This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Friday, May 31, 2019

Sampaguita & Rosal

"He who knows the surface of the earth and the topography of a country only through the examination of maps... is like a man who learns the opera of Meyerbeer or Rossini by reading only reviews in the newspapers. The brush of landscape artists Lorrain, Ruysdael, or Calame can reproduce on canvas the sun's ray, the coolness of the heavens, the green of the fields, the majesty of the mountains... but what can never be stolen from nature is that vivid impression that she alone can and knows how to impart- the music of the birds, the movement of the trees, the aroma peculiar to a place- the inexplicable something the traveler feels that cannot be defined and which seems to awaken in him distant memories of happy days, sorrows, and joys gone by, never to return."    
Dr. José P. Rizal, Los Viajes (courtesy of Panorama magazine, Manila Bulletin)
Dalawang linggo mahigit din ang aming family vacation sa Tigbauan, Iloilo. Ang dami naming napuntahang lugar. Kahit simple at malalapit lamang kagaya ng plaza ng bayan ay memorable na at masaya. Siyempre, hindi rin namin pinalampas ang mamasyal sa Iloilo City. Kabilang sa aming itinerary ang mga distrito ng Molo, Jaro, Mandurriao, at Villa Arevalo. 






Abril 26. Tunay nga ang taglay na "Old World Charm" ng Iloilo. Napuntahan na namin sa wakas ang Yusay-Consing Heritage House o mas kilala na bilang Molo Mansion na katapat mismo ng Molo Church and Plaza. 1926 pa ito itinayo kaya lamang makalipas ng maraming taon, tulad ng iba pang lumang bahay sa lungsod, napabayaan na raw dulot ng iba't ibang kadahilanan ayon sa mga references ukol dito. Gigibain na raw ito para gawing supermarket pero mabuti na lang at di itinuloy ng SM at sa halip, inayos ito, ni-restore, at ginawang malaking souvenir shop and Filipiniana boutique ng Kultura. Madalas din may mga workshop na may kinalaman sa arts and culture sa ikalawang palapag. Ang lawak din ng lote ng mansyon at agaw-pansin doon ang higanteng balete at mga hardin. Maraming bisita araw-araw sa Molo Mansion. Sa mga heritage houses ng Iloilo, ito ang pinaka-cute sa totoo lang. Very iconic din ang architecture, nostalgic... 
Namasyal din kami sa Riverside Esplanade. Mukhang napakalalim ng Iloilo River. Kung di lang maalinsangan, ang sarap sigurong lakarin ang kahabaan nito hanggang marating ang Mandurriao o doon sa Jaro. Sana, magkaroon din sila ng river ferry o di kaya'y river cruise para sa mga turistang gustong mag-sightseeing sa City of Love sa pamamagitan ng ilog! 
Abril 27. Tolerable pa rin ang init dahil malakas ang ihip ng easterlies. Dumalo kami sa anticipated Mass para sa Divine Mercy Sunday kinabukasan sa St. John of Sahagun Parish or Tigbauan Church. In English ang Misa kasi pagsapit ng Linggo, lahat ng Misa ay in vernacular, ang Karay-a. Nag-Misa ang isang visiting priest and professor galing Iloilo City. Ang lakas-lakas ng boses lalo na nang naghomily at ang microphone ay animo naging loudspeaker. Para siyang aktibistang raliyista subalit naniniwala akong inspirasyon mula sa Holy Spirit kung bakit ang husay niya sa kanyang talumpati at pagpapaliwanag tungkol sa Salita ng Panginoon.







Abril 29. Malaking tulong itong nabili kong road map ng Iloilo City and Western Visayas Region. Namasyal na naman kami sa Iloilo City. Pinuntahan namin ang distrito ng Jaro na noon ko lang narating. Nabasa ko noon pa na noong panahon ng mga Espanyol, magkakahiwalay pang mga pueblo o bayan ang Jaro, Molo, Arevalo, at iba pang pesent-day districts na nagkaisa mula nang itinatag ang makabagong  Lungsod ng Iloilo. 
Kung ang Cebu ang Queen City of the South, ang Bacolod ang City of Smiles, talagang hindi maitatangging ang Iloilo naman ang City of Love. Kaya nga, pagdating sa ranking ng favorite cities ko sa buong planet Earth, una para sa Pasay at ang ikalawang ranggo ay para sa Maynila kasama na ang Iloilo. 
