This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Tuesday, September 30, 2014

Soliloquy of Bitterness: Inuunawa Ko Na Lamang Matapos Kong Mapagtanto



Auguste Rodin's The Thinker (photo taken from Musee Rodin Paris by author and file uploader Magnus Manske/ courtesy of Wikipedia)
            Nananadya talaga akong patamaan at pasaringan ang ilang tao dahil sa kanilang pagiging manhid at walang pakialam maliban na lang sa makibasa at mag-usyoso sa blogs ng “Soliloquy Beyond” na malamang ay matagal na nilang ginagawa. Yung iba sa kanila ay walang paalam na kinokopya pa ang ilang litratong naka-upload dito na ako mismo ang naglitrato palibhasa ay super daling gawin na yun dahil sa Google photos. Hindi kasama yung mga galing sa Wikipedia/Google at isinasaad ko naman ang authors and sources ng mga iyon bilang respeto sa kanila, ano?
Ewan ko kung delusyon, mapaglarong imahinasyon, extrasensory perception, o nagkataon lamang ngunit nakakadama ako ng kutob na ito na may ibang tao na di naman sadyang natuklasan ang blog site na ito noon pa ay sa wari ko ang turing nila sa ilang blogs ay tulad sa fountains of Aganippe and Hippocrene of the Greek mythology, “the sources of poetic inspiration” kung wala na silang sariling ideya mula sa sarili nilang imahinasyon, babalingan nila ang mga gawa ng ilang tao bagamat hindi naman talaga nila gagayahin ang mga ito at pagkatapos, 100% all credits are exclusively theirs, their “creative outputs” and their “brainchild” right out of their brains and neither no one nor nothing else and they become so successful. Hoy, mga gaya-gaya, este... ah, basta kung ano na lang ang pwedeng itawag sa inyo, ingat nga lang sa pag-inom sa inyong itinuturing na “fountains of inspiration” hindi lang dito kundi pati sa iba pang sites at baka malango kayo na parang lumamon kayo ng “nilasing sa Red Horse na crêpe suzette”; sumisipa-sipa ang tama and then euphoria! Ah, oo nga pala, ayon sa Greek myth, ang fountain of Hippocrene ay nabuo mula sa pagsipa ng Pegasus.
By the way, noong isang araw nakailang tweets ako sa official Twitter account ng 99.5 PlayFM na kasalukuyan ko nang favorite radio station. Lagi nilang pinatutugtog ang current hits na “Rude” by Magic at ang very upbeat na “Boom Clap” ni Charli xcx (walang korning kabadingan ng boom panes dito, ha!) pero mahirap mag-request sa kanila tulad na lang tuwing “Throwback Thursday” at pati sa iba pang radio programs nila kaya nga tungkol doon ang kauna-unahang tweet ko sa kanila kahit hindi ako follower ng site nila at walang reply. Tapos, meron na silang bagong station jingle at pati bagong catchphrase kaya nga gusto kong “i-congratulate” sila, hehe! Ang tweet ko ay tungkol dito: yung station jingle ay halos katunog ng sa K-LiteFM (pero mas cool naman ang sa Play) at yung catchphrase nila? Hoy, ilang taon nang nakasaad sa Twitter account kong @weirdjtt ang aking location na “Republika ng Pilipinas” at 2010 pa lang ay profile picture ko na from Wikipedia ang tanyag na Apollo photo of the “Blue Planet”. Sabi kasi nila sa catchphrase nila na “broadcasting live from the Republica de Filipinas and heard across Planet Earth”. At wala namang reply galing sa kanila.
At ano kaya kung mag-react yung creative team nila? Sasabihin siguro nilang orihinal na ideya nila yun at nahihibang lang ako sa aking “claim” na nakuha nila ang ideya tungkol sa catchphrase nila mula sa Twitter profile ko nang first time na nag-tweet ako sa kanila. Punyemas! Hoy, wala naman akong isinasaad na ganoon dito, ha! Siguro nga na nagkataon lang na naging ganoon ang catchphrase or slogan or motto o kung anumang tawag nila doon at baka nga naman nakadama ako ng random clairvoyance na may pagka-precognition tungkol sa ideya at gawain ng ilang mga tao ng 99.5 PlayFM, nyehehehehe... ah, just set aside this PlayFM thing for a while!
