This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Wednesday, November 30, 2016

Ubiquitous Sparrows


The Shrine of the Divine Mercy (courtesy of Wikimedia.com/RamonFVelasquez)

            Ika-5 ng Nobyembre. Hindi man ako ganoong ka-relihiyoso subalit sa wakas ay nakarating na ako sa Shrine of the Divine Mercy sa Maysilo Circle, Mandaluyong City. Una ko nang narinig ang tungkol doon noon pa nang pinaplano pa lamang ito. Mangyari kasi noong ‘90s, kapag pang-umaga ako sa VABES, eh di nakakapanood ako ng mga panghapong programa sa TV at may mga sinusubaybayan pa akong mga palabas tulad ng ilang drama pati “Ang TV”  sa ABS-CBN na mula noon hanggang ngayon ay nagpapatuloy sila sa pag-televise ng “3 o’Clock Habit” at talagang 3:00 pm sharp, isang minutong nakalaan sa nabanggit na debosyon. Pagkatapos ng maikling panalangin, naroon ang anunsyo ng tungkol sa pagpapatayo ng Shrine sa Mandaluyong at humihingi ang pamunuan nito ng mga donasyon. At sa loob din ng Dekada ’90, naipatayo na ito at naipa-consecrate bilang Shrine na dinarayo ng napakaraming deboto anumang araw sa buong taon kaya nga kabilang ito sa mga pilgrim churches.    

Nang ako’y nakarating sa bahaging iyon ng Mandaluyong pagbaba mula sa MRT-Boni Station, kailangang magtanung-tanong at hindi ko kabisado ang lungsod kahit na pinag-aralan ko ang mapa nito. Sumakay pa ako sa dyip sa may Robinson’s Pioneer papuntang Maysilo at pagdating doon, naligaw pa ako dahil lampas na ako sa aking destinasyon kaya tuloy nakapaglakad ako nang malayu-layo at buti na lang mapuno sa daanan lalo na sa paligid ng Mandaluyong City Hall with its signature blue paint. Pagdating sa Shrine na napakarami nang tao ang dumayo dito, napansin kong elevated pala ang kinalalagyan nito na parang mababang burol at halos pyramidal o  ang istruktura at semi-circle ang interior ng simbahan. At bago ako pumanhik doon, may nadaanan pa akong plant box sa may hagdan kaya itinanim ko muna dito ang mga dala kong plantlets ng kataka-taka, ang aking horticultural donation sa simbahan. Sana, sa muli kong pagbabalik dito, ang mga itinanim kong iyon ay nagsipaglago na.

Malapit na ngang mag-alas tres ng hapon noon kaya “3 o’Clock Habit” na at iyon ay sinundan ng recitation ng “Chaplet of the Divine Mercy”. Naglibot pa ako sa Shrine at may nakalagak pa doon na isang relic ni St. Faustina. Maraming salamat sa Panginoong Diyos dahil nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-visita iglesia doon at masaya at magaan ang aking pakiramdam pa-uwi ko. Amen. (related blog post at “Easterly Winds” March 2016)

***

Ika-9 ng Nobyembre. Sa katatapos pa lang na US Elections, nanalo si Donald Trump laban kay Hillary Clinton thus the victory of the Republicans over the Democrats.

Ano naman ang masasabi ko? Hmmm, whatever. America is on the other side of the planet anyway.

***

Ika-10 ng Nobyembre. Habang nasa school pa ako, pasado alas tres ng hapon ay biglang lumindol. At kahit ilang segundo lang ito, nagdulot na ng takot at pangamba sa lahat lalo pa’t buhat pa noon ay nagbigay na ng babala ang PHIVOLCS tungkol sa ibayong pag-iingat sakaling magparamdam na ang West Valley Fault Line; hay, kaawaan nawa tayo ng Panginoon! Agad na sinuspindi ang mga panghapong klase bilang pag-iingat.

