"Country Road in Provence" by Vincent Van Gogh (courtesy of Wikipedia)
THUS SPAKE SUROT-TUSRA ( posted on September 2010; the last post at my Friendster blog and a crossover or link to “The Cocktail Blog”- October 9, 2010 here in Blogger)
"... the endless battle between good and evil." - as preached by Zoroaster the prophet millenia ago (the real Zarathustra and not the Nietzchean one)
Extension for this blogsite- http://weirdjtt.blogspot.com
Salamat nga po pala sa mga nag-comment dito sa blogs kahit na hindi ko kayo personal na kilala. Mga fashion bloggers ba kayo? Mga naglalako kayo ng mga mamahaling sisidlan? Sa totoo lang, hindi ko trip ang mga designer bags kahit yung mahahanap sa mga ukay-ukay. Nagbabasa ako ng Mega Magazines at lifestyle magazines, nakapanood ng fashion shows sa TV man o doon sa SMX... ngunit isa akong ANTI-THESIS OF EVERY FASHIONISTA AROUND. Hahaha, just being honest.
QUIET ESSAY (first posted on January 2010)
Know Thyself. Nothing In Excess. (Greek maxims at the ancient temple of Apollo in Delphi)
1998 presidential elections, may El Niño. 2010 presidential elections, may El Niño. At ang pulitika sa ating bansa ay mas mainit pa sa El Niño. Pero ang hatid na tagtuyot nito ay madarama na lang kapag nakaluklok na sa pwesto ang mga inihalal na hanggang ngakngak o pangako lang pala, hahaha!
Nitong mga nakaraang linggo, sa pangalawang pagkakataon, nag-motorcade dito sa Villamor sina Bro. Eddie Villanueva at iba pa. Sana ay magtungo rin dito sa aming barangay ang iba pang kandidato. Alam ko naman na bawat kandidatong nangangarap maging pinuno ay may mabubuting layunin para sa bansa ngunit sa bandang huli, ang mga botante pa rin ang masusunod. Well, kung sinuman ang iboboto ko sa pagka-presidente ay si… ssshhh! Ewan ko nga ba at wala pang kasiguraduhan (pero sa vice-president, Binay na tayo, hehehe!). Pambihira, baka pagdating ng araw ng eleksyon ay wala pa akong ma-shade na bilog na hugis itlog sa hanay ng presidential bets. Sigh…
Summer of 1992 noon nang una akong na-fascinate sa panahon ng eleksyon. Agaw-pansin kasi ang sari-saring ipinamumudmod ng mga nangangampanya tulad ng mga posters, stickers, streamers, calendars, etc. At saka, yung mga dumaraang sasakyan pa na paulit-ulit na lang na pinatutugtog ang campaign jingles ng kandidato nila. Naalala ko ang isang local candidate dito sa Pasay na noong panahon na iyon ay nag-distribute ng booklets na may kopya ng Gospel readings at hanggang ngayon ay iniingatan ko pa rin (tapos, itong mamang ito ay naulinigan ko rin noon sa showbiz news na may kakaibang proposal…hehehe, hindi ko mababanggit dito sa blog basta may kinalaman ang ‘eugenics’!). Noong 1992 elections, madalas ang brownout. Ang tatagal ba naman ng mga brownout… kaya nga talamak ang mga dayaan. At sana ngayong automated na ang pagboto, no more power interruption, please?
*******
Para palang maliit na textbook ang “Orosa-Nakpil, Malate” (bukod sa agaw-pansin pa ang cover illustration nito). Pero hanga ako sa author nito na si Louie Mar Gancuangco, in fairness. Teka, ilang buwan ko nang napapansin na wala halos nabawas sa stock nito sa National Bookstore-Metropoint Mall. Iba na pala ang panahon ngayon. Dati-rati ay nakatutuwang bumili ng libro. Ang “Mga Alamat ng Pilipino” ni Maria Odulio De Guzman ay P18.50 lang noong 1991 at nang nakatagpo ako ng modern edition nito na wala naman pinagkaiba sa mga luma, nagulat ako nang nalaman na P100+ o higit pa ang presyo nito! Ngunit maganda namang investment ang mga aklat, ano?
