A narrow understanding neither realizes the real value of a diamond in a rough nor the natural wonder of a tranquil wilderness. Celebrate democracy, exercise freedom of expression. This blog homepage has other pages as well; refer to the side bar of this page. For readers who don't understand the Filipino essays here, do not rely on your browser's online translator because the translation is so awful; better ask a real Filipino to interpret these for you.
This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!
Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.
SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.
ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!
Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.
SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.
ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt
Sea of Tranquility
Felix Resurreccion Hidalgo's Seascape (courtesy of Wikipedia)
“Le Soliloquy” (first posted on September 26, 2008 at my Friendster blog site- now defunct; this was also my first blog post ever)
Ang susunod na sanaysay ay naglalaman ng mga saloobin ng inyong lingkod at hindi kayo pinipilit na ito ay patiyagaang basahin. nagpapasalamat ako sa sinuman na pagtutuunan ito ng pansin at pare-pareho tayo sa pagtamasa ng karapatan sa pagpapahayag ng sariling pananaw. Maraming salamat, mga kaibigan.
Sa wakas, nakapag-blog na rin ako dito ngunit hindi ko alam kung kailan magkakaroon ng kasunod nito. Siguro kung trip lang. Oo nga, trip. Parang ngayon sa blog na ito. Nasanay kasi ako sa pag-post sa comments station ng Friendster profile ko. At saka, mayroon akong diaries. Itong mga pinagsasabi ko dito ay una munang ginawan ko ng draft sa diary ko. Basta, mas gusto ko pa rin ang old-fashioned diary sa totoo lang at para sa akin ay hindi ito kailanman matatabunan ng blogging kahit pa sabihing hi-tech yun pero oras na bunutin ang plug ng PC sa outlet o ma-virus ang laptop ay malaking aberya na. Sa ibang mga naniniwala na hindi na uso ang pagkakaroon ng diary dahil kasi hi-tech na raw ang panahon ngayon, blogblogin nilang mukha nila, hehehehehe!... biro lang. Ang blogging ay umaasa sa kuryente; ang diary ay hindi. Ang blogging ay mababasa at maaanalisa kapag nakatutok na ang mga mata ng mambabasa sa screen ng computer; ang diary ay pwedeng dalhin sa kahit saan, pwedeng buklatin kahit kailan gusto. Yun nga lang, ang blog ay pwedeng-pwede na i-share sa publiko ngunit ang diary ay masyadong pribado at depende na lang sa may-ari nito. Kaya nga, hindi na maaaring ihambing ang blog sa diary o ang diary sa blog. Subalit nagpapasalamat pa rin ako sa pagkaka-develop ng blogging na tinatangkilik ng milyun-milyong katao at patuloy pang dumarami ang nahu-hooked dito. Kasi sa pamamagitan nito, malayang nakapagsasalaysay o nakakapagdaldal sa madla ang sinuman, seryoso man ang tema nila o basta kahit anong trip na mga chuvanessence na bonggang-bongga na kinakarir ng ilan. Datapwat sadyang higit na nagtatagal ang diary, eh. Sina Samuel Pepys, St. Thérèse of the Child Jesus, Anne Frank, at iba pa ay may kani-kaniyang talaarawan na naipamahagi na sa mundo nang pumanaw na sila at hanggang ngayon ay nakadadaupang-palad pa rin nila ang mga tao ng kasalukuyan at darating pang mga panahon sa pamamagaitan ng pamana nilang iyon. Ang diary ay isang napakagandang time capsule na maihahandog sa future generations. Sa pamamagitan nito, nagugunita pa rin at hindi malilimutan ang kasaysayan ng buhay ng taong sumulat dito. Kailangan lang ng ibayong pag-iingat dito upang manatiling buo at malinaw pa rin katulad noong una itong sinulatan. Ano kaya kung nauso muli ngayon ang clay tablets, stylus, at stele na ginamit ng mga sinaunang sibilisasyon tulad ng mga Sumerian at Akkadian na matiyagang nagsulat o umukit sa mga ito? Tapos, ibi-bake naman nila ang clay tablets sa pugon o paaarawan hanggang sa tumigas na parang bato. Hindi maitatangging higit na pangmatagalan ang tibay ng writing materials na iyon kumpara sa papel, papyrus, at parchment. Nahukay pa ng mga archaeologists nang intact pa at buo. Paano naman ang blog upang umabot pa ito sa future? Naka-save sa computer, diskette, CD, USB, o microfilm? Gaano ka-sigurado na magtatagal pa ito? Hay, depende na lang talaga sa pagka-masinop ng tao sa mga paraan ng pagpapapahayag o di kaya sa interes ng future generations na gunitain ang nakaraang panahon at nakaraang mga saloobin ng mga tao noon. At ang 'noon' para sa kanila ay ang 'ngayon' para sa atin sa kasalukuyan.
