This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Tuesday, October 31, 2017

Manila Cuyapo, Bangkok Lotus


Oktubre 4. Kapistahan ni St. Francis of Assisi. Marami akong nasisilayang ibon lalo na ang mga maya. Maaliwalas ang panahon hanggang gabi at tamang-tama dahil flight patungong Bangkok ng aming grupo- ako, ang nanay, at tatlo naming kamag-anak na mga tita at pinsan ko. Actually, first time kong nakapasok sa Ninoy Aquino International Airport- Terminal 1 at mas lalo rin, ang unang beses kong makapag-abroad at sa Thailand pa na gusto ko ring mapuntahan noon pa kasi kung papipiliin ako sa mga Southeast Asian destinations kasama ang Hong Kong at Macau, ang bansang yun ang trip ko mula nang nakita ko sa aming encyclopedia ang article tungkol doon, lalo na ang mga templo.


Okey naman pala sa NAIA-1. Bakit pa tuloy pa rin ang reklamo ng ilang maarte na kabilang ito sa worst airports in the world? Nang nakapila na kami sa immigration counters, natunghayan ko mula sa mga bintana nito ang isang napakagandang sunset sa direksyon ng Manila Bay. Mabilis lang ang short interview sa immigration at sa wakas, may tatak na ang aking passport na noong 2014 pa ako nag-aplay para dito. Nang nasa passenger departure area na kami, ang daming pasahero patungong Bangkok. Halu-halong lahi. Yung dalawang magkatabing mama na nakaupo sa kabilang row ay parehong nagtetelebabad sa cellphone nila. Isang Pilipino at isang taga-Thailand. Eh, di nagkakarinigan pa ng Bisaya at wikang Thai. Well, dahil parehong Southeast Asiatic, magkahawig ang mga Pinoy at mga Thai at kung magkakasama ang mga ito, mahirap i-distinguish hangga’t hindi nagsasalita. Napakinggan ko na ang wikang Thai sa international TV channels. Merong distinct tone ang salita nila. At ang hahaba ng mga pangalan ng mga tao doon. Maraming Thai films na rin ang nai-export sa Pilipinas bukod sa kanilang Muay Thai kickboxing.

Sawasdee. Nasa economy class kami ng Thai Airways. Talagang purple or violet na may saffron yellow accents ang kanilang official colors mula sa logo, pintura ng eroplano, bahagi ng uniporme ng flight attendants, at pati kumot at sigurado pati sa airport nila. Kulang na lang ay ang puto bumbong, ube halaya, at hopia ube ng Eng Bee Tin, hehe! Seriously, ang ganda ng serbisyo sa Thai Airways. Unang beses ko rin natikman ang Thai cuisine tulad ng green curry chicken with rice sa inihain nilang onboard meals. Makalipas ng tatlong oras at ilang minuto, lumapag na sa Suvarnaphumi Airport ang aming Boeing. Nakalulula ang di-maliparang uwak na paliparan  na ewan ko kung ilang porsyento ang laki nito kumpara sa NAIA. Palalim na nga ang gabi nang makarating kami doon; ahead nga pala ng isang oras doon sa Pilipinas.



Ang layu-layo pala ng airport mula sa city proper mismo pero meron kasing convenient airport link na mala-skyway ang haba. Marami namang masasakyan patungong syudad. Bilingual na ang mga road signs sa paligid at kahit saan kasi nga ang Thailand ay isa sa mga nangungunang bansa pagdating sa turismo. Napansin kong tanging “road” lang ang label nila sa mga pangunahing lansangan tulad ng Rama IX Road at yung “soi” ay tumutukoy sa mga karaniwang kalsada at walang ‘boulevard’, ‘highway’, ‘avenue’, ‘expressway’ ,  ‘drive’,  ‘lane’ at ‘street’.

My oh, my... Bangkok at night. Tahimik na tahimik. First time ko pang nadama ang pagiging isang foreigner. Maraming salamat sa Panginoon, ang biyahe ay maayos at banayad.


