This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Monday, December 31, 2018

Garden Salad and Clean Waters


Ika-8 ng Disyembre. Feast of the Immaculate Conception. Sa araw na ito lamang natapos ang first semester ng City University of Pasay (paano, anong petsa na nagsimula nitong mga nagdaang buwan?) at pahabol na pasahan na ng mga requirements sa mga subjects kung saan naka-enroll. Pagkagaling ko sa CUP, nagpunta naman ako sa Baclaran. Sobrang dami na talaga ng sidewalk vendors at marami sa mga daanan ay talaga namang madumi; totoo namang maraming sidewalk vendors ang walang pakialam sa kalinisan ng kapaligiran basta kumita lang sila kahit papaano, kahit sakupin na ang tabing-kalsada as in ‘Occupy Baclaran’ movement at pagkatapos, kakaripas na ang kanilang caravan kapag oras na ng sidewalk clearing operations ng MMDA. Para nang naging maze o di kaya’y labyrinth ang mga bangketa with those array of schlocks anywhere at di pa nababanggit ang mga masasamang-loob nananamantala sa di-mahulugang karayom na sitwasyon sa Baclaran. Tapos, nagutom ako. Punung-puno na sa KFC at mas lalo namang siksikan sa Chowking. Merong BonChon sa Berma pero di ko type ang Korean food sa ngayon (no offense sa K-Pop fanatics) at saka, nang minsang bumili ako ng kanilang famous Korean-style fried chicken, makapal yung breading, kaunti ang laman ng maliit na chicken thigh, at saka mamantika! Ah, siguro, depende lang sa oras at yung BonChon branch sa SM MOA ay palagi ngang puno ng kostumer.
At dinala ako ng aking pagod nang mga paa sa katabing maliit pero mataas na building ng Berma, ang Victory Food Plaza. Matagal nang naitayo ito sa bahaging iyon ng Redemtorist Road at maganda ang lokasyon dahil tapat mismo ng Baclaran Church. Hanggang 6th floor ito at merong rooftop kung saan masisilayan ang halos buong Baclaran area lalo na ang simbahan. Maraming tindahan doon- restaurants, optical shops, money remittance center, salon, ukay-ukay thrift shops, at pati tattoo shops. Kumain ako sa Uncle Cheffy sapagkat ang kanilang turmeric rice ay talaga namang irresistible! Masasarap din ang nasa menu nila.
Naabutan ko pa ang Misa sa Baclaran Church. Dapat talagang magsimba ako tulad ng aking tradisyon sa tuwing sumasapit ang ika-8 ng Disyembre, kapistahan ng Imaculada Concepcion, at ito’y 8th anniversary ng aking career sa aming mahal na paaralan. Araw rin ito ng pasasalamat sa Panginoon. Amen.
*******