Naiisip ko palagi ang aking blog site at ngayon, uunawain ko na lang matapos kong mapagtanto na ang mga anonymous readers na iyan lalo na ang mga matagal nang nakikibasa ay hindi naman nila obligasyon o tungkuling magparamdam ng tulong, eh. O, sige...okey lang. Ayoko rin naman na pinagsasabihan ako ng mga pananalita na kung nais ko ng tulong, magsabi lang ako; nararamdaman ko rin kasi kung ang mga pananalitang yun ay sarcastic or superficial statements lamang. Nakikibasa lang ang mga anonymous readers sa mga blogs and poetry tungkol sa masasayang tagpo at karanasan; nakikiusyoso lang sila sa mga uploaded pictures of my artworks; nakikibasa sila sa mga reflective and meditative essays that express insights about life, spirituality, nature, faith, and anything; pati mga blogs and other soliloquies which have the heavy, somber feel where in I expressed my frustrations, bitterness, and gloom... and the distant and hostile anonymous readers won’t mind these at all na para naman kasing they would give a **** if ever they have time to give a ****. 

Nais kong humingi ng paumanhin sa mga anonymous readers kung sila ay nainsulto at na-offend sa sunud-sunod na blog posts simula July 2012 pati hanggang sa kasalukuyang sanaysay na ito.
Kaya nga pagkatapos ng satirical posts, nais kong bumalik uli sa dati kong damdamin sa tuwing nagba-blog ako. Yun bang nais ko lang i-express ang nadarama ko at ipagdiwang ang demokrasya sa pamamagitan ng malaya at responsableng pagpapahayag at wala akong pakialam kung wala namang bumasa o pumansin sa mga blogs ko basta gusto kong mag-blog; ganoon naman kasi ang soliloquy. Nais ko na ang aking damdamin at mithiin kung bakit ako may blog ay katulad na katulad noong una akong nagpost nito, noong nag-sign up ako dito sa Blogger (September 2010) ngunit ang official first blog site ko talaga ay ang defunct but memorable http://weirdjtt.blog.friendster.com na ang mga posts doon ay na-integrate na dito sa weirdjtt.blogspot.com bilang bahagi ng mga blog pages. Kaya nga, hoy, kayong mga adik na adik sa Facebook, kahit wala na sa limelight o uso ang Friendster at iba pang naunang social networking sites, huwag naman itong gawing katatawanan at bahagi ng inyong panlalait at iba pang corny punchlines niyo. Sa palagay ko, minsan din naman kayong naging miyembro dito at nahanap niyo pa ang inyong past classmates and friends, di ba? Sa mga photo albums nito malamang una niyong tinambak ang selfies ng pagmumukha niyo, ano?
Oo nga pala, as of this date: September 28, 2014 ay active pa ang Facebook account ko na muli kong binuhay noong Setyembre 8 lamang. Isa lang naman ang dahilan kung bakit kailangan kong ito’y i-reactivate- ito lang ang naisip kong paraan upang makapaningil ng utang. Maaaring magpabagu-bago ang contact numbers pero nariyan ang FB na pambansang social media nga naman. Nagsaad ako ng message na huwag na akong i-add sa list of friends ng kung sinong mapapadpad doon dahil na rin sa ‘friend suggestions’; punyemas, may mga tao kasing kaibigan mo lang sa FB pero sa tunay na buhay ay hindi mo naman malalapitan upang hingan ng tulong at lalong hindi mo rin kilala nang lubos! At saka, kapag nakapaningil na ako ng utang o di kaya’y na-realize ko na wala rin namang silbi ang pagkakaroon ng FB account ay muli ko itong ipa-deactivate. It’s more fun in Twitter!
*******
 September, Setyembre. Go, Gilas Pilipinas! Bukod sa puso, utak sa paglalaro, a!
Maraming September events. May klase uli sa Villamor Air Base Elementary School pero tatlong beses na lamang sa isang linggo tapos dumadagundong pa ang ingay sa maiinit at maalikabok na makeshift classrooms. Ewan at ang bahaging ito ng school year 2014-2015 para sa VABES ay masasabing hindi kaaya-aya sa totoo lang pero wala tayong magawa, eh. Ang hiling ko na sana matapos na ang repairs sa school buildings nang muling idaos ang mga klase doon.
