akong e-mail na may napakahabang attachment kung saan nakalista ang pangalan ng libu-libong tao na nagsama-sama noong April 18 kahit magkakaiba ng school venue. Kinabahan ako nang nai-browse yun. Naalala ko na seat #13 pa ang napunta sa akin nang araw na iyon... at ang numerong ito ay hindi naman pala malas! Ah, naalala ko rin noong mga nakaraang buwan, sa kabila ng iniaangal kong 5,000 piso na fee para sa refresher course at hindi ko pa nakumpleto ang sessions na yun (may isang bigatin sanang session noon pero inisnab ko para lang manood ng televised fight nina Pacquiao at Clottey). Sa kabila ng mga katamaran ko at saka attitude problem pa (inaamin ko ito), nakita ko ang pangalan ko doon sa listahan na iyon! Subalit... natuwa na lang ako sa aking katahimikan. Hindi ako makapagbunyi o magtatalon sa kagalakan tulad ng iba. Nakaramdam naman ako ng kagaanan ngunit sa mismong sandali na iyon, reality started to bite. Ako nga ba ay karapat-dapat sa tagumpay na ito?
Lubos akong nagpapasalamat sa Panginoon para sa pagkakapasa ko sa LET. I’m already a... teacher-in-waiting (?). Pero ayaw ko pang magpatawag ng ma’am, utang na loob! Naguguluhan pa rin ako na medyo nangilabot pa sa pagpapasyang ito. Talaga nga bang gusto kong maging guro? Ah, noong Grade 1 kasi ay pinasulat kami ng titser kung anong gusto naming trabaho paglaki namin. Ako naman ay walang ibang maisip noon liban lang sa ‘guro’. Parang biro-biro lang hanggang sa lumipas ang mga taon, halos isumpa ko na hindi ako magiging titser. Noong hayskul ay gumagawa ako ng mga drowing ng ilang titser ko noon na ayaw ko at nagmukha silang mga halimaw sa aking mga ‘obra maestra’. Pagkatapos, college. Fine Arts sa PWU at Slim’s, failed pero marami pa rin akong natutunan doon. Tapos Customs Administration sa aking Alma Mater, the Asian Institute of Maritime Studies. Ngunit nag-iba ang ihip ng hangin at kumuha ako ng second course sa PNU, ang CTP. At ganoon na... guro. Ngunit wala nang urungan ito. Hindi na ito biro o trip lamang. Kung magkaroon sana ako ng pagkakataon, nais kong maglingkod sa aking Alma Mater noong elementarya, ang Villamor Air Base Elementary School kahit na iba na ang anyo at lokasyon niya ngayon. Ang public school na nililingon ko sapagkat hindi ko mararating ang narating ko kung hindi dahil sa kanya. Siguro nga noong hayskul, aaminin ko ang aking kababawan. Akala ko ay superior na ang mga galing private school. Subalit ang immaturity na iyon ay inutas na ng saloobing ito- na galing ako sa public school at ipinagmamalaki ko ito! Galing sila sa private, eh ano naman ngayon? Mga hitad ang marami sa kanila, hahaha! Oh, sorry to some Paulinians and even some Maryans (marami lang kasi akong nakasamaan ng loob sa dalawang eskwelang pinasukan ko noong hayskul). Harinawa, may patutunguhan ang PRC License kong ito and let God’s will be done. Magsusumikap na lamang ako. Babawasan ang pagka-isip-bata, ang mga ka-weirduhan sa klase, hahaha!
P.S.May practicum kami noong isang taon sa San Isidro Catholic School. Happy experience with the whole SICS family. Mukha akong girly-girl, nakakahiya man aminin ang disguise kapag may mga bata sa paligid... hahaha...huhuhu...






No comments:

Post a Comment