This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Thursday, April 21, 2016

Soliloquy ng Tag-Araw

The laughing Buddha, the frogs, and the flowers

Ang weirdong blogger na nagngangalang Joan T. Teves alyas weirdjtt ay ngayong April 2016 lamang naisaayos ang blog site na ito buhat sa September 2015 post na “ Anti-Pabebe Weirdness” hanggang sa kasalukuyang post na ito na may pamagat na “Soliloquy ng Tag-araw”. Eh, sa ngayon lang ako sinipag, eh. At saka, hindi ko naman tungkuling panatilihin ang blog site na ito on time para lang sa entertainment and curiosity trip ng karamihan sa mga cold and distant anonymous readers dito, ano?
Tag-init na nga kahit hanggang gabi subalit buti na lang at madalas ang tuluy-tuloy na ihip ng silangang hangin o yung tinatawag na easterlies. Siyempre, basta pag ganitong panahon, inoobserbahan ko ang langit tuwing gabi. On early evenings and the night sky is clear, Orion, Taurus, Canis Major, Canis Minor, Gemini, Auriga, and other prominent constellations during the cooler months of November to February, are having their descent to the west. And during the dry months of March, April, and May, Jupiter is ascending in the east. Kasunod ang partner stars- reddish-white Arcturus of Böotes and bluish-white Spica of Virgo. At bago maghatinggabi, inoobserbahan ko uli ang eastern sky. Tila may bagong konstelasyon! The bright red constellation of 2016. Halos sabay ang ascent of Ophiuchus and the Scorpius. At dalawa na ang masisilayang planeta sa pagitan ng mga ito. Noong nakaraang taon, naoobserbahan ko ang posisyon ng Saturn at ito’y nasa sipit ng Scorpius at ngayong taon, napalapit na ito sa gilid ng Ophiuchus. At ang bago, ang Mars ay muling natunghayan sa Scorpius. The two planets- Mars and Saturn together with the scorpion’s heart, Antares, ay may tatsulok na pattern, isang celestial triangle. That’s cool! Two red planets, a bright red star, the scorpion, and the serpent-holder. Spectacular night sky sights and delights!
*******
Abril 3. Second Sunday of the Easter season and Feast of the Divine Mercy Sunday. Kahapon ko pa natapos ang nobena nito sa Shrine of St. Thérèse dito sa Villamor Air Base. Matagal nang namayapa si St. Faustina Kowalska ngunit sa pagpapala ng Panginoon, ang debosyon sa Banal na Awa ay nagpapatuloy at nagpapatuloy. Dahil yun sa inspirasyon ng Holy Spirit.
Nagsimba ako. Bago mag-homily, may ibinahaging anecdote ang pari. Noong World War I (1914-1918), ang reigning Pope pa noon ay si Benedict XV () na malamang ay idolo ni Pope Emeritus Benedict XVI. Siya ay kilalang humanitarian pope and advocate of peace. Isang araw nang siya’y nag-Misa sa St. Peter’s Square, isang assassin ang humalo sa mga nagsisimba. Habang binabasbasan niya ang mga tao, inasinta siya ng assassin pero ang baril nito ay hindi man lang pumutok kahit na loaded ng bala. Nagkagulo at dinakip ang tao at iniharap kay Pope Benedict. Nagtataka ang mama sa baril niya na nilinisan at nai-test naman niya pero sinabi sa kanya ng Pope na hindi na talaga yun puputok sapagkat binasbasan na niya ang lahat-lahat ng dumalo sa Misa. Pinatawad siya ni Pope Benedict; kagaya rin ng ginawa noon ni St. John Paul II. Sa halip na ipakulong, pinauwi na lang niya ang mama sa pamilya nito. Ngunit ang mama ay nag-atubiling umuwi sapagkat labis siyang nahihiya sa kanyang asawa at mga anak.
  Katulad ng binanggit sa Gospel ngayong Linggo, matapos maniwala sa wakas ni St. Thomas na nabuhay uli si Jesus, siya at ang mga alagad ay binasbasan ng Panginoon na “... magkaroon ng awtoridad upang magpatawad.” Ako man, aaminin kong mahirap ako minsang magpatawad lalo na kapag ang tiwala ko ang nasira. Subalit dumarating pa rin ang wastong pagkakataon at panahon upang ang kapatawaran ay lubos nang maigawad at wala nang kondisyon o pag-uungkat pa ng mga hinanakit at sugat mula sa nakaraan. Maraming salamat sa Panginoon sa mga natutunan kong ito. Amen.
*******
Abril 7. What a joyful day! Halos buong araw akong nasa Maynila, my second favorite city after Pasay.