Una naming pinuntahan sa Jaro ay ang katedral nito. Familiarized na ako noon pa sa distritong ito kasi nakaugnay ang Nuestra Señora de Candelaria at si Graciano Lopez-Jaena. Ang Jaro Cathedral ay isa ring National Shrine.  Meron itong candle chapel at ang dambana mismo ng Our Lady of the Candles na kailangang akyatin sa facade ng katedral. Sayang at sarado ang main church dahil general cleaning nang mga oras na iyon. Totoo talaga na kung sa Molo Cathedral, nakahilera malapit sa center aisle ay mga female saints, dito sa Jaro ay mga male saints naman. 
At nakita namin ang baptistery. Ang pinag-usapang silid ng binyagan dahil kay Senator Grace Poe-Llamanzares na muling kumakandidato sa nalalapit na eleksyon. Napanood ko noon sa TV ang kwento ng buhay niya; na noong baby pa siya, natagpuan daw siya doon sa baptismal font na parang isang foundling. At pagkatapos, napaulat nang inampon siya nina Susan Roces at ng yumaong Fernando Poe, Jr. Sa mismong baptistery na yun siya bininyagan at mismong si Jaime Cardinal Sin na Jaro archbishop noon ang nag-officiate. 
Mula simbahan, tumawid kami sa plaza. Grabe, anong nangyari sa Jaro Belfry na simbolo rin ng distrito at lagi rin nakikita ang larawan sa mga Iloilo travel brochure and maps? Nang mga oras na yun, ni hindi nga malapitan ng mga turista dahil ginawang public urinal ng mga balasubas na tao. Kung pwede lang mag-suggest sa local government na ang nabanggit na tore ay may potensyal pa rin sa turismo. Pwede kayang ayusin nila ito at kung maaari pa, bakit hindi nila ito gawan ng viewing deck kung ligtas pa rin pumanhik ang mga tao dito? Siguro ang dami-daming paniki ang nakatira doon sa tuktok; o, eh di ang ipot nila ay ang guano na mainam din pataba sa mga pananim. 
Ang lawak ng plaza ng Jaro pero kulang sa maintenance at may mga bandalismo gaya sa iba pang pampublikong parke. Ang malungkot na Graciano Lopez-Jaena sa ibabaw ng kanyang pedestal na dinaan-daanan lang ng maraming tao, tsktsktsktsk! Mayroon akong nabasang article tungkol sa kanya mula sa Looking Back volume 1 ni Professor Ambeth R. Ocampo.  Napakahusay kasi niya sa mga talumpati, sila ni Marcelo H. Del Pilar. Mabilis din niyang gawing mabulaklak ang kanyang mga pahayag kaya nga tinagurian siyang El Bolero ng mga Ilustrado sa España; siguro nga na taglay niya ay sharp wit sa kanyang pag ba-bluff ng sasabihin niya at kung nakainom daw siya, "kahanga-hanga" ang spontaneity sa kanyang deklamasyon.  Nai-imagine ko rin kung paano kaya siya magsalita sa tuwing may pagtitipon ang mga Ilustrado sa Madrid; tatak niya sigurado ang sweet, musical Ilonggo accent in contrast sa mabigat na puntong Tagalog nina Del Pilar o ni Rizal. At sa essay na yun ni Prof Ambeth na may pamagat na "Lopez-Jaena, a Forgotten Hero", nakakalibang din basahin kasi naikwento doon ang human side ni Graciano at malamang ang mga Ilonggo na nakabasa nung ay sasabihing "damak si Toto Sianong!" ang ating bida, hehehe! Mahilig daw ito sa sardinas na kinakamay lang nito mula sa lata at pagkatapos ipapahid lang niya ang namantikang nguso at kamay sa manggas ng coat niya. At minsan, may kaibigan siyang binilhan siya ng bagong damit pamalit ng 'basahan' na gayak niya. Kinabukasan, suot na naman niya ang parehong coat at tuloy pa rin ang kanyang Bohemian-style or free-spirited c'est la vie. Kaya lamang, namatay siyang pobre at hindi na nakauwi sa Pilipinas noong 1896; parehong taon din ng kamatayan nina Plaridel at Rizal at taon din ng Himagsikan laban sa mga Espanyol.
