This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Friday, September 30, 2016

September Mooncakes



Mother Teresa of Calcutta, now a canonized saint last September 4 at St. Peter’s Square, Vatican City, was without doubt among the most iconic, influential, and beloved women of the 20th century and even for times to come. The wrinkles and lines on her face celebrated the countless smiles she offered to the people in most dire need of hope, love, and care during her long, fruitful life of humanitarian career under God’s grace and providence. Truly, genuine beauty radiates from within.

***

Ika-6 ng Setyembre. Nadadamay na ang reputasyon ng Pilipinas dahil sa maingay na bunganga ni Digong. Maaari naman siyang magpahayag ng kanyang constructive criticism tungkol sa Amerika, kay Obama, kay Ban Ki-Moon, at sa European Union ngunit huwag naman sana sa pamamagitan ng pagmumura at pag-aalipusta sa dignidad ng tao. Pero sadya talagang parang matanda na nagmamaoy na dahil sa tuba.

Pinapakialaman daw siya sa kanyang pamamalakad sa bansa. Ayaw niyang nagki-criticize ang mga ito tungkol sa sunud-sunod na kaso ng extrajudicial killings, summary executions, and human rights abuses kahit bago pa man magsimula ang kanyang termino bilang presidente.

Pero bakit pagdating sa China na kinakaya-kaya lang ang Pilipinas pagdating sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, tila tameme siya? Nasaan ang tapang niya? Itutuloy ba niya ang nauna niyang pangako noong panahon ng kampanya na siya raw ay magdyi-jetski patungong Spratlys at itatanim ang watawat ng Pilipinas sa isa sa mga isla dito? O, baka nandiyan naman ang kanyang mga tagapagsalita upang linawin ang kanyang mga nagko-contradict na pinagsasabi na hitik lang kasi ito sa hyperbole and worse- joke only?

Available pa sa mga bookstore ang little black book na ang pamagat ay “The Duterte Manifesto”. Hindi ako bumili pero nakibasa lang ako sa back cover nito. Basta, huwag daw siyang sisihin sa bibig niya... “God-given” din daw ito sa kanya. Sigh.

“...what enters into the mouth does not make a person unclean,

what defiles one is what comes out of his mouth.” ~Matthew 15:11~

            Follow-up for this essay: Oktubre. Makalipas ang ilang linggo pagkatapos ng ASEAN Summit sa Laos, nag-state visit si Digong sa Japan at kasabay pa ang pagkakapanalo sa Miss International 2016, ni Kylie Verzosa. At napaulat pa sa mga diyaryo at TV news na noong pabalik na sa bansa ang kanyang delegasyon, sabi niya ay narinig daw niya ang salita ng Diyos habang siya ay komportable na sa kanyang kinauupuan sa loob ng eroplano at siya ay pinagsasabihang iwasan na ang pagmumura. Noong campaign period, bukod sa rape joke, nadali rin siya dahil umano sa pagmumura kay Pope Francis na agad din niyang inihingi ng paumanhin. At nang minsang nag-courtesy call siya sa isang Simbahang Katoliko, nagbitiw pa siya ng pangako na sa bawat murang binubuga ng bibig niya, katumbas yun ng isang libong piso na kanyang donasyon sa charity. Ah, siguro, ililista yun ng dakila niyang alalay na si Bong Go at naka-magkano na kaya siya?

            At sa follow-up news naman tungkol sa balitang iyon na nakarinig daw siya ng “divine message” habang pauwi galing Japan, sinabi naman niya- joke only.

            Balik sa dating kinagisnan. Madalas kong natityempuhan na broadcasted sa AM radio stations o sa government TV channels ang kanyang talumpati sa iba’t ibang events dito man sa Pilipinas o sa mga Filipino communities abroad, ang talagang natural na Digong. Formal speeches, mga batikos at patama sa mga kritiko tapos napunta naman sa ibang kuwento at lumiko sa isa pang kwento at nagsanga pa ng karagdagang kwento para hindi antukin ang audience na agad magtatawanan at kinikilig pa kapag narinig na siyang bumwelta ng kanyang pagmumura.

***

            Ika-2 ng Setyembre. Gabi. Pinanood ko ang finale ng matagal ko nang sinubaybayang “JuanHappyLoveStory” sa GMA-7. Tuwang-tuwa ako sa rom-com na ito sa totoo lang dahil nag-break free siya from the usual weepies and heavy melodramas na tatak na ng primetime program block ng TV networks. Mature and adult-oriented with naughty humor yet still discreet, yun ang trip ko sa mga palabas sa TV!

***

            Ika-12 ng Setyembre. Special non-working holiday ngayon bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Islamic holiday of Eid’l Adha or the Feast of the Sacrifice. Ang mga local and international terrorist groups ba na lagi na lang binabanggit sa mga balita ay maliliwanagan at matututo pa kaya ng tunay na sakripisyo? Ang isakripisyo na ang kanilang kalupitan at mga makasariling hangarin o ideolohiya upang manaig na ang katarungan at kapayapaan sa mundong ginugulo nila.

***

            Ika-17 ng Setyembre. Nagpunta ako sa annual Manila International Book Fair na ginanap muli sa SMX Convention Center ng SM Mall of Asia. Hindi mahulugang karayom palibhasa ay Sabado! Kaunti lamang ang binili ko- notebook mula St. Pauls, set of BookMark postcards tungkol sa local ancient artifacts, at ang Volume 1 of the highly-popular “Looking Back” compilation by Professor Ambeth Ocampo. Ang huling nabanggit ko ay nabili ko sa malawak na National Bookstore-Anvil hall na kung bagsak-presyo pa sana ang iba pang volumes ng “Looking Back” ay pinagbibili ko na sana kung hindi lang short sa budget!

            Nakatutuwa talagang basahin ang essays ni Prof. Ambeth at siksik pa sa historical facts na nasusundan g kanyang witty, dynamic views and insights. Mga selected compilation yun mula sa column niya sa editorial section ng Philippine Daily Inquirer.

***
Botanical Gallery