Nabanggit nga naman ang “Orosa”, mas pinaigting ng Department of Health ang HIV/AIDS awareness and prevention campaign. Kaya nga may free condom distribution sila. May epidemya na raw dahil sa pagdami ng maysakit (kahit na wala pa sa kalingkingan ng total number of victims sa ibang bansa). At tulad ng inaasahan, nariyan ang mga batikos mula sa mga konserbatibo tulad ng Simbahan at Pro-Life. Ang mga pabor at kontra, dalawang nag-uumpugang bato ngunit sa dakong huli, ang taumbayan pa rin ang magpapasya kung anong pasya nila. Sabi ng DOH at mga kapanalig nila, makabubuti raw ang ginwa nilang iyon na bukod sa family planning, maiiwasan di-umano ang mga sakit tulad ng HIV or AIDS. Sa panig naman ng mga konserbatibo, ang pinakamabisang pag-iwas sa nakatatakot na sakit na iyon ay wastong edukasyon at kaalaman, respeto sa sarili at sa kapwa, at disiplina. Mayroong ABCs of AIDS prevention- abstinence, being faithful, and contraceptives. The first two ang sinusuportahan ng Simbahan samantala ang lahat ng factors, lalo na yung pangatlo, ang pinagbubunyi ng DOH at iba pang ‘bukas ang isipan’ (kuno; tulad ng claim nila sa kani-kanilang sarili). Ano ang hatol ng bayan?
Mahirap nang makipagdebate…
“be a little bit wiser, baby/ put it on, put it on/ ‘coz tonight is the night/ when 2 become 1...” – for the Spice Girls’ hit single, 2 Become 1
Bakit nga ba lumalaganap pa rin ang AIDS sa kabila ng mga babala sa sangkatauhan? O, sige, condom education tulad ng sabi nung iba. May dalawang tao, nagkatagpo, at dahil sa hindi nakasisiguro sa kalusugan ng isa’t isa, gumamit ng condom. Physiological or basic daw kasi para sa kanila yung ‘gawain’ na iyon sa kanilang hierarchy of needs (saka na lang ang self-actualization!). At pagkatapos, ipagbubunyi nila na nakatulong daw sila upang mapigilan ang paglaganap ng AIDS/HIV.
Paano at kailan nagiging simbolo ng promiscuity ang artificial contraceptives?
Kaya lamang, hindi lang through sexual contact naipapasa ang human immunodeficiency virus from one person to another. Paano kung nagda-drugs ang isang infected person tapos isi-share pa niya ang paraphernalia niya? O, di kaya’y dahil sa krimen ng ilang maysakit na tao through rape or intentional na paghawa. Akala ko ay urban legend lamang iyung mga narinig ko noon tungkol sa ilang HIV positive na nanghahawa ng sakit nila. Nakikisalamuha sila sa maraming tao tulad na lang sa loob ng mga sinehan, concerts, o mga clubs tapos tinuturukan na nila ng injection na may dugo nila ang kanilang mga biktima. Noon nga ay may nabasa pa ako sa komiks, sa adventures ni Lastikman (mas cool sa komiks kaysa movie or TV adaptations!). Nagsagawa siya ng entrapment at di-naglaon ay pinaghuhuli na ang mga tagahawa nang maaktuhang magkakalat ang mga ito ng dugo nila. O, may magagawa ba ang mga condom na yan kung ang pagpasa ng sakit ay tulad ng pag-ineksyon? Kaya lang ay bakit may mga ganoong uri ng tao? Yaong mga nanghahawa na gusto pang maging miserable rin ang kapwa nila? Nakakapraning na siguro ang makihalo sa matataong lugar ngunit kung makatutulong man ang kapraningang ito upang huwag tayong lumimot na mag-ingat sa lahat ng oras.
Napanood ko na ang “Lupe: A Seaman’s Wife”. Hindi sa sinehan, ha! Pinalabas ito sa isang movie channel sa cable kaya maraming pinutol na eksena. Ang daming isyu tulad ng adultery, regrets, abortion, heavy consequences, and terrible decisions. Si Lupe ay nagpakalunod sa ligaya sa piling ng ibang lalaki habang wala pa ang asawa niya. Pero nabuntis siya di-naglaon at sinundan niya ang kabit niya sa Maynila at nalaman na lang niya na matagal na pala itong HIV positive kaya nahawa na siya dito at nagpasya na siyang ipalaglag ang anak nila. At dumagdag pa ang hinagpis niya nang malaman ang katotohanan na ang kanyang kabit at ang kanyang asawa ay may lihim palang kasunduan. May permiso pa ang pagtotorotot nila ng kabit niya para siya mabuntis at magkaanak. Baog kasi ang asawa niya pero aakuin naman daw nito ang bata. Pero huli na. Hey, the drama! At sa pagtatapos ng sine, naroon ang di-malilimutang eksena kung saan nagpatihulog na ang bidang babae sa bangin sa may dagat at ang kanyang asawa ay humiyaw ng “LUUUPEEE!”
