This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Thursday, May 31, 2018

Fresh Coconut Water

Hey, this weirdo blogger here is posting about Iloilo summer vacation again after presenting “Himig ng mga Tigbaw”+”Blue Sky, White Clouds” (May 2012), “This Weirdo’s Summer Blog” (April 2013), “Ang Bakasyunistang Weirdo sa Tigbauan, Iloilo” (May 2014), at “Nasaan ang Talahiban sa Tigbauan” (May 2016). But this blog post is not just about our family vacation in Iloilo but also has something to say about Talisay City, Negros Occidental and one of my #travelgoals Minalungao, Gen. Tinio, Nueva Ecija. Hoping to get to more new places soon.









Abril 26-27. Unang beses naming sinubukan ang sumakay sa 2GO patungong Caticlan na tinatayang walong oras ang paglalayag; di tulad nga noong bus+roro pa ang sinasakyan namin kung saan merong land travel pa sa Oriental Mindoro. Sumakay muna kami sa Jam Transport dito sa Pasay hanggang Port of Batangas. Makalipas ng 16 na taon ay muli akong nakasakay sa isang malaking barko na ang pangalan ay M/V St. Ignatius of Loyola. Wow naman, nitong Holy Week ay pinanood ko ang “Ignacio de Loyola” at matagal na akong familiarized tungkol sa nabanggit na santo at fascinated din ako sa mga Jesuits. Sayang nga lang at hindi ako nakagala sa barko dahil ang paglalayag nito ay sa gabi, sa oras ng pagtulog ng mga pasahero. Kinabukasan ay nakadaong na sa Caticlan Jetty Port ang St. Ignatius. Kapansin-pansin ang malaking kabawasan sa ingay at sigla sa pantalan hanggang sa mismong town proper ng Malay, Aklan sapagkat simula Abril 26 ng taong ito ay ipinasara ang Boracay upang isailalim sa rehabilitasyon matapos ng matagal na panahon na pagkasalaula sa kamay ng mga iresponsableng negosyante, residente, at turista.
Sumakay naman kami sa isa pang bus at umabot ng halos buong araw ang biyahe ng Ceres Transport sapagkat kada madaanang bayan ay nagsasakay o nagbababa ng mga pasahero tapos meron pang stopovers para sa pananghalian o di kaya’y CR break. Gayunpaman ay nakalilibang panoorin ang mga luntiang bukirin sa Antique palibhasa ay marami ang ilog at sapa doon para sa irigasyon kahit kalagitnaan pa ng tag-init. Takipsilim na na nang nakarating kami sa Tigbauan, Iloilo. At sa unang gabi ng aming bakasyon na umabot ng dalawang linggo, muli akong nakapakinig ng huni ng mga tuko. Maraming salamat sa Panginoong Diyos, ang aming bakasyon sa probinsya ngayong taon ay naging masaya!
San Juan de Sahagun, patron ng Tigbauan (courtesy of Wikipedia)
Bago na ang hanging bridge sa ilog ng Tigbauan. Kaya lamang, tulad ng ilan sa aking naihayag sa blog post ko noong Mayo 2016 na “Nasaan ang Talahiban sa Tigbauan?”, sana ang local government ay nag-invest sa isang simple ngunit matibay na konkretong tulay para na rin sa kapakinabangan at progreso ng mga pamayanan sa magkabilang pampang ng ilog. Maalog ang tulay at paano kung matulad ito sa mga naunang hanging bridge na lumundo di-naglaon sa maya’t maya’y ba namang pagsampa at pagdaan ng mga habal-habal na motorsiklo? Dumarami rin ang mga kabahayan sa tabing-ilog. Yun nga lang, ang ilang tao ay ginagawang tapunan ng basura nila ang mismong paligid ng mga bahay nila o di kaya’y ihahagis nila malaki man o maliit na kalat sa bakuran o lupain ng ibang tao. Tapun lang sila nang tapon ng mga plastik na bote samantalang pera ang katumbas ng mga ito lalo na dito sa Metro Manila. Siyempre, ang pinakaapektado sa pagsasawalang-bahala ng maraming tao ay ang ilog, kabilang sa “lifeblood” ng Tigbauan na sa kasamaang-palad ay natutulad na sa mga ilog ng Metro Manila at iba pang lungsod. Gustung-gusto ko ang mga tanawin sa ilog na ito tuwing magdadapithapon na at doon sa may bukana nito kung saan sumasalubong ito sa dagat.
Sana, matuto ako lalo na i-practice what I preach. Doon sa bahay namin sa Tigbauan, paano ako makapanghikayat ng waste segregation? Aba, aba, may nabasa akong article na doon sa Villar Sipag Foundation, bukod sa recycling, meron silang facilities kung saan iniimbak ang mga nabubulok gaya ng pinagbalatan ng prutas at gulay at kahit mga winalis na mga dahon at sanga; makalipas ng ilang buwan, meron na silang saku-sakong compost na isinusuplay pa nila sa mga magsasaka bilang organic fertilizer. Sana, ang local government ay magtatag ng major eco-friendly recycling facility ng munisipalidad (dahil di palaging solusyon ang landfills) at mga epektibong environmental programs nang sa gayon ay mapagtanto ng mga mamamayan na kaysarap palang mamuhay sa malinis at maayos na kapaligiran at disiplina nga ang kaagapay ng kaunlaran.  
*******
Sa Tigbauan ko rin napanood itong isang kakaibang religious tradition na tipong pre-Vatican II at kadalasan ay higit na ino-observe sa mga bayan-bayan sa mga probinsya. Sad to say, malaking katanungan kung ipagpapatuloy ba ito ng mga bagong henerasyon. Kakaiba talagang tradisyon na hindi naman bizarre sapagkat nagtataglay ito ng simbolismo at paalala ng pananampalataya tulad ng Panunuluyan tuwing Pasko, Flores de Mayo o ang debosyon sa Santo Niño. Hindi ko natanong kung ano ang opisyal na katawagan sa tradisyon ngunit tawagin ko muna sa ngayon na “Cofradia de San Jose” na wala namang kinalaman kay Hermano Pule o sa Bundok Banahaw. Noong Marso at Mayo 1 pa ang feast days ni St. Joseph; ang ikalawang petsa ay in solidarity with Labor Day at patron din siya ng mga manggagawa. Ganito yung cofradia- meron tatlong katao mula sa indigent families ang napili upang mag-costume at gumanap na Sagrada Familia habang umaawit ng ancient Latin hymns ang mga hermanas. Pagkatapos ay susubuan ng iba’t ibang kakanin ang mga nagsiganap... SusMarYosep! Busug na busog na sila bago pa matapos ang pagkanta na animo tulad ng Pabasa noong Semana Santa. Pagkatapos ng Holy Family symbolic meal, magmamano sa kanila ang mga nagsipanood at unang beses akong nakapagmano sa isang batang lalaki at isang dalagita at doon sa mama na di ko kilala! Ngunit nakatanggap din sila ng donasyon bilang tulong-kabuhayan din sa kanila at ang tradisyong ito ay may intensyon din ng kawanggawa.
*******















