This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Tuesday, July 31, 2018

Binagol & Tablea Muron

Minsan isang tanghali, umuwi muna ako galing VABES; nang nag-RPMS seminar kasi, kaming mga panghapon ay naging pang-umaga ang mga klase sapagkat ang mga kadaldalang seminars ay ginanap sa hapon at ito ay sa buong dibisyon ng Pasay. Siyempre, nag-uuwian na ang mga kabataan mapa-elementarya man o hayskul. Paglabas ko pa lang sa school gate, ang daming estudyante ng Pasay City South High School. Merong isang binatilyong Grade 10 ang tumawag sa akin. Kahit na mas mataas na siya kaysa sa akin ay nakilala ko pa rin siya agad at isa siya sa mga mag-aaral mula sa unang advisory class ko buhat nang napalipat ako sa Grade 5, ang section Cacao school year 2013-2014. Masaya ako at meron akong isang naging pupil noon na hindi nag-aatubiling lumapit sa akin at ang simpleng pagbati niya lamang ay kumpleto na ang araw ko. Medyo pasaway yun noong bata pa pero may respeto pa rin at nakakaalala sa kanyang mga naging titser. Sana sa susunod na magkita uli kami somewhere down the road, tao pa rin ang tingin niya sa akin; palibhasa, karamihan sa mga naging pupils ko, sa mga subjects man o mismong mula sa mga hinawakan kong advisory classes noon, masalubong ko lang sa mga daanan, titingin sila sa malayo o kunwaring magsi-cellphone na para bang ang kasalubong nila ay isang maligno o multo ng nakaraan at hindi ang guro nila noon; naging halimaw ba ako ng classroom, ha?
*******
Itong ika-2 ng Hulyo o mga ilang araw bago at pagkatapos ng petsang ito, ang daming nakagigimbal na balita. Misencounter sa pagitan ng PNP at Army doon sa Samar; sino pa ba ang mga ungas na magdiriwang sa trahedyang iyon kundi ang mga kalaban ng pamahalaan?! At pagkatapos, mga asasinasyon sa mga local government officials sa iba’t ibang lugar sa bansa na mga ‘narco-politicians’ daw yung ilan ayon sa ‘source’ kuno ng gobyerno kahit hindi naman napatunayan. Kabilang sa mga itinumbang mayors ay si Mayor Halili (†) ng Tanauan, Batangas na nakilala noon sa mga iniutos na ‘walk of shame’ para sa mga nahuling law violators sa kanyang lungsod kaya inaalmahan siya ng CHR. Ayon sa mga panayam noon sa alkalde, sinabi niyang matagal na niyang pinaghandaan ang kanyang kamatayan sa dami ng kanyang mga nakabangga sa pagtupad lamang ng kanyang mga tungkulin.
At dagdag pa sa mga bigat ng mga balita ang ‘circus’ doon sa Philippine Arena live on national TV courtesy of channel 5. Doon kasi ginanap ang FIBA qualifying games at nagharap ang Gilas Pilipinas at Australian Boomers. Ang basketball ay naging basketbrawl. Natambakan na nga sa laro ang ating home team tapos nauwi sa riot sapagkat parehong koponan ay naglaro nang mainit ang ulo. Tsktsktsk!
*******
Ngayong 2018 mid-year period na, patuloy ang pagpupumilit ng kampo ni Duterte sa federalismo at sinimulan yun sa panukalang baguhin ang ilang mahahalagang probisyon ng Saligang-Batas. Matagal nang batid ng madla ang mga panawagang gawin nang pederal ang uri ng pamahalaan ng Pilipinas. Panahon na raw upang gawing desentralisado ang pamamahala sa bansa o yung hindi na dapat tumutok na lang sa tinaguriang “Imperial Manila” para maabot naman ng kaunlaran ang maraming mahihirap na rehiyon gaya ng ARMM. Ang lumasap naman daw ng progreso ang mga developing provinces, partikular sa Mindanao na ang mga tagaroon ang pinakamarami sa mga sang-ayon sa federalismo. Ayon sa mga tagasuporta, maganda ang layunin ng federalismo at ito ay may gawad na karagdagang awtonomiya at mga karapatan para sa mga rehiyon na linangin ang kani-kanilang pook nang hindi na umaasa sa central government.