*******
Sa wakas ay nakapag-obserba na ako ng isang Latin or pre-Vatican II Mass sa piyesta ng Sto. Niño noong Enero 17 kaya dalawang beses na akong nakapagsimba. Ang Latin Mass ay ginanap sa Columbarium Chapel of the Shrine of St. Thérèse dito sa Villamor. Siguro nga na out of curiosity at pagkaintriga. May mangilan-ngilan na dumalo at karamihan ay senior citizens at nakabelo pa ang mga kababaihan. Meron namang naipahiram na bilingual missals and missalettes para makasabay sa sinaunang Liturgy na ito. Kaya lamang habang umuusad ang oras ay para bang dumalo ako sa worship service ng ibang relihiyon. Sa loob ba naman ng napakahabang panahon ay Latin ang official and undisputed language of the Mass until the Second Vatican Council of the ‘60s. Para bang Arabic for Islam or Chinese for Buddhism. Sinasabing mapalad ang 20th century Catholics dahil naging vernacular na ang Misa. The Vatican II Council was such a wonderful, historical event and thanks also to the popes John XXIII and Paul VI. Pero may mga kritiko at iyan ay ang mga traditionalists and ultraconservatives. Sa “To Kill the Pope” novel of the late Tad Szulc, may isang obispo doon ang galit na galit sa naganap na Vatican II at binansagan ang new order of Mass na “the Mass of Luther”.
Akala ko ay aawitin ng pari ang pagdaraos ng Misa na parang Gregorian chant pero Low Mass pala iyon (sa High Mass na ang pag-awit). Napaka-solemn at walang choir. Maraming formalities dahil nga kailangang solemn ang bawat kilos lalo na sa Eucharistic celebration (dahil ang Last Supper ang itinuturing na First Mass and even Anglicans and Lutherans who kept the doctrine of transubstantiation ay sinusunod ito). Maraming moments of complete silence habang nakaharap sa altar ang pari most of the time except during the homily. Malaki talaga ang kaibahan ng Latin Mass mula sa New Order of the Mass. Siyempre, una na riyan ang language barrier. Lalo ko tuloy naunawaan ang pakiramdam ng mga pre-Hispanic Filipinos na nabinyagang Kristiyano habang nakikinig sa unang Misa sa Limasawa at saka doon sa Sugbu (ayos lamang sa kanila lalo pa’t nasa kanila na ang Sto. Niño). Ngunit mayroong feeling of romanticism sa wikang Latin. Napakinggan ko ang lenggwahe ng mga sinaunang Kristiyano, gladiators, legionaires, orators, philosophers, at mga emperador ng Roma. Gusto ko sanang iuwi yung bilingual missalette, lalo na yung missal booklet bilang souvenir at pwede pa akong makapag-aral ng Latin (sa lahat ng ancient languages, ang Latin ang pinaka-napreserba at intact pa rin kaya maraming terms sa science and law ang nagmula dito). Pero kinolekta pa rin ang Mass guides pagkatapos ng Misa.
21st century na ngayon ngunit nauunawaan ko ang ilang tao sa kanilang passion and zeal upang pag-ingatan ang mahahalagang pamana mula sa nakaraan at sinasagisag iyon ng Latin Mass. Walang kinabukasan kung wala ang tulay na hatid ng kasalukuyan mula sa maluwalhating nakaraan. At huwag natin kalimutan na the Lord God speaks to us more kahit sinauna man ang wika sa pagsisimba if we open our hearts for Him.
Ito ang natatandaan ko mula sa Misang Latin (perhaps it will also be of interest for Louie Mar Gancuangco):
In nominem Patris, et Filii, et Spiritus Sancti. Amen.
REVERIE: 16TH OF APRIL (first posted on April 16, 2009 at the now defunct Friendster blog of mine)
A narra tree's verdant foliage rustling in the dance of the breeze
And a gentle shower of the multitude of golden blooms descended
With every tiny petal wafted the sweet calm of the sweltering summer...