Pero hindi naman pasyal ang sadya ko doon. Buti at maluwag sa loob ng mga bagon ng LRT-1 hanggang sa pagbaba ko sa Central Station. Pagpunta ko sa Lawton upang mag-abang ng dyip patungong Sampaloc, napansin kong binakuran na ang paligid ng Manila Metropolitan Theater sapagkat isinasailalim ito sa clean-up and rehabilitation. Noong buhay pa ang namayapang Kuya Germs (), nabanggit pa niya minsan sa isang dokyumentaryo ang naturang gusali. Balak ng Manila City government na buhayin muli ang Met. Sayang na sayang na heritage building. Nagsilbi pa naman itong piping saksi sa kasaysayan ng lungsod at katulad ng Ilog Pasig, ito’y pinabayaang mag-deteriorate sa paglipas ng maraming panahon.
Hindi matrapik hanggang Quiapo at Sampaloc. Tatlong taon na ang lumipas nang huli akong nakapunta dito. Nagpa-renew ako ng ID ko sa PRC main building. Online na pala ang renewal nito at kanya-kanya na ng pag-encode sa PRC website ang bawat aplikante. Ang haba-haba ng pila sa nakahilerang computer units pero may mga nag-a-assist naman lalo na sa mga may edad nang aplikante na hindi masyado sa kompyuter. Syempre ang mga nakatunog sa bagong patakarang ito ng PRC ay nag-apply na right in the comfort of their homes or offices and hassle-free na. Magbabayad na lang sila sa Bayad Center or to the bank of their choice within 24 hours at pwede nang makuha ang renewed ID either thru delivery o kung masipag sila, sa main office mismo. And as for me, pumila at magutom! Ngunit worth the long, boring wait naman, at hindi kagaya noon na isang linggo ang hihintayin, ngayon ay nakuha ko na ang ID ko pagkatapos magbayad ng renewal fee.
Pagkakain, sumakay na ako sa dyip pabalik sa Quiapo. Sa hapong ito, meron akong belated visita iglesia. Una kong tinungo ang Quiapo Church or Minor Basilica of the Black Nazarene. Pagkatapos, sunod naman sa aking itinerary ay ang St. Jude Thaddeus and St. Michael the Archangel, both National Shrines, na nasa San Miguel o within the Malacañan Complex. Huwebes pala at may nobena kay St. Jude kaya pala maraming tao. Nadatnan ko pa ang patapos nang High Mass. Iba-ibang mga tao katulad sa Quiapo Church. Iba-ibang mukha. Iba-ibang saloobin. Hindi ako nakasama sa mga nagnobena subalit simple lamang ang aking panalangin- pagpalain nawa ng Panginoong Diyos ang lahat ng taong naroon kahit na wala akong kilala ni isa sa kanila. Ikatlong simbahan na yung St. Michael. Malayu-layong lakaran patungo doon along J.P.Laurel Avenue, sa labas ng bakod ng Palasyo mismo ng Malakanyang. Hindi naman nakakapagod dahil maraming puno doon at saka tahimik na lugar. Nadaanan ko pa ang Freedom Park at ang marker ng Liberation of Manila 1945. Kaya lang, kulang sa maintenance ang munting parke at ang nakakadismaya ay ang nangyari sa monumento na may istatwa ng puting kalapati sa itaas. Kahit na tapat mismo ito ng Malakanyang, heavily-vandalized na ito gawa ng mga iresponsableng namamasyal dito na hindi iniisip na ang ipinangpagawa sa parke ay mula sa buwis ng taumbayan. At malamang, marami sa mga tumatambay at namamasyal dito ay hindi rin pansin kung tungkol saan o para saan ang historical marker sa naturang parke at maging mismo sa kasaysayan ng kanilang lungsod! 
*******
Abril 16. Bago magtanghali ay pumasok pa ako sa City University of Pasay dahil finals exam at last meeting na sa aming MAED class. Napakaalinsangan nang araw na ito. At least, lumamon naman ako kanina sa Jollibee.
16th of April na. Ngunit para sa akin ay tulad pa rin ito ng karaniwang araw basta huwag kong kaligtaang sumadya sa simbahan. Mula F.B. Harrison, nag-dyip ako hanggang Padre Burgos. Nagtungo ako sa Santa Clara Parish, very nostalgic para sa akin lalo pa’t katapat din nito ang high school alma mater kong St. Mary’s Academy. Pumasok muna ako sa Adoration Chapel bago magtungo sa main church. Marami-rami ang tao nitong hapon, a. lumabas ako sa simbahan nang magaan at masaya ang aking pakiramdam. Bago ako umuwi, bumili ako half choco roll sa Goldilocks para dessert pagkatapos ng simpleng hapunan.
Ika-16 ng Abril. Ano ba ang masasabi ko sa araw na ito? Simpleng araw, basta gusto ko lang ang isang simple pero mapayapang araw sa birthday ko.
*******

