This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Monday, December 29, 2014

Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon sa Blogger ng Soliloquy Beyond na Tinatawag na Weirdjtt





Dazzling lights
The ignition of tungsten filaments
The Siberian-chilled northeast monsoon
Burst of colors
Yet holiday blues
This weirdo sighed
And sent a soliloquy
Merry Christmas...
Happy New Year...
To myself.



Thursday, November 27, 2014

Provocative




A sketched satire on usual impressions seen somewhere along 10th-29th and 8th-27th streets here in Villamor Air Base featuring some students of 
Pasay City South High School (PCSHS)and Philippine State College of Aeronautics (PHILSCA); hey, related comments can be read in the March 2013 post "Lagaslas ng Waters of March Bossanova"


Cannabis sativa seeking refuge under the ancient, mystical caduceus to shield it from the adik-adik users;

HEY, I AM NOT A SUPPORTER OF THAT MED WEED ADVOCACY GROUP!

Ode to the Amsterdam Red Light District Window Lady
Let her cry/  for she’s a lady/ Let her dream/ for she’s a child/ Let the rain/ fall down upon her/ She’s a free and gentle flower/ Growing wild (from “Wildflower” by Skylark)



“ The Vision of the Discreet Child Pornographer”

And then you suddenly left
Just as I finally realized
How you had gladdened my private world
The very thought of you, just you
Unceasing, impure phantasmagoria
Infatuation fusing into this predatory desire
I’m engaged into silent obsession
And yet... unconsummated
Neither liberate it nor remain it bound tight
Oh, please never let worries and paranoia
Disturb your existence
I kept my cold distance
 My actions are highly restrained
Please stay there, where you are
My temptation, you unknowingly excited me
Though I won’t destroy you once you come near
But your smile and glances sicken me
Let me languish in my loneliness
Restraint is the reason for my self-pity
While you are there enjoying your youth
Someday, I’ll be free of this side of myself
Someday, I will, I shall
However, you will never know
That in my mind, you fell into seduction
In my mind, you are mine
In my mind, you are only mine
In my mind, you already know
And it’s time to rise from this dreamy slumber
The embrace of the subconscious
It is I... and you will never know.

CAUTION! Even though, this poetry contains provocative statements, it never advocates for the filthy s*** of pornography and other offenses against human dignity. The speaker of the poetry is one disturbed person who is battling the dark side of the ego.


           Pagmamay-ari ng weirdong blogger na ito ang naka-upload na litrato na may caption at ang mahabang tula na nasa wikang Ingles ay aking kinatha. Malilintikan sa akin sa paraang ako lang ang nakababatid ang mga aagaw ng mga ito upang maging kanila o yung tinatawag na infringement.

            Well, about the bizarre verses, it is a probe into the mind of a greatly unexpected subject to be an inspiration for a poetry. The poem itself hates the iniquity of all types of obscenity. And as for all anonymous readers out there who got disappointed for this month’s blog post because you’re probably expecting for heavy essays containing views and insights on any matters and issues which caught your interest or whims, I AM NOT BLOGGING FOR YOUR ENTERTAINMENT. I AM BLOGGING FOR MY SELF-ESTEEM.





Friday, October 31, 2014

This Blog is a Monologue not a Dialogue



Soliloquy vs. colloquy vs. obloquy vs. ventriloquy

            And for y’all schnooks out there who still pronounce the last two syllables as  /lokuy/ as in “kolokoy” or “solilokuy”, it’s  /lok-wi/  - “so-li-lo-kwi”; get it?

*******


Father Damien of Moloka'i, Hawaii, now St. Damien de Veuster (courtesy of Wikipedia/uploader Thurifer)


Before Blessed Mother Teresa of Calcutta, the 19th century world of charity, humanitarian, and spiritual cause had a Belgian missionary to the remote leper colony of Molokai, Hawaii named Father Damien Veuster.

Now, as ebola still on its outbreak in some Western African countries, we know that modern Father Damiens are still there with faith, selflessness, and courage which the gravest strain of virus will never devour. Aside from preventive measures, let us pray for effective medication against the disease and terminate the scare that caused misery to so many people.

*******



The “blood moon” or penumbral lunar eclipse last October 8, 2014.


