Soliloquy vs. colloquy vs. obloquy
vs. ventriloquy
And for y’all schnooks out there who
still pronounce the last two syllables as
/lokuy/ as in “kolokoy” or
“solilokuy”, it’s /lok-wi/ - “so-li-lo-kwi”; get it?
*******
Father Damien of Moloka'i, Hawaii, now St. Damien de Veuster (courtesy of Wikipedia/uploader Thurifer)
Before Blessed Mother Teresa of Calcutta, the 19th
century world of charity, humanitarian, and spiritual cause had a Belgian
missionary to the remote leper colony of Molokai, Hawaii named Father Damien
Veuster.
Now, as ebola still on its outbreak in some Western
African countries, we know that modern Father Damiens are still there with
faith, selflessness, and courage which the gravest strain of virus will never
devour. Aside from preventive measures, let us pray for effective medication
against the disease and terminate the scare that caused misery to so many
people.
*******
The “blood moon” or penumbral lunar eclipse last
October 8, 2014.
*******
Isa sa mga episode ng “Ancient Aliens” na tinutukan ko
nang husto ay yung tungkol sa Higgs boson, isang mahiwagang particle na kapag
nakadaupang-palad ang iba pang particles sa loob ng so-called Higgs field ay
makabubuo ng matter with mass- ganito raw ang pinaniniwalaang kaganapan noong
“Big Bang” ayon sa teorya ng mga scientists. Kaya raw nabuo ang mga bituin,
planeta, at iba pang cosmic matter. Binansagan din ang Higgs boson na “God
particle”. What? Higit pang mainam kung sasabihing “God’s particle”. Ang isang
yun ay pagmamay-ari ng Diyos at hindi ng mga scientists kahit pa buong buhay
nilang pag-aralan ito sa loob ng pamosong Large Hadron Collider sa Geneva,
Switzerland. Tapos, may ipinakita pa sa naturang programa ng History Channel
ang isang video footage na sa labas ng LHC headquarters sa CERN, merong malaking
replika ng sumasayaw na si Shiva, the god of destruction and rebirth sa Hindu
trinity.
An ancient Indian artifact depicting Shiva Nataraja, Lord of Cosmic Dance (courtesy of Wikipedia/uploader:JuliaW)
Akala ko, karamihan sa mga scientists doon ay mga non-believers, hehe!
Siguro ang “cosmic dance inside a circle” ang naging inspirasyon para sa hadron
collider. Oo nga, ano? Nagyuyugyugan ang mga fundamental particles sa loob ng
hadron collider na nagiging dance floor nila. Hehehe!
*******
Noong isang araw pa ginunita ang anibersaryo ng
Visayan earthquake na naminsala sa maraming lugar sa Bohol at sa Cebu tapos sa
Nobyembre naman ang sa Bagyong Yolanda. Kaya nga sa bawat araw na maaliwalas na
panahon ay ating ipagpasalamat. Kung mahina lamang ang pag-uga na nadama ng
seismograph o ng richter scale at kapag iniwasan ang anumang bahagi ng bansa
natin ng mga supertyphoon na napaulat na pumapasok sa Philippine area of
responsibility, lubos pa rin tayong magpasalamat sa Panginoon. Amen.
*******
Ilang araw nang nananaghoy itong balita tungkol sa
isang karumal-dumal na kaso sa Subic na kinasangkutan ng isang Amerikanong
sundalo na mula sa US troops na lumahok sa Visiting Forces Agreement. Ibang-iba
ito mula sa Subic rape case na iyon noon na yumanig sa relasyong Pilipinas at
Amerika at nagpalakas sa panawagan na buwagin na ang VFA. May overseas fiancé
na pala ang Pinay transgender pero bakit sumama pa siya sa ibang lalaki na
naging mitsa ng kapahamakan niya? At itong mukhang babaerong Amerikano ay
malamang na langung-lango galing sa R & R niya kaya siguro nawala sa
sariling katinuan nang napag-alamang artipisyal na babae ang ka-date at
nakagawa ng krimen na ikinasira rin ng buhay niya. Wala akong karapatang
manghusga basta ang napansin ko talaga sa kaso ay human frailty sa panig ng
salarin at ng biktima. Pagkatapos ay nasundan ng iba pang ugong at kontrobersya
katulad ng ginawang pambabastos ng German fiancé ng biktima sa isang sundalong
Pinoy na nagbabantay sa detention facility ng salarin.
