This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Wednesday, February 28, 2018

Tikoy Sampler Platter


I love this book that I bought from Booksale- SM Sucat, ParaƱaque. It recalls the historic and beautiful Papal visit of Pope Francis here in the Philippines in January 2015.



*******
Pebrero 11, beautiful Sunday in ordinary time, liturgical season before Lent and the Feast of Our Lady of Lourdes. Last chance ko na yun para dumalo sa Hortikultura Filipina 2018: Plants and Arts Fest na ginanap sa Quezon Memorial Circle. Makulimlim pa nga ang panahon pero kahit tanghaling-tapat na ay hindi maalinsangan. At mainam nga na maginhawang sumakay sa MRT nang araw na iyon! Pagpara sa Quezon Avenue, first time akong nakapasok sa Eton Centris. Sayang nga lang at naabutan kong sarado ang kalapit nitong “Bantayog ng mga Bayani” na gusto ko rin mapasyalan pero sabi ng guard, tuwing weekdays lang daw sila bukas sa publiko. Sumakay na lang ako ng dyip papuntang City Hall at pagbaba doon, merong underpass patawid na sa mismong QC Circle. Di man ako nakabili ni isang halaman ay masayang-masaya pa rin akong nakapag-usyoso sa sobrang ganda ng event na inorganisa ng Philippine Horticultural Society. Nag-enjoy ako nang husto.



















At lalo pang nakumpleto ang araw ko nang itinuloy ko ang pamamasyal hanggang sa Quezon Monument. Para sa akin na taga-Pasay, ang araw na ito ay Quezon City Day! Aba, aba, nakasaad ba naman sa aking birth certificate na ako’y ipinanganak sa V-Luna, Quezon City. 
Sa wakas, napuntahan ko na ang Museo ni Manuel L. Quezon! Libre ang entrance doon pero kung nais ng bisita, pwedeng mag-hulog ng kahit magkanong halaga ng donasyon; how about a 20-peso bill which is dedicated to our man? Kay lalim ng historical significance ng naturang museo gaya ng sa iba pang shrine ng mga bayani. Tsktsktsk, na-miss ko ang dating HEKASI 5 (the now defunct RBEC curriculum) kung saan prominente sa mga aralin ang mga paksa ng panahon ng mga Amerikano, Komonwelt, at Hapones kasama ang tungkol sa panunungkulan ni Pangulong Quezon at pagbibigay-halaga sa mga programa niya tungkol sa pambansang wika at ang katarungang panlipunan.









*******
Pebrero 14. Dito sa aming tahanan, higit naming ipinagdiwang ang Ash Wednesday kaysa Valentine’s Day.
Well, anyways, marami akong natanggap mula sa mga bata sa school na mga chocolates and artificial flowers. Valentine’s is not just for lovers, right?
Nabanggit ko na sa isang past blog (please refer to the last essay of the June 2017 post “Tag-araw, Tag-ulan”) at uulitin ko muli dito. Bakit pa ako maghihintay kung wala na akong hihintayin pa?
*******
Pebrero 16. Isang maalinsangang araw para sa Chinese Lunar New Year! At ako’y nagpunta sa Resorts World lalo na sa Newport Cinemas. Noong una, ayokong manood ng sine doon at baka grabe ang taas ng presyo ng ticket kumpara sa mga mas kilalang malls. Reasonably-priced naman pala, eh. Ang hinahabol ko kasi nang araw na iyon ay ang first showing ng... I had to admit here- “Fifty Shades Freed”. Hindi ko nga nasimulan pero ang okey ay pagdating doon sa sinehan, wala pang sampu ang nanood; parang anim lang kami nang oras na iyon! Anyare? Ah, siguro, mas maraming nanood nang nag-premiere ito at mas lalo naman noong Valentine’s. Dalawa kasi ang cinema na nagpapalabas pa ng naturang pelikula. Okey pala ang ganoon tapos, yung pwesto ko (di ko sinunod ang seat number sa ticket) ay parang love seat o pangdalawang tao at ginawa kong parang komportableng sofa na solong-solo ko habang nanonood. Siyempre, tulad ng aking kinagawian kapag nanonood ako ng sine mag-isa, nagkukunwari akong lalake at ayoko nang may katabi!