Giacomo Farelli's St. Anthony of Padua with the Baby Jesus (courtesy of Wikipedia)

Abril 20. Kung hindi ipinaalala ng aming family friend na sa petsang ito, darating ang relics ni St. Anthony of Padua sa Shrine of St. Thérèse, sayang ang pagkakataon! Kahit na hindi ko naabutan ang Misa, marami pa ring tao sa simbahan. Pagkatapos manalangin, pumila ako para masilayan nang malapitan ang relic. Isa pala yung maliit na bahagi ng buto na nakalagak sa maliit na reliquary. Nabuhay si St. Anthony 800 years ago, sa panahon ng Middle Ages, at kasabayan pa niya si St. Francis of Assisi. Katulad ng karamihan sa mga banal, maikli rin ang buhay niya subalit makabuluhan. In art, ang portrayal sa kanya ay isang simpleng Franciscan na buhat ang Baby Jesus na nakaupo sa aklat. Paalala ng isang pure, childlike faith. Kilala rin siya noon bilang effective preacher na nahikayat ang napakaraming tao pabalik sa Simbahan. Siya rin ang patron saint of lost articles.
Pero sa term na “lost articles”, sa palagay ko, hindi lang yun mga materyal na bagay. si St. Anthony of Padua ay isang intercessor, patuloy na nananalangin para sa mga kaluluwang nais muling mahanap ang nawalang pananampalataya, o ng pag-asa, pag-ibig, pangarap, tiwala, o kapayapaan ng kalooban. Sa ikalawang blog post ko noong July 2012 na “Don’t Mess Up With This Soliloquist” na kabilang sa mga nakatalang posts na may pinakamaraming pageviews, may uploaded image pa doon ng painting tungkol kay St. Anthony meeting the Baby Jesus in a vision at may karugtong na maikling panalangin na muli kong isasama sa blog kong ito ngayong buwan.
Please pray for me and the others, o humble servant of Our Lord. May the lost dear things, fruits of our labors be found and retrieved or returned. May the lost trust be mended and genuine forgiveness follows. May the lost confidence and hope to pursue dreams be regained. So be it.
*******
Botanical Gallery with Birds
Celebrating the season!




Ang tarat sa malunggay at kawad











Bougainvilleas

Is this a variety of ashitaba or not?


Cassandra shrubs 
*******

Blog Chaser
(actually nais kong ipabilang ang sanaysay na ito para sa buwan ng Abril 2016)