  
Ika-12 ng Disyembre. Maswerte ang mga taga-Villamor Air Base sapagkat inilagak muna sa Philippine Air Force and Aerospace Museum ang mga Balagiga Bells mula Eastern Samar na makalipas ang 117 taon ay nakapagbalikbayan na sa wakas!
Maaliwalas ang panahon at kay ganda naman talaga ng aming umaga sapagkat nakasaksi kami ng mga pamana mula sa kasaysayan. Maraming tao sa museo ng Villamor at tamang-tama naman ang scheduled field trip doon ng mga mag-aaral galing sa isang private school sa ibang lugar. Sa harap ng kaakit-akit na mural, nakapatong sa naka-red carpet na sahig ang mga VIRs- very important relics, ang tatlong kampana mula sa simbahan ng Balangiga o St. Lawrence the Martyr Parish. Dalawa sa mga ito ay matagal na ‘nakabakasyon’ sa Amerika at ang isa ay sa South Korea pa hinango. Ano bang ispesyal sa mga kampanang iyon? Tatlong antigong kampana na medyo malaki-laki. Una akong na-familiarized sa kasaysayang nakaugnay sa mga ito sa binasa kong featured article sa September 1993 issue ng Panorama magazine ng Manila Bulletin. Matagal na matagal na kasing ipinipetisyon ng Pilipinas na ibalik na ng Estados Unidos ang mga bagay na iyon hanggang sa sumapit ang administrasyong Duterte tapos sa kasalukuyang administrasyon ng mga Amerikano, mas marami nang opisyales ang nagbigay green signal na “it’s time to let go”.
Ika-28 ng Setyembre, 1901. Ipinagpapatuloy pa rin ng mga heneral ni Pangulong Aguinaldo ang pangunguna sa mga himagsikan laban sa mga Amerikano kahit sa pamamaraang ‘guerilla warfare’. Ang kumander ng mga hukbo sa Eastern Visayas ay si Vicente Lukban. At nangyari na ang mga retaliatory attacks. 48 na miyembro ng ‘company C’ mula sa hanay ng mga kalaban ang nalipol ng mga Samarnon habang pinapatunog ang mga kampana ng simbahan bilang hudyat ng laban para sa kalayaan. Mabilis itong nalaman ng mga opisyales ng mga Amerikano at bilang retaliation, bumalik ang kanilang hukbo, mas marami at mas malupit sa kanilang pagsunod sa utos na lipulin ang mga taga-Balangiga, kabilang ang mga kabataang lalaki sampung taon pataas basta kaya nang maghawak ng baril at gawin ang Samar na isang ‘howling wilderness’. Pagkatapos ng trahedya, tinangay ng mga kalaban ang tatlong kampanang naging saksi sa katapangan at pagkamakabayan ng mga Pilipino upang kanilang maging war trophies.
Nakamamanghang mga kampana. Kung makapagsasalita lang ang mga ito, napakarami itong isasalaysay mula sa araw na nilikha ang mga ito noong panahon ng mga Español, ang mga napanood nitong mga tagpo sa buhay ng mga taga-Balangiga, ang di-malilimutang mga araw ng himagsikan ng mga Samarnon, hanggang sa mahabang bakasyon sa Amerika at Korea. Ang mga antigong kampana ay maituturing nang mga historical and cultural treasures ng isang pamayanang pinagsilbihan ng mga ito bilang mga tagapagpaalala sa pananampalataya at babala naman tuwing may kalamidad. Ika nga ng isang linya: for whom the bells toll?
*******
Minsang maulan na araw, napagawi ako sa BDO branch sa Plaza 66 building dito sa Villamor, namataan ko sa paligid ang isang dayuhang babae na may transaksyon sa naturang bangko. Pagkakita ko pa lang sa four-leaf clover tattoo niya sa braso, nakilala ko siya agad, si Maria Ozawa! Mag-isa lang siya at tila, bukod sa akin, yung mga sekyu lang ang nakakakilala sa kanya. Meron akong coffeetable book niya na binili ko noon (please refer to “Planetary Alignment” blog post January 2016) at ganoon din ang itsura niya sa personal. Maganda na doll-faced and sexy pa rin. Noong nakaraang dekada, namamayagpag ang kanyang lucrative career sa Japan na kanyang bansa bagamat isa siyang French-Canadian-Japanese. At ano ang hanapbuhay noon? Porn superstar. Kaya pala sa Friendster ten years ago, sa profile ng ibang users, napabilang sa fan sites nila ang para kay Maria Ozawa na nang nakita ko ang profile pic, akala ko nga si Angelica Panganiban kapag naka-3/4 view. Pero nakaraan na yun. 2015 nang dumating siya sa bansa tapos nagkaroon ng acting and modeling gigs pero sa kasalukuyan, isa na raw siyang businesswoman somewhere in the RWM complex.
*******
Disyembre 17. Bukod sa pagbabalik ng Balangiga Bells, isa pang Christmas gift para sa Pilipinas, ang pagkakapanalo sa Miss Universe 2018 ni Catriona Gray. Hindi ko man napanood nang buo ang pageant na ginanap sa Bangkok, Thailand, siyempre kaisa ako ng sambayanan sa selebrasyon. Hot na hot talaga siya sa kanyang ‘lava walk’. Siguro sa susunod ang mga future beauty queens ay merong iba’t ibang katawagan sa kanilang lakad- Siamese cat walk, poodle walk, dahong-palay walk, gazelle walk, fountain walk, drifting water walk, flash flood walk, name game your own walk, hehe!
*******
Nitong Disyembre rin, sa wakas ay napanood ko na sa HBO ang “Loving Pablo” na ngayong taon lamang ipinalabas sa mga sinehan at di ko alam kung magkano ang kinita sa takilya. Nagtataglay ng mararahas na eksena ang sine, pagsasadula ng mga reyalidad sa isang magulong lipunan. Ang mga gumanap ay ang real-life couple na sina Javier Bardem at Penelope Cruz. Hango ang kwento nito sa akda ni Virginia Vallejo, ang “Loving Pablo, Hating Escobar”. Ang pelikula ay tungkol sa maalamat na buhay ng pinakamayaman at pinakanotoryus drug cartel kingpin mula Medellin, Colombia. Sa kwento ng sine, gusto lang ni Escobar ng respeto, ang ipagmalaki naman siya ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang mga anak o kahit sino ngunit ang respetong pangarap niya ay hindi kailanman magiging kanya kung ang pagbabasehan ay ang trato ng mundo sa kanya.
Una akong na-familiarized sa pangalang iyon nang napanood ko ang isang show sa History Channel tungkol sa mga bahay ng mga sikat na kriminal. Na-feature ang dating magarang mansyon ni Escobar na guho na lang ngayon at ang dating malalawak nitong hardin na may mini-zoo na may mga hippopotamus din daw noon, ay napakasukal na almost beyond recognition. Kapag nandoon ka, mai-imagine mo ang lifestyle of the rich and famous narcos na ayon sa mga ulat, kung karumal-dumal ang sinapit ng mga kalaban o nagtraydor sa kanila, ganoon din daw ang sasapitin nila. At si Escobar ay pinagbabaril ng Colombian authorities dahil totoo naman daw na nanlaban. 
Actually, ang bidang babae na si Virginia na isang kilalang TV personality sa Colombia noon ay nai-portray sa sine na tila naging kabit na may pagka-goldigger, kundi man biographer ni Escobar. Ngunit sa huli, nakipagtulungan din siya sa FBI para tuluyan nang masugpo yung mama at ang mga demonyong alipores nito. Yung pagdurog sa cartel, pagkakapatay sa mga tauhan nito, at ang katapusan mismo ni Escobar ay itinuring na malaking tagumpay sa anti-narcotics campaign ng Colombia na matagal na nasira ang reputasyon dahil sa mga pinaggagawa ng mga cocaine drug lords na mga mamamayan pa naman nila. Itinuring na ‘cult hero’ at Robin Hood of Medellin si Escobar noon dahil marami raw siyang natulungang mahihirap pero ang ganoong kawanggawa ay hindi mahuhugasan ang halaga ng katotohanang dahil sa ipinakalat nilang bawal na gamot, di-mabilang na tao sa mundo ang nasira ang buhay dahil dito. In short, galing sa masama ang tulong niya at siguradong na-realize na yun noon pa ng mga dati niyang kababayan. Ang kamatayan ni Pablo Escobar ay nangyari noong Disyembre 2, 1993; twenty-five years ago.
*******
December treats: Nöel Bazaar at the SMX Convention Center, SM Mall of Asia. Ang saya mamili pero hindi ako nag-shopping spree, a!
 