It's just nominal age. I insist it's nominal because it was only indicated in my birth certificate. Ako itong laging bumabati ng "happy birthday" tulad dito sa Friendster. Siyempre doon sa mga may birthday notification sa account settings nila. Pero kapag ako na ang padadalhan ng greeting tungkol sa sarili kong birthday... ah, dapat nga na magpasalamat ako for the thoughtfulness ng mga bumabati. Maraming maraming salamat sa inyo! Hindi ako nagsosolicit pa ng karagdagang greetings, ano? Masakit man aminin... nasa mid-20s na ako. Dapatwat noong una kong nabasa ang term na "Peter Pan syndrome" na binanggit ng isang contributor sa Youngblood column ng Inquirer editorial section, nagsasagawa ako ng aking self-hypnosis at nagkakaroon ng imprinting na hayaan ko na lamang mag-mature at umayon sa tunay kong gulang ang aking isipan at damdamin ngunit huwag ma-involve sa ageing process ang itsura ko. Sa totoo lang ay may mga apo na ako since I was 18. Mga anak ng mga pamangkin ko na anak ng aking first cousins from the paternal side of the our family. PERO HINDI AKO PAPAYAG NA MATAWAG NA LOLA O MAGMANO SA AKIN! Hehehehe, nakakahiya. Ang matawag ngang 'ate' ng mga taong hindi ko naman kaanu-ano o kilala ay lubha nang nakakaasiwa sa akin kaya nga tinatarayan o pinaprangka ko sila at kung maaari lang ay huwag na silang gumamit ng kung anu-anong panawag. Ayos lang sana kung mga bata o highschoolers ang magtawag ng ganoon. Alam kong hindi lamang ako ang may ganitong sentimyento. May ibang tao rin na naiinsulto na sa halip na marespeto ng mg taong di-kilala na tinatawag silang 'tatay', 'nanay', 'kuya', o 'ate'. Lintik! Hindi ito kakitiran ng kukote. Maaari ngang uso ito ngayon. Kolokyal na kolokyal. Kaya lang kasi, the effects vary in every individual. Eh, sa ayaw ko, eh... and that's the bottomline 'cos I said so!
Same date last year, hindi ko pa trip ang mag-blog noon at sa halip ay I had my statements expressed concisely in the form of mini-blogs sa profile comments' station. Paano ko nga isasagawa ang ebalwasyon sa isang taon na lumipas? Meron na bang signs of progress kung meron man? Isang semestre na lang at matatapos ko na ang aking second course na noong una ay nag-alangan ako na kunin ito. Hindi rin biro ang Certificate in Teaching Program sa PNU pero kumpara sa regular college courses ng undergrads, higit ang gaan nito, tuwing Sabado ang mga klase, at iba ang trato sa amin ng mga professors na tunay na mahuhusay. Ayaw kong ilarawan ito bilang mahirap na kurso kasi hindi naman pala lalo pa't na-appreciate ko na ito at tuluyan nang nagustuhan. Siyempre, Education course. Ngunit hinding-hindi ko dapat kalimutan na ang unang tao na tuturuan ko ay ang aking sarili. Siguro, next time ay magko-compose ako ng future blog tungkol dito. Ano pa ang next sa aking checklist? Romance? Huwag na! Skip na yun! Optional matter. Kung halimbawa ay ganito ang scenario. Kunwari ay nagpunta ako sa Boracay at pinanood ang samu't saring tao na naroroon bukod sa overcommercialization ng isla. Mayroon pang bikini contests. Mainit na event sigurado. Pero nakatuon lang ang pansin ko doon sa mga chikas. Tisay man o morena basta makinis ang kutis, lalo pa kung curvaceous... hehehe, that's cool... At doon sa mga lalaki? I don't give a damn about them! Basta, ayaw ko sa kanila kasi girls lang ang panonoorin ko. Hay, mga imagined scenes! Sigurado sa mga pananalitang ito ay iba na ang iisipin sa akin ng mga tao. Ngunit alam ko naman kung saan ako lulugar at ang pagkakakilanlan ko sa aking sarili. That's just plain, clean admiration and not some attraction. It is like simply gazing at the flowers in the garden. I only look at them but not to pick them and then I'll just leave. Ano pa ba? Personality. Nanatili pa rin simple. Hindi lang ako nasanay sa luho. Halimbawa, kung papipiliin man ako between the latest model of PSP with cellphone and a trip to Batanes, yung pangalawang nabanggit ang gusto ko. There are pleasures which coveted techie gadgets can never bring. Ang diskusyon tungkol sa mga kotse o SUV ay nakakainip para sa akin. Hindi ko pinapangarap mag-food trip sa mga mamahalin at sosyal na palamunan. Ang nightlife para sa akin ay simple lamang- matulog nang mahimbing in the comfort of my home. Probably, this simplicity may be so boring to most people and they may also can not survive this kind of lifestyle. IBA-IBA LANG TALAGA ANG INCLINATION NG MGA TAO. Yet I'm happy with this simplicity.