Garin Farm, San Joaquin, Iloilo. Kailangang sulitin ang entrance fee ng bawat bisita dito lalo pa’t tatlo ang pangunahing places of interests dito- agricultural area with animal husbandry, leisure parks with cottages para sa mga gustong mag-overnight stay, at ang highlight ng dinarayong farm na minsan nang na-feature sa “Kapuso Mo, Jessica Soho”, ang Pilgrimage Area. Ang angkan ng mga Garin na kilala sa pulitika sa Iloilo ay napakayaman talaga... at kontrobersyal. Ewan, di naman ako taga-Iloilo at mas lalong di ko kilala nang personal ang mga taong iyon. Subalit habang nagmumuni-muni ako sa Green Tunnel hanggang sa burol kung saan merong life-size figures na hango mula sa Bibliya at mga Mysteries of the Rosary, isipin din natin ang malaking tulong ng farm sa turismo ng lalawigan at may hanapbuhay pa ang mga tao. Sinasabing madalas din daw nagsasadya doon at nakikihalubilo sa mga taong namamasyal ang nasa likod ng obra maestra na iyon, si Ka Oca Garin na matagal din naging alkalde ng munisipalidad ng Guimbal.
Ang dami talagang bisita sa farm noong araw na iyon nang namasyal kami doon pero naulinigan ko pa ang pangingibabaw ng Tagalog sa halip na Karay-a o Hiligaynon. Sayang nga lang at nakarating kami doon nang hapon na kaya di masyadong nakagala; gusto ko pa namang isa-isahin ang mga makikita sa agri area at wala akong pakialam sa masangsang na amoy sa kulungan ng mga alagaing-hayop pero di bale at sa ibang pagkakataon na lamang. Ihayag ko nga dito ang aking mga mungkahi sa pangasiwaan ng Garin Farm: sana ay gawin nila mas eco-friendly pa at mahigpit na paalalahanan ang mga panauhin tungkol sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran; nang dumating kami doon, sa entrance pa lang ng farm ay makalat na. At saka, organic farming ba ang kanilang adbokasiya?
Naiiba talaga doon sa Pilgrimage Area hanggang sa mismong tuktok ng burol, ang “vision of heaven”. Meron pang mama na nag-propose ng kasal sa ale kaya ang date nila doon ay naging napaka-memorable. Wala akong napansing chapel sa farm. Kaya lang sa isang bahagi ng burol, meron akong nakitang mga tuod ng malalaking puno na hindi ko alam kung sadya bang ipinaputol nang ipinagawa ang “langit”. Samantalang doon sa Guimbal (na tatalakayin din sa mga sumusunod na sanaysay ng blog post na ito), meron doon napakalaking puno ng akasya na hindi ibinuwal kahit nag-road widening pa. 
*******
Leon, Iloilo. Kabilang din sa pinakamagagandang plaza sa bansa ang mapapasyalan sa munisipalidad na ito na nasa hilaga ng Tigbauan; nature-inspired, eh. Medyo hindi ganoong ka-alinsangan dito dahil upland area na. Ang Tigbauan kasi, bagamat coastal town ay isang napakalawak na kapatagan na may ekta-ektaryang bukirin na ang tanawin ay mala-Nueva Ecija pati ang pakiramdam tuwing panahon ng tag-init ay parang sa Cabanatuan, hehe! Pero pagdating sa marikit na bayan ng Leon, di nga naman nakapagtatakang doon matatagpuan ang tinaguriang “Summer Capital of Iloilo”, ang Bucari na parang little Baguio sa dami ng pine trees sa bulubunduking bahagi nito at maginaw tuwing gabi but at the same time, meron pang mango orchards sa paanan nito. Sana sa susunod na bakasyon ay makapunta kami doon.   