VABES (first posted on October 26, 2008 at my now defunct Friendster blog)
This is a nostalgic moment for me... wawasakin na nila ang aking paaralan kung saan pumasok itong weirdo ninyong lingkod noong elementarya sa loob ng anim na masasayang taon. Noong Biyernes, Oktubre 24, 2008, nagkaroon ng despedida party sa Villamor Air Base Elementary School sapagkat usap-usapan na simula Nobyembre ay magkaklase na sa bagong paaralan na basta na lang ipinatayo sa bago nitong lokasyon kung saan malimit bumaha at wala pa umanong maayos na lansangan patungo at pabalik doon hanggang sa ngayon. Susunod na rin sa Pasay City South High School na naunang inilipat. Ayoko talagang tanggapin na idi-demolish na ang aking paaralan para lang daw patayuan ng parking and commercial area palibhasa ay harap ng airport. Ngunit sana ay huwag na nilang lalapastanganin ang mga puno at iba pang halaman sa loob ng VABES. Nagsimula ang lahat ng pagbabago at paggagago sa aming pamayanan sa napaulat noon sa madla ng tungkol sa pagbenta ng Ramos administration ng mga lupain at ari-arian ng gobyerno sa mga malalaking negosyante; para raw magkatrabaho ang mga Pilipino, para raw dagdag governement revenue...kibit-balikat, hay... Ano pa bang magagawa ng isang karaniwang mamamayan na tulad ko sa kanila na malalaki't matataas na tao? Hayun at pinatayo na ang airport na inabot ng ilang taon bago buksan at iba pang gusali matapos ng katakut-takot na demolisyon. Obvious naman na umaalingasaw ang pagbaha ng pera kung saan iilan lamang ang nakikinabang at aapak-apakan na ang alin man na legal na pamayanan na madadali ng kanilang land developments and projects. Huwag raw kasing mamuhay sa nakaraan, anila. Ngunit sadyang hindi lahat ng pagbabago ay dapat na lang na tanggapin.Hindi na talaga maibabalik ang nakaraan kung kailan ang Villamor ay Villamor Air Base pa. Ang matiwasay naming pamayanan... bakit nagkaganito na? Hindi ako isang militante o aktibista. Hindi ako sumasama sa mga rali sa kalsada pero nagkakaisa kami ng ilan sa mga iyon sa saloobin na sumosobra na ang kapitalismo dito sa bansa. Karamihan sa mga negosyante ay pulos pagpapayaman ang ambisyon sa buhay. Isyu dito ang lupa. Lupa. Lupa. Hindi nakapagtatakang may food shortage at agrarian problems na hindi matapos dahil sa mga land conversions na yan. Mga bukirin na luntiang palayan at ginintuan naman pagsapit ng anihan ay binu-bulldozer upang patayuan ng mga subdivision na sobra na ang dami ngunit kaunti naman ang nakatira, mga golf courses at country clubs para sa ikaaaliw ng mga mayayaman, at mga resorts na sa pangarap lang nararating ng karamihan sa mga karaniwang tao. Kaya nga "lumiliit" pa ang Pilipinas para sa mamamayang Pilipino.