Hindi lang pala ako ang mayroong "16th of April". Ilang milyong katao pa sa lahat ng kontinente (kahit sa Antarctica marahil) ang may birthday ngayon. MALIGAYANG BATI SA INYONG LAHAT NA MAY KAARAWAN SA ARAW NA ITO. Ah, hindi ko malilimutan na 82 years old na pala ngayon si Pope Benedict XVI. Interim pontiff lang daw siya dahil sa kanyang edad pero mukhang tatagal pa siya dahil sa maayos na kalusugan, physically, intellectually, and spiritually. Simula noong maihalal siya after the late Pope John Paul II, isang minefield na ang hinarap niya. Nariyang ma-misunderstood siya at ang kanyang mga pahayag, ang hindi matapus-tapos na batikos at pagkontra sa kanya na tila ulan ng shrapnel, at ang hindi mawawalang pag-uugnay ng ibang tao sa mga antagonistic Biblical characters sa kanyang katauhan. Ang mga bombang ito ay patuloy na kinahaharap niya sa loob ng kanyang panunungkulan ay hindi talaga maiiwasan. Bahagi na ng buhay ng isang pastol sa kawan ng Panginoon. Mga minefields man ang sinusuong, ang isang mapagkumbaba at tapat na alagad na may malalim na pananalig sa Panginoon at ginampanan nang mabuti ang mga tungkulin sa kawan ay naililigtas mula sa kapahamakan
*******
Kamakailan lamang ay binigyan ko ang aking sarili ng early birthday gift. Ilang araw bago umalis ang MV Doulos ay nagkaroon ako ng pagkakataon na sumadya doon kahit na may kalayuan nga lang. Huling paglalayag na raw ito ng pinakamatandang barko na hanggang ngayon ay bumibiyahe pa rin pero next year ay magreretiro na daw siya. Buti na lang at maulap at medyo umuulan-ulan nang araw na iyon dahil alam ko kung gaano katindi ang init sa piyer. Maliit ang MV Doulos (Greek for "service") at parang kalahati lang ng laki ng mga naunang barko ng Negros Navigation at kung itatabi ito sa mga ro-ro vessels and ferry ay maliit talaga. Kahoy pa ang sahig pero ang nagpapabata kasi dito ay ang makabagong makina at matingkad na pintura. Tila may UN Council kasi may international staff and crew. Araw-araw ay marami namang tao ang dumadayo dito at namimili. Mura nga at brand new ang mga aklat sa bookshop ngunit ang tanging binili ko ay isang keychain na may litrato ng barko na ito bilang souvenir. Wholesome at general patronage dito kaya nga karamihan sa mga aklat ay pambata at Christian books (akala ko nga ay may rare books dito tulad ng tungkol sa Sufi Mysticism, ancient religions, at kahit exorcism). Marami namang general references dito subalit walang contradictory titles. So if you're looking for New Age, gay and erotic literature, or the books of Richard Dawkins and Karl Marx, this floating bookshop is not for you. Pumanik ako sa upper deck at meron pang extension ng bookshop doon kung saan nakakita ako ng biography ni D.H. Lawrence pero wala ni isa sa mga actual na akda niya, especially his notorious "Lady Chatterley's Lover". Hindi naman ako nagtagal sa usyoso at field trip na ito. Memorable trip para sa akin ang makapamasyal sa MV Doulos.
