This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Monday, September 26, 2011

September Softness

(This essay was posted on the 2nd anniversary of Bagyong Ondoy. Lintik na tanghali na idineklarang walang pasok sa mga paaralan ng Metro Manila!)


Dambana ng Kagitingan, Bundok Samat, Pilar, Bataan/courtesy of Wikipedia/Sam Tan

Caspar David Friedrich’s “The Cross on the Mountain”

Noong una ay talagang nag-alangan ako sa aking pagkadestino sa mga batang nasa huling section na ng Ikaapat na Baytang (ngunit Metro Manila naman ang pangalan ng aming section na placebo effect at huwag naman ‘IV-18’). Yun bang mayroong extremity na ako na noong nasa elementarya, mula Grade 1 hanggang 6 ay napabilang sa highest section at tapos ngayon... well, walang puwang ang reklamo. Ganyan talaga... parang sundalo na na-assign sa mga liblib na pook and that’s an order. With the exception of transferees, ang mga batang ito ay nagmula rin sa last two section noong Grade 3 sila. Ngunit, eh ano ngayon? Bakit yun bang mga nasa higher section lang ba ang magtatagumpay sa buhay? Ang nararapat dito ay i-motivate ang mga paslit na maniwala sila sa kani-kanilang sarili. Madalas na karaniwan sa mga paslit ay may short span of attention at dahil mga bata, bumubugso ang pagka-hyperactive kaya parang yumayanig ang silid-aralan kapag hindi na sila nakontrol. May mga hirap sa pagbabasa. May mga suliranin sa pag-uugali. Sad but true na naroon talaga ang kaibahan sa scholastic performances. Actually, ang kanilang klase ang aking pasanin. Penitensya, kalbaryo, mabigat na pasanin, hehe... Ngunit palagi kong isasaisip at isasapuso ang winika ng Panginoon “Come to Me all of you who are tired and I will give you rest for My yoke is easy and My burden is light.” Magkakasama pa kami ng mga batang yun mga ilang buwan pa kaya nararapat lamang na palagi ko silang isasama sa aking mga panalangin. At may napagtanto ako. Sila na aking mga pasanin... subalit sila rin ang naghahatid sa akin ng naiibang kasiyahan. No, it’s not power, pleasure, and pain like some kiss on a rose or a bed of roses with all those thorns... it’s simply between them and I. There’s always a reason for passion.

Marcel Duchamp’s LHOOQ Dada artwork in protest of his movement against the established academic traditions of European art