*******


Isa sa mga episode ng “Ancient Aliens” na tinutukan ko nang husto ay yung tungkol sa Higgs boson, isang mahiwagang particle na kapag nakadaupang-palad ang iba pang particles sa loob ng so-called Higgs field ay makabubuo ng matter with mass- ganito raw ang pinaniniwalaang kaganapan noong “Big Bang” ayon sa teorya ng mga scientists. Kaya raw nabuo ang mga bituin, planeta, at iba pang cosmic matter. Binansagan din ang Higgs boson na “God particle”. What? Higit pang mainam kung sasabihing “God’s particle”. Ang isang yun ay pagmamay-ari ng Diyos at hindi ng mga scientists kahit pa buong buhay nilang pag-aralan ito sa loob ng pamosong Large Hadron Collider sa Geneva, Switzerland. Tapos, may ipinakita pa sa naturang programa ng History Channel ang isang video footage na sa labas ng LHC headquarters sa CERN, merong malaking replika ng sumasayaw na si Shiva, the god of destruction and rebirth sa Hindu trinity.

An ancient Indian artifact depicting Shiva Nataraja, Lord of Cosmic Dance (courtesy of Wikipedia/uploader:JuliaW)

 Akala ko, karamihan sa mga scientists doon ay mga non-believers, hehe! Siguro ang “cosmic dance inside a circle” ang naging inspirasyon para sa hadron collider. Oo nga, ano? Nagyuyugyugan ang mga fundamental particles sa loob ng hadron collider na nagiging dance floor nila. Hehehe! 

*******

Noong isang araw pa ginunita ang anibersaryo ng Visayan earthquake na naminsala sa maraming lugar sa Bohol at sa Cebu tapos sa Nobyembre naman ang sa Bagyong Yolanda. Kaya nga sa bawat araw na maaliwalas na panahon ay ating ipagpasalamat. Kung mahina lamang ang pag-uga na nadama ng seismograph o ng richter scale at kapag iniwasan ang anumang bahagi ng bansa natin ng mga supertyphoon na napaulat na pumapasok sa Philippine area of responsibility, lubos pa rin tayong magpasalamat sa Panginoon. Amen.

*******

Ilang araw nang nananaghoy itong balita tungkol sa isang karumal-dumal na kaso sa Subic na kinasangkutan ng isang Amerikanong sundalo na mula sa US troops na lumahok sa Visiting Forces Agreement. Ibang-iba ito mula sa Subic rape case na iyon noon na yumanig sa relasyong Pilipinas at Amerika at nagpalakas sa panawagan na buwagin na ang VFA. May overseas fiancƩ na pala ang Pinay transgender pero bakit sumama pa siya sa ibang lalaki na naging mitsa ng kapahamakan niya? At itong mukhang babaerong Amerikano ay malamang na langung-lango galing sa R & R niya kaya siguro nawala sa sariling katinuan nang napag-alamang artipisyal na babae ang ka-date at nakagawa ng krimen na ikinasira rin ng buhay niya. Wala akong karapatang manghusga basta ang napansin ko talaga sa kaso ay human frailty sa panig ng salarin at ng biktima. Pagkatapos ay nasundan ng iba pang ugong at kontrobersya katulad ng ginawang pambabastos ng German fiancƩ ng biktima sa isang sundalong Pinoy na nagbabantay sa detention facility ng salarin.

Ang VFA Agreement ay sadya talagang merong pros and cons. May benefits din daw ito para sa dalawang bansa pagdating sa joint military trainings. Kaya lang, para bang naroon pa rin ang isang pakiramdam na tila sinusundan ito ng mga nagbabantang suliranin- mga mabibigat at nakagagalit na suliranin. Karapatan naman ng mga sundalo na magkaroon ng R & R nila matapos ng nakapapagod na military training pero hindi nila karapatang mamerwisyo at lalo na ang masangkot sa krimen dala ng pagkalimot sa tunay na disiplina o kung ano ang wasto at ang kamalian sa maaari nilang magawa.

*******
 1970 coin (courtesy of Wikipedia/uploader KaElin)


Noong isang araw pa nag-premiere ang “Ilustrado” sa GMA-7. Rizalista naman ako on my own right, ano? Hehehe, ang subject na “Rizal” ang paborito ko noong college. Ito kasi ang nagpapagaan ng mood ko; fresh breeze mula sa mabibigat, nakawiwindang, and monotonous major subjects ng B.S. Customs Administration sa Asian Institute of Maritime Studies (AIMS) noon. Bago pa lang ito ipalabas sa TV, nakabili na ako noon sa Liana’s Supermarket (Taft Rotonda) ng isang kopya ng pinakapopular Rizal reference textbook na ang may-akda ay si Gregorio Zaide. Kakaiba nga lang ang kulay ng nabanggit na Kapuso primetime bayaniserye na para bang faded independent film ang itsura kapag pinanonood. At saka, no offense sana sa artists behind the official soundtrack, iba-iba lang tayo ng trip. Honestly, di ko trip ang hip-hop theme lalo na yung rap; nakakainis pakinggan sa totoo lang na sana instrumental music na lamang ang pinili nilang background music nito. At least, nagsasabi naman ako ng totoo sa aking komento sa palatuntunang iyon. Pero di bale, at hindi nai-spoil ng tugtog nito ang paglasap ng bawat makabayang manonood sa “Ilustrado”.