Iyon ang ikatlong adult film na pinanood ko sa sine; the first two ay ang “Basic Instinct 2” at “Casa” both in 2006, at sa noo’y Masagana Cinemas pa sa Taft-Libertad na ngayon ay sa Puregold na. Hindi ko napanood ang first two “50 Shades” pero itong “Freed” ang climax daw, the peak kunbaga. Di ko trip ang phenomenal novel trilogy nito ni E. L. James pero pwede namang basahin na lang ang plot summary sa Wikipedia tapos mag-imagine. Alam ko namang hindi yun Cinderella genre story ni Anastasia Steele at mas lalong malayo sa pagiging Prince Charming type si Christian Grey. Damn it, all about the BDSM crap being exploited as a freakin’ way to sizzle up love as in pain for pleasure or pleasure for pain. Yet, amidst the irrationalities and madness only Chris and Ana could explain in their rollercoaster, acrobatic display of submission and dominance, the beauty of true love with lasting, meaningful relationship still emerges unperturbed. Ang ganda pa rin ng sine. Kinilig ba naman ako? Ssshhhhh... hehehe!
At pagkatapos kong manood ng sine, namasyal ako sandali sa RWM hanggang sa artificial flower-adorned “Tunnel of Love” na nitong Disyembre lamang ay puno ng LED lights para sa Christmas display na “World of Lights”. Kamangha-mangha rin ang prosperity trees na nakagayak para sa Chinese New Year.




Gayundin ang Chinese New Year display na ito at pati mga Chinese-inspired paintings ng mga taga-Ateneo na naka-exhibit sa SM Megamall (some featured paintings done by Lupicinio Ng for “Under The Moonlight” and Peter Paul Taton for “Cranes”; gallery includes the Atrium and the Chapel of the Eucharistic Lord.





*******



Nitong Pebrero 23, ginanap sa Villamor Air Base Elementary School ang “Balik-Tanaw: Kulturang Pinoy” na itinanghal ng D’Great Rovers. Ngayong school year, walang field trip ang mga mag-aaral kaya ang educational tour program and itinerary ay dinala na sa paaralan. Kahit na medyo bitin ang oras ng pagtatanghal ay nag-enjoy naman ang mga bata and at the same time ay natuto pa sila lalo tungkol sa mayamang kultura ng Pilipinas.
*******




EDSA today!
Pebrero 24. Isang maaliwalas at maalinsangang araw muli. Hay, sa wakas nakapunta na ako sa EDSA Shrine! Matagal ko nang gustong makarating doon na pinagmamasdan ko lamang noon mula sa MRT o bus. Kaya lamang, paglabas ko mula sa Chapel, hindi ako makaakyat doon kay Mama Mary at di ko rin napagmasdan nang malapitan ang mga nakaukit na historical frieze kasi ang daming pulis at kahit ang mga ordinaryong namamasyal lamang gaya ko ay pinagbawalang lumapit. Ano ba naman yan? May okasyon pa naman. Paano, sa di-kalayuan, nagsimula nang mag-assemble and formation ang maraming raliyista na magmamartsa patungong People Power Monument. Ang nadatnang kong malaking grupo ay pinangungunahan ng ilang religious activists. Yung iba namang nakabuntot sa hanay ng iba pang militante... hehe, ewan.
Nakatuntong na rin ako sa makasaysayang pook na 32 years ago ay isang malawak at madamong lugar. Nakaka-miss talaga ang lumang kurikulum ng HEKASI 5. Pagdating sa mga paksang tumutukoy sa EDSA People Power Revolution ng 1986, kailangang honest, based on historical facts, and unbiased approach ng pagtuturo nito lalo pa’t tayo’y nasa makabagong panahon at mga kaliwa’t kanang social media wars and propaganda ng ‘revisionist trolls’ na naglipana. Ang EDSA Revolution noon ay paalala na hindi lahat ng himagsikan o rebolusyong nagsusulong ng pagbabago ay pulos kaguluhan at karahasan. Hmmm, sa social media universe kaya? Magwagi nawa laban sa nagpapatuloy na bangayan at siraan doon ang rebolusyon ng katotohanan at kabutihan.
*******

This satirical illustration is not meant to elicit humor but to carry out a message to end the ghastly culture of several Middle Eastern societies of treating their employees particularly the household workers as if these are in the lowest level of their slavery mindset. In the wake of the Filipino exodus from Kuwait after reported series of harrowing ordeals which several overseas  workers there went through, Filipinos still believe that not all Kuwaiti and other Mideast households are “patches of hell” on earth. Filipinos make the best workforce in the world and offer unparalled, quality service to the world, remember that! It is the right of anyone that human rights be respected.