Ika-8 ng
Disyembre. Feast of the Immaculate Conception. Sa araw na ito lamang natapos
ang first semester ng City University of Pasay (paano, anong petsa na nagsimula
nitong mga nagdaang buwan?) at pahabol na pasahan na ng mga requirements sa mga
subjects kung saan naka-enroll. Pagkagaling ko sa CUP, nagpunta naman ako sa
Baclaran. Sobrang dami na talaga ng sidewalk vendors at marami sa mga daanan ay
talaga namang madumi; totoo namang maraming sidewalk vendors ang walang
pakialam sa kalinisan ng kapaligiran basta kumita lang sila kahit papaano,
kahit sakupin na ang tabing-kalsada as in ‘Occupy Baclaran’ movement at
pagkatapos, kakaripas na ang kanilang caravan kapag oras na ng sidewalk
clearing operations ng MMDA. Para nang naging maze o di kaya’y labyrinth ang
mga bangketa with those array of schlocks anywhere at di pa nababanggit ang mga
masasamang-loob nananamantala sa di-mahulugang karayom na sitwasyon sa
Baclaran. Tapos, nagutom ako. Punung-puno na sa KFC at mas lalo namang siksikan
sa Chowking. Merong BonChon sa Berma pero di ko type ang Korean food sa ngayon
(no offense sa K-Pop fanatics) at saka, nang minsang bumili ako ng kanilang
famous Korean-style fried chicken, makapal yung breading, kaunti ang laman ng
maliit na chicken thigh, at saka mamantika! Ah, siguro, depende lang sa oras at
yung BonChon branch sa SM MOA ay palagi ngang puno ng kostumer.
At
dinala ako ng aking pagod nang mga paa sa katabing maliit pero mataas na
building ng Berma, ang Victory Food Plaza. Matagal nang naitayo ito sa bahaging
iyon ng Redemtorist Road at maganda ang lokasyon dahil tapat mismo ng Baclaran
Church. Hanggang 6th floor ito at merong rooftop kung saan masisilayan ang
halos buong Baclaran area lalo na ang simbahan. Maraming tindahan doon-
restaurants, optical shops, money remittance center, salon, ukay-ukay thrift
shops, at pati tattoo shops. Kumain ako sa Uncle Cheffy sapagkat ang kanilang
turmeric rice ay talaga namang irresistible! Masasarap din ang nasa menu nila.
Naabutan
ko pa ang Misa sa Baclaran Church. Dapat talagang magsimba ako tulad ng aking
tradisyon sa tuwing sumasapit ang ika-8 ng Disyembre, kapistahan ng Imaculada
Concepcion, at ito’y 8th anniversary ng aking career sa aming mahal na
paaralan. Araw rin ito ng pasasalamat sa Panginoon. Amen.
*******
Ika-12
ng Disyembre. Maswerte ang mga taga-Villamor Air Base sapagkat inilagak muna sa
Philippine Air Force and Aerospace Museum ang mga Balagiga Bells mula Eastern
Samar na makalipas ang 117 taon ay nakapagbalikbayan na sa wakas!
Maaliwalas
ang panahon at kay ganda naman talaga ng aming umaga sapagkat nakasaksi kami ng
mga pamana mula sa kasaysayan. Maraming tao sa museo ng Villamor at tamang-tama
naman ang scheduled field trip doon ng mga mag-aaral galing sa isang private
school sa ibang lugar. Sa harap ng kaakit-akit na mural, nakapatong sa naka-red
carpet na sahig ang mga VIRs- very important relics, ang tatlong kampana mula
sa simbahan ng Balangiga o St. Lawrence the Martyr Parish. Dalawa sa mga ito ay
matagal na ‘nakabakasyon’ sa Amerika at ang isa ay sa South Korea pa hinango.
Ano bang ispesyal sa mga kampanang iyon? Tatlong antigong kampana na medyo
malaki-laki. Una akong na-familiarized sa kasaysayang nakaugnay sa mga ito sa binasa
kong featured article sa September 1993 issue ng Panorama magazine ng Manila
Bulletin. Matagal na matagal na kasing ipinipetisyon ng Pilipinas na ibalik na
ng Estados Unidos ang mga bagay na iyon hanggang sa sumapit ang administrasyong
Duterte tapos sa kasalukuyang administrasyon ng mga Amerikano, mas marami nang
opisyales ang nagbigay green signal na “it’s time to let go”.