Isa lang akong simpleng mamamayan na ganito... wala nang magagawa pa sa nangyari sa aking Villamor. Sa alaala na lamang magugunita kung gaano mas masaya at higit na matiwasay ang barangay noong Villamor Air Base pa ito. Hindi ko pa rin matanggap ang mga pagbabago at paggagago. Babakuran na ang VABES. Isasara na ang kanyang campus kasabay ng di-mabilang na alaala ng maraming ginintuang dekada na bilang paaralan na humubog ng kaisipan at damdamin ng bawat mag-aaral, guro, at empleyado na nagdaan sa kanya. Mga pangarap na nabuo nang siya ay nakapiling. Magpapaalam na siya. At naniniwala ako na ang kanyang ispirito ay lilipat na sa bago niyang tahanan kasabay ng mga bata, kani-kanilang guro, at empleyado. Mawawala man ang kanyang unang tahanan ngunit hindi ang kanyang buhay. Ang kanyang misyon ay nagpapatuloy sa pagpapanatili ng tanglaw ng sulo ng edukasyon para sa liwanag na tatamasahin ng lahat. At siya'y nananatili sa puso ng bawat mag-aaral at guro na nagpapahalaga at nagmamahal sa kanya. Siya'y mananatili pa rin...
Villamor Air Base Elementary School sa una nitong campus na napapagitnaan ng Manlunas Street at Andrews Avenue , paalam na, mahal kong paaralan. Pagpalain ka nawa ng Panginoon, mahal kong paaralan.
Ode to An Edifice (first posted on October 2008)
Noong isang araw ay nakapamasyal ako muli sa SM Mall of Asia. Siyempre, ang ganda-ganda doon at first time na akong nakasilip sa teleskopyo sa viewing deck nito for 5 pesos only para pagmasdan ang panoramic view ng reclamation area dito sa kanlurang bahagi ng Pasay. Itinutok ko ang telescope sa Manila Film Center na tila ang lapit-lapit lang. May napansin akong malamlam na liwanag sa loob ng bulwagan nito at mistulang santelmo. May mga sekyu pa bang nagbabantay doon? Hindi naman maaaring ilaw sa poste o repleksyon ng araw samantalang maulap ang panahon ng tanghaling-tapat na iyon. Ang minsang pinangarap na edipisyo na ito ay museleo na raw ngayon ayon sa mga nabigla sa naging nakaraan nito; ngunit sa kasalukuyan, may mga nagtatanghal na artists pa rin doon. Dapat siguro ay lagyan ito ng memorial marker at listahan ng lahat ng taong nagbuwis ng buhay upang maitatag nang mabilis ang ambisyosong proyekto ng pamahalaaang Marcos. Kaya lang ay government-regulated ang media noon. Nagsaliksik ako tungkol sa gusaling ito. Sayang nga lang at hindi ko napanood ang I-Witness noon pero nabanggit na walang kaanak ng mga biktima ang humarap sa interview para magbigay ng pahayag tungkol sa trahedya pareho noong unang ibinalita sa TV ang tungkol dito way back in the early 80s. Ayaw rin ni Imelda na magsalita tungkol doon. May naglakas-loob pang nagsabi na urban myth lang daw ang nangyari na marami daw ang nasawi at hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan ang mga katawan. Ngunit may nagmungkahi na upang malaman ang buong katotohanan sa pangyayari ay magkaroon ng excavation sa pundasyon ng gusali kaya lang ay malaking pera at mahabang panahon ang kakailanganin para dito. Hindi pa rin talaga nagwawakas ang isyu ng Manila Film Center tragedy.