*******
Guimbal, Iloilo. Enero pa ng kasalukuyang taon nang napanood ko sa KMJS sa channel 7 itong isang feature tungkol sa hindi naman pala nakagigimbal na tanawin sa bayan na kasunod ng Tigbauan. Kung ang Quezon City ay merong urban legend ng tungkol sa “Babae sa Balete Drive”, ang Guimbal ay nagpakilala ng isang moderno nang alamat ng mga tag-lugar (nature spirits) na pinangungunahan ng “white lady” sa tinaguriang “Vanishing Mansion of Acacia Drive”.
Nang kinapanayam, nagpaliwanag ang mayor ng bayan ukol doon. Ang “vanishing mansion” local folklore ay para raw maligtas ang higanteng puno ng akasya mula sa road widening kaya nga pinabakuran ang paanan nito, naka-landscape, at may istatwa pa ng “white lady” of Guimbal na mistulang nagpapara sa mga dumaraang sasakyan at mga turista para mag-stopover para sa picture-picture. At isa pang paliwanag tungkol sa ‘kababalaghan’ ay para rin mapaalalahanan ang mga motorista na magdahan-dahan at mag-ingat sa pagmamaneho lalo pa’t ang lugar na iyon ay school zone pa. Buti pa yung puno ng akasya nila nakaligtas samantalang sa ibang mga lugar sa bansa walang habas ang pagbuwal sa mga puno sa tabing-kalsada dahil nakakasagabal daw, tsktsktsk! Kailangan ba talaga ang malawakang road widening at magputol ng mga puno kung hindi naman nakararanas ng mala-Metro Manila traffic sa ilang pook sa bansa?
Ang liwasang-bayan ng Guimbal ay isa sa mga pinakamaganda talaga sa Pilipinas! Sagisag ng bayan ang papasikat na raw at makikita ito bilang decorative part sa mga gate at bakod ng mga kabahayan at gusali na patungo sa town proper. Meron ba namang slogan na “Guimbal, Our Little Hometown: The Town of the Rising Sun and Sons” doon sa may sunken basketball court sa dulo ng plaza; paano naman ang mga Daughters?




*******
Pagpanaog mula sa ro-ro ng Montenegro Shipping Lines na naglayag galing Port of Dumangas sa Iloilo hanggang Bacolod City, sa wakas ay nakarating na ako sa Negros Occidental. Ang pinuntahan kasi namin ay doon pa sa susunod na lungsod, ang Talisay kung saan sa gitna ng mga di-maliparang uwak na mga plantasyon ng tubo, matatagpuan ang usap-usapan noon pa man na “The Ruins” o sa official name nitong “Don Mariano Ledesma Lacson Mansion”. Noon ko pa batid ang tungkol sa Ruins na napanood ko sa TV at nabasa sa mga diyaryo. Hauntingly romantic ang dating marangyang mansyon sa totoo lang na bukod sa bakas ng walang kapantay na kagandahan nito noon, ang arkitektura at istraktura nito ay nakamamangha ang tatag bagamat guho na lamang ang natira sa “balay ni Anoy”.