*******
Alam kong lumipas na ang isyu na ito pero napapanahon pa rin naman. Sino nga bang makabayang Pilipino ang hindi nakakakilala kay Chip Tsao? Nag-apologize na yung tao (pero nag-palusot pa sa term na "servant") pero kahit na satire lang yun, the damage had already been done. Bahagi ng ating bansa ang Spratlys at hindi kanila. Masyado nang malaki ang kanilang bansa at masyado rin nagmamalaki. Noong ancient times tulad sa pamamayagpag ng imperial dynasties of the Han and Tang, I strongly agree that China was a real world superpower then; ngunit ngayong makabagong panahon, ibang usapan na kahit pa nag-launch na sila ng probe sa buwan (huwag na huwag lang silang dadaan sa Aristarchus crater or Lacus Somniorum), tsk-tsk! Nag-rally pa ang Hongkong-based OFWs to express their rights and voices against racism. Sinuswerte sila doon at pinahihintulutang magkilos-protesta samantalang may mga OFW naman sa Middle East ang tinatrato talagang mga aliping walang karapatan ng mga amo nilang nangangailanagan ng psychiatric counselling. Hanggang ngayon kasi ay may mga tao pa na naniniwala pa rin sa isang ancient barbaric belief in racial supremacy. Siguro naman next time ay mag-iingat na si Chip Tsao. Teka lang muna. Naalala ko ang isang episode sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" tungkol sa racism laban sa atin na mga Pinoy. Agad tayong nag-aalboroto kapag inaalipusta ng mga banyaga ang ating lahi. Ngunit tingnan muna natin ang ating mga sarili. Di ba may pagka- Ku Klux Klan rin tayo? Mahilig din tayong magbansag ng mga mapanlait na katawagan sa ating kapwa-tao tulad ng 'baluga', 'tsekwa', 'nognog' at iba pang unpleasant terms. Mataas na mataas ang paghanga natin sa maputi at makinis na balat (kahit na pinaputi lang ng papaya soap, lotion, or glutathione) at panlilibak naman sa maitim na balat (kahit pa sa natural na kulay ng ating lahi na kayumanggi). Naalala ko rin nang napadaan ako sa isang movie channel kung saan may pinalabas na Pinoy comedy film from the 90s. May isang eksena kung saan may babae na naghihintay sa kanyang surprise date na ipakikilala ng kaibigan niya. Nang dumating ang mga ito, nagulat siya nang makitang Negro pala ito kaya siya nagsisigaw kasi akala niya'y multo at pati ang ibang kostumer sa restaurant ay nagtakbuhan rin palayo. Another one is a scene from "Merika" starring Nora Aunor (dapat ang mga Pilipinong nurse at lalo na ang mga nursing students ay mapanood ito). May pamilyang Pinoy sa Tate ang nagpabendisyon ng kanilang apartment na siniguro pa nilang walang mga kapitbahay na Hispanics or Blacks pero nang di-inaasahang nagka-boyfriend ang anak nilang dalagita na isa pang African-American, nangamba sila na baka magka-apo sila ng Itim. Siguro nga na bahagi lang ng ilang Pinoy movies noon ang mga eksenang nabanggit na kathang-isip lamang (kahit na nagyayari pa rin sa tunay na buhay). Kaya lang iba na ang panahon ngayon kung kailan dapat na mas matuto na tayong tanggapin at makipagkapwa-tao sa ating kapwa-tao ano pa man ang panlabas na anyo o kulay ng balat nila.
*******
Isa ngang beautiful symbol of the Easter season ang halaman na lily (great family of monocot plants that also includes the onions and aloe) lalo pa't panahon ng pamumulaklak at pamumukadkad nito saan man sa mundo, sa malamig man o mainit na bansa dahil sa spring equinox. Hugis-trumpeta ang mga bulaklak, tila heralds of the Good News that our Lord had risen. Kaakit-akit pa rin kahit na bilad sa matinding sikat ng araw o halos mabuwal na sa pabugsu-bugsong hangin pero hindi pa rin patitinag habang hindi pa natatapos ang panahon ng kanilang pamumukadkad at paghahatid ng kasiyahan.
A narrow understanding neither realizes the real value of a diamond in a rough nor the natural wonder of a tranquil wilderness. Celebrate democracy, exercise freedom of expression. This blog homepage has other pages as well; refer to the side bar of this page. For readers who don't understand the Filipino essays here, do not rely on your browser's online translator because the translation is so awful; better ask a real Filipino to interpret these for you.
This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!
Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.
SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.
ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!
Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.
SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.
ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt
HEY! 2010 PA NAMAN ANG BLOG NA ITO. NGAYON HINDI NA AKO MAKA-BINAY, HEHEHEHEHEHE!
ReplyDelete