Sa Jaro, Iloilo City, walang nabanggit kung mayroon pa  bang descendants ang mga Lopez-Jaena o kung saan ba nakatayo ang kanilang ancestral house noon para gawan ng shrine and museum gaya sa iba pang bayani. Gayunpaman, nagkaroon siya ng imortalidad sa pampanitikang nasyonalismo lalo pa't siya ang nagtatag at naging unang patnugot ng makabayang pahayagang La Solidaridad at kabilang siya sa mga haligi ng Kilusang Propaganda na idinadaan sa mapayapang paraan ang kanilang mga panawagan ng reporma sa Pilipinas noong ito ay kolonya pa ng Espanya. 
Marami talagang mga lapastangang tao ang walang pagpapahalaga sa kasaysayan at kapaligiran. Lalapitan ko sana yung memorial marker para sa isa pang rebolusyonaryo, si Patrocinia Gamboa at yung para sa mga Ilonggo na beterano ng world war 2 kaya lang ang daming tao na ginawa lang yun tambayan, ihian, at pinagsulatan pa ng bandalismo. Sana, umaksyon naman ang local government na ayusin ang Jaro Plaza.
Sinasabing noon pa man panahon ng mga Espanyol hanggang sa mga Amerikano at Commonwealth period, maraming mayayamang angkan ang nakatira sa distrito ng Jaro. Ang dahilan ng pagyaman nila ay ang industriya ng asukal at iba pang produkto ng agrikultura. Ang ebidensya ng mararangyang pamumuhay noon ay makikita sa maraming malalaking bahay na bato at iba pang istruktura na sa malungkot na dahilan ay napabayaan na o di kaya tuluyan nang inabandona ang iba. Ngunit may mga nanatili pa ring nasa maayos na kalagayan sapagkat pinangalagaan o di kaya'y ginawa nang commercial buildings.




Nagtungo rin kami sa Nelly's Garden, isang compound na merong malawak na lawn na parang soccer field sa bungad, mga bed & breakfast rooms for rent na parang boutique hotel, gardens, and especially, ang 1928 heritage house na tinagurian din Lopez-Hofileña Mansion. Mayroon nga lang entrance fee for day tour pero hindi pwedeng pumasok doon sa malaking bahay kasi naninirahan pa rin doon ang mga inapo ng mga orihinal na may-ari. Ayon sa staff ng compound, si Señorita Nelly ay lumuwas noon sa Maynila para mag-aral. Pre-war period pa yun. At ang ating Ilongga socialite ay doon din nakahanap ng lovelife dahil ikinasal siya sa isang binata na nagmula sa isang mayamang angkan ng mga pulitiko sa San Juan.
Ubod ng ganda nung bahay na well-preserved pa. Napansin ko sa karamihan sa mga heritage houses na konkreto gaya ng Molo Mansion at itong Nelly's, bukod sa typical na merong dalawang palapag, balkonahe, at ang tinatawag na belvedere o viewing deck, meron itong shallow open basement na mukhang dungeon. Ayon sa mga katiwala, nakakatulong daw yun para sa bentilasyon sa kabahayan. Sa modernong panahon, meron pa kayang nagpapagawa ng bahay na ang disenyo ay gaya ng mga pre-war mansion tulad nito? 
Ang sunod naming pinuntahan ay ang Casa Mariquit doon din sa Jaro. Pero bago yun, nagkamali pa kami ng sinakyang dyip! Paano, wala man lang karatula ng pangalan ang mga kalsada! At yung tsuper, napakunot-noo pa nang sinabi naming ipara kami sa Sta. Isabel street kung saan naroon ang Casa Mariquit. Buti na lang at matulungin ang ibang pasahero na nakita na ang bahay na iyon malapit sa mga gasolinahan at coffee shop. Ay, pambihira naman! Walking distance lang pala ang Casa Mariquit mula sa Jaro Plaza na nauna na naming pinuntahan! Well, at least nakapag-sightseeing sa residential areas at malalaking eskwelahang nadaanan. Meron palang Fil-Am cemetery doon at nakita rin namin ang Casa Gamboa na isa nang coffee and souvenir shop.