Ayon sa isang newspaper feature, ito raw ang “Taj Mahal of Negros” sapagkat ipinatayo ito ni Don Mariano para sa kanyang yumaong asawang Portuguese na si Maria Braga at marami nga silang anak. Kahit sinong panauhin ay mai-imagine talaga kung gaano ka-engrande ang mala-palasyong bahay noong panahon ng mga Amerikano. Kaya lamang noong 1942, World War 2 na noon, ang mga USAFFE na di-naglaon ay naging mga gerilya ay sinunog ang mansyon upang hindi ito gawing garison ng mga Hapones. Malamang nga ilan sa mga dating sakada na nagtrabaho sa hasyenda ng mga Lacson ay di-naglaon naging mga Huk. Nabasa ko noon sa HEKASI 5 textbook namin na major target rin ng mga Hapon ang mga tubuhan sa bansa dahil sangkap daw ito sa gasolina para sa mga sasakyan nila. Pagkatapos ng giyera, nakabangon pa rin ang angkan ng mga Lacson ngunit ang kanilang tanyag na balay ay hindi na muling bumalik sa dati nitong glorya. Sa paglipas ng mga panahon, pinalibutan ito ng mga tubuhan hanggang sa sumapit ang panahon nang ang mga descendants ng angkan ay naisip na muli itong buhayin ngunit sa iba nang anyo na bukas na sa publiko at bilang isa sa mga pinakapopular na tourist destination sa Negros.     






 Sa totoo lang ay may biases ako sa mga haciendero lalo na ang mga di-makatwiran kung makitungo sa kanilang mga manggagawa at nasasakupan. Typecast din ang mga characters na ito sa mga melodrama at pelikula na kadalasan ay mga sakim at matapobreng landowners na ang mga anak ay di maaaring umibig sa mga di nila kauri. Well, hindi naman lahat ng haciendero ay mga tipong hindi marunong tumuntong sa lupa. Wala naman akong nababasang articles kung anong klaseng sugar baron si Don Mariano basta siya’y descended mula sa mga rebolusyunaryong taga-Iloilo noong panahon ng mga Espanyol, ubod ng yaman at matagumpay sa kanyang mga negosyo, at merong napakaraming sakadang naglingkod sa kanya. Mas familiarized pa ako sa isa niyang anak na naging gobernador noon ng Negros, si Rafael Lacson na ayon sa mga historians at personal accounts din ng mga nakakakilala sa kanya, ay isang malupit na pulitiko-hasyendero na namayagpag noong 1950s at panahon ng panunungkulan ni Pangulong Elpidio Quirino. At umabot sa sukduklan ang kanyang di-kanais-nais na reputasyon nang siya ang itinurong nagpahirap at nagpapatay kay Moises Padilla, isang bayaning war veteran na tumakbo sa eleksyon nang mga panahong iyon at hindi naman niya kapartido at sumasalungat sa kanyang pagmamalabis sa Negros. Humingi ng tulong ang ina ni Moises kay Ramon Magsaysay na noo’y Defense Secretary. Kaya lang pagdating nito sa Negros upang iligtas ang kaibigan, huli na ang lahat. At noong naging Pangulo si Magsaysay, ang mga salarin sa pagpatay kay Padilla ay pinarusahan subalit hindi napabilang sa mga ito si Lacson; may mga ginawa sigurong paraan para makalusot ang isang iyon. Ang bayan ng Magallon kung saan nagmula si Moises Padilla ay ipinangalan sa kanya bilang parangal at alaala ng kanyang martyrdom. Noong 1961, ang Gerardo De Leon-directed biopic tungkol sa kanya ay ipinalabas kung saan ang gumanap ay si Leopoldo Salcedo at si Joseph "Erap" Estrada ang gumanap na kontrabida doon (what?!). Sana ay mapanood ko sa movie channels ang "The Moises Padilla Story".
 