Ika-28
ng Setyembre, 1901. Ipinagpapatuloy pa rin ng mga heneral ni Pangulong
Aguinaldo ang pangunguna sa mga himagsikan laban sa mga Amerikano kahit sa
pamamaraang ‘guerilla warfare’. Ang kumander ng mga hukbo sa Eastern Visayas ay
si Vicente Lukban. At nangyari na ang mga retaliatory attacks. 48 na miyembro
ng ‘company C’ mula sa hanay ng mga kalaban ang nalipol ng mga Samarnon habang
pinapatunog ang mga kampana ng simbahan bilang hudyat ng laban para sa
kalayaan. Mabilis itong nalaman ng mga opisyales ng mga Amerikano at bilang
retaliation, bumalik ang kanilang hukbo, mas marami at mas malupit sa kanilang
pagsunod sa utos na lipulin ang mga taga-Balangiga, kabilang ang mga kabataang
lalaki sampung taon pataas basta kaya nang maghawak ng baril at gawin ang Samar
na isang ‘howling wilderness’. Pagkatapos ng trahedya, tinangay ng mga kalaban
ang tatlong kampanang naging saksi sa katapangan at pagkamakabayan ng mga
Pilipino upang kanilang maging war trophies.
Nakamamanghang
mga kampana. Kung makapagsasalita lang ang mga ito, napakarami itong
isasalaysay mula sa araw na nilikha ang mga ito noong panahon ng mga Español,
ang mga napanood nitong mga tagpo sa buhay ng mga taga-Balangiga, ang
di-malilimutang mga araw ng himagsikan ng mga Samarnon, hanggang sa mahabang
bakasyon sa Amerika at Korea. Ang mga antigong kampana ay maituturing nang mga
historical and cultural treasures ng isang pamayanang pinagsilbihan ng mga ito
bilang mga tagapagpaalala sa pananampalataya at babala naman tuwing may
kalamidad. Ika nga ng isang linya: for whom the bells toll?
*******
Minsang
maulan na araw, napagawi ako sa BDO branch sa Plaza 66 building dito sa Villamor,
namataan ko sa paligid ang isang dayuhang babae na may transaksyon sa naturang
bangko. Pagkakita ko pa lang sa four-leaf clover tattoo niya sa braso, nakilala
ko siya agad, si Maria Ozawa! Mag-isa lang siya at tila, bukod sa akin, yung
mga sekyu lang ang nakakakilala sa kanya. Meron akong coffeetable book niya na
binili ko noon (please refer to “Planetary Alignment” blog post January 2016)
at ganoon din ang itsura niya sa personal. Maganda na doll-faced and sexy pa
rin. Noong nakaraang dekada, namamayagpag ang kanyang lucrative career sa Japan
na kanyang bansa bagamat isa siyang French-Canadian-Japanese. At ano ang
hanapbuhay noon? Porn superstar. Kaya pala sa Friendster ten years ago, sa
profile ng ibang users, napabilang sa fan sites nila ang para kay Maria Ozawa
na nang nakita ko ang profile pic, akala ko nga si Angelica Panganiban kapag
naka-3/4 view. Pero nakaraan na yun. 2015 nang dumating siya sa bansa tapos
nagkaroon ng acting and modeling gigs pero sa kasalukuyan, isa na raw siyang
businesswoman somewhere in the RWM complex.
*******
Disyembre
17. Bukod sa pagbabalik ng Balangiga Bells, isa pang Christmas gift para sa
Pilipinas, ang pagkakapanalo sa Miss Universe 2018 ni Catriona Gray. Hindi ko
man napanood nang buo ang pageant na ginanap sa Bangkok, Thailand, siyempre
kaisa ako ng sambayanan sa selebrasyon. Hot na hot talaga siya sa kanyang ‘lava
walk’. Siguro sa susunod ang mga future beauty queens ay merong iba’t ibang
katawagan sa kanilang lakad- Siamese cat walk, poodle walk, dahong-palay walk,
gazelle walk, fountain walk, drifting water walk, flash flood walk, name game your own walk,
hehe!
*******
Nitong
Disyembre rin, sa wakas ay napanood ko na sa HBO ang “Loving Pablo” na ngayong
taon lamang ipinalabas sa mga sinehan at di ko alam kung magkano ang kinita sa
takilya. Nagtataglay ng mararahas na eksena ang sine, pagsasadula ng mga
reyalidad sa isang magulong lipunan. Ang mga gumanap ay ang real-life couple na
sina Javier Bardem at Penelope Cruz. Hango ang kwento nito sa akda ni Virginia
Vallejo, ang “Loving Pablo, Hating Escobar”. Ang pelikula ay tungkol sa
maalamat na buhay ng pinakamayaman at pinakanotoryus drug cartel kingpin mula
Medellin, Colombia. Sa kwento ng sine, gusto lang ni Escobar ng respeto, ang
ipagmalaki naman siya ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang mga anak o kahit
sino ngunit ang respetong pangarap niya ay hindi kailanman magiging kanya kung
ang pagbabasehan ay ang trato ng mundo sa kanya.
