This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Thursday, October 31, 2013

Hodgepodge of Soliloquies

PSSSST! Ang karugtong nito ay ang "Tail-End of a Cold Front" na November 2013 blog post.
           
New Leaves Sprouting Out (encaustic and crayon resist)

"A Phoenix" (crayon etching)
              
               Ang mga likhang-sining na ito ay alay sa lahat ng mga taong dumanas ng mga dagok dulot ng mga sakunang bumagabag sa bansa nitong mga nakaraang araw, linggo o buwan, likha man ng tao o mula sa Kalikasan, subalit nagsusumikap na muling makabangon sapagkat ang buhay sa mundong ibabaw ay nagpapatuloy.

A drawing of the Chocolate Hills
           
            Nakapanghihinayang ang mga sayang na pagkakataon noong may mga oportunidad pa ng travel and tours to Bohol on a shoestring budget. Tsktsktsk! Buti pa si Mamang Magmamais aka Gimme Gimme rapper at naabutan pa niya at ng kanyang misis ang kagandahan ng Baclayon Church at ang Chocolate Hills ng nabanggit na lalawigan  dahil sila ang maswerteng nabigyan ng “Day-Off” ng GMA NewsTV maraming Sabado na ang nakalipas.           

The Loboc Church before the earthquake (pencil drawing)
           
Ayon sa mga historians, karamihan naman sa mga Spanish period churches sa bansa ay ipinatayo raw sa pamamagitan ng mabigat na sistema ng pagbubuwis at polo y servicios o sapilitang paggawa na ipinataw ng pamahalaan at mga prayleng Espanyol sa mga karaniwang Pilipino o mga Indio ayon sa kanilang taguri sa ating lahi. Sa bawat makasaysayang simbahang nabisita ko na, nai-imagine ko ang hirap at pagpapakasakit ng daan-daang manggagawa ngunit hindi kailanman nasayang ang kanilang sikap at tiyaga. Ang kanilang “labors of love” na tinatamasa’t pinahahalagahan ng mga sumunod na henerasyon, kabilang ang kanilang mga inapo, ay kabilang sa mga dahilan ng timeless beauty na taglay ng mga lumang simbahan at hindi lamang ang pisikal na istruktura o arkitektura ng mga ito. Nakalulungkot na marami ang nasawi at nasugatan. Nakapanlulumong makita ang mga nawasak na mga bahay at imprastraktura, at ilan sa mga heritage churches ang gumuho nang lumindol sa Bohol na nadama rin sa mga karatig lalawigan tulad ng Cebu noong ika-15 ng Oktubre ngayong taon. Kapag sinumpong nga naman ang ilang bahagi ng crust ng ating planeta, walang makapipigil dito. Datapwat nawasak man ang pisikal na istruktura ng mga makasaysayang simbahan, hindi kabilang sa gumuho ang pananampalataya at ang Simbahan... na binubuo ng mga taong nagkakaisa at nananatiling matatag sa pagharap sa mga pagsubok na iyon sa buhay nang may matibay na pananalig sa Panginoong Diyos. Balang araw, muling maitatayo ang mga simbahan kasama ang mga imprastraktura, at mga tahanan.
            Sang-ayon kaya ang cute na tarsier na ito? Possibly... nakangiti kasi at namimilog ang mga mata niya, eh.

Bohol Tarsier
           
*******
            Nitong Oktubre 28 lamang, sa araw ng Barangay elections, unang beses akong nag-serve bilang poll clerk kahit na aminado akong ayaw ko talagang tanggapin sa simula; ang engot ko sa posisyong ito. Tatlong beses na akong naging third member noon. Okey lamang ang trabaho mula oras ng pagboto at bilangan na ng boto pero ang napaka-stressful gawin ay yung sandamukal na files, minutes, and other paperworks na kailangang i-fill up at pirmahan ng mga miyembro ng board of election tellers. Nawiwindang ako sa dami nito lalo pa’t umaabot ito ng gabi; kahit nga ang automated elections ay hindi rin naman maaasahang matatapos nang maaga tulad ng manu-manong halalan (buti na lang at hindi ako obligadong mag-serve noong nakaraang local and national elections). Sana, sa susunod na Barangay Election, kung napakalaki naman ng sakop ng isang barangay tulad dito sa Villamor Air Base, payagan nang gamitin ang PCOS machines (mangarap ka nang gising!).
            Anyways, congratulations sa lahat ng mga nagwagi sa eleksyon. Dito sa Villamor, mapayapa naman iyon sa pangkalahatan (pero ang kalat-kalat sa VABES at iba pang lansangan ng barangay). Harinawa, ang mga nahalal na barangay officials ay gagampanan nang mabuti ang kanilang mga tungkulin sa pamayanan at madama naman nawa iyon ng mga mamamayang nagtitiwala at naniniwala sa kanilang tapat na paglilingkod.
            Pero sa ibang mga barangay, bahagi na ba ng kalakaran sa lugar nila ang kaguluhan at pagkamakasarili sa bawat eleksyon?
*******
            Nitong mga nakaraang linggo, sinubukan kong mag-suggest ng topic na pwedeng i-discuss sa radio program ng 92.3 RadyoNewsFM na “Kasindak-sindak”. Pwedeng mag-send ng text message doon. Sabi ko sa kanila na paki-topic naman ang tungkol sa esoteric societies tulad ng mga Rosicrucians and Freemasons. Ang tungkol sa Rosicrucians lamang ang pinagbigyan nila (kahit na mas detalyado pa rin sa Internet sources; nakakatamad nga lang minsan magbasa doon kung napakahaba ng teksto lalo pa’t may radiation ang computer!). Kung ang mga mason ay may simbolo ng magkalapat na iskwala at kompas, ang mga Rosicrucian ay rosas at krus.
            Noon ko pa batid ang tungkol sa mahiwagang samahan ng mga Rosicrucians. Nagbasa kasi ako noon ng article sa encyclopedia tungkol sa mga roses at ang rosary; siyempre, nakapila rin dito ang information ng naturang grupo kaya binasa ko rin tutal maikli rin ang article nito. Actually, nabasa ko pa nga sa isang lumang issue ng diyaryo ang ad ng isang main group nito na “Ancient Mystical Order of the Rosae Crusae” tungkol sa kanilang conference and autumn equinox ceremony sa Asian Social Institute sa Maynila. Hindi naman ako miyembro doon, hehehe! Masyado raw secretive ang Rosicrucians unlike the more outgoing and conspicuous Freemasons kaya nga ayon sa “Kasindak-sindak”, may mga tsismis tuloy mula sa ibang tao tungkol dito na baka raw konektado ito sa isa pang may pagka-urban legend na Illuminati pero sa palagay ko hindi naman. By the way, yung Illuminati ay nabanggit na mga kontrabidang sindikato sa “Angels and Demons” ni Dan Brown. Akala ko iyon yung tindahan ng quality but costly lighting fixtures sa Makati na merong business name na “Illuminati Technique”. Pa-sosyal kaya ang mga tinda doon. Ang Rosicrucians ay hindi naman daw relihiyon; mayroon itong prinsipyo tungkol sa kabutihan.
            Hindi man lang binanggit ng “Kasindak-sindak” ang pangalan ng legendary founder ng grupo na si Christian Rosenkreuz na isang Aleman na nabuhay noong medieval times. Sa totoo lang, una ko pang narinig ang pangalang iyon sa isang lumang animé bagamat hindi ko gaanong pansin noon. Noong 2001 yata yun sa AXN channel, ipinalabas ang “Cyber Team in Akihabara” na isang shoujo (the protagonists are mostly girls) animé at malamang ang gumawa nito ay siya rin ang nasa likod ng isa pang shoujo hit, ang “Saber Marionette”. Siyempre, tulad ng ibang animé, makulay with slapstick humor and those lolita-esque teen girls but I think some of those male Japanese animators behind these seemingly delightful series had some machismo. Let’s just set that opinion aside; going back to the animé’s story, isang karakter ang hango kay Christian Rosenkreuz at ganoon din ang pangalan nito. Naroon din si Paracelsus bilang contemporary nito at nakaaway pa dahil sa alchemy. Si Rosenkreuz ng animé na iyon ay ilang daantaon nang nabubuhay nang hindi man lang tumatanda pero hindi naman siya bampira, ano? Kaya lang may twisted depiction sa kanyang katauhan bilang kontrabida na, bading pa (marami kasing animé ang liberated ang tema). Ano kaya ang reaksyon ng mga Rosicrucians?
            Simula pa noong mga nakaraang panahon, marami talagang esoteric societies. Kung nasa panig naman sila ng kabutihan at wala rin silang ginagawang di-mabuti, let’s give them the respect they deserve.
*******

The Animals' Vengeance
           
            When the psychotic and unrepentant humans become the victims of their own sadism!
            The above illustration is inspired by the third panel of the famous triptych “Garden of Earthly Delights” by the Dutch Renaissance painter and one of my favorite artists, Hieronymus Bosch. (courtesy of Wikipedia)
           
            Ang third panel na naglalarawan sa impyerno at kaparusahan sa kasalanan ay meron din enigmatic feel lalo na kapag naka-focus ang atensyon ng sinuman sa gitna ng painting. Mahiwaga raw kasi si Bosch at sinasabing hindi raw niya pinipirmahan ang kanyang mga obra o idokumento man lang kung kailan niya ginawa ang mga ito. Napaulat na nawala rin ang iba niyang mga likha na mostly matatagpuan noon sa mga simbahan; malamang noong nagkaroon ng Protestant Reformation in his native Netherlands when some close-minded iconoclasts went on a rampage. Going back to the third panel, kapansin-pansin ang isang maputlang mukha ng lalaki na tila pinanonood ang pagpaparusa sa mga napunta sa impyerno mula sa tuod na kanyang kinalalagyan. Siguro, yun ang miniature self-portrait ng pintor at nagsisilbing signature niya sa kanyang obra maestra. Imaginative talaga si Bosch kaya nga kabilang daw siya sa mga inspirasyon ng kilalang painters of the 20th century surrealism art movement.
*******
            Noong October 26 nga pala, totoong naki-hang out ako sa Philippine Fashion Week: Spring-Summer 2014 sa SMX Convention Center Function Rooms 2 & 3, 2:30 ng hapon ang simula (pambihira, yun din ang araw kung kailan ginanap naman sa MOA Arena ang “Alay sa Guro Concert”!). Pinanood ko ang fashion show na nag-showcase ng creation ng ilan sa mga kilalang designers na sina Anthony Ramirez, Chris Jasler, Lizanne Cua, Melchor Guinto, at Randall Solomon. Wala lang akong dalang camera; kung sabagay, bawal naman talagang kunan ng video ang event pero ang mga pasaway na mga ‘fashionable people’ ay hindi paawat at sa sobrang dami nila ay wala nang nagawa ang staff ng Runway Productions. Kahit na halos natulig ang mga tenga ko sa sobrang lakas ng sound system lalo na kapag nakasalang na ang background sounds habang nagaganap ang show, enjoy na enjoy pa rin ako. Nakalilibang manood ng mga grand fashion show; libre pa, fashionista ka man o jologs pa (tulad ng weirdong blogger na ito). Cliché man, don’t be a fashion victim. Why patronize those trendy clothes kung hindi naman talaga bagay sa personality ng magsusuot nito? Nasa tindig at pagdadala lang ng damit iyan. Pero believe me, that fashion event is one oh-so glamorous one! Star model pa nga doon si Rufa Mae Quinto. Sa Mayo ng susunod na taon ang susunod na event ng Philippine Fashion Week. Gusto ko nga uli manood, eh.
            Nitong isang araw, meron akong nai-post dito sa blog na anunsyo kuno na pupunta ako sa event na iyon. Parang eyeball sa isang textmate o FB friend ang drama... pero mag-isa pa rin ako. Ah, oo nga pala. Ang engot ko naman! Ni ayaw ngang magpakilala ang isa man sa mga anonymous readers ng blog na ito lalo na yung mga matagal na palang nakikibasa dito (akala niyo hindi ko alam, ha!)? Nangangalisag nga pala ang balahibo ng maraming tao and their irrational fears are probably stirring up kahit wala naman akong ginagawang masama. Mukha lang naman akong snobbish and aloof but don’t judge me. Alam ko rin kung paano magpakabuti ngunit ang kabutihang ginawa ay hindi na dapat pino-flaunt kagaya ng natutuhan ko doon sa isang aral mula sa Panginoon. Ganito lang kasi ako, eh. Reserved personality, laconic (maliban na lang kung kasama ko ang mga batang inaalagaan ko sa aming paaralan at kapag ini-express ko ang aking mga saloobin sa aking diaries at dito sa blog), at hindi palakwento kaya ilang na ilang sa akin ang maraming tao.
            Pero kahit na ganito ako, isang weirdo and often a loner, I can be your unexpected friend; someone you can talk and listen to. This is me like an ascetic hermit staying in one corner.
            Siyanga pala, totoo nga ang kasabihang “opposites attract”. Itong blog site kong ito ay nagri-range ang rating from “General Patronage” to “Parental Guidance” depende sa mga sanaysay but most of the time safe for readers of all ages who stumbled upon this haven of expressions. Kaya lang madalas nangyayari na sa tuwing tsine-check out ko ang statistics sa dashboard ng Blogger ko, kabilang sa mga traffic sources ng pageviews ay links sa mga malalaswang website na para bang ina-advertise ng mga taong nasa likod ng mga ito na i-pageview ko rin sila tulad ng follow back scheme sa Twitter at hindi ko alam kung paano nila natunton ang blogs ko. Napapailing na lang ako. Kung ang mga anonymous readers nga ng blogs ko lalo na yung matagal nang nakasubaybay dito ay wala man lang comments, eh. Ah, siguro yung mga bloggers na yun, sa kabila ng pamemerwisyo ng websites nila, nalulungkot lamang sa buhay nila kahit hindi nila aminin sa kanilang sarili. Wala rin siguro silang mga tunay na kaibigan.
*******
            Updates tungkol sa aking publishing venture lalo na sa aking bwena manong akda na naipalimbag.
            Nagpapasalamat ako nang lubos sa mga bumili ng aking pocketbook na “Dalawang Babaeng Umiibig” at natutuwa ako na ang ilan sa kanila ay very vocal sa kanilang reaction and positive reviews sa naturang akda. Tinulungan pa nga ako ng nanay ko sa pagbenta ng ilang kopya. Kailangan ko sigurong matutunan ang proper sales talk. May mga tao na nangakong bibili pero nakalimutan nila; hindi ko na sila kukulitin pa kasi para akong lumalabas na pathetic lalo na kung hindi naman talaga sila mahilig magbasa o hindi sila interesado. Wala na akong magagawa doon. Magtinda kaya ako sa harap ng bahay namin? Hehehe, kapalan na lang ang mukha. Sa ngayon, sa pamamagitan ng sumusunod na larawan, masasabi ko ang lagay ng benta ng pocketbook ko sa kabila ng literary value pa naman nito:

Housefly (Musca domestica)- courtesy of Wikipedia and author Richard Hertwig
            
            Hindi ba kaakit-akit ang cover page ng pocketbook? Masyado bang maliit ang font size ng mga nakalimbag na teksto? Dahil ba sa hindi ito 100% typographical error-free? Pagbasa pa lang sa back cover prologue ay parang tunog lesbian story na kahit na hindi muna basahin ang buong kwento?
Hindi ko na iniintindi kung tumubo man ang kita mula sa pocketbooks tutal nagsisimula pa lang ako. Ito rin ang hirap sa pagiging self-publishing and independent writer; buti pa noon si Louie Mar Gancuangco at ang kanyang “Orosa-Napkil, Malate”, malakas kasi siya. Ang pinakamalaki at pinakasikat na bookstore sa ating bansa ay prayoridad ang mga matagal nang established publishing corporations kahit pa tambak na tambak na ang paperbacks sa bookshelves nila; no chance para sa mga manunulat na parang bigla na lang sumulpot mula sa kung saan tulad ng weirdong blogger na ito. Sana, kung mag-evaluate naman ang mga bookstores, ang literary value ng isang akda ang kanilang pansinin at hindi ang commercial value ng mga ito o sa kasikatan man ng kumpanyang naglalathala ng mga ito. Bakit? Dahil ba sa “Precious Hearts Romances” na ang tatak ng isang reading material ay talaga na bang kapana-panabik na ang kwento nito? Oo nga pala. Ganoon na talaga sa panahong ito. Commercial popularity instead of real appreciation of literature or the story itself. Pero literal naman sanang gagamitin bilang paalala na rin ang kasabihang “do not judge a book by its cover”.
May mga naka-line-up pa akong manuscripts. Mostly fiction intended for mature readers and with longer and heavier storylines. Ngunit sa ngayon, pangarap lang na maipalimbag yun. Mabigat sa bulsa ang printing costs at mahirap ang market distribution lalo na kung pinagsaraduhan ka ng mga bookstores na hindi magbibigay ng pagkakataon sa iyo. May mga nabasa akong talambuhay- that of the American painter Ralph Albert Blakelock and the Czech writer Franz Kafka. These two had one thing in common: noong nabubuhay pa sila, the society almost treated them as nobodies at noong wala na sila, saka pa lang napansin at pinahalagahan ang kanilang talento. Sigh... what will be of my beloved Samizdat Publications? Fizzling out... the sad truth. Isang diamond in the rough na itinuring na parang bubog lang ng salamin sa kabila ng tunay na halaga nito.

A caricature of the weird blogger with the little blue book