Habang ako’y naglalakad pauwi, tahimik kong ni-recite ang “Psalm 91” at pagkatapos ay nagmuni-muni. Nakatatakot talaga ang lindol. Sa mga kalamidad sa mundo, ito lang ang hindi maaaring ma-predict ng tao. Sinasabing ang lindol ay ubod ng sinaunang kalamidad. Bagong likha pa lang ang Mundo at iba pang planeta, pinaniniwalaang nagaganap na ito basta mayroong surface o kalupaan. Mapaminsala at labis mang kinatatakutan ang lindol, sinasabing ang mga kontinente at iba pang anyong-lupa ay nabuo dahil sa pagpapayanig nito sa crust at dahil din sa walang hanggang pag-ikot ng Mundo sa axis nito. At nang nakauwi na ako, inabangan ko sa balita ang tungkol sa naganap na lindol. Ang epicenter daw ay doon pa sa General Nakar, Quezon ngunit ang intensity nito ay naramdaman pa pababa sa Metro Manila at Southern Luzon. At dahil ang VABES at ang katabing PCSHS ay malapit na malapit na sa boundary ng Makati at Taguig, naramdaman ang Intensity III na pagyanig. Pero pagdating naman sa mismong Villamor Air Base at iba pang bahagi ng Pasay, wala naman daw naramdamang pag-uga ng lupa ang mga tagarito! Hindi man mapaminsala ang lindol na iyon, maraming maraming salamat sa awa ng Panginoong Diyos. Amen.

***

Ika-12 ng Nobyembre. Idinaos muli ang taunang Dugong Bombo 2016 ng Bombo Radyo Network at 102.7 StarFM at ngayong taon, nagbabalik na sila sa suki nilang venue, ang SM City Manila. Masayang-masaya ako sa araw na ito at ang maging qualified blood donor uli ngayong taon ay isa nang napakalaking blessing at ang kawanggawang ito ay dedicated at labis ko nang ipinagpapasalamat sa Panginoon.

Ramdam ko rin ang inspirasyon mula sa nobena ni St. Jude Thaddeus.

***

Ika-13 ng Nobyembre. Ang huling feature story ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa channel 7 ay itong viral online video mula National Geographic Channel tungkol sa isang na-obserbahang animal behavior sa isang penguin colony. Mangyari, ang mga penguins, tulad ng mga albatrosses, flamingos, swans, geese, and cranes, ay mga monogamous for life tulad sa tao (pwera lang sa mga babaero at lalakero!). Pero may isang peculiar penguin couple ang naging madrama at napatunayan sa kanilang sarili na walang forever. Ang lalaki ay nagpunta muna sa karagatan upang manghuli ng isda kaya lang pagbalik niya, nadatnan na lang niya ang kanyang asawa na meron nang kalaguyo at sa mismong pugad pa nila na-caught in the act niya ang mga ito. Eh, di nagsabong ang dalawang lalaking penguin habang pinanonood lang sila ng babaeng pinag-aagawan nila. Maya-maya’y naantala ang sabong nang humuni ang legal husband ng “mating call” na animo pinapipili ang asawa niya kung sino sa kanilang dalawa. Subalit ang babae ay pinili pa ang kalaguyo at ang heartbroken na legal husband ay lalong nagwala sa galit. Naging madugo ang sagupaan nila ng kalaguyo ngunit ano pa man ang gawin niya ang ito pa rin ang pinili ng asawa niya.

Madramang buhay-hayop.

***

Ika-24 ng Nobyembre. Sa araw na ito, siguro karamihan sa madla ay sinimulan ang araw sa panonood ng televised hearing mula Kongreso kung saan iniharap sa interogasyon ang dating driver-bodyguard at nakarelasyon pa noon ni Senadora Leila De Lima na si Ronnie Dayan. At ang mamang ito, noong kamakalawa lang ay “nadakip” daw sa Bacnotan, La Union matapos ng matagal na pagtatago. Ang dapat sanang paglilitis tungkol sa alleged involvement sa bentahan ng droga sa Bilibid ay napunta naman sa pag-uusisa at pag-uungkat ng mga d.o.m. sa Kongreso tungkol sa lovestory ni De Lima at Dayan. Kung ano man ang love affair na nila noon ay wala na tayo doon, mga d.o.m.! At itong mga d.o.m., let’s say the acronym stands for ‘defenders of mankind’ na kung makapagsalita ay akala mo na kung sino nang malilinis upang pumukol ng unang bato.