*******
Hay, magtatapos na ang unang semestre. Naka-first semester din ako sa kinuha kong MaEd course sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasay (City University of Pasay na ngayon) kaya lamang sa totoo lang ay wala naman akong balak kumpletuhin ito at hindi naman ako nangangarap na maging principal balang araw. Ang gusto ko sanang graduate course ay yung may major sa Social Studies/History. Sa Philippine Normal University-Manila merong ganoon; kaya lang kung mapapabilang nga naman sa magiging professors itong si Mr. Lordinio Vergara, huwag na lang,grrrrr! Kung hindi ko ba naman napanood noon ang grand finals ng “Foreignoy” sa Eat Bulaga kung saan  napabilang yun sa mga judges, hindi ko mababatid na ang isang yun ay naging opisyal pa ng National Commission for the Culture and the Arts. Nakakawalang respeto kasi ang isang yun; hindi na lang ako naghabol pa na magkaroon ng grade sa punyetang PE class niya para magkaroon ako ng kumpletong grade sa MAPE sa kinuha kong isang certificate course sa PNU noon at nakakapagod na, eh! Sa aming klase, ako lang ang hindi niya binigyan ng grade samantalang nagpa-participate talaga ako sa activities at  hindi naman ako pala-absent. Kung anu-anong palusot ang pinagsasabi niya na kesyo wala raw ang pangalan ko sa student list niya at kung anu-anong tsetseburecheng formalities niya. Marami rin akong kaeskwela mula sa iba’t ibang kurso ang sinasabing hindi makumpleto ang mga transcript of records dahil sa lintik na subject na itinuturo niya. Palagi pa namang wala ang isang yun sa PNU. At saka, hindi siya madaling kausap. Defensive and sensitive! Hay, hindi na lang ako magdadagdag dito ng iba pang pahayag lalo na ng komentaryo tungkol sa pagkatao niya; oo, tama! Tungkol sa pagkatao niya. Mataas pa naman ang paggalang ko sa kanya noon.
Lumipas na ang ilang taon. Humihingi ako ng paumanhin sa mga nasabi ko sa iyo noong huli nating pag-uusap. Nasulyapan ko rin ang ilang naka-displey na mga litrato sa office table mo. Hindi ko na lang itsitsismis kasi problema mo na yun at wala na akong pakialam. Pinaalpas ko na lang ang MAPE nang wala akong grade dito sa aking TOR. Sir, pinapatawad na kita.
*******

Sana, huwag nang tumaas pa ang presyo ng mga pahayagan o diyaryo mapa-broadsheets man o tabloids. Speaking of tabloids, marami na akong nabasang ganito. Bawat tabloid ay tigsampung piso. May mga mini-versions ng mga kilalang broadsheets na big sister publications din naman ng ilan sa mga ito. Ngunit bawat journalists naman na nag-uulat at nagsusulat para sa mga ito, tulad sa mga TV reporters, ay pare-pareho sa kanilang sinumpaang tungkulin ng tapat na pagpapahayag bilang paglilingkod sa sambayanan.
Pero marami pa rin pagkakaiba ang mga tabloid sa mga broadsheet hindi lang sa laki ng papel at dami ng pahina kundi pati sa nilalaman. Para bang ‘mas malaya’ ang mga tabloid lalo na yun ilang kilala sa kanilang kakaibang notoriety, hehehe! Nagsagawa ako ng isang objective research tungkol sa lagay ng tabloid industry ngayon at hindi ito isang trip, ha! Many years back, soft to hard core contents ang taglay ng ilan sa mga ito at yun ilan ay ‘graphic’ talaga! Naalala ko pa noong mga nakaraang taon nang minsang sumakay kami ng bus papuntang Iloilo at habang nandoon pa kami sa Dimple Star terminal sa EDSA-Malibay dito rin Pasay, isang tindero ng diyaryo, kendi, at yosi ang naglako sa mga pasahero. Ang lakas-lakas pa ng boses niya sa pagbanggit ng pamagat ng mga tinda niyang diyaryo, “Inquirer! Bulletin! Star! People’s Journal! Tonight! Bulgar!” At sa bandang huli ng kanyang ‘salestalk’ ay pabulong lang niyang sinabi, “sagad...”