Oktubre 5. First morning. Nang dumungaw ako mula sa bintana ng aming hotel suite sa may Soi St. Louis 3 na malapit sa Sathorn Road, kay ganda ng view. Parang nasa Makati lamang ang kinalalagyan namin. Nandito kami sa ibang bansa ngunit ang pakiramdam ay hindi nalalayo sa Pilipinas. Yun bang pakiramdam na nagbakasyon kami sa iba pang lungsod sa probinsya.






Pleasant weather. Sightseeing tour mula sa aming taxi... hay, ang saya naman! Malilinis naman sa maraming kalsada at nalilinyahan ng mga puno. Safe and sound. Nagtungo kami sa isa sa mga pinakakilala at dinarayong temple complex na malapit lamang sa Grand Royal Palace, ang Wat Pho. Ang official name nito ay Wat Phra Chetuphon Vimolmangklararn Rajwaramahaviharn. Kamangha-manghang templo lalo na yung napakalaking Reclining Buddha. Sayang nga lang at hindi ako nakabili ng kahit isang maliit na figurine nito at may Buddha collection pa naman kami sa bahay kahit hindi naman kami mga Buddhists. Madalas nga ay ginagaya ko yung meditative posture ng Buddha ng Thailand. Hindi naman yun lotus position pero kung di sanay eh, masakit din sa mga binti kapag tumagal nang husto, hehe! I love Wat Pho.















Sayang at hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong makapunta sa kalapit na Grand Palace at sa Wat Phra Kaew or Temple of the Emerald Buddha. At mas lalong naghinayang ako na hindi man lamang nasilayan ang Wat Arun or the Temple of Dawn across the Chao Phraya River at mula nang nakita ko ang litrato nito sa encyclopedia, yun din sana ang gusto kong mapuntahan. Well, bumili na nga lang ako ng postcards at anong malay ko na makakapunta uli ako sa Thailand balang araw.

Ganito kasi. Noong nasa Bangkok kami, mga ilang linggo na lamang ay naka-schedule na ang royal cremation para kay King Bhumibol Adulyadej na pumanaw noong nakaraang taon pa. Kaya pala mula Wat Pho, natanaw ko ang isang lugar sa labas nito na natatakpan ng mga trapal at merong towering steel structure na tinatapos pang gawin. Crematorium daw yun. At karamihan sa mga mamamayan ay nakasuot ng itim bilang paghahanda sa isang solemn state funeral. Siyanga pala, karamihan sa mga pangunahing lansangan sa lungsod ay nalilinyahan ng mga potted marigolds o amarillo. Dilaw ang royal color ng bansa. Hindi ko alam kung ano ang local name nila para sa amarillo pero ito ang madalas na flower offerings sa mga templo at mga maliliit na shrines. At nabasa ko na national flower din daw dito ang namumukadkad na golden shower tree.



Si King Chulalongkorn ang pinakakilalang hari ng Thailand. Subalit sa makabagong panahon simula noong 20th century at naging constitutional monarchy man ang uri ang pamahalaan sa bansang dating kilalang Siam, si King Bhumibol ang most-loved, most popular, and hands-on monarch na pinaunlad ang agrikultura sa kaharian at nagpapanatili ng pagkakaisa doon sa kabila ng mga napapaulat pa na magulong political situation at papalit-palit na mga namumunong prime ministers. Nadisgrasya sa pulitika noon si Thaksin Shinawatra pero para sa international community, siya pa rin malamang ang pinakakilalang Thai state leader at para sa mga Pilipino, napagkakamalan siyang look-alike ng iconic crooner na si Jose Mari Chan.

Nakapag-state visit na raw noon sa Pilipinas sometime noong panahon ni dating Pangulong Marcos, ang hari kasama ang kanyang si Queen Sirikit.