Una
akong na-familiarized sa pangalang iyon nang napanood ko ang isang show sa
History Channel tungkol sa mga bahay ng mga sikat na kriminal. Na-feature ang
dating magarang mansyon ni Escobar na guho na lang ngayon at ang dating
malalawak nitong hardin na may mini-zoo na may mga hippopotamus din daw noon,
ay napakasukal na almost beyond recognition. Kapag nandoon ka, mai-imagine mo
ang lifestyle of the rich and famous narcos na ayon sa mga ulat, kung
karumal-dumal ang sinapit ng mga kalaban o nagtraydor sa kanila, ganoon din daw
ang sasapitin nila. At si Escobar ay pinagbabaril ng Colombian authorities dahil
totoo naman daw na nanlaban.
Actually,
ang bidang babae na si Virginia na isang kilalang TV personality sa Colombia
noon ay nai-portray sa sine na tila naging kabit na may pagka-goldigger, kundi
man biographer ni Escobar. Ngunit sa huli, nakipagtulungan din siya sa FBI para
tuluyan nang masugpo yung mama at ang mga demonyong alipores nito. Yung
pagdurog sa cartel, pagkakapatay sa mga tauhan nito, at ang katapusan mismo ni
Escobar ay itinuring na malaking tagumpay sa anti-narcotics campaign ng
Colombia na matagal na nasira ang reputasyon dahil sa mga pinaggagawa ng mga
cocaine drug lords na mga mamamayan pa naman nila. Itinuring na ‘cult hero’ at
Robin Hood of Medellin si Escobar noon dahil marami raw siyang natulungang
mahihirap pero ang ganoong kawanggawa ay hindi mahuhugasan ang halaga ng
katotohanang dahil sa ipinakalat nilang bawal na gamot, di-mabilang na tao sa
mundo ang nasira ang buhay dahil dito. In short, galing sa masama ang tulong
niya at siguradong na-realize na yun noon pa ng mga dati niyang kababayan. Ang
kamatayan ni Pablo Escobar ay nangyari noong Disyembre 2, 1993; twenty-five
years ago.
December
treats: Nöel Bazaar at the SMX Convention Center, SM Mall of Asia. Ang saya
mamili pero hindi ako nag-shopping spree, a!
Pero naregaluhan
ko na ang sarili ko nitong isang t-shirt na nabili ko sa Harrison Plaza. Ang
cute-cute ng white tiger na glow in the dark pa ang design.
*******
Simpleng
pagdiriwang ng Pasko sa pamamagitan ng pagdalo sa Misa sa mismong ika-25 ng
Disyembre, masayang-masaya na ako. Maraming salamat sa Panginoon para sa araw
na ito. Amen.
Nitong
Disyembre 29 ay natuloy rin ang aking personal na tradisyon at panata ng
pasasalamat taun-taon kapag pumasa ako sa pagiging qualified blood donor sa
Dugong Bombo, ang Advent/Christmas season visita iglesia sa quatro iglesias de
Manila- Sta. Cruz Church, Quiapo Church, at ang parehong National Shrines sa
San Miguel outside Malacañang, St. Jude and St. Michael.
Sayang
at pagbalik ko sa Quiapo, hindi na ako nakabili ng tingi na Excelente Ham at
pati quezo de bola. Ang dami-dami kasing mamimili doon. Pero kaysayang bumili
ng red plums at mga kastanyas sa street na iyon ng Carlos Palanca!
Aluminum tray filled with chestnuts, red plums plus kiwi fruits and
Laughing Cow!
*******
Siyanga
pala, isa lang MMFF 2018 entry ang napanood namin sa sinehan ng SM MOA (ang
mahal naman ng tickets nila!), ito ang award-winning “Rainbow’s Sunset”. Ang
ganda na nakaaantig na kwento na tipong “Tanging Yaman” plus “Bwakaw” meets
“Brokeback Mountain” ang timpla pero no wonder na may naulinigan akong mga
humihikbi mula sa audience sa pagtatapos nung sine. Ang galing-galing pa rin ni
Eddie Garcia na yung karakter niya doon ay may hawig sa ginanapan niya sa “Bwakaw”.
Meron man gay contents, ang nabanggit na pelikula ay isa pa rin unforgetable
family drama!
*******
Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon!
More Christmas Galleries
Nativity at the Shrine of St. Therese, Villamor Air Base, Pasay City
Resorts World Manila, Newport Complex, Pasay City
Ang bibili ng mga alak na ito ay siguradong mayaman na galit sa pera at malamang lasang suka na ang iinumin niyang ito, hehe!
The Nostalgic Harrison Plaza, Malate, Manila
Please save the Harrison Plaza.
More Christmas Galleries
Nativity at the Shrine of St. Therese, Villamor Air Base, Pasay City
Resorts World Manila, Newport Complex, Pasay City
Ang bibili ng mga alak na ito ay siguradong mayaman na galit sa pera at malamang lasang suka na ang iinumin niyang ito, hehe!
The Nostalgic Harrison Plaza, Malate, Manila
Please save the Harrison Plaza.
No comments:
Post a Comment