This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Wednesday, October 31, 2018

Cup of Tea


The Story of a Soul: Autobiography of St. Thérèse of Lisieux translated by Anthony Beevers/ inilathala ng Sinag-Tala Publishers at aking nabili mula sa Paulines’ Bookstore ng Daughters of St. Paul, 2655 F.B. Harrison, Pasay City. Ang mga sumusunod ay ilang hango mula sa payak na talaarawang iyon na dahil sa pagpapala ng Panginoong Diyos ay naipalaganap sa iba’t ibang bahagi ng daigdig at hindi mabilang na mambabasa ang naantig sa puno ng katapatang mga nilalaman nito buhat sa malalim na paghayag ng ating santa ng kanyang pambihirang pananampalataya.
“Jesus saw fit to enlighten me about this mystery. He set the book of nature before me and I saw that all the flowers He has created are lovely. The splendor of the rose and the whiteness of the lily do not rob the little violet of its scent nor the daisy of its simple charm. I realized that if every tiny flower wanted to be a rose, spring would lose its loveliness and there would be no wild flowers to make the meadows gay. It is just the same in the world of souls- which is the garden of Jesus. He has created the great saints who are like the lilies and the roses, but He has also created much lesser saints and they must be content to be the daisies or the violets which rejoice His eyes whenever He glances down. Perfection consists in doing His will, in being that which He wants us to be.” (from Chapter 1)
“I’ve said that Jesus is my Director... so I, the Little Flower on the mountain of Carmel turned at once to the Director of directors and blossomed in the shadow of the Cross. I was watered by His tears and Precious Blood and His adorable Face was my radiant sun.” (from Chapter 7)
“I believe quite simply that it is Jesus Himself, deep in my poor little heart, who works within me in a mysterious manner and inspires my daily actions.” (from Chapter 8)
She called her doctrine “little way of spiritual childhood” and it is based on complete and unshakeable confidence in God’s love for us. This confidence means that we cannot be afraid of God even though we sin, for we know that, being human, sin we shall but, provided that after each fall, we stumble to our feet again and continue our advance to God. /  The depth of her love for God means that all the small trivial acts of which she is capable take on great value because of the motive behind them. And God, with His overwhelming love and understanding, accepts them joyfully. (from the book’s Introduction)
At dahil sa aklat, higit natin makikilala si Sta. Teresita or St. Thérèse of the Child Jesus (dito sa Villamor Air Base at tuwing Oktubre 1 ang kanyang feast day). Isa siyang halimbawa ng nabanggit ng Panginoon sa Kanyang aral tungkol sa pagtataglay ng genuine and humble childlike faith- “...na ang mga nagpapakababa ay iniaangat.”
*******
 
The covered court constructed at the vast, open area of the Villamor Air Base Elementary School grounds where the temporary makeshift classrooms’ site had been, way back in the school years 2014-2015 and 2015-2016.  
*******
Ika-10 ng Oktubre. Sa araw na ito ay may nationwide exam para sa Grade 4 tungkol sa English Proficiency and the rest of the elementary pupils ay wala nang klase; ang mga titser at iba pang empleyado ng paaralan ay magri-report pa rin. Kahit ako, hindi na pumasok sa school dahil ayaw kong palagpasin ang pagkakataong masilayan ang Philippine visit ng incorrupt heart relic ni St. Padre Pio Pietrelcina ngayong taon sapagkat higit itong magtatagal sa mga provincial itinerary nito sa Cebu, Davao, at lalo na sa Batangas, doon sa Padre Pio Shrine sa Sto. Tomas na napuntahan na namin noong 2015 pa (pakitunghayan ang “Isang Lunes Santo sa Batangas” blog post March 2015).