Sa wakas, narating na rin namin ang Filipino-Spanish design na Casa Mariquit na itinatag noong 1803 ng mga ninuno ng Lopez family na may-ari ng ABS-CBN. Pagdating namin doon, akala namin sarado tapos parang haunted house at sa tabi nito ay may mga naglalakihang banyan trees na kauri ng mga balete at ang mga ugat ay nakayakap na sa Marian grotto na nasa gilid ng maluwag na bakuran. Maya-maya'y isang teenager na lalaki na nakadamit-pambahay at mukhang kagagaling lamang sa likod-bahay ang dumating para mag-tour guide. Ang mga katiwala pala ng mga Lopez ay may bahay doon sa likuran at tila may talyer pa. 50 pesos ang entrance fee. Pagbukas sa silong na merong malaking hagdan, ang dilim; nagtitipid kasi ang mga katiwala sa kuryente! Siyempre gaya ng mga typical na bahay-Kastila, ang ikalawang palapag ang pinakabahay dahil ang mga pangunahing silid ay naroon. Isa sa pinakamagandang bahagi ng bahay ay yung asotea. Ilang sandali pa, dumating ang iba pang bisita kaya naging maingay na sa Casa; ngunit sadyang sumisigla ang heritage house na ito dahil din sa mga bisita.
Mayroong distinct beauty ang Casa Mariquit at tulad sa iba pang heritage houses, nostalgic charm. Ang luwag ng bahay at well-preserved pa rin ito. Pwede pang hawakan ang mga nakadispley na antiques and memorabilia doon basta ingatan lang. Ang may-ari ng bahay ay si Donya Mariquit (palayaw niya ito) at napakayaman ng kanilang pamilya dito sa Jaro. Napangasawa niya ang abogado na si Fernando Lopez na sumabak din sa pulitika noon lalo na sa panahon ng Ikatlong Republika o pagkatapos ng giyera. Pero ang highlight ng kanyang political career ay nang naging vice-president siya ni Marcos bago mag-Martial Law. Gayunpaman, nawala man sa pulitika, naging payapa naman ang pagsasama ng mag-asawang Mariquit at Fernando hanggang sa kanilang pagtanda. Napakasinop pa nila sa mga kagamitan nila kaya nga naging museo rin ang family house nilang ito na bukas sa publiko na interesado sa mga iniwang aral o legacy ng kanilang marangal na angkan.





Pagkagaling namin doon, nagmeryenda kami sa Panaderia ni Pa-a (palayaw yun ng Tsinoy na si G. Uy na nagtatag nito, ano?). 1896 pa ito itinayo at naging moderno man ang gusali nito na merong cafeteria at bilihan ng pasalubong, ang sinaunang pugon ni Pa-a ay naroon pa raw at ginagamit pa rin sa pagluluto ng kanilang tanyag at dinarayong tinapay. Ang sarap ng otap na binili namin doon.

Cinco de Mayo. Maaliwalas at maalinsangan ang panahon. Linggo ngunit nakadalo na kami sa anticipated Mass kahapon pa. Mayroon kaming Guimaras trip! Siyempre, mahaba-habang biyahe patungong Iloilo City. Buti na lang at ang nasakyan naming dyip sa plaza ng Tigbauan ay diretso papuntang "Super" o Iloilo Terminal Market. Nasa downtown area na iyon at malapit na sa pumpboat station. Dumaan ang dyip sa ilang barangay na akala ko nasa Tondo. May napansin pa akong isang barangay doon na ang pangalan ay "Rizal-Ibarra". Meron din "Tanza". At nang patungo na kami sa Ortiz wharf, muli kong nasilayan ang agaw-pansing Cesar Ledesma Mansion o kilala rin bilang ang Eagle House dahil sa mga istatwa ng mga agila sa may gate nito. Hindi ito bukas sa publiko di gaya ng ibang Iloilo heritage houses. 