May mga tabloids talaga na noon pa man ay nagsisilbing cheap porn to cater in to the dirty interests ng madlang pipol. Ang Abante noong ‘90s ay may pang-akit na sexy komiks at Xerex Xaviera na meron pang nakalagay na “parental guidance”- ibig sabihin ay tolerant ito sa young readers basta may pag-agapay lang ng mga magulang? Ang Bandera naman noon din Dekada 90, sa page 3 pa lang nito ay bubungad na ang dalawang pitak ng erotika plus sexy pics ng tsiks na hanggang pagmo-model lamang ng lingerie noon. Ang mga ‘kwento’ nila ay discreet lalo na sa description ng maiinit na tagpo pero masama pa rin ang mga ito sa mga mata ng mga moralista. Sa paglipas ng mga taon, lumitaw ang mga mas mapangahas at explicit nang mga tabloid na front lang ang pagbabalita pero pagiging cheap porn talaga ang silbi ng mga ito. Ang publisher, editor, at mga columnists ay gumagamit ng bogus address para hindi sila matunton nang ‘pagbayarin at parusahan’ sila dahil sa pagkakalat ng kalaswaan na nagiging dahilan minsan ng mga krimen ng ilang tao.
Sa kasalukuyang panahon, kapansin-pansing nag-tone down and a little bit discreet na ang mga notoryus na tabloid na yung ang mga pamagat ay dinagdagan ng salitang bago bagamat meron pa rin bastos na mga pitak, komiks, at larawan. May mga nakakadiring kwento na yung ilan ay explicit pa rin ang narration ng imoralidad sa totoo lang; huwag naman nating husgahan at i-condemn na pupunta sa impyerno ang mga manunulat ng mga iyon, hehehe! Be objective tungkol sa kanila.
Bumibili rin naman ako minsan ng tabloids at minsan, ang “Bagong Sagad” ang napagdiskitahan ko mula sa isang sidewalk newstand sa ilalim ng LRT Station sa Taft-Rotonda. Sampung piso lamang. Headline ang tungkol sa isang nakababahalang krimen mula sa probinsya pero hindi naman mawawaglit ang tungkol sa national news tulad ng pulitika at katiwalian. Sa isang maliit na sulok ng front page, may teaser ng isang nice showbiz scope tungkol sa Kapuso actress na si Kris Bernal na may litrato pa siya in a modest swimsuit (sinusubaybayan ko rin nga ang pinagbibidahan niyang “Hiram na Alaala”).  Ang naturang tabloid ay nagtataglay rin ng mga bahagi na makikita rin sa iba pa tulad ng usual news here and abroad, editorial section, may mga informative rin itong lathalain lalo na tungkol sa kalusugan, wholesome entertainment hatid ng hanapin ang naiiba, word hunt, and crossword pati trivia at saka isports. Meron pa ngang whole page dito na merong mga litrato ng isang babae na ang suot ay simpleng one-piece swimsuit na may pagka-‘80s to the early ‘90s ang style and pattern much, much, much to the disappointment of some male readers. Sa back page naman ay merong series of paparazzi photos ng isang international celebrity na seksing-seksi nga sa suot na bikini at kasama nito ang boyfriend pero ini-enjoy lang naman nila ang summer nila sa isang public swimming pool kasama ang iba pang swimmers; malisyoso at garapal lang kasi ang caption dito, eh. Ayos na sana kaya lang hindi talaga naglalaho bilang bahagi na nito ang mga kwentong napakalaswa ng pagsasalaysay na nakakasuka rin, hehehe!