Ang VFA Agreement ay sadya talagang merong pros and cons.
May benefits din daw ito para sa dalawang bansa pagdating sa joint military
trainings. Kaya lang, para bang naroon pa rin ang isang pakiramdam na tila
sinusundan ito ng mga nagbabantang suliranin- mga mabibigat at nakagagalit na
suliranin. Karapatan naman ng mga sundalo na magkaroon ng R & R nila
matapos ng nakapapagod na military training pero hindi nila karapatang
mamerwisyo at lalo na ang masangkot sa krimen dala ng pagkalimot sa tunay na
disiplina o kung ano ang wasto at ang kamalian sa maaari nilang magawa.
*******
1970 coin (courtesy of Wikipedia/uploader KaElin)
Noong isang araw pa nag-premiere ang “Ilustrado” sa
GMA-7. Rizalista naman ako on my own right, ano? Hehehe, ang subject na “Rizal”
ang paborito ko noong college. Ito kasi ang nagpapagaan ng mood ko; fresh
breeze mula sa mabibigat, nakawiwindang, and monotonous major subjects ng B.S.
Customs Administration sa Asian Institute of Maritime Studies (AIMS) noon. Bago
pa lang ito ipalabas sa TV, nakabili na ako noon sa Liana’s Supermarket (Taft
Rotonda) ng isang kopya ng pinakapopular Rizal reference textbook na ang
may-akda ay si Gregorio Zaide. Kakaiba nga lang ang kulay ng nabanggit na
Kapuso primetime bayaniserye na para bang faded independent film ang itsura
kapag pinanonood. At saka, no offense sana sa artists behind the official
soundtrack, iba-iba lang tayo ng trip. Honestly, di ko trip ang hip-hop theme
lalo na yung rap; nakakainis pakinggan sa totoo lang na sana instrumental music
na lamang ang pinili nilang background music nito. At least, nagsasabi naman
ako ng totoo sa aking komento sa palatuntunang iyon. Pero di bale, at hindi
nai-spoil ng tugtog nito ang paglasap ng bawat makabayang manonood sa
“Ilustrado”.
Ilang beses na nabanggit sa serye at kahit sa
pinakamagandang Rizal movie na “José Rizal” (also a GMA production) na
magpinsan ang ating pambansang bayani at ang kanyang long time lady love na si
Leonor Rivera na inspirasyon niya sa Maria Clara character ng “Noli Me
Tangere”. Magpinsan? Malamang malayong magpinsan. Siguro naman kahit sa mga
panahong iyon ay hindi pinapayagan ang magpinsang buo na magkatuluyan and its
for ethics and genetics. Well, isa sa mga pinaka-intriguing kwento kay Rizal ay
ang tungkol sa marami niyang chikas ngunit si Josephine Bracken pa rin ang
kanyang nakatadhana. Gamitin ang makulay na imahinasyon. Wondering naman na
paano kung maayos na naipanganak sa mundong ibabaw ang anak nila? Paano kung sa
ayaw at sa gusto ni Rizal ay itinakas siya ni Andres Bonifacio mula sa Fort
Santiago at siya ang itinalagang Pangulo ng rebolusyunaryong pamahalaan? Belat
na lang sa partido Magdalo ni Emilio Aguinaldo at sa mga alipores nitong
taga-Cavite na inggit lang kasi kay Bonifacio.
Just kidding. Hay, sana ibang klase ang huling
kabanata ng “Ilustrado” na huwag sana bitin, ha!