Ang dami-daming pasahero sa wharf either na papunta o galing na sa Jordan, Guimaras. Huli kaming namasyal doon noong 2013 pa (pakitunghayan ang blog post na "This Weirdo's Summer Blog"). Mabilis ang biyahe ng bangkang sinakyan namin papunta doon sa isla. Pagdaong sa Jordan, may kinontrata kaming traysikel  para ihatid kami sa iba't ibang pook. Stopover sa Smallest Plaza, ang kapitolyo ng probinsya, mahaba-habang sightseeing tour lalo na sa malalawak na manggahan sa magkabilang panig ng the long and winding road at ang katakam-takam na mga bunga nito na naghahatid ng kasikatan at malaking kita para sa lalawigan, at tumigil din kami sa bayan ng San Lorenzo kung saan may pagawaan ng asin, malalawak na kabukiran, at mga nakakalat ng mga higanteng windmills na nagsusuplay ng renewable energy sa probinsya gaya ng sa Bangui, Ilocos Norte at doon sa Cardona, Rizal. 
Napakahaba ng biyahe ng traysikel. Di lang namin napuntahan ang Buenavista at dumaan lang kami sa Sibunag. Ang dami-dami pa namang places of interest dito sa Guimaras. Bumalik pa kami sa Jordan, doon sa Barangay San Miguel. Sa wakas, nakarating na ako sa lugar ng mga Trappists! Ang lawak ng lugar kaya lang, pinapayagan lamang ang mga bisita hanggang sa souvenir shop at sa simbahan ng Our Lady of the Philippines Trappist Abbey. Off limits na sa mga bisita ang monastic grounds kung saan naroroon ang mga monghe. Minsan naman ay may oras na ilan sa mga monghe ay kinukumusta ang mga panauhin but most of the time, secluded ang kanilang pamumuhay gaya ng iba pang Cistercian monks. Pagkatapos ng panalangin at Misa, magtatrabaho na sila sa kanilang pananiman at pasalubong centers at ang mga produkto nila ay ipinagbibili sa gift shops at iba pang distributors upang may maipantustos sa monasteryo bukod sa mga donasyon. Napakaganda at napakapayapa doon sa Trappist Abbey. 
Ilan sa nabili namin sa souvenir shop ay rosary bracelet at medalyon na may nakaukit na imahe ni St. Benedict, ang nagpasimula ng monastic rule na sinusunod ng mga Benedictino kasama ang mga Trappists. Nabasa ko sa information card nito na makatutulong daw ito sa paglaban sa masasamang nilalang, tukso, pagkakaroon ng proteksyon, at maibsan ang sakit ng katawan. Ano yun? Anting-anting, agimat, o bertud? Subalit para sa akin, ang St. Benedict medallion ay nagsisilbing paalala na magkaroon tayo ng lubos na pananalig sa Panginoong Diyos katulad ng isinabuhay ni St. Benedict. Amen.
Pagkapananghalian namin sa Biking's Seafood restaurant, napakahabang biyahe na naman hanggang susunod na bayan ng Nueva Valencia. Nakarating kami sa Sitio Alubijod, doon sa Raymen's Hotel and Beach Resort kung saan din kami nagpunta noong 2013. Hay, na-miss ko ang dalampasigan dito. Ang sarap magtampisaw. Kinabukasan, katanghalian na nang check-out namin at pag-uwi sa Tigbauan, Iloilo. Maraming salamat sa Panginoon, ligtas at maayos ang aming biyahe.











Mayo 9. Muli kaming namasyal sa Iloilo City, doon sa Jaro uli! Sa wakas, nakarating na kami sa Angelicum School sa barangay Tabuc Suba na papunta na sa bayan ng Leganes. Doon makikita ang para sa akin ay ang pinaka-eleganteng pre-war mansion sa Iloilo at isa rin sa mga pinakamaganda sa mga heritage houses sa bansa, ang Lizares Mansion. Kaya lang, bawal daw pumasok doon dahil naging kumbento na. Mayroong historical marker sa malawak na lawn sa tapat ng bahay na iyon.