Yung tabloid na yun ay isiniksik ko muna sa bag ko. Isang araw, doon sa VABES, nagtutor ako sa ilang bata sa asignaturang Filipino. Bahagi ng mga aralin para sa Unang Markahan ang tungkol sa pahayagan at ang mga bahagi nito. Siyempre, kailangan talaga ng actual sample ng isang diyaryo para mas maintindihan nila ang aralin; hindi naman kasi mahilig magbasa ng diyaryo ang karamihan sa mga bata. Naku, wala pa naman akong dala o mahagilap na broadsheet! Hanggang sa ang ginamit ko mismo sa “show and tell”... ay yung “Bagong Sagad” mismo na nakatago pa rin sa bag ko. Outrageous. Nakakahiya talaga, hehehe! Pero pinaalalahanan ko muna sila na huwag na huwag nilang tatangkilikin ang tabloid na ito o mag-usyoso man lang dito sapagkat bawal ito sa mga batang tulad nila. Kailangan ko lang kasing ipakita ang karaniwan at mahahalagang bahagi ng isang diyaryo. Ang ipinakita ko lang ay yung mga rated GP general patronage na wholesome at maingat na maingat ako na huwag i-flash ang mga ipinagbabawal na mga pahina at larawan. Sana nga ay pakinggan nila ako at kapag mas mature na sila ay makahiligan na rin sana nilang magbasa ng mga diyaryo. Yung mga totally wholesome, a!
Anong malay ko na baka may ilan sa kanila ay magiging mga media personnel, journalists and reporters balang araw.

*******
Tapos na ang Manila International Book Fair 2014 sa SMX Convention Center pero hindi na ako nakadalo doon hindi tulad noong mga nakaraang events nito simula 2007 at doon sa World Trade Center pa ito idinadaos. Isa rin kasi sa mga dahilan ko kung bakit ako nagpupunta doon ay nagbabakasakali akong makatagpo ng isang mapagkakatiwalaang publisher na magbibigay ng pagkakataon sa isang obscure writer na tulad ko at ilalathala ang aking mga akda. Wala. Fruitless, futile search...
*******
Maingat naman ako sa paggastos pero minsan ay gusto ko rin namang bilhin ang mga nais ko lalo na kung meron naman akong naipon. Hindi ko itinuturing na luho ang pagbili ng original audio CDs lalo na kung may sale nito sa mga mall. Ang isang album nga ng Incubus na “If Not Now, When?” ay 99 pesos  na lang sa Astroplus- SM MOA gayundin ang ilang OPM hits at lalo na ang greatest hits ng bandang True Faith spanning 1993-2007 na nabili ko sa Harrison Plaza. Mga bagsak-presyo, o! Sa SM Store sa Harrison din, binili ko na ang dalawa sa mga tig-75 pesos na VCD ng award-winning Filipino films na wala sa stock ng iba pang record stores. Mga napanood ko na sa channel ng PBO ang mga pelikulang “Saan Nagtatago ang Pag-ibig?” at ang “Segurista” pero nais kong mapabilang pa rin ang mga ito sa VCD collection namin sa bahay. Parehong napakagagandang pelikulang Pilipino, promise! Pero yung Segurista, sa VCD ko lang napanood nang buo ito. Sexy film ito pero hindi basta-basta ang kwento, ha!
Bukod sa CD at VCD, nagsa-shopping din naman ako minsan ng chocolates, hehehe! Minsan, sa SM store, merong sales agent ng chocolates at merong free taste; cloying sweetness naman ang lasa at napakamahal. Ang paliwanag ng ale ay ito raw ang produktong inspired ng isang primetime series ng ABS-CBN na “Sana Bukas pa ang Kahapon” (yung ‘80s movie lamang ang napanood ko). Ha? Eh, ano naman ngayon? Ang sinubaybayan ko ay ang “Ang Dalawang Mrs. Real” ng GMA-7, ano? At saka... what? Sinong nagsasabing mas sikat pa ang mga Kapamilya celebrities kaysa Kapuso at Kapatid stars? Ang maniwala sa mga sabi-sabi ay walang bait sa sarili. O, sige, ipagpalagay na nga nating mas sikat ang mga taga-dos. Pero marunong din naman pumili ang mga tao, ano? Ang pagpili ng mga programang panonoorin ay dahil sa yun ang gusto natin, maganda at kabigha-bighani ang kwento nito, at ang husay sa pagganap ng mga nasa cast at hindi ang ratings claim at popularidad ng artista. Ano kasi ako, eh, hehehe! Maka-GMA at TV5!