Meron isang local avant garde artist ang gumaya dito ngunit ang trying hard na mokong na iyon ay pinagdiskitahan pa ang Our Lady of Perpetual Help na pinamagatan pang “My Virgin Mama”. Well, hindi po siya si Mideo Cruz. Freedom of expression... ang kalayaan na basic right na ng bawat tao (kaya nga dahil dito ay narito sa cyberspace ang blog site na ito, ano?) at ikinapuputok na ng butsi ng mga labis na naninindigan para dito.
Pwede bang pumantay na ang level ang napakalawak at mapaglarong imahinasyon sa pagpapahayag doon sa mga may tama na sa pag-iisip dulot ng tetrahydrocannabinol and other hallucinatory substances or sa mga schizo? Hehe, ewan, dapat pa bang pakialaman yun? Look, hindi lang mga Katoliko ang na-offend sa kontrobersyal na artwork kundi pati Aglipayan at mga Orthodox. Kung nakikisawsaw man ang mga fundamentalists sa paggigiit nila tungkol sa Unang Utos bunga ng literal nilang pagkakaunawa dito, sige nga at ano ang ibig sabihin ng mga rebulto ng dalawang anghel sa ibabaw ng Ark of the Covenant na iniutos mismo ng Diyos kay Moises na gawin (ever watched “Indiana Jones: Raiders of the Lost Ark”)? Eh, yung nangyari sa disyerto kung saan dahil sa pagiging mareklamo ng mga Israelita ay pinarusahan sila ni Yahweh at pinatuklaw sila sa mga ahas ngunit muli Niya silang kinaawaan nang sila’y nagsisi at inutusan Niya si Moises na gumawa ng rebulto ng copper serpent at itindig ito sa tagdan at ang sinumang natuklaw na tatanaw dito ay gagaling agad. Parang Jewish counterpart ng caduceus ni Asclepius in the ancient Greek religion which eventually became the modern symbol of the medical profession. Fundamentalists and puritans who haven’t got tired of their ‘idolatry accusations’ against the people who are outside of their flock should stop self-proclaiming that they knew the Bible by heart and intellect but in fact they don’t have the heart to respect and the mind to understand the faith and beliefs of all people because God has no favorite among His creatures. And Mideo Cruz, I think is so harsh and narrow and shallow because he himself ay nag-aakusa na sa kapwa-tao niya; na yung ipinagmamalaking art exhibit niya ay ‘sumasalamin’ daw sa excesses of society (grabe naman siya na parang nambibintang na nang tuwiran!). Man, starving for publicity for that so-called orgiastic shock art? Kaya nagninggas ang damdamin ng iba’t ibang tao. Ano kaya ang kahulugan ng ‘limitasyon’ o ‘hangganan’ para sa mga advocates ng freedom of expression? Kung merong ibang artists ang magdrowing ng caricature nila na kahalintulad ng ‘polytheismo’, idya-justify pa rin ba nila’t ipagtatanggol ang artistic freedom ng mga ito bilang... or, simply, freedom of expression? Kaya lamang kasi, kahit gaano man kalalim ang kanyang mga pananaw at pangangatwiran, sampu ng kanyang mga tagasuporta at tagapagtanggol, wala nang ibang makauunawa sa isang eccentric kundi ang kapwa rin eccentric, hehe! Ah, ewan ko! Ewan ko sa kanila! Hehe, siguro kasi pagkatataas ng pinag-aralan, palibhasa mga dalubhasa, hehe! Kaya iba ang taste... pabayaan na nga sila, hehe...
Katolisismo ang pinagbalingan ni Mideo Cruz... i-lie detector test kaya siya kung sa isang dako kaya ng mga ideya niya ay nais din ba niya-feature ang Islam, Buddhism, or Hinduism? Playing safe? Hehe? Tapos, ang mga supporters niya ay nag-divert sa iba namang isyu bilang pangontra sa mga tumutugis sa kanila at nabanggit pa ang priests’ abuses (sa Catholic Church lang ba may ganitong kaso, kayong mga naglilinis-linisan, mapaghusga, at mga unang pumupukol na ng bato?) and the RH Bill. Nang nag-channel surfing ako minsan at napadako sa isang news channel kung saan ay may forum at pwedeng mag-text ang mga viewers, may nabasa ako doon mula sa isang texter na hindi raw siya papayag na ang buwis na ibinabayad niya sa gobyerno ay mapupunta lang sa paggastos para sa mga taong walang disiplina sa sex (buwis din ng taumbayan ang nagpondo raw sa “Kulo” art exhibit sa CCP). Sino ba ang prime manufacturers ng contraceptives? Mga naglalakihang korporasyon at kapitalista na nakabase sa mayayamang bansa at namumuhunan sa mga Third World nations tulad ng ating bansa at tiyak na tiba-tiba kapag naisabatas na ang naturang panukala? Talaga nga bang ganoon na kababa ng health care services ng ating bansa o meron naman talagang sapat na badyet... na ibinibulsa lang ng iilan na sa palagay ko ay wala rin pakialam sa RH Bill at mas lalong walang pakialam sa lipunan at kay Mideo Cruz. Ano ba ang paninindigan ko sa isyu na ito?
Secret. Sssshhhhh!