Gallery as a tribute to the king






*******
Dalawang beses na akong nakasakay sa sikat na sikat na mode of transport ng Bangkok, ang tuk-tuk. Taxicle kungbaga, hehe! Siyempre, para sa aming mga Pilipino, ang tawag talaga dito ay tricycle pero ang disenyo nito ay nahahawig sa mga environment-friendly racal e-trikes na nagsisimula nang dumami at tinatangkilik na ng commuters tulad ng mga biyaheng Quiapo-Divisoria. Naku, hanggang apat na pasahero lang talaga ang sakay ng tuk-tuk tapos ako yung ikalima kaya tuloy, sa sahig nito ako nakaupo at nakakapit ako ng mahigpit kasi nakakatakot minsan at walang harang sa gilid nito at ang bilis ng pagmamaneho nung mama.



At ang isa pang pampublikong sasakyan at talaga namang pang-masa ay yung version nila ng Pinoy dyipni kahit na hindi ganoong kaakit-akit sa totoo lang (sorry, Thai drivers) pero napupuno rin yun ng pasahero at may mga nakasabit pa sa likuran. Kadalasan ay mga lumang Nissan pick-up vans na nilagyan ng bubong. Yung isa pang sasakyang tinatangkilik ng Thai commuters na gustong umiwas sa heavy traffic ay mga motorbikes kung saan ang mga lisensyadong drayber ay nakasuot ng tsaleko na may numero samantalang dito sa Pilipinas, habal-habal ang tawag doon na ipinagbabawal na sa Metro Manila pero pwedeng-pwede naman sa mga probinsya.

Hehe, nakapaglakad-lakad din kami sa mga kalsada ng notoryus na lugar na ito. Front lang malamang yung night bazaar dahil ang nagbibigay ng kasikatan sa Patpong ay ang dinarayong night spots and red light district with the so-called sex tourism alongside wholesome entertainment naman brought about by ‘lady boys’ and action-packed boxing matches. Tapos sa isang nadaanan naming bar, yung bouncer ay nagtatawag na sa mga dumaraang turista na ‘ping-pong show’ daw. Ano yun? Later on, I did a little research... damn it, akala ko table tennis exhibition games; yun pala, yung ping pong ball ay ihahagis ng kostumer para mai-shoot sa... ay, di bale na nga! Hihi, kakadiri naman, o!  

City tours. Mainam at bilingual na ang signboards sa mga pampublikong lugar tulad ng isang ito sa Wat Pho na kahit agaw-pansin ang grammar. Maraming Thai ang nakakapagsalita na ang English kahit ilang salita o parirala man lang dahil sanay na sila sa mga turista lalo pa’t ang kanilang bansa ay kabilang sa mga nangunguna sa turismo sa mundo. Ayon sa lady driver ng taxi na sinakyan namin, maraming Filipina teachers sa Bangkok at nagtuturo ng English. Madali rin namang ‘kausap’ ang mga locals tulad na lang kapag may bibilhin ang mga turista, palaging meron silang dalang calculator lalo na sa tawaran. Minsan nga ay nakikipag-usap kami in English sa mga tao doon tapos sumasagot sila sa wika nila nang madalas pero kahit papaano meron pa rin significant na pagkakaintindihan. “Land of Smiles” daw ang Thailand lalo na sa Bangkok na kahit maraming locals ang hindi masyadong makapag-English ay sapat na ang mga ngiti nila.

Land/City of Smiles... I don’t agree much with this title which has been bestowed by the international community upon Bangkok and the rest of Thailand, honestly. Any city or country anywhere in the world can be called “land of smiles” be it in the stressful side of Metro Manila, Kabul, Baghdad, and Darfur as long as the people, despite the hardships they endure, manage to move on in life with hopes and dreams and happily wear a sweet smile to brighten up each day, the term called “joie de vivre”. Marami sa mga napuntahan namin sa Bangkok, hehehe, yung ilang tao ay hindi rin naman palangiti, eh. Siguro ay stress din sa trabaho nila at mga di-maiiwasang pag-aalala o suliranin sa pang-araw-araw.