Ilang beses na nabanggit sa serye at kahit sa pinakamagandang Rizal movie na “JosĆ© Rizal” (also a GMA production) na magpinsan ang ating pambansang bayani at ang kanyang long time lady love na si Leonor Rivera na inspirasyon niya sa Maria Clara character ng “Noli Me Tangere”. Magpinsan? Malamang malayong magpinsan. Siguro naman kahit sa mga panahong iyon ay hindi pinapayagan ang magpinsang buo na magkatuluyan and its for ethics and genetics. Well, isa sa mga pinaka-intriguing kwento kay Rizal ay ang tungkol sa marami niyang chikas ngunit si Josephine Bracken pa rin ang kanyang nakatadhana. Gamitin ang makulay na imahinasyon. Wondering naman na paano kung maayos na naipanganak sa mundong ibabaw ang anak nila? Paano kung sa ayaw at sa gusto ni Rizal ay itinakas siya ni Andres Bonifacio mula sa Fort Santiago at siya ang itinalagang Pangulo ng rebolusyunaryong pamahalaan? Belat na lang sa partido Magdalo ni Emilio Aguinaldo at sa mga alipores nitong taga-Cavite na inggit lang kasi kay Bonifacio. 

Just kidding. Hay, sana ibang klase ang huling kabanata ng “Ilustrado” na huwag sana bitin, ha!

This comment is posted on December 6, 2014: Sa totoo lang, GMA Network, unsatisfactory ang ending ng inyong "Ilustrado". Tulad nga ng sabi nitong isang Inquirer columnist, your bayani-serye had more misses than hits! Bakit wala si Josephine Bracken o yung tungkol sa second golden, happy years ni Rizal sa Dapitan? Siniksik niyo naman kasi sa loob ng 20 episodes, eh; para lamang maipalabas agad yung corny na "More Than Words", tsktsktsk!


*******

Malapit nang magsimula ang second semester. Noong isang araw lamang ay pumunta kami ng nanay ko sa Philippine Normal University (PNU). Gusto ko kasing mag-inquire sa Admissions Office tungkol sa graduate studies program nila particularly ang masteral course sa pagtuturo ng history, ang specialization na target ko talaga (ayoko na ng educational management). Naka-nine units na ako sa MAEd course ko sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasay or better known now as City University of Pasay. Tinanong ko yung ale na nakatoka sa Admissions kung pwede ba akong mag-transfer at kung credited na ang mga natapos kong subjects tutal ang dalawang core subjects dito ay pareho lamang sa curriculum nila. Sabi nila, hindi raw pwede. Dapat sa PNU talaga ako nagsimula.

Oh, well... magsimula uli? Sayang naman ang pinagpaguran ko sa CUP! Tsktsktsk! Ayoko sanang mag-isip nang may malisya matapos kong mabasa itong breakdown ng tuition nila sa kanilang flyers. Government school din ang PNU pero di-hamak na mas mahal ang bayad per unit at may iba’t ibang charges pa na ewan ko kung para saan ang ilan at kung magagamit pa ba ito ng estudyante. Kungsabagay, noong nag-aaral pa ako dito sa PNU sa kursong Certificate in Teaching Program, may iba pang binayaran noon pero mas mura pa ang tuition.

MAEd Specialization in Teaching History. Aborted goal. Gustung-gusto ko pa naman ang mga aralin tungkol sa kasaysayan at sasapakin ko ang mga nagsasabing boring subject lang ito... joke. Kaya lang, napag-isip-isip ko na kailangan pa bang maging titulado ng pagpapakadalubhasa sa MAEd course na yun para masabing effective teacher ka sa HEKASI o Araling Panlipunan? Namimilosopo na ako!