And the aftermath. Tsismis dito, tsismis doon. Diskusyon dito, diskusyon doon. Ang lalong panghuhusga sa pagkatao sa kapwa-tao dulot ng mga emosyong naudyokan at bugso ng damdamin. I am neither a fan of Digong nor De Lima. Minsan ay nagninilay ako. Ano ba ang impact of this gender issue? Na di bale na kung ang lalake ang mambabae at lalake naman sila? At kapag ang babae naman ang nagkasala at nadiin sa kahihiyan dulot ng ilang desisyon niya sa buhay niya, higit na mabigat ang sasapitin niyang humiliation kaysa sa lalaking nagkasala.

“Blessed are you, when people insult you and persecute you and speak all kinds of evil against you because you are My followers. ~Matthew 5:11~

Hindi ako nakikisawsaw sa mga mapanghusgang huntahan. Kung totoo man o hindi ang mga bintang, higit dapat mangibabaw ang pang-unawa; compassion instead of pity. True justice, not revenge and selfish motives.  

***

Ika-30 ng Nobyembre. Sa mismong araw ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, pinarangalan sa Bantayog ng mga Bayani ang 19 na tao na nakilala sa kanilang pakikibaka noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Marcos lalo na sa panahon ng Martial Law. Merong mga kabataang estudyante, aktibista, mamamahayag, iba’t ibang propesyon nila kabilang ang galing simbahan. At kabilang sa kanila ang isang local hero mula Tigbauan, Iloilo na si Fr. Jose Tangente () na maikli man ang naging buhay ngunit ito’y naging makabuluhan. Kaunti lamang ang nasagap naming impormasyon tungkol sa kaniya kung sumali ba talaga siya sa kilusang rebelde o isa lamang siya simpleng aktibistang pari noong Marcos regime na di lang sa loob ng simbahan naglalagi kundi nakikiisa sa hinaing ng mga marginalized sectors in the rural communities na kanya ring pinaglingkuran.

Noong ‘60s, ‘70s, at ‘80s, kasabay ng paghahari-harian ng mga diktador sa maraming Third World countries at kasama doon ang Pilipinas, lumaganap ang ideolohiyang “liberation theology” sa mga kaparian ng Latin American nations lalo na dahil sa ginanap na Second Vatican Council. Maganda ang layunin lalo pa’t ito ay patungkol sa tunay na pagmamalasakit sa mga mahihirap bilang tunay na magpapalaya sa sambayanan mula sa pagpasan sa kahirapan ngunit ito raw ay left-leaning with tendencies on socialism if not communism (like Marxism purged of atheist policies). At malamang, ang impluwensya nito ay umabot hanggang Pilipinas kaya siguro maraming pari at madre noon ang hindi na nakatiis sa pagmamalabis ng Batas Militar at ang di-mabubuting epekto nito kaya sila ay lumabas at na-involve sa maraming social causes and activism kahit pa paghinalaang NPA sympathizers sila tapos ang ilan sa kanila ay tuluyan na ngang naging rebelde kahit pa marami sa kanila ay napabilang din sa libu-libong tao na pinahirapan at sa mga desaparecidos. Well, masasabi ngang ang mga kaso ng paglabag sa karapatang-pantao noong panahon ni Marcos ay siya ring nagtulak sa maraming tao lumayo ang loob sa kanya at lalo pang nakibaka laban sa kanyang rehimen.

Demokrasya, mahal naming demokrasya...  

***

THE GRAND SUPERMOON OF THIS NOVEMBER






Picking the supermoon from the night sky