Basta Thai cuisine, maanghang na marami ang rekado bunga ng Indian influence tulad ng pad thai, green curry, at tom yum. Kahit yung nasa localized menu ng mga fastfood chains nila na grabe ang rekado sa fish fillet rice toppings at sa hamburger! Pero ang traditional Thai cuisine ay malasa at masustansya dahil din kasi maraming luto sa gulay at mga sahog na herbs. Masasarap din ang mga prutas sa bansang iyon. Di pa ako nakakain sa isang Thai resto dito sa Pilipinas pero kilala rin ang mga putahe nila. Pero when it comes to sinigang vs. tom yum goong? Sinigang pa rin! Saan kaya sa Bangkok ang mga restaurant at karinderya ng mga Pilipino? Wala nga sa mga malls nila na pulos Japanese and Chinese resto naman!

Kabilang din sa mga napuntahan namin ay ang Madame Tussaud’s Wax Museum sa Siam Paragon na nasa high-end mall complex ng syudad. Exciting ang pumunta doon. Nakatutuwa ang mga life-size wax figures ng mga kilalang tao mula sa larangan ng politics, music, arts, science and technology, sports, and showbiz.

Pero nakukulangan ako sa mga naka-exhibit. Siguro may mga napalitang figures dahil di naman nagtatagal ang wax, di ba? Wala man lang representative na Pilipino sa gallery of Southeast Asian state leaders and heroes! Hindi nila kilala si Jose Rizal! O, siguro, dapat ay iniisa-isa ko ang mga nakahilerang printed biography with picture ng mga lider ng mga bansa at baka kasama naman pala doon ang tungkol sa isa man kina Marcos, Cory, o Duterte.  At ang isa pang puna na dapat ay inihayag ko sa feedback kiosk ni “Jim Carrey” sa museum exit ay tungkol sa photo gallery na ito.

Bakit sa dinami-dami ng kilalang tao ng 20th century, isinama pa nila ang litrato ni Adolf Hitler? Kung pwede lang mag-suggest sa may-ari ng museum na ito, sana ang larawan na lamang ni General Douglas MacArthur o si President Cory na first female president in Asia. Bakit wala si Saint Pope John Paul II na nakabisita na rin noon sa Thailand at kay King Bhumibol at kabilang din sa mga pinaka-maimpluwensyang lider sa kasaysayan? Well, at least , hindi naman na-bypass si St. Mother Teresa of Calcutta. Mabuti naman.


Bukod sa MBK mall, nakapamili rin kami sa mala-Divisoria/Baclaran combination ng Bangkok, ang Chatuchak Weekend Market na halos nasa city outskirts na. Nakalulula ang lawak ng mga pamilihan at karamihan talaga ay mura basta makapal ang iyong Thai Baht sa bulsa. Ang dami rin ng aming pinamili lalo na mga souvenir  t-shirts, refrigerator magnets, keychains at iba pa. Marami rin garments and accessories ang nakakarating din sa mga pamilihan sa Pilipinas. Lahat ng mga abot-kayang t-shirts na nabili ko noon sa Liana’s Supermarket and Department Store sa Taft Rotonda dito sa Pasay, made in Thailand ang mga yun at maganda ang quality.

*******

Oktubre 8. Madaling-araw pa lang at tulog pa ang lungsod, nakapag-empake at nakagayak na kami patungong airport. Natanaw ko ang maaliwalas na langit at ang konstelasyon ng Orion. Ang bilis lang ng biyahe papuntang Suvarnaphumi at mangilan-ngilan pa lamang ang mga pasaherong naka-check in na doon.



Excited na kaming umuwi sa Pilipinas. Patuloy ang maaliwalas na panahon kahit maulap pag-uwi namin. Maraming salamat sa Panginoon, ang lakbay ay maayos at banayad pa rin tulad noong papuntang Thailand. I miss Bangkok agad-agad pag-take off pa lang ng eroplano ng Thai Airways sa airport. Sana sa muling pagkakataong makapamasyal uli doon, nais kong mapuntahan ang ilan pang dinarayong templo at iba pang tourist spot na hindi namin napuntahan dahil ang ikli ng aming bakasyon doon.