Post script. Nabasa ko sa isang nakapaskil sa main entrance ng PNU doon sa Geronima Pecson Hall na ang campus nila ay “gender-sensitive”. Well, that’s ideal para sa isang tanyag na institution for higher learning. Naalala ko ang Filipino section ng General Education reviewer ko para sa board exams na inilathala at inilimbag din mismo ng PNU. May paksa kasi doon sa wika tungkol sa sintaks o pagbubuo at pagpapahaba ng pangungusap. Ito yung mga ibinigay na halimbawa ng  tiniyak ang panaguri: batayang pangungusap- Bakla ang nakita niya. (sino ang nakita niya?) hangong pangungusap- Ang bakla ang nakita niya. (tinitiyak kung sino ang nakita)     

 O, baka naman ang contributor ng kabanatang ito sa reviewer ay isang beki na nagpapakwela lang, ano?


*******

Kabilang sa aming original audio CD collection itong album na “Timeless Pieces” na naglalaman ng instrumental renditions of contemporary international and Filipino songs ng kilala noong Japanese harpist na si Tadao Hayashi (†). Meron pa kaming casette noon nito at natatandaan ko pa ang balita tungkol sa kanya maraming taon na ang lumipas. Ayon sa mga awtoridad, pinatay siya sa loob ng kanyang bahay sa Kalookan at ang itinuturong salarin ay itong lalaking regular na masahista niya and alleged ‘lover’ dahil may mga kwentu-kwento kasi noon tungkol sa gender preference niya; huwag na lang akong manghusga. Sikat siya noong ‘80s and ‘90s bilang musikero sa mga high end gigs pero kumupas din ang career niya. Matagal nang namayapa ang nabanggit na harp player ngunit ang kanyang musika ay imortal; hence, timeless at nakapagpapagaan ng kalooban ang pakinggan at i-appreciate ito sa bawat pagtugtog ng CD or casette ng kanyang performances.


*******

Binay period pa rin buhat pa nitong mga nakaraang araw, o! Kibitbalikat na lang ako... ah, oo nga pala! Sa blog page na “Moonlight Embrace” (please refer to the side menu bar of this page), mayroong sanaysay doon na originally nai-post sa aking first but now defunct Friendster blog site. 2010 pa ang blog post na yun na katatapos lang ng Presidential Elections. True na ang ibinoto ko sa pagka-Pangalawang Pangulo ay si Jejomar Binay na Makati City mayor pa prior to the elections. Kabilang pa nga sa naka-line up sa photo gallery ng blog na “Autumn Colors of the Talisay Trees” (refer to the November 2011 post), ang isang kuhang larawan sa Teachers’ Day Celebration sa Ultra-Pasig kung saan makikita ang VP na nagtatalumpati; sabi niya ang kanyang nanay ay isang titser.

Yet things are different now. Annoying and suspicious political dynasties are bwisit nowadays.

Mayroon pa bang pulitiko sa ating bansa ngayon na allergic na makagawa ng kamalian at para sa kanya, tunay na kaligayahan na ang paglingkuran nang tapat ang sambayanang Pilipino? Isang pulitiko who prefers simplicity just like that of Pope Francis and invests in the welfare of the Filipino people rather in material wealth?


*******

Noong Linggo nang kami ay nagsimba sa Our Lady of Loreto Chapel sa loob ng kampo ng Villamor Air Base, may binasang CBCP pastoral letter ang pari bago matapos ang Misa. Pahayag ito tungkol sa patuloy na paggamit ng pananalitang “acts of God” bilang legal term sa mga dokumento tungkol sa mga natural na kalamidad at iba pang sakuna; pati siguro mga atheists and agnostics ay reluctantly tinatangkilik ang legal term na ito sa kanilang mga papeles. However for religious sensitivity, the aforementioned term sounds blasphemous and violates the Second Commandment. Ang Panginoong Diyos ay mahal na mahal ang Kanyang nilikha. Dapat bang isisi sa Kanya ang mga nangyayaring sakuna na nagdudulot ng pighati sa tao? Buti pa si Job. Sa kabila ng sinapit na sunud-sunod na dagok sa buhay niya, hindi niya sinumbatan ang Diyos.

Kailan kaya mapapalitan ang legal term na iyon? Sana palitan na ito ng secular legal term o di kaya’y simply sabihin na lang na natural calamity; ganoon!


*******

Magtatapos na ang Oktubre at panahon na ng Undas. Well, umiwas na kami sa heavy traffic at siksikan sa sementeryo. Noong Linggo, pagkagaling namin sa Misa ay nagtungo na kami sa Manila Memorial Park sa Sucat, ParaƱaque upang bumisita sa lolo at lola ko. Napakaganda ng panahon nang araw na iyon at walang kalat sa sementeryo. Ito talaga ang pinakamainam na pagkakataon.

Nobyembre na at ilang araw na lamang ay Pasko na!