Isa pang dinarayong destinasyon sa Talisay ang aming pinasyalan, ang “Campuestohan Highland Resort”. Kabundukan na nga ang lugar na iyon at ekta-ektaryang tubuhan at farms na may bara-barangay ng sabunging manok na inaalagaan ang aming nadaanan. Subalit pagsapit sa Campuestohan, nakabibighani ang mga mala-Tagaytay na tanawin. Maraming turista ang nahuhumaling sa napakalawak na unique resort na iyon sa totoo lang. 
*******






Huling hirit na sa tag-init ang aming trip to Minalungao National Park, the lovely crown jewel of Nueva Ecija at matatagpuan sa Barangay Pias, Munisipalidad ng General Tinio. Buong araw ay maaliwalas ang panahon sa aming paglalakbay pahilaga. Ang saya namang mag-sightseeing sa Bulacan. Kabilang sa aming nadaanan along the Maharlika highway ang “Bahay na Pula” ng San Ildefonso bagamat natanggal na ang mga dinding ng ikalawang palapag at matagal nang panahon iyon abandonado lalo pa’t ginawa iyung garison ng mga Hapones noong giyera kung saan maraming kababaihan ang sapilitang dinala doon upang pagsamantalahan; hence, the house of the comfort women. Ang naturang bahay, kapag pinagmasdan mula sa malayo ay mistula ring sumisigaw ng katarungan.
Paglampas sa San Miguel, bubungad na ang malalawak na bukirin ng Nueva Ecija. Pagsapit sa Gapan na crossroad na ng probinsya patungo sa iba’t ibang bayan, kumanan na ang aming ruta patungong Peñaranda at pagkatapos ay Gen. Tinio na. Ang layu-layo ng aming nilakbay hanggang sa marating namin ang Minalungao na napupuno na nga ng mga sasakyan dahil sa dami ng mga turistang dumayo doon upang mag-piknik at lumangoy sa malinis na ilog at nakamamanghang rock formations na kahawig ng sa Montalban sa Rizal o yung limestone cliffs sa Coron at El Nido, Palawan. Yun nga lang, medyo kulang pa sa ilang facilities ang Minalungao lalo na ang mga shower areas at c.r. at marami pa namang turista.
Ang saya-saya naman ng outing namin doon. Kaya lamang, naging matigas ang ulo ko. Nagkalat ang mga paalala sa bungad ng ilog na magsuot ng life vest palagi. Ang kulit-kulit ko! Masyado akong nagpakasaya sa paglalaro sa ilog. Tapos nang sinubukan kong lapitan yung malaking bato sa gitna ng ilog na ginagawang diving board ng ilang tao, bigla na lang lumalim para sa akin ang tubig na para bang wala na akong matapakan hanggang sa muntik na akong malunod. Maraming salamat sa Panginoong Diyos, maagap ang aking mga kasama upang ako’y sagipin. Pagpalain nawa sila palagi ng Panginoon at pati ang Minalungao. Hindi na bago sa akin ang mga balitang iyon tungkol sa mga nalunod sa ilog na karamihan daw ay mga lalaki na nakainom; pinaniniwalaan pa ng maraming tao na mahiwaga ang ilog at ang mga mabatong bangin sa magkabilang panig nito sapagkat bago pa i-develop para sa turismo, may mga kakaibang elemento raw ang mga nananahan doon. Talagang sa paligid ng mga rock formations ay kantilado at malalim talaga. Nang malayo na mula sa panganib, bumalik ako doon sa may patung-patong na malalaking tipak ng bato na paborito kong pwesto sa ilog at kung saan nakatali ang aming floating cottage. Mababaw lang doon at sana, doon na lang ako naglagi. Pagkatapos magdasal, lumublob ako muli sa ilog upang mag-antanda ng krus habang nakalubog sa tubig nito.
Na-guilty rin ako nang araw na iyon dahil pinag-alala ko nang husto ang aking mga kasama. Kaya nga, pagbalik namin sa town proper, nag-stopover kami sa Sto. Cristo Parish upang mag-thanksgiving prayers. Puno ako ng pasasalamat nang araw na iyon. At kung may pagkakataon muli na makapamasyal ako sa Minalungao, hindi na ako magiging makulit at pasaway sa pagtanggi sa pagsuot ng life vest. May mga binili rin kaming souvenirs at kabilang ang isang t-shirt na yung design ng logo ay hango sa malaking bato na iyon sa ilog kung saan muntik na akong malunod. Pagkatapos, nang ni-review ko ang mga kuhang litrato sa camera, nalungkot ako nang makita ang dalawa kong selfie na ang background pa naman ay ang parehong bato rin. Ngunit may na-realize ako. Kapag makita ko ang mga litrato ng batong iyon at ang logo design nito, hindi dapat umiral ang takot o trauma; sa halip, magsisilbi iyung alaala ng katigasan ng ulo ko at kabayanihan naman ng aking mga kasamahan sa masayang araw na iyon sa Minalungao.