Yun nga lang, tulad ng Mariano Lacson Mansion Ruins sa Talisay, Negros Occidental, ang lungkot ng naging kasaysayan ng Lizares Mansion at hindi man nagtagal ang paninirahan dito ng pamilyang minsang nagmay-ari nito. Commonwealth period nang sinimulan itong ipagawa ng sugar baron na si Don Emiliano Lizares. Ang nagdisenyo ng mansyon ay ang tanyag na architect at anak ni Juan Luna na si Andres Luna San Pedro na siya rin ang nasa likod ng mararangyang disenyo ng mga bahay ng mayayamang pamilya sa Maynila at Sariaya, Quezon. 1937 nang natapos ang Lizares Mansion subalit nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, napilitan ang pamilya na lisanin ito at nagkubli sila sa Pototan, ang parehong bayan ng Katipunerang si Teresa Magbanua. Nang abandonado na ang mansion, ginawa raw itong himpilan ng mga Hapon na nadestino sa Iloilo. Who knows kung nagkaroon din ba ng tales of horror sa bahay na iyon? Pagkatapos ng giyera, ang mga Lizares ay bumalik sa bahay nila kaya lang 1949, namatay si Don Emiliano at ang kanyang pamilya ay mga lumisan na sa Jaro; may mga lumuwas sa Maynila at may mga bumalik sa Negros kung saan nagmula ang angkan nila. At ang kaawa-awang mansyon ay naiwan sa kamay ng mga caretakers, napabayaan, inangkin ng ilang garapal na tao na ginawa raw itong casino kaya ipinasara ng alkalde ng lungsod, napabayaan muli, at pagsapit ng dekada '70s, dumating ang mga paring Dominikano. Binili nila ang mansyon at lupang nakapaligid dito, nilinisan, at inayos. Pagsapit ng 1978, itinatag ang Angelicum School of Iloilo at ang Lizares Mansion ay naging Dominican convent na at mayroong Chapel dito. 
Kahit saang anggulo, napakaganda ng Lizares Mansion sa kabila ng mga pinagdaanan nito sa iba't ibang panahon. Ang masulyapan lang ito kahit mula sa malayo ay naghahatid ng nostalgia. Matutunghayang minsan ay naging sagisag ng marangyang pamumuhay ng isang angkan at pagkatapos ay ang masaklap na kinahantungan nito subalit sa kasalukuyang panahon, animo isang phoenix. Sa mapayapang school grounds ng Angelicum, ang malaking bahay ay nambibighani, maraming kwentong isinasalaysay, at ipinagsisigawang hindi siya isang multo mula sa nakaraan na katatakutan. Isa pa rin siyang tahanan.



Mayo 10. Sa loob ng maghapon, ang dami na namin napuntahan. Nagpunta naman kami sa distrito ng Arevalo doon din sa Iloilo City. Parang probinsyang-probinsya na nga doon, tahimik, at malayo mula sa ingay ng city proper. Ang ganda pa doon at di-kalayuan ang dagat. Noong panahon ng mga Espanyol, kilala ito bilang La Villa Rica de Arevalo. Minsan ay Villa ang tawag sa distrito. Kilala ang lugar sa mga hablon, sinamay, at produktong piña jusi. Naroon din ang isang cute na  heritage house kung saan mahahanap ang main office ng Mama's Kitchen at bumibili kami dito ng pasalubong items. 
Di rin namin pinalagpas ang plaza o Avanceña Park. Ang sarap namang mamasyal doon. Presko ang hangin at well-maintained ang mga hardin.  Dinarayo ang simbahan dito, ang Most Holy Name of the Redeemer Parish kung saan makikita ang Sto. Niño de Arevalo na ikatlong pinakaantigong Santo Niño sa bansa. Kayumanggi nga ito. At saka napansin ko rin na meron din ang simbahan na istatwa ng Mama Mary at Niño Jesus na nakabihis ng kasuotang Pilipino tulad sa Trappist Abbey sa Guimaras. Our Lady of the Philippines yun; sa ibang term naman, Our Lady of the Barangay.
Ang sunod naman naming dinayo ay ang Oton na katabi ng Tigbauan. Tabing-dagat din ito at may malalawak na bukid at kapatagan. Nabanggit sa textbooks ng Araling Panlipunan 5 ang bayan na kilala noon bilang Ogtong at noong 1600s, isang katutubo na nagngangalang Tapar ng Panay ang  namuno sa pag-aalsang panrelihiyon. Nagtatag siya ng isang bagong folk religion na pinaghalo ang sinaunang mga paniniwala o animismo at ang Kristiyanismo at dito, siya raw ay diyos. Kaya lang agad na sinupil ng mga Espanyol ang pag-aalsa at ginawaran ng masaklap na kaparusahan si Tapar at ang mga kasama niya.