Kaya lang, kadalasang kapag kaaya-aya ang layunin, may mga kaakibat namang mga pamamaraang masasabing naghahati ng opinyon o palagay ng sambayanan. Dadami ang mga kawani gaya ng dagdag na mga senador tapos mga karagdagang ‘korte suprema’  para sa bawat federal region. Ilang bilyong piso kaya ang magiging alokasyon mula sa national budget ang mapupunta doon? At saka may latest pang isinaad na mawawalan daw ng saysay ang mga bagong panukalang konstitusyon kung ipagbabawal ang political families. Ganoong ‘kultura’ pa naman ang umiiral sa maraming local government units sa iba’t ibang panig ng bansa.
Paano yan? Mabubuti ang layunin ng federalismo para sa kaunlaran ng bansa pero paano kung pamunuan pa rin ang mga pamahalaang lokal ng mga tiwaling opisyales? Halimbawa ay sa ilang lugar sa Mindanao kung saan laganap ang kahirapan, pagkatapos ang kanilang mga local government units ay nahaluan ng mga tao na ang mindset nila na kapag nasa larangan na ng pulitika ay “bago kayo, ako muna” policy.
Kung sakali man makalusot na ang federalismo, mayroon munang transition government na pamumunuan pa rin ng incumbent president. Nang nakapanayam si Duterte kung sino ang nais niyang pumalit sa kanya sakaling di niya matapos ang kanyang termino, ang sagot niya ay definitely hindi raw ang kanyang VP ‘because she is incompetent’ daw. Wala pang 24 oras mula nang sinabi niya yun, umani na siya ng batikos. At ang tugon ni Leni in her usual poise of calmness, sa halip na pagsalitaan siya ng di-maganda lalo na ang Diyos, asikasuhin na lang daw ng ating kagalang-galang na Pangulo ang maraming economic problems at iba pang mahahalagang isyu sa bansa. Ano bang mga notions ni Duterte tungkol sa kanyang ‘idealized competent officials’? Yun ang tingin niya sa marami sa kanyang mga tagasuporta kaya in-aapoint niya ang mga ito sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno kasi mga competent naman ang mga ito. At pagkalipas ng ilang panahon, depende kung sinong government official, either na nag-resign na lang ang mga ito o di kaya’y sinibak niya sa pwesto.
Tungkol naman sa isyu sa Supreme Court, matapos matanggal sa pagiging Chief Justice si Mrs. Ma. Lourdes Sereno, ininterbyu si Duterte kung sino ang nais niyang pumalit dito. Ang sabi niya, ‘not a politician, definitely hindi babae’. Kahit ano pang pagtatanggol sa kanya ng kanyang mga alipores sa gobyerno tulad ni Spokesman Roque na tagapaglinaw ng konteksto ng kanyang mga pinagsasabi sa publiko, sumisingaw at sumisingaw pa rin ang kanyang nakasusulasok na machismo and chauvinism.
*******
Ika-12 ng Hulyo, second anniversary ng pagkakapanalo sa UN arbitration court ng Pilipinas laban sa China hinggil sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea. Walang-bisa na ang nine-dash demarcation crap ng China na gawa-gawa, este base raw sa kung saang lupalop na nagmulang historical claim nito sa halos buong South China Sea. Subalit sa araw na ito nang paggunita sa tagumpay na iyon ng Pilipinas, nagulantang ang kahit sino nang natunghayan ang mga naglalakihang pulang tarpaulin sa ilang lugar sa Kamaynilaan na nagsasaad ng nakaiinsultong “Welcome to the Philippines Province of China” at meron pang Chinese characters na translation nito at agad yun pinagtatanggal ng mga MMDA. Tsktsktsk! Hindi nga nasagap sa CCTV at walang nakakaalam kung sinong mga ugok na tao ang nagkalat ng masamang birong iyon. May mga naghihinalang mga aktibista raw ang may kagagawan na naglalayong mang-asar sa Duterte administration o di kaya’y mga Chinese nationals mismo na aktibista doon sa kanilang bansa o di kaya’y mga taong sadyang walang magawang matino sa buhay nila, o! Naku, ha! Ilang libo kaya ang ginastos kada tarpaulin? Matatandaan nang may conference ang Filipino-Chinese businessmen noon at dinaluhan din ng ambassador ng China, may sinabing corny joke si Duterte na gawin na lang daw probinsya ng China ang Pilipinas. What a sick joke from a sick old man, ‘nuff said.