Pero naregaluhan ko na ang sarili ko nitong isang t-shirt na nabili ko sa Harrison Plaza. Ang cute-cute ng white tiger na glow in the dark pa ang design.
*******
Simpleng pagdiriwang ng Pasko sa pamamagitan ng pagdalo sa Misa sa mismong ika-25 ng Disyembre, masayang-masaya na ako. Maraming salamat sa Panginoon para sa araw na ito. Amen.
Nitong Disyembre 29 ay natuloy rin ang aking personal na tradisyon at panata ng pasasalamat taun-taon kapag pumasa ako sa pagiging qualified blood donor sa Dugong Bombo, ang Advent/Christmas season visita iglesia sa quatro iglesias de Manila- Sta. Cruz Church, Quiapo Church, at ang parehong National Shrines sa San Miguel outside Malacañang, St. Jude and St. Michael.
Sayang at pagbalik ko sa Quiapo, hindi na ako nakabili ng tingi na Excelente Ham at pati quezo de bola. Ang dami-dami kasing mamimili doon. Pero kaysayang bumili ng red plums at mga kastanyas sa street na iyon ng Carlos Palanca!

Aluminum tray filled with chestnuts, red plums plus kiwi fruits and Laughing Cow!
*******
Siyanga pala, isa lang MMFF 2018 entry ang napanood namin sa sinehan ng SM MOA (ang mahal naman ng tickets nila!), ito ang award-winning “Rainbow’s Sunset”. Ang ganda na nakaaantig na kwento na tipong “Tanging Yaman” plus “Bwakaw” meets “Brokeback Mountain” ang timpla pero no wonder na may naulinigan akong mga humihikbi mula sa audience sa pagtatapos nung sine. Ang galing-galing pa rin ni Eddie Garcia na yung karakter niya doon ay may hawig sa ginanapan niya sa “Bwakaw”. Meron man gay contents, ang nabanggit na pelikula ay isa pa rin unforgetable family drama!
*******
Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon!

More Christmas Galleries

 Nativity at the Shrine of St. Therese, Villamor Air Base, Pasay City

Resorts World Manila, Newport Complex, Pasay City





 Ang bibili ng mga alak na ito ay siguradong mayaman na galit sa pera at malamang lasang suka na ang iinumin niyang ito, hehe!

The Nostalgic Harrison Plaza, Malate, Manila

  


Please save the Harrison Plaza.