Ang ganda ng plaza ng Oton. Mapuno pa. Pinuntahan din namin ang Immaculate Conception Parish. Base sa naka-exhibit tungkol sa kasaysayan ng nabanggit na simbahan, ang laki pala ng original na anyo nito. Mga paring Agustino ang nagpatayo nito tulad sa simbahan ng Tigbauan. Kaya lang pagsapit ng 1948, ang mala-katedral na simbahan ng Oton na nakaligtas mula sa digmaan, ay gumuho naman sa lindol ng taong iyon. Muling itinayo ang simbahan nang mas simple na ngunit maganda pa rin. Ang Marian grotto at Adoration Chapel ay kakaiba ang dating dahil sa mga naglalakihang banyan trees na ang mga ugat ay nakayakap na dito. Sacred tree ng mga Hindu ang banyan tree at ang mga ancient Buddhist temples ng Angkor Wat sa Cambodia ay marami rin ganito na tumutubo sa mga ruins. Kung ang ilang mga tao ay nangingilag sa anyo ng mga balete at banyan, ang mga ugat nito ay nagdudulot ng kakaibang dramatic beauty sa grotto. Dapat nga sa landslide-prone areas, banyan trees  ang itanim doon, di ba?








Mayo 11. Maalinsangan na naman ang panahon. Pag-uwi na galing sa higit na dalawang linggong bakasyon. Masaya ang umuwi na ngunit looking back sa summer vacation na ito, kumusta naman? Ah, really, really memorable. Itong bakasyon ngayong taon ang madalas na pagluwas namin sa Iloilo City kung saan nag-enjoy kami sa mga tours doon. 
City of love nga talaga ang Iloilo. Nakakagalit naman nang minsang inihayag ni Duterte noon na ang naturang siyudad ay ang "most shabulized city"  daw sa bansa, ayon kuno sa 'intel reports' aka sulsol+tsismis etc. Sobra naman ang matanda na iyon! Mas malala pa kaysa sa mga drug problems ng Metro Manila at mga karatig-probinsya? Bakit, hindi ba nagkakaproblema sa droga at krimen ang pinakamamahal niyang Davao City? Naghihimutok lang siguro ito laban sa Iloilo na malamang ay may kinalaman ang resulta ng bilangan ng boto dito noong Presidential election. Napaka-bitter na presidente kahit handugan pa ng piaya muscovado at pinasugbo at saka ng manamis-namis na tuba! Subalit naniniwala akong hindi nagbuburo ng sama ng loob ang mga Ilonggo at kung sakaling bumisita ang ating Pangulo sa Iloilo, warm welcome pa rin ang isasalubong sa kanya. 
Gabi na nang payapang lumapag ang Cebu Pacific flight na sinakyan namin sa NAIA-3. Maraming salamat sa Panginoon. Amen. 
*******
Ika-13 ng Mayo. Ang init-init sa araw na iyon! Kasing-init ng local and national election. So far, so good at maayos sa pangkalahatan ang halalan dito sa Pasay.  At nang nagbilangan na tapos nalaman namin ang poll results... ang masasabi ko na lang ay makapangyarihan talaga ang endorso at bibig ni Duterte. 
*******
Mayo 19. Nakapanood ako sa channel 7 ng isang vintage, pre-war animated film ng Disney, ang Snow White and the Seven Dwarfs. Na-preserba nila ang film nito at kahit lumipas na ang higit sa kalahating siglo, very entertaining and appealing pa rin ito sa mga manonood ng makabagong henerasyon. Hi-ho, hi-ho, ang ganda ng Snow White!
*******
Nakakainis at mukhang pumapalya na ang aming desktop computer na napakinabangan ko nang husto mula noong 2010. Nagkakaproblema na sa isang hard disk sa CPU nito. Hay, di man lang umabot sa ikasampung taon. Paano na ang photos and files ko dito? Lahat din ng blogs at kwento/ maikling nobela ko ay nai-type ko sa tulong na desktop computer namin. Tsktsktsktsk!
*******
Matatapos na ang bakasyon at pasukan na naman. Excited so soon sa bagong school year. Hanggang sa susunod na bakasyon!