*******
Ika-15 ng Hulyo at sa Misa sa araw na ito, may binasang CBCP pastoral letter ang pari. Nitong mga nakaraang araw kasi nag-eeskandalo ang ating kagalang-galang na Pangulo at pagkatapos, naging maamong tupa naman matapos ng closed door meetings sa ilang religious leaders kagaya ng kapwa-Dabawenyo niyang si Archbishop Romulo Valles. Nagkaroon ng ‘ceasefire’ sa pang-aaway niya sa Simbahan.
Ang reaksyon kasi ng CBCP sa mga masasakit na pananalita nitong tatang Digong natin ay palaging mahinahon. Hindi na kailangang “fight fire with fire” rather “fight fire with the calmness of water”. May mga binanggit ding quotes mula sa Beatitudes of Our Lord na lalong nagpaganda sa pastoral letter. Sa bandang huli, ang pananampalataya ang mananaig at hindi ang pang-aalipusta. Ang Gospel reading pa naman sa Linggong ito ay tungkol sa atas ng Panginoon sa Kanyang mga alagad na ipagpatuloy sa lahat ng dako ang Kanyang ministriya.
*******
Minsan isang maalinsangang araw ng Sabado, nang galing ako sa Baclaran Church sa Redemptorist, may nangyaring kakaiba. Sumakay ako ng dyip na pabalik na dito sa Villamor Air Base at pag-upo ko pa lang doon, nagtaka ako doon sa isang matabang mama na may malaking backpack at katabi ko sana sa hilera ng mga pasahero. Bigla siyang lumipat ng kinauupuan doon sa kabilang panig kahit na siksikan na sila doon. Inisip ko tuloy na nabahuan siguro sa akin dahil nga medyo nabilad ako sa init ng araw sa katanghaliang-tapat! Kaya lang pagpara ng dyip namin sa Heritage Hotel sa kanto na ng EDSA, nagulat kami nang yung isang bading na pasahero ay hinatak ang isa pang mama na pababa na sana sabay sabing “Kuya, kinuha mo ang cellphone ko!” at nalaglag nga sa lapag ang isang mukhang mamahaling cellphone. At yung mandurukot ay kaswal lang na pumanaog sa dyip at mahinahong naglakad papuntang Roxas Boulevard. Grabe ang bilis ng pangyayari na sana naisip ng pasaherong iyon na tawagin ang mga pulis na nagpapatrolya sa may panulukan ng EDSA-Roxas at yung ibang pasahero ay naghinayang na sana’y sinuntok nila ang mandurukot. Nagpatuloy sa biyahe ang dyip at pagtigil nito sa tapat ng Copacabana Hotel, bumaba naman yung matabang lalaki na lumipat ng pwesto nang sumakay ako. Hinala ng mga pasahero na magkasabwat ang dalawang ugok na nakapanlilinlang ang itsura at porma at gamit nila sa modus nila ang malalaki nilang backpack. Kaylaki-laking mga tae, este, mga tao di maghanap ng legal na trabaho!
*******
Ang saya-saya namang makapamasyal sa National Museum of Natural History sa Luneta! Siyempre tulad sa iba pang government museums, libre ang entrance dito. Nakamamangha talaga doon pero nang araw na nagpunta ako doon, inaayos pa ang mga galleries sa fourth floor at akala ko, naka-displey na ang naka-preserved na katawan ng buwayang si Lolong. Very educational talaga ang maglibot doon at namnamin ang mga dagdag-kaalamang hatid ng museo ngunit sa totoo lang, may bigat din sa aking nadarama sa mga napagmamasdan kong preserved animal specimens na naka-exhibit doon. Sana, ang mga hayop doon ay natural causes ang pagpanaw bago sila dalhin sa mga taxidermists para sa kanilang bagong roles sa ngalan ng kaalaman. Nakalulungkot naman kasi kung ang mga hayop na iyon ay sadyang ginawang animal sacrifices sa altar ng siyensya. Mula nang naging libre ang entrance sa mga museum, mas dumami na ang mga taong nagtutungo doon at nag-i-enjoy. Gusto ko rin mapuntahan muli ang dalawa pa sa mga gusali ng Pambansang Museo sa susunod.