Talaga raw na government-regulated ang media noon. Naalala ko ang isang napanood ko sa TV na isang feature. Kahit pala animated series ay ipinatitigil rin. Lahat naman ng mula sa '70s generation ay hindi malilimutan ang pagtanggal sa Voltes V. Ang rason daw ng gobyerno ay may violent contents daw ito. Ngunit may iba pang sapantaha ang ilan. 1978 noon at masakit na masakit ang ulo ng pamahalaan sa mga rebelyon ng mga komunista at Moro. Ang last episodes ng Voltes V ay nagsasalaysay naman ng tungkol sa pag-aaklas laban sa pamahalaan tungo sa kalayaan ng lahat. Isa lamang animé na made in Japan at wala namang kinalaman sa internal conflicts ng ating bansa noon, ngunit pinag-isipan pa rin siguro ito na naglalaman ng propaganda. Hay... at kagabi naman nang ipinalabas uli ang dokyumentaryo ng GMA-7 na "Newsmakers" via Q-11, nabanggit ang tungkol sa Manila Film Center. May eksena mula sa past news files ng GMA-7 na nag-feature ng litrato ng isang manggagawa na nadaganan ng debris at semento nang gumuho ang nabanggit ng gusali ngunit ipinagbawal umano ng gobyerno na ipakita ito on national television. Sinasabing binayaran na ang mga pamilya ng mga biktima kaya hindi na naghayag sa publiko ng sama ng loob sa nangyari. Pinagmadali kasi ang proyekto nang hindi inaalala ang kalagayan ng lahat ng taong nagtrabaho para dito. May nagsabi na sinabotahe ang proyekto. Hindi rin inilabas noon ang opisyal at eksaktong bilang ng mga nagtrabaho lalo na ang mga biktima. Malaking dagok sa Marcos regime ito kasi noong '80s ay simula na nang kanilang pagbagsak. At ngayon, ang Manila Film Center ay nakatayo pa rin sa CCP Complex sa may Reclamation Area. Ito ay nababalot ng hiwaga at kakaibang katahimikan ngunit nagpapaalala na huwag itong ibaon sa limot. At ito ay patuloy na tumatangis, maririnig ang pagtawag sa katarungan.
Kung halimbawa kaya na iba ang nangyari sa kasaysayan? Na sana hindi naganap ang malagim na trahedya? Na sana ay maingat at maayos ang pagpapatupad sa pagtatag nito nang walang nasasawi o nasasaktan? Siguradong masayang gusali ito. Isang monumental edifice na dadayuin ng lahat at hahangaan. Na ang buong edipisyo ay isang work of art. May mga museo tungkol sa pelikulang Pilipino, mga sinehan na abot-kaya, haven for all the film enthusiasts whether mainstream or independent...
Subalit nagkaroon ito ng malungkot na kapalaran. Hanggang kailan kaya ito magpaparamdam sa buong sambayanan? Ako na isang karaniwang mamamayan at kasama sa lahat ng taong may pagmamalasakit ay tanging magagawa lamang ay isama sa aming panalangin ang mga kaluluwang naroon, ang buong Manila Film Center... taimtim na sasambitin ang "Eternal rest grant unto them, o Lord and let Your perpetual light shine upon them. May they rest in peace. Amen."
Ipanalangin po natin sila at huwag kalimutan...
NINOY AND MAKOY (first posted on November 27, 2008)
( actually ito ay mula sa August 21 entry ko sa aking diary; naihahabol din kasi ngayong November 27 ang birthday ng ating late Senator Benigno S. Aquino, Jr. at noong isang araw lang ay nag-premiere ang "I am Ninoy" sa channel 5)
25 years ago... alam ko na wala pa akong kamalay-malay noon nang doon sa di-kalayuang tarmac ng airport mula dito sa Villamor ay naganap ang isang makasaysayang trahedya at hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino ba talaga ang tunay na mastermind basta ang hinala ng marami ay ang pamilya Marcos raw at kasama ang ilang military and civilian cronies. Wala pa rin konklusyon at hindi makatutulong ang simpleng pagsuspetsa nang wala namang matibay na basehan. Sino nga ba ang may pakana ng malagim na planong yun? Para bang si Ninoy ay naging isang human sacrifice sa altar ng kasaysayan at pagbabago ng bansa at ang assassin umano niya na si Galman, probably the paid shaman who was supposed to do the dreaded ritual but was slain as well sa tabi niya at pagkatapos ay dinampot ang ilang sundalo na tinurong suspek sa nangyari.