Ika-25 ng Abril hanggang ika-1 ng Mayo nang idinaos itong K to 12 seminar ng Kagawaran ng Edukasyon- Sangay ng Lungsod ng Pasay, doon sa Baden Powell (BP) Hotel na matatagpuan sa Jamboree Road ng medyo liblib na baryo ng Batong Malake, Los Baños, Laguna at lampas ng University of the Philippines at nasa Bundok Makiling na. Wala akong kuhang litrato sa naturang lugar ngunit matutunghayan naman ang kariktan nun sa Google images at may website din yun.
Ano bang masasabi ko tungkol sa seminar? Mixed emotions. At nang nalaman ko ang bagong kurikulum ng Araling Panlipunan para sa Ikalimang Baitang (yun ang bagong tawag sa Heograpiya, Kasaysayan, at Sibika o HEKASI na napakahabang panahon nang pangalan sa asignatura), nalungkot ako. Sabihin na ngang “decongested curriculum” na ang K to 12 at naka-pokus umano sa ‘mastery of topics’. Ang mga paksang-aralin ay simula sa lokasyon ng Pilipinas sa daigdig (tulad sa AP ng Gr. 4) at ang sinauna o pre-Hispanic na panahon sa bansa hanggang 1815 lamang. Tsktsktsk! Samantalang sa Revised Basic Education Curriculum (RBEC) noon, ang turo sa HEKASI 5 ay tutok talaga sa kasaysayan ng Pilipinas mula sinaunang panahon hanggang kasalukuyang pamahalaan at ang tungkol sa demokrasya ang finale nito. Nakakabwisit ang nangyari sa school nitong katatapos lang na school year 2015-2016. Yun pa naman ang huling SY ng RBEC para sa Gr. 5. Ikaapat na markahan na sana pero ang dami pang paksa ang hindi naituturo; paano, Pebrero na nagsimula yung grading period tapos tinambakan pa ng mga mga extra-curricular activities at mga araw na walang palitan ng mga guro at saka, pagsapit ng unang linggo ng Marso, bigla na lang pinasimulan ang mga Ikaapat na Markahang Pagsusulit! Samantalang ang mga araw pagkatapos ng mga pagsusulit ay wala nang mga gawain; nasayang lang. Para sa akin, hindi naman talaga congested ang HEKASI ng grade 5. Nasa ayos naman ang mga paksa nito mula una hanggang ikaapat na markahan. Ang problema kasi ay ang mga sitwasyon sa aming paaralan.
Pambihira naman, o! Hindi na kabilang sa AP 5 ang tungkol sa kasaysayan ng bansa during the late 19th to the 20th century sapagkat ang mga yun ay kabilang na raw sa AP ng mga Gr. 6. Dumalo rin ako sa Filipino session. Mixed emotions again.
Walang plastikan. Marami talagang pagkakataong labis akong naiinip sa seminar. At kahit mukha lang akong tahimik na nakikinig, ang imahinasyon ko ay nasa malayo. Kung pwede lang, tumakas muna at magtago sa hotel room para bumawi ng tulog. O, di kaya’y lumabas tungo sa mga kakahuyan sa tuwing umuulan. Malinis ang ulan sa Bundok Makiling, a! Gustung-gusto ko talagang lumiban na lang sa mga seminar. Subalit hindi ko yun pinagtangkaang gawin at hindi ko talaga yun gagawin. Batid kong ang gobyerno ang gumastos para sa isang linggong seminar na ito. Ang pondo ay mula sa kaban ng bayan na pinupunan ng buwis ng mga mamamayan. Tapos, may allocation ito sa DepEd. Kaya nga walang binayaran sa hotel accomodation at sa pagkain (ewan ko lang sa transportation costs). Nasa oras naman ang sweldo ko katulad sa iba pang government employees.
Seminar, seminar, seminar. Araw-araw. Maghapon. Maraming pagkakataong natutuliro ako sa aking pagninilay-nilay. Nandoon ako sa mundo ng mga guro; titser din ba ako kagaya nila? Yun bang ang pakiramdam ng pagiging sabit lang. Ipatutupad na sa susunod na pasukan sa Hunyo ang ‘makasaysayan’ umanong K to 12 curriculum ng Gr. 5. Hanggang kailan kaya ang panahon ng pagiging guro ko? Hindi ko alam... sa kasalukuyang panahon, I’m still running in circles na hindi ko mapagtanto kung ano ba talaga ang puwang sa mundong ibabaw para sa akin. Marami na akong batang nakilala. Ngunit may naging impluwensya ba ako sa buhay nila? Kahit papaano, may naiambag ba ako upang makaagapay sa kanila sa panahong ito ng kanilang paglaki? That is not mine to say.
Meron din namang pagkakataong na-enjoy ko ang pagdalo sa seminar and group works. Halimbawa ay ang isang activity sa AP tungkol sa pagkamakabansa at pagkamakabayan. Masaya ako na nakapag-ambag sa pangkat namin sa pamamagitan ng isang on-the-spot na maikling tula na nai-compose ko. Ito yun, eh:

Pinagpalang bayan sa silangan

Hinahagkan ng bughaw na kalangitan

Yakap ng mapaghamon ngunit mapag-arugang karagatan

Mayroong magigiting at mararangal na mamamayan.

Inang Pilipinas, kaming iyong mga supling

Narito sa iyong paanan ang aming mithiin

Dakilang pag-ibig namin, iyo ay damhin

Sa iyong karangalan at puri, handang ialay buhay namin.

Inaabangan ko palagi ang mga oras ng paglamon. Almusal, morning meryenda, tanghalian, afternoon meryenda, hapunan. Palagi akong nakakaulinig sa ibang participants na hindi raw masarap ang mga pagkain at halatang tinipid ito. Pero ako... no discriminating taste. Wala na akong pakialam kung malasa o malinamnam o bland ang pagkakaluto ng nasa daily menu basta lumamon na lang ako at isipin ko na lang ang nutritional content and value.
Well,  I wanna talk about the lighter moments and set the heavy realities of the K to 12 seminar aside.
About the venue? BP is a standard mid-rise hotel managed by El Cielito Corporation and has neat, minimalist interiors with Asian motif like the Buddha figurines. Along Jamboree Road and surrounded by forests, it is adjacent to the facilities and campsite of the Boy Scouts of the Philippines. Pagpanhik ng sinuman sa 4th floor, ah, the magnificent  360 panoramic view ng mga kagubatan, ang mga kabayanan ng Los Baños at Calamba, ang Laguna de Bay, at yung mga burol at maging ang Sierra Madre.
Ngunit ang naghahatid sa akin ng naiibang kasiyahan ay ang luntiang kapaligiran at ang sariwang hangin na kay inam sa kalusugan. Gustung-gusto kong mag-usyoso beyond the BP Hotel’s premises. Naghanap ako ng mapayapang pook doon kung saan ay walang gagambala sa akin kapag nais kong mapag-isa. May mga nais akong gawin kung kaya’t madalas nagsosolo ako at mas lalong wala akong pakialam kung pagbulungan man ako na isa akong weirdo dahil weirdo naman talaga ako.
Di kalayuan sa hotel, mayroong napakalaking puno ng akasya. Nag-iwan ako sa paanan nito ng matatamis na kendi. At pagkatapos, initsa ko sa iba-ibang pwesto ang dala kong mga binhi ng puno at halaman at hayaan na ang kalikasan ang mangalaga sa mga ito. Sa gilid ng malawak na campsite na nagsilbing pastulan muna ng mga baka at kambing pati mga puting tagak, naroon ang hilera ng mga mahogany at halos walang nagagawing tao doon. Pero gustung-gusto ko ang lugar na iyon! Matiwasay talaga at ligtas naman, a picture of tranquility for a meaningful solitude. Isa sa mga mahogany ang may malaking ugat na nakausli at yun ay naging maginhawang upuan para sa akin habang ako’y nagninilay-nilay sa ilalim ng lilim ng mga puno. Sa tahimik na lugar na iyon, kahit na hindi talaga ako ganoong karelihiyoso, doon ko piniling mag-rosaryo at magpatuloy sa chaplet of the Divine Mercy. Noong Abril 30, anibersaryo ng canonization ni St. Faustina.
Kahit sandali lamang na solitude moments sa mahogany row, panatag ang kalooban ko. Nauulinigan ko ang ibang dumalo sa seminar na hindi mahilig sa nature trip at iniiwasan ang mapadpad sa mga kakahuyan kaya doon lang sila sa Jamboree Road. Marami silang kakaibang paniniwala, eh. Hayaan ko na lang sila! Basta ako, natutuwa akong mamasyal sa mga kakahuyan. Hmmm, sundin ko na lang ang mga payo o pamahiin na kapag nagagawi sa ganoong uri ng pook, magbulong ng “tabi-tabi po”. O, sige. Subalit ang kakahuyang