This comment is posted on December 6, 2014: Sa totoo lang, GMA Network, unsatisfactory ang ending ng inyong "Ilustrado". Tulad nga ng sabi nitong isang Inquirer columnist, your bayani-serye had more misses than hits! Bakit wala si Josephine Bracken o yung tungkol sa second golden, happy years ni Rizal sa Dapitan? Siniksik niyo naman kasi sa loob ng 20 episodes, eh; para lamang maipalabas agad yung corny na "More Than Words", tsktsktsk!
This comment is posted on December 6, 2014: Sa totoo lang, GMA Network, unsatisfactory ang ending ng inyong "Ilustrado". Tulad nga ng sabi nitong isang Inquirer columnist, your bayani-serye had more misses than hits! Bakit wala si Josephine Bracken o yung tungkol sa second golden, happy years ni Rizal sa Dapitan? Siniksik niyo naman kasi sa loob ng 20 episodes, eh; para lamang maipalabas agad yung corny na "More Than Words", tsktsktsk!
*******
Malapit nang magsimula ang second semester. Noong
isang araw lamang ay pumunta kami ng nanay ko sa Philippine Normal University
(PNU). Gusto ko kasing mag-inquire sa Admissions Office tungkol sa graduate
studies program nila particularly ang masteral course sa pagtuturo ng history,
ang specialization na target ko talaga (ayoko na ng educational management).
Naka-nine units na ako sa MAEd course ko sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasay or
better known now as City University of Pasay. Tinanong ko yung ale na nakatoka
sa Admissions kung pwede ba akong mag-transfer at kung credited na ang mga
natapos kong subjects tutal ang dalawang core subjects dito ay pareho lamang sa
curriculum nila. Sabi nila, hindi raw pwede. Dapat sa PNU talaga ako nagsimula.
Oh, well... magsimula uli? Sayang naman ang
pinagpaguran ko sa CUP! Tsktsktsk! Ayoko sanang mag-isip nang may malisya
matapos kong mabasa itong breakdown ng tuition nila sa kanilang flyers.
Government school din ang PNU pero di-hamak na mas mahal ang bayad per unit at may
iba’t ibang charges pa na ewan ko kung para saan ang ilan at kung magagamit pa
ba ito ng estudyante. Kungsabagay, noong nag-aaral pa ako dito sa PNU sa
kursong Certificate in Teaching Program, may iba pang binayaran noon pero mas
mura pa ang tuition.
MAEd Specialization in Teaching History. Aborted goal.
Gustung-gusto ko pa naman ang mga aralin tungkol sa kasaysayan at sasapakin ko
ang mga nagsasabing boring subject lang ito... joke. Kaya lang, napag-isip-isip
ko na kailangan pa bang maging titulado ng pagpapakadalubhasa sa MAEd course na
yun para masabing effective teacher ka sa HEKASI o Araling Panlipunan?
Namimilosopo na ako!
Post script. Nabasa ko sa isang nakapaskil sa main
entrance ng PNU doon sa Geronima Pecson Hall na ang campus nila ay “gender-sensitive”.
Well, that’s ideal para sa isang tanyag na institution for higher learning.
Naalala ko ang Filipino section ng General Education reviewer ko para sa board
exams na inilathala at inilimbag din mismo ng PNU. May paksa kasi doon sa wika
tungkol sa sintaks o pagbubuo at pagpapahaba ng pangungusap. Ito yung mga
ibinigay na halimbawa ng tiniyak ang
panaguri: batayang pangungusap- Bakla ang
nakita niya. (sino ang nakita niya?) hangong pangungusap- Ang bakla ang nakita niya. (tinitiyak kung
sino ang nakita)
O, baka naman
ang contributor ng kabanatang ito sa reviewer ay isang beki na nagpapakwela
lang, ano?