Naalala ko lang kasi noong napakahilig ko sa sari-saring literary articles ng magasing Philipine Journal of Education na karamihan ay '80s issues pa (at dapat ay iningatan ko ang lahat ng iyon ngunit ang mga natutunan ko mula doon ay matagal ko nang naisapuso at hindi malilimutan). Maraming kwento ay may kinalaman sa mga political situations noon dito sa ating bansa. Pero may isang kakaibang short story na nabasa ko mula sa isang lumang isyu na may pamagat na "Kamatayan ng Isang Malaya". Noong una ay hindi ko maintindihan ang matalinghagang seleksyon na ito kasi hindi kwentong pambata (nasa elementarya pa lang ako noon, syempre!). Ngunit ngayon ay naisip ko na marahil ay isinulat ito ng may-akda (na nakalimutan ko rin ang pangalan!) matapos ng balita tungkol sa pagpatay kay Ninoy. Ang kwento ay tungkol sa isang cynical na lalaki na galit sa maraming pangyayari sa kasalukuyan hanggang sa nakakita siya ng isang larawan ng isang patay na ibon na binaril. Sa palagay ko ay galing yun sa di-malilimutang litrato ni Ninoy na nakahandusay sa tarmac kasi mukha siyang ibon na malayang lumilipad hanggang sa siya'y bigla na lang binaril at bumagsak nang duguan. Bakit ngayon ko lang napagtanto ang isang interpretasyon tungkol doon? Sana ay mahanap ko muli ang magasin at mabasa ko ang kwento all over again. Nalimutan ko rin nga ang ilang detalye kasi noon ay hindi ko trip ang mga kwentong may tema ng karahasan. Basta, sinulat kasi ito noong kainitan ng balita tungkol kay Ninoy.
Nakilala ko lamang ang taong iyon sa 500 piso, sa mga kwento ng mga nakatatanda, at sa mga libro, files and documentary sa TV na napanood ko. Isa siyang tapat na civil servant. Naniniwala ako na sa bawat trabaho niya sa gobyerno, naroon ang tapat na paglilingkod sa bansa at sa sambayanang Pilipino. Ang mga batikos na ginawa niya ay sa mga anomalya, hindi sa pagkatao nina Pangulong Marcos. Hindi lang niya talaga pinalalagpas ang mga napupunang iregularidad sa rehimen nito. Datapwat ay marami talagang namumuhi sa kanya. Mula sa First Family hanggang sa karaniwang mamamayan na mga loyalista. Noon ay naulinigan ko ang pag-uusap ng ilang retiradong sundalo. Sabi nila ay traydor sa bansa si Ninoy dahil sa ginawa nitong pagkontra sa pagpapadala ng mga hukbong Pilipino sa Sabah upang bawiin ito sa Malaysia. May nabasa nga akong artikulo tungkol doon ngunit hindi lang siya ang kumontra. Maraming tao rin ang nakapuna kasi paglabag daw yun sa human rights lalo na doon sa mga sundalong ipanlalaban sana. Matagal nang isyu yun, eh ngunit magri-research pa nga ako tungkol sa pangyayaring iyon. Ang isa pang tao na alam ko at ng mga kaklase ko noong elementarya na ayaw kay Ninoy ay isa sa mga naging guro namin. Alam namin na Marcos admirer siya noon pa man. Palagi siyang may tirada laban kina Ninoy at Cory. Palagi niyang inihahayag ang kanyang opinyon at batikos. Oh this feeling of being somehow and somewhat proselytized. Mura pa ang isipan namin noon para lubos na maunawaan ang lahat pero nasa edad na rin naman kami para sa independent thinking. Ngunit ganoon pa man ay pagbubukas na rin ito para sa isang mas malawak na pagkilala sa mga makasaysayang tao. Na magbasa pa tungkol sa buhay ni Marcos at sa mga naiambag niya sa ating bansa at kamalayang Pilipino. At kilalanin pa lalo si Ninoy at maunawaan pa nang lubos ang kanyang mga dakilang adhikain at pangarap para sa buong Pilipinas at magsilbing inspirasyon sa mga taga-pamahalaan, sa kabataan, sa lahat ng mamamayan.
The Filipino is worth dying for, ayon sa kaniya.
Subscribe to:
Posts (Atom)
No comments:
Post a Comment