iniiwasan ay naging kanlungan ng kapayapaan para sa akin at ligtas naman doon. Panatag akong nakakapagdasal doon. Ipinagdarasal ko sa Panginoong Diyos ang lahat ng aking kasama sa seminar, ang lahat ng taong nakasalamuha ko sa hotel man o sa mga karatig-pook kahit hindi ko sila kilala, ang buong lugar, ang luntiang kapaligiran pati mga hayop, yung mga puno at halaman, at kasama na ang mga “natatanging nananahan” dito. Nawa’y manatiling ganito kaganda at kapayapa ang kalikasang nadarama dito.
At nang huling gabi ng “working vacation” na iyon sa BP, lumabas ako for an early evening solitary stroll. Gusto kong lubusin ang pagsagap ng sariwang hangin basta lumayo lang ako sa mga poste ng ilaw dahil ang dami-daming insektong nagliliparan at lalo ang huwag lumampas sa paligid ng hotel dahil sobrang dilim na sa maraming lugar sa bundok. At ako’y napabuntunghininga habang nagbabalik-tanaw. Noong una, ayaw na ayaw ko talagang dumalo sa seminar at pati ang makarating sa magandang pook na ito. Pinagtiyagaan ko na lang ang seminar subalit ang makarating pala sa bahaging ito ng Bundok Makiling na tinatanaw ko lamang mula sa mga highway noon ay isang napakagandang karanasan na para sa akin. Ang mga kaakit-akit na tanawin, nagpapaalala ng alamat ni Mariang Makiling. Kailan kaya uli ako makakapunta dito? Sana sa pagkakataong iyon, higit pang mainam. Wala nang seminar-seminar. Solo ko na ang guest room kung may budget mag-check in sa BP. At muli akong makakapag-nature trip, ang tahimik na mapag-isa sa ilalim ng mga puno ng mahogany at mag-iwan ng matatamis na kendi sa paanan ng napakalaking puno ng akasya sa tabi ng Jamboree Road. Sana, umusbong at magsipaglaki ang mga ikinalat kong binhi ng mga puno at halaman sa gilid ng camp site.
Sumapit na ang Mayo Uno, Araw ng Paggawa. Huling araw na ng seminar at maaliwalas ang panahon. Sa umaga, habang wala pang sessions, pinuntahan ko uli ang lugar na gustung-gusto ko, my favorite moments of solitude under the mahogany trees. Doon, taimtim na makapagdadasal. Marami akong ipinanalangin. Mga pasasalamat ko. At pagdasal para sa ligtas na biyahe nang masayang makauwi na kaming lahat sa aming mga tahanan. At muli kong ipinanalangin ang buong pook at ang lahat ng naririto.  
Katulad ng nauna kong binanggit, wala akong kuhang litrato sa BP at sa mga kakahuyan. Ngunit bago mag-uwian, nagpatulong ako sa manong guard dahil nais kong mag-uwi ng mga halaman na nakatanim sa landscaped entrance ng hotel. Napakarami ng ganoong mga tanim na animo naging ground cover na doon. Ang mga halaman ang souvenir ko sa lugar at sana’y magsipaglago ang mga ito sa halamanan sa bahay namin.
Kaysarap ng pakiramdam ng pag-uwi sa tahanan. Nakaabot pa ako sa Misa palibhasa ay Linggo, Labor Day holiday, and feast of St. Joseph the Worker, husband of Mama Mary. Pero bago yun, habang nasa Andrew’s Avenue pa kami bago mag-Villamor Air Base, natunghayan ko pa ang campaign motorcade ni Duterte at ng kawan niya na nag-iikot pala dito sa Pasay sa halos buong maghapon ngayong Mayo Uno. Nakita ko na sa personal ang mama! Pero kibit-balikat... hindi naman siya ang iboboto ko. Buhat pa noong nagsimula ang mga kampanya, wala na nga siguro akong pipiliin sa mga presidentiables pagsapit ng ika-9 ng Mayo and that is what I want to express, hehehe!