crocodile's skeleton: illustration by Richard Lydekker

Crocodiles do cry, too. Yet those are real tears. Mga luha kung bakit patuloy ang panghihimasok ng mga tao sa kanilang mga natural na tahanan. Mga luha kung bakit ang mga tao ay mapang-abuso sa kapaligiran. Mga luha kung bakit ang mga tao ay likas na sakim sa pag-angkin sa mundong ibabaw. Mga luha kung bakit ang angkan ng mga buwaya ay patuloy pa rin iniuugnay sa mga tiwali lalo na sa mga kawani ng pamahalaan. Mga luha kung bakit ang kanilang sariling mga luha ay ginagamit na matalinghagang pananalita tungkol sa huwad na awa at pakikisama. Tsktsktsk! Na-extinct na ang mga dinosaurs (except for tuataras, coelacanth, or perhaps some magical plesiosaurs that’s why accounts of legendary lake or sea monsters still persist (?)); ngunit ang mga buwaya ay hindi nalipol. Noon, people-eaters:crocodiles... ngayon, crocodile-eaters:people. Siguro nga na matanda na si Lolong Buwaya at ang kanyang asawa (crocodilian monogamy?) kaya sa paglipas ng panahon ay lumaki silang ganoon. Naalala ko na noong short flourishing of the komiks renaissance (that was in 2007), sa Klasik Komiks, may kwento si Carlo J. Caparas doon tungkol kay Kroko at may nakamamanghang illustrations ito kahit na merong nakakatakot at nakakadiri; tungkol sa isang nakamamanghang buwaya na may nakamamanghang laki. Biglang natigil ang sirkulasyon at paglalathala ng mga komiks na iyon kaya tuloy nag-imagine na lang ako kung ano ang naging kapalaran ni Kroko. At nitong mga nakaraang buwan, biglang umere sa TV5 ang isang child-friendly primetime series na “Bangis” na mula rin sa panulat ng naturang sikat na nobelista. Tungkol din iyon sa isang ga-higante rin na buwaya. Ano yun? Kung iisa lang sina Kroko at Bangis, nag-evolve ba ang buwaya nito mula nang nag-crossover mula sa komiks patungo sa telebisyon bilang isang mahiwagang reptilya na may kakaibang talino at masayahing puso? Kung namatay na si Lolong, anong gagawin sa katawan niya? Ipipreserba ba in the name of science and education? O, kung may magka-interes sa katawan niya, in the name of worldly consumerism and materialistic fashion statements? Stay away from our wildlife, Lacoste, Crocs, all of you, fashionista capitalistas!
Oo nga pala. Hours bago ibalita on national television ang tungkol sa pagkakahuli kay Lolong, meron kaming class discussion sa English Reading. Isang popular fable na “The Monkey and the Crocodile”. Matalino man ang matsing, kung buwaya naman ang katapat eh, nakakalamang pa rin, hehe! Ngunit bago iyon, bahagi ng motivation to the lesson ang pagkabanggit ko sa ‘evolution’ (Darwinian allergen to all fundamentalists; Scopes Trial? Napanood ko kaya yun sa channel 9 noon starring Jack Lemon as the brilliant Attorney Clarence Darrow). Na ang mga buwaya, base sa mga fossils na nadiskubre, ay mga dambuhala nga during the age of the dinosaurs at di-naglaon ay lumiit na sila sa paglipas ng mga panahon. Na ang mga matsing o unggoy o bakulaw ay mga kamag-anak ng tao (at nagturuan naman ang mga bata sa isa’t isa na nagtatawanan pa).