Pagdating ko sa Sta. Cruz mula LRT-Carriedo, tumigil muna ako sa simbahan doon at nagdasal bago ako sumakay ng dyip na biyaheng Intramuros hanggang pier (North & South Harbor). Maalinsangan pa ang panahon kahit nang nasa Magallanes Drive na ang dyip na na-trapik pa pero nang palapit na sa Manila Cathedral, makulimlim na ang langit at medyo lumamig na ang hangin. Pagbaba ko pa lang sa may Plaza Roma, namangha ako sa sobrang dami ng mga tao na pumila para sa public viewing ng relic! Pambihirang tanawin ng sangkatauhan! People from all walks of life. Halos magdalawang oras akong nakatayo doon sa pila tulad ng karamihan sa mga dumayo sa Cathedral at sadyang test of endurance talaga. Umulan na nga doon ngunit mabuti at lagi kong dala ang aking payong. Nakatulong din ang ulan at makulimlim na panahon upang pawiin ang alinsangan at lalong hindi nagpatinag ang bawat tao sa pagkahaba-habang pila. Batid kong iba-iba ang hangarin ng mga tao. May mga kahilingan, pasasalamat, or simply, out of curiousity. Nitong Abril ngayong taon, nagpunta rin ako sa Cathedral nang dinala doon ang blood relic ni St. Pope John Paul II (pakitunghayan ang “Strawberry Yogurt Smoothie” April 2018 blog post).
 


Hindi ako nabagot sa mahaba at matagal na pila sa totoo lang. Malamang ay dahil sa lumamig ang panahon nang nakarating ako sa Intramuros at mas sariwa naman ang hangin sa palibot ng Manila Cathedral. Pinagmasdan ko rin ang mga nakapaligid na gusali sa Plaza Roma tulad ng Bureau of Treasury (ang dating Ayuntamiento) along Cabildo at sa di-kalayuan sa Gen. Luna, ang Palacio del Gobernador na opisina na ngayon ng COMELEC. Ngunit ang kaaya-aya talagang panoorin ay ang pagiging disiplinado na ng mga tao sa pila at marahil ay tuluy-tuloy nga ang pagdarasal ni Padre Pio at kabilang sa kanyang mga panalangin ay nawa manatiling kalmado ang mga taong matiyagang pumila masilayan lamang ang kanyang puso. Isa sa mga quotable quote mula sa ating santo noong nabubuhay pa, “Be calm, pray, and don’t worry”.
May mga pagkakataon nga lang na nabwisit din ako sa dalawang beses na may sumingit sa pila namin. Hindi naman ako pwedeng makipag-away. Awa ng Diyos, wala namang naganap na mainit na pagtatalo sa mahahabang pila at yung mga sumingit sa hanay namin, mga senior citizens pala, ay sinabihan ng mga concerned marshalls na meron priority lane para sa mga matatanda, PWDs, buntis, at mga may kasamang maliliit na bata. Bago mag-ala singko ng hapon, sa wakas ay nakapasok na ako sa gilid ng katedral. Hindi mahulugang karayom hanggang sa loob mismo ng simbahan! At mabilisan lamang ang viewing sa relic sapagkat sobrang dami pa ng mga tao sa mga pila. Hindi ko masyadong natitigan ang puso dahil ang taas ng kinalalagyan ng reliquary nito at medyo malabo na ang glass case nito dulot marahil ng moisture ng panahon at mula sa libu-libong tao na humawak dito. Nasilip ko pa rin ang incorrupt heart na animo tapa o di kaya’y black truffles. Subalit ang damdaming ito, tulad ng mga close encounters sa mga saintly relics na nasilayan ko na mula kay Sta. Clara de Montefalco, St. Anthony of Padua, at St. Pope John Paul II, hindi maihayag ng mga salita. Ito ay pagkamanghang di-maipaliwanag basta damhin ko na lang at lalong mapagtanto na kayganda ng daigdig na nilikha ng Panginoong Diyos. Paglabas ko sa Manila Cathedral hanggang sa pag-uwi, ni hindi nga ako nakadama ng pagod.
Makalipas ng ilang araw, napansin ko pa rin sa social media ang tungkol sa relic tulad ng Yahoo!News tungkol sa Cebu itinerary ng puso. Binasa ko ang maikling news article na nai-post ng SunStar. At pati ang mangilan-ngilang comments ay inusyoso ko. Ako’y nadismaya. Pulos galing sa mga online readers na mga trolls, bashers, and puritanical Christian prigs na taglay ang kanilang nakalalasong bigotry. Nakalulungkot na ang nilalaman ng kanilang mga puna ay mga pambabatikos at paninirang-puri sa mga paniniwala ng kanilang kapwa-tao. Bago pa mapalitan ng iba pang news article ang tungkol sa relics, nag-comment din ako. I speak out for Padre Pio and for those people na matiyagang pumila para masilayan ang relic. Bawat tao na pumila sa public viewing sa relic ay may kani-kaniyang petition for Padre Pio’s intercession at hindi kami kailanman nagsagawa ng idolatry o paglabag sa Unang Utos gaya ng laging bintang ng mga puritanical Christian prigs na yun.
Kaming mga Katoliko ay nagbibigay-pugay sa mga santo na noong nandito pa sa Mundo ay malalim na ang pagiging Jesus-lovers nila at higit pang Kristiyano ang pamumuhay hindi lang sa salita kundi sa gawa kaysa sa mga nagpapakilalang ‘Christians’ daw sila sa lalim ng pag-unawa sa Bibliya o marubdob sa pagkanta ng kanilang praise and worship songs ngunit mga makikitid naman ang pananaw, unawa, at respeto sa pananampalataya ng ibang tao. Sila itong mahilig makipag-argumento sa paghahangad nila na ang kanilang mga personal na paniniwala ang nasa tama at ang mga hindi nila katulad dito ay mga napariwara o nawala na sa landas. At may na-realize ako. Hindi man talaga ako relihiyoso pero may nais akong ipahabol sa intercessions ni Padre Pio na isama niya nawa sa kanyang mga panalangin ang mga taong ugali nang atakihin o bastusin ang pananampalataya ng kanilang kapwa dahil lamang sa hindi nila katulad ang mga ito ng paniniwala and in God’s perfect time, matauhan sila at maliwanagan.
Napansin ko nga na karamihan sa mga comments na naka-post sa mga Yahoo News portal ay platform na lamang para sa negatibong reaksyon, panlalait, pambabastos, at hindi na freedom of expression; mahihinuha rin na karamihan sa mga nagku-comment sa mga social media ay nangangailangan talaga ng wastong edukasyon, tsktsktsk! Well, naglipana pa rin sa Internet ang mga walang magawang matino sa kanilang walang habas sa paghayag ng kanilang pangungutya at paninira sa kahit sino o ano. Sa kasalukuyan, sila ay natataehan pa sa sarili nilang negativities and insecurities; be calm, pray, and don’t worry, balang araw ay matatauhan din sila.
Post script. Nobyembre 1. Undas. Gumawa na naman ng ingay ang ating kagalang-galang na Pangulong Duterte sa kanyang usual anti-Catholic rhetoric. Binanatan na naman niya ang mga paniniwala at tradisyong Pilipino na nauukol sa Todos Los Santos habang nasa Norte siya at mino-monitor ang kalagayan ng mga tao sa mga pook na nasalanta ng Bagyong Rosita. The usual tatak-Digong defamation remarks tapos paglapastangan niya sa mga taong namuhay nang banal at sinabi niyang ilagay na lang ng mga Katoliko sa altar si “Santo Rodrigo”. Hmmm, ang mga militant artists na gumagawa ng mga Duterte effigies tuwing may malawakang kilos-protesta tulad ng tuwing SONA o Human Rights/ International Women’s Month Celebrations ang magagaling sa paglikha ng mga ‘stunning portraits’ ng ating Pangulo: parang may altar rin naman para kay “Santo Rodrigo”, pagtirikan ng mga itim na kandila, at nasa ilalim nito ang mga ‘human sacrifices’-mga biktima ng extrajudicial killings since 2016! SATIRE IN THE FORM OF THIS ESSAY.
*******
Oo nga pala. Oktubre nga pala ngayon. Mapapanood pa sa TV ang mga documentaries and magazine shows na tampok ang mga kwentong katatakutan. Di naman nakapagtatakang ang trending sa cinema world ay mga Halloween-themed movies especially imported ones. Yung bang mga horror flicks na nagiging predictable na kahit na pataasin pa ang scream meter ng suspense and thrill ng takbo ng kwento. At sa larangan naman ng panitikan, uso na naman ang mga horror, spine-tingling, hair-raising tales for a chilling scarefest gaya ng Panorama Halloween issue 2018 ng Manila Bulletin. Ang napansin ko sa mga kwentong katatakutan, para bang nagiging pare-pareho na yung ‘dramatic’ flow of events lalo na sa pangingibabaw ng kadiliman at kasamaan ng mga karakter at tila gustong palabasin ng mga authors nito na wala nang kaligtasan ang mga biktima. Well, basag-trip na kung biglang magkaroon ng twist ang mga kwento kung saan maparusahan naman ang mga masasamang nilalang at kaharapin ng mga ito ang divine judgment bilang parusa sa paninira ng mga ito sa buhay ng mga tao at katiwasayan ng mundo. Hay, naman, o! Hehehe! Depende na sa nais ng mga readers kung ang gusto ba nila ay yung tragic, bloody, gory story endings or pwede namang ang mga karakter na ‘biktima’ ay nagkaroon ng pagkakataong gumanti sa mga maligno, aswang, at iba pang horror characters at pabalikin ang mga ito sa impyerno. Anyways, bweno in reality, hindi basag-trip ang pagpapairal ng absolute truth ng pangingibabaw at pagliliwanag pa rin ng kabutihan sa Mundo, sa buhay, at hanggang sa kabilang-buhay. Amen.
Di naman talaga ako mahilig sa horror movies. Mas gusto ko pang manood ng sexy films, ano? Kahit yung mga lumang R-18 noon sa mga sinehan na ipinapalabas na sa ‘very late night’ schedules ng PBO o CineMo na naipa-censored na rin naman ang ilang eksena, aba, aba, okey naman pala. Medyo malabo na nga lang ang kulay ng pelikula na animo palaging magtatakipsilim na o di kaya’y madaling-araw na pasikat na ang araw. Nakapanghihinayang naman na hindi ko napanood itong isang pelikula na “Wild and Free” sa sinehan. Nakakainis naman kasi at iilang sinehan lamang ang nagpalabas nito at malalayo pa yun. At hindi pa na-extend ang showing ng naturang pelikula. Anong problema? Nag-flop ba sa takilya? Palibhasa ba ang mga bida ay mga potential, talented Kapuso artists at di yung mga mas mabentang Kapamilyas na suking-suki ang pabebe image sa mga paulit-ulit na komersyal? Sa totoo lang, mas trip ko pang panoorin ang mga pelikulang mature ang adult content pero may lalim ang kwento kaysa mga pabebeng rom-com flicks na pinagbibidahan ng mga loveteams na may chemistry daw... nakakaumay.
******
Kaysaya namang makarating sa Agrilink 2018 na sa World Trade Center Manila dito sa Pasay City. Nakatutuwang gumala sa napakaraming exhibits and booths doon mula sa mga halaman at hayop (di mabaho doon sa mga piggery, a!) hanggang sa mga farm equipments and supplies pati sa mga bazaar ng regional products. Paborito ko na yata yung camel na naroon. Hay... ang sarap siguro kung may sariling agricultural estate sa isang masagana at mapayapang nayon sa probinsya tapos masayang farm life and lucrative agri-businesses. Ang saya namang mangarap nang gising na ganoon nga na manirahan sa pook na iyon na may magagandang tanawin, sariwang hangin, at maayos na buhay, hehe!
































              *******               
 Nitong Oktubre rin ay nakadalo ako sa National Arts and Crafts Fair na ginanap sa SM Megamall kung saan tampok ang iba’t ibang regional products and product showcase mula Region 1 hanggang ARMM. May nadatnan pa akong cultural show doon ng mga Tausug Muslims. Nakapamili pa ako ng ilang produkto. Ang sarap sanang mag-shopping dahil karamihan sa mga items doon ay bihirang mahanap sa kahit saan. Filipino products na talaga namang world-class. Pero bakit yung ibang tanyag na world-class Pinoy products tulad ng Cobonpue furniture and Malagos Chocolates, sa presyo pa lamang ng mga iyon ay mistulang ayaw nang ipalasap sa mga pangkaraniwang Pilipino?
Pero, promise. Ang saya-sayang makadalo sa ganoong uri ng event. Magkakaiba man ang political, ethnic, and cultural background dito sa Pilipinas, lahat tayo ay pare-parehong Pilipino!