*******
Kabilang sa aming original audio CD collection itong
album na “Timeless Pieces” na naglalaman ng instrumental renditions of
contemporary international and Filipino songs ng kilala noong Japanese harpist
na si Tadao Hayashi (†). Meron pa kaming casette noon nito at natatandaan ko pa
ang balita tungkol sa kanya maraming taon na ang lumipas. Ayon sa mga
awtoridad, pinatay siya sa loob ng kanyang bahay sa Kalookan at ang itinuturong
salarin ay itong lalaking regular na masahista niya and alleged ‘lover’ dahil
may mga kwentu-kwento kasi noon tungkol sa gender preference niya; huwag na
lang akong manghusga. Sikat siya noong ‘80s and ‘90s bilang musikero sa mga
high end gigs pero kumupas din ang career niya. Matagal nang namayapa ang
nabanggit na harp player ngunit ang kanyang musika ay imortal; hence, timeless
at nakapagpapagaan ng kalooban ang pakinggan at i-appreciate ito sa bawat
pagtugtog ng CD or casette ng kanyang performances.
*******
Binay period pa rin buhat pa nitong mga nakaraang
araw, o! Kibitbalikat na lang ako... ah, oo nga pala! Sa blog page na
“Moonlight Embrace” (please refer to the side menu bar of this page), mayroong
sanaysay doon na originally nai-post sa aking first but now defunct Friendster
blog site. 2010 pa ang blog post na yun na katatapos lang ng Presidential
Elections. True na ang ibinoto ko sa pagka-Pangalawang Pangulo ay si Jejomar
Binay na Makati City mayor pa prior to the elections. Kabilang pa nga sa
naka-line up sa photo gallery ng blog na “Autumn Colors of the Talisay Trees”
(refer to the November 2011 post), ang isang kuhang larawan sa Teachers’ Day
Celebration sa Ultra-Pasig kung saan makikita ang VP na nagtatalumpati; sabi
niya ang kanyang nanay ay isang titser.
Yet things are different now. Annoying and suspicious
political dynasties are bwisit nowadays.
Mayroon pa bang pulitiko sa ating bansa ngayon na
allergic na makagawa ng kamalian at para sa kanya, tunay na kaligayahan na ang
paglingkuran nang tapat ang sambayanang Pilipino? Isang pulitiko who prefers
simplicity just like that of Pope Francis and invests in the welfare of the
Filipino people rather in material wealth?
*******
Noong Linggo nang kami ay nagsimba sa Our Lady of
Loreto Chapel sa loob ng kampo ng Villamor Air Base, may binasang CBCP pastoral
letter ang pari bago matapos ang Misa. Pahayag ito tungkol sa patuloy na
paggamit ng pananalitang “acts of God”
bilang legal term sa mga dokumento tungkol sa mga natural na kalamidad at iba
pang sakuna; pati siguro mga atheists and agnostics ay reluctantly
tinatangkilik ang legal term na ito sa kanilang mga papeles. However for
religious sensitivity, the aforementioned term sounds blasphemous and violates
the Second Commandment. Ang Panginoong Diyos ay mahal na mahal ang Kanyang
nilikha. Dapat bang isisi sa Kanya ang mga nangyayaring sakuna na nagdudulot ng
pighati sa tao? Buti pa si Job. Sa kabila ng sinapit na sunud-sunod na dagok sa
buhay niya, hindi niya sinumbatan ang Diyos.
Kailan kaya mapapalitan ang legal term na iyon? Sana
palitan na ito ng secular legal term o di kaya’y simply sabihin na lang na natural calamity; ganoon!
*******
Magtatapos na ang Oktubre at panahon na ng Undas.
Well, umiwas na kami sa heavy traffic at siksikan sa sementeryo. Noong Linggo,
pagkagaling namin sa Misa ay nagtungo na kami sa Manila Memorial Park sa Sucat,
Parañaque upang bumisita sa lolo at lola ko. Napakaganda ng panahon nang araw
na iyon at walang kalat sa sementeryo. Ito talaga ang pinakamainam na
pagkakataon.
Nobyembre na at ilang araw na lamang ay Pasko na!
Yeah, buti at nakapag-blog bago matapos ang Oktubre!
ReplyDelete