Miss Universe 2011

Yeah, I remember, I remember. Last year, sa mga dyaryo, naka-post ang mga board passers sa architecture at madali lang tandaan ang rare name na “Shamcey Supsup” and then several days ago, nagningning ang pangalan niya sa pinakaprestihiyosong patimpalak-kagandahan na Miss Universe kahit na 3rd runner up pa siya.
BTW (kung hindi ko nabasa sa dyaryo ang ibig sabihin nito ay hindi ko mababatid na ‘by the way’ pala ang ibig sabihin nito, pity me; yung ‘xoxo’ na lang ang hanggang ngayon ay di ko alam but what the heck?!), napaka-impressive ng sagot niya sa Q & A portion. Honest, honest-to-goodness. Pero hindi lang sa Q&A pinagbabasehan ang winning points ng isang kandidata. Madalas akong manood ng mga beauty pageant just like any byuti-kontes-gone-gaga beki-beki, ahay! What’s wrong with the answer? Well, that was answered from the heart. Kaya lamang sa paglipas ng mga araw, I had pondered on those words. Siguro, iba’t iba ang interpretations ng iba’t ibang tao na na-comprehend yun. Dapat bang ma-kompromiso ang religious affiliation sa isang relasyon para lang sila magkasundo? Hehe, napanood ko ang last two season ng “Sex and the City” series sa HBO, including its two movies- Charlotte York, the Episcopalian princess ‘left’ Christ for her one true Jewish love (how’s that for an offense against Christianity, Miss Supsup?). Teka nga, hindi si Vivica A. Fox ang unang nakapagtanong ng tulad ng sa sinabi niya sa beauty pageant! Mga late 1995 or early 1996 yata yun, sa “Mr. Pogi” portion ng Eat Bulaga, tandang-tanda ko pa ang tanong ng isang female judge sa isang contestant na kung meron siyang girlfriend na nagyayaya sa kanya na sumama na sa religion na kinaaniban nito, papayag ba siya? Ang sagot ng binata ay hindi pero maski siya ay hindi rin naman gagawin ang ganoon sa nobya niya. Hindi kailangang ma-kompromiso ang relihiyon sa isang relasyon, just to please your loved one (ang mahalaga ay tunay na pamamahalan at pag-uunawaan without that annoying discussions and debates on differences of beliefs and faith; teka, bakit nga ba ako nagsasatsat tungkol dito- ni hindi nga ako kailanman in a relationship; ah, ewan!). Talk about proselytization, for pete’s sake! Bakit magpaparaya para lamang matanggap ka ng iyong minamahal kung masaya ka naman at payapa ang kalooban sa kinalakhan mong pananampalataya? At saka, ang banggit ni Shamcey bago matapos ang sagot niya ay “... my God”... Eh, kung kapareho rin ng ganoong sagot ang sasambitin ng isang Christian girl sa kanyang Jewish boyfriend... bakit? Magkaiba ba ang Diyos ng mga Kristiyano sa Diyos ng mga Hudyo? At saka, nakalulungkot kung bakit ang impression sa ilang na tao na ang drama ay “they left the Catholic Church to become Christians”... hindi ba ‘Kristiyano’ ang mga Katoliko mula pa noon? Christians and Catholics and Protestants and Quakers... what’s with those walls, segregation, and exclusive claims! Well anyway, opinion here comes freely, hehe... just remember that Miss Shamcey Supsup, minsan, noong isang araw lamang ay napag-isa ang sambayanan. Epitome of a real Filipina worth emulating.


diamonds wikipedia source: CrucifiedChrist

What is suffering? This was a question of big deal to Prince Siddharta Gautama more than 2,000 years ago. “What is happiness to you, David?” ang tanong ng character na ginampanan ni Cameron Diaz kay Tom Cruise sa pelikulang “Vanilla Sky” (not “Knight and Day”, though!). Sa tuwing pinagmamasdan ko ang lumalaking sakop ng isang kahiganteng korporasyon sa aming pamayanan and the taipans and tycoons, the moguls and magnates, foreigners gobbling our lands in the guise of ‘investments’, the unstoppable land conversion and communities, both legal and illegal, being swept away because of that so-called modernization and development, diamonds appear in my thoughts. Diamond, the birthstone of April, my birthstone, precious stone of happiness. Hindi ito sa ‘bleeding heart’ appeal nor walang kinalaman sa “Diamonds from Sierra Leone” ni Kanye West or the Leonardo DiCaprio-starred “Blood Diamond”, why are Amsterdam and Zurich called the cities of diamonds? Why are diamonds forever? Paano naman ang dugo at pagdurusa ng napakaraming mahihirap na Aprikano na isinusuong sa panganib ang kanilang mga buhay mahango lang ang mga brilyante mula sa ilalim ng lupa? Ang malalaking negosyante na matagumpay. Their successes are the diamonds of their career. Ngunit mga diyamante ba na naghahatid ng tunay na kaligayahan... o mabibigat lamang na pasanin? Araw-araw, pag-aalala kung paano mananatili ang pamamayagpag ng negosyo. Gabi-gabi, iniisip kung bukas ba ay matataas pa rin ba ang stocks. Mga ‘bilanggo’ ng sarili nilang mga ‘tagumpay’. Mga tagumpay sa larangan... na mga pasanin din pala na kanilang ipapasan. Yun bang parang mga ibon na nasa loob ng gintong hawla na bukas naman ang pinto ngunit ayaw lumabas kasi mayroong dalawang kahaharapin- ang madakip tungo sa kapahamakan o di kaya’y kung iiwan ang gintong hawla ay maaari namang may ibang magka-interes na angkinin ito kaya hindi bale na lang na manatili sa loob nito.
Diamond affection... or rather, seeing beyond the adamantine look of a diamond in the rough.

courtesy of wikipedia/unknown USGS employee
Photos here courtesy of Google and Wikipedia