This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Friday, June 30, 2017

Tag-Araw at Tag-Ulan




Fernando Amorsolo's Planting Rice (courtesy of Wikipedia)


Gustave Caillebotte’s Paris: A Rainy Day 1877 (courtesy of Wikipedia)

Mayo 25. Ikalawang araw na ng kaguluhan sa Marawi City, Lanao del Sur dahil sa panggugulo at pamemeste ng Maute group na ISIS-inspired daw. Bakbakan na naman sa bahaging iyon ng Mindanao at sino pa ba ang mga biktima sa walang saysay na giyerang ito kundi ang mga inosenteng sibilyang gusto lang mamuhay nang payapa at gayundin ang pamilya ng mga sundalo, pulis, at media personnel na araw, gabi ay nag-aalala para sa kapakanan ng mga ito. Idineklara na nga ni Digong ang martial law sa Mindanao dahil sa sitwasyong nagaganap subalit ibang-iba naman ito sa panahon ni Marcos, di ba?

Mayo 26. Simula na ng Ramadan ayon sa Islamic calendar. Ang mga Maute-ISIS, BIFF, Abu Sayyaf, at iba pang lawless groups- nag-aayuno rin kaya ang mga ito? Sa buong panahon ng Ramadan, ilan kaya sa mga taong merong baluktot na ideolohiya ang magkakaroon na sa wakas ng tinaguriang “change of heart”?

Mayo 30. Tuluy-tuloy pa rin ang kaguluhan sa Marawi. Hindi talaga mabilis ang clearing operations sa lungsod dahil sa mga nagkalat na snipers ng mga kalaban sa ilang building kabilang na ang mga mosque. At may mga ulat pang marami sa mga recruits ng Maute ay mga batang uhugin pa. Siyempre, ang paraan ng recruitment ay tulad din sa iba pang extremists- baluktot at wala sa tamang katinuan. Na kapag ang isang kasapi ay mamatay na isang jihadist na lumalaban sa tinagurian nilang mga ‘infidels’, diretso silang pupunta sa ‘langit’... kahit pa marahas o di-makatao ang ginawa niya sa pagtalima sa ‘misyon’ niya kuno. Tsktsktsk!

Hunyo 12. Araw ng Kalayaan. Ang C-130 cargo plane ng Philippine Air Force ay dumating sa Gate 5 ng Colonel Jesus Villamor Air Base upang ihatid ang mga labi ng mga nasawing sundalo at pulis mula sa bakbakan sa Marawi. Mga bayani.

*******

Hunyo 2. Buhat pa kagabi itong malagim na balita tungkol sa trahedya sa Resorts World Manila na hindi naman nalalayo dito sa Villamor Air Base. Isa raw mama na wala na sa sarili ang bigla na lang nagpaputok nang walang habas sa may casino area pero wala namang sinadyang patamaan. Nagkagulo pa rin sa mga sugarol at mga guests at sa mga kawawang empleyado. Pagkatapos, nagsunog ang gunman sa gambling tables at gumawa pa ng sunog sa second floor at pati ang sarili niya. Habang gumugulong ang imbestigasyon, umepal na naman ang mga ‘ISIS’ upang akuin daw ang trahedya o sadyang sinungaling lang talaga sila. Ang malakas na hinala na ang gunman ay isang casino gambler na masyadong dinibdib ang matinding pagkatalo sa sugal kaya nanging instant terrorist siya. Ni hindi pa nga tapos ang kaguluhan sa Marawi at nitong isang araw lamang, may mga sundalong sinawimpalad na nasawi dulot ng aksidenteng airstrike sa kinalalagyan nila sa halip na mapunta sa mga target na kalaban.

Sa totoo lang, kahit walking distance lang ang RWM, mula nang ipinatayo ito ay DALAWANG BESES pa lamang akong nakakapasok dito at hanggang ground floor or gaming area/ restaurants lang ang narating ko. Hindi ko kasi trip ang lugar at animo nakasasagap ako ng kakaibang uri ng enerhiya na ang bigat sa pakiramdam. Bago kasi ipatayo ang RWM, Marriot Hotel, at mga kalapit na building nito na lampas ng Shrine of St. Thérèse, sa lugar na iyon nakatayo noon ang ospital ng Philippine Air Force, PAF museum, at mga lumang barracks na ang mga kalsada ay nalilinyahan ng maraming puno na karamihan ay matatandang akasya.

 Makalipas ang ilang araw, Hunyo 11 na araw ng Linggo, pagkagaling ko sa Misa sa Shrine, naglakad-lakad muna ako sa Newport Boulevard hanggang sa Maxim’s Hotel kung saan naroon ang RWM. May nakakalat pa ngang mga bubog na kulay brown mula sa nasunog na suite sa second floor. Sa main entrance, mayroong memorial na inilagak doon bilang pag-alaala sa mga nasawi sa trahedya. Nakabibinging katahimikan sa lugar na iyon. Matatagalan pa talaga bago bumalik sa normal operations ang entertainment complex.

*******

Hunyo 3. Isang buong maalinsangang araw ngunit nitong hapon ay nagpunta ako sa aking second favorite city, ang Maynila. Hindi naman ako namasyal dahil para akong nagpenitensiya. Talagang penitensya sa aking visita iglesia sa araw na ito kahit na matagal nang tapos ang Holy Week.  Una kong pinuntahan ang St. Anthony of Padua Parish sa Singalong na sakop ng San Andres district. Ang layo ng nilakad ko at nakapag-explore pa ko nang di-oras sa mga tahimik na well-to-do residential areas ng midtown area ng Maynila. Nakarating din ako sa naturang simbahan na tulad sa mga napuntahan ko na, meron itong parochial school sa lote nito. At malapit na noon ang kapistahan ni St. Anthony. Simpleng maganda na maaliwalas na simbahan. Pagkatapos, sunod ko namang sinadya ang Our Lady of Assumption Parish na nasa South Malate area na malapit na sa Manila Zoo. Congested area naman ang nakapaligid na kabahayan doon pero mapuno at medyo malamig pa tulad sa probinsiya lalo na sa gawing Paraiso ng Batang Maynila. Sa covered court, maraming kabataan ang naipon doon para magpraktis ng basketball; buti na lang at mahangin doon... di nga lang amoy puno at halaman kundi litro-litrong pawis, hehehe! Di naman ako nagmamalinis, ano? Kasi nga pagdating ko nga sa simbahan sa Asuncion street, nakupo, ang baho ko rin naman! At sarado pa ang simbahan nang mga oras na iyon!

*******

Hunyo 8. Sa mainit na araw na ito, inantabayanan ang NBA Finals Best of 7. Tumamlay na ang laban sa Cavs. Lumakas lalo ang hanay ng GSW mula nang lumipat dito si Kevin Durant mula OKC; mas gusto ko pa nga siya kaysa kay Steph Curry. Pero ano man ang mangyari, panalo o talo, kina King James pa rin ako, ano?

At makalipas ng ilang araw ng pag-aabang, GSW pa rin ang nanalo.

*******

Hunyo 9. Malaking pagbabago na sa classroom location para sa mga Grade 5 ng Villamor Air Base Elementary School sapagkat makalipas ng maraming taon, nagkaroon na ng sariling kwarto ang mga ito sa Building B at ang 3rd floor ang inokupa. Well, the only constant is change; mami-miss ko ang view ng Magallanes Village, at ang St. Alphonsus Liguori Parish na pader lang ang pagitan mula VABES o tatawid lamang sa creek na nagtatakda ng hangganan ng Pasay at Makati. Ang lokasyon nga pala ng school ay nasa hangganan pa ng tatlong lungsod: nakaharap ang school buildings sa Villamor Golf Course- Pasay; ang mga kwarto sa Building A na nakatapat sa creek at sa Magallanes nakadungaw- Makati; at ang mga kwarto naman sa Building B na nakatanaw sa skyline ng Bonifacio Global City at Fort Bonifacio- Taguig. Yun nga lang, natapat din sa South Superhighway at sa Skyway na 24/7 ang pag-arangkada ng mga sasakyan! Well, ang oras na ng klase ay 10:40 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. At tila nga ang bilis lumipas ng mga araw, linggo, at buwan and before we know it ay patapos na pala ang school year 2017-2018, o!

*******

Hunyo 21. Summer solstice. Hindi na ako masyadong nakakapanood sa HBO pero may isang trip kong kakaibang sine na ipinalabas dito na merong nakakaintrigang title, ang “Keanu” samantalang ang mga bida dito ay mga bugoy na mga nakakatawang lalaki. Ipinangalan pala ito sa isang mysterious tabby kitten at tunay nga namang cuteness overload. He seems so delicate and vulnerable pero sinumang makapulot sa kanya, be they dangerous and violent drug kingpins and criminals at lalung-lalo na ang mga bidang lalaki, lahat ay nahuhumaling sa kanya. At ang dalawang mokong, sa kahahanap sa kanya, ay na-involve sa iba’t ibang adventures, misadventures, and troubles sa magulong bahagi ng downtown L.A. At sa isang hallucinatory scene, pagkatapos ng visions kay George Michael, nagsalita na si Keanu... at ang mismong voice talent para sa kanya ay walang iba kundi si Keanu Reeves mismo! Kakaibang pelikula na may mga bidang hayop kahit na hindi wholesome, family-oriented flick tulad ng iba pero sa bandang huli, ang forever cute na kuting na si Keanu ay naghahatid ng “feel good vibes”.   

*******

Hunyo 24. Araw ng Maynila at ng kapistahan ni San Juan Bautista. Pagkagaling ko sa nai-enroll kong subjects sa MAED sa City University of Pasay, naggala na ako. Pero di ito pasyal kundi visita iglesia dahil sa wakas, nakarating na ako sa San Ildefonso Parish sa Pio Del Pilar, Makati. Pagdating ko doon, ang daming tao. Pagkatapos ng panalangin, pampa-good vibes talaga ang lihim na panoorin ang mga tao gaya ng mga kabataang naglalaro sa kalapit na basketball court (kaysa naman magbabad sila sa mga kompyuteran o sa mga gadgets buong araw, ano?) at mga nagpapraktis sa rondalla  para sa Misa, at mga senior citizens na nagdarasal. Ganoon din ang kahalintulad na tanawin sa Sta. Clara Parish nang bumalik na ako sa Pasay. Masaya sa pakiramdam na ang itinerary sa mga ganitong laidback na araw ay mga payapang lugar.

*******

Hunyo 30. Nanood ako ng isang episode ng Saturday afternoon drama anthology ng GMA-7 na “Tadhana” (ang pumalit sa “Karelasyon”). Pagsasadula ng buhay-OFW sa Thailand na light drama plus love story di tulad ng melodramatic type ng mga naunang episode. Tadhana ng isang OFW na matapos ng mga kabiguan sa pag-ibig ay sa wakas, natagpuan niya ang love life na pinapangarap sa Bangkok.

Naiinggit ba ako? Absolutely, not! Hindi na ako umaasa pa. Hindi ko na kailangang maghintay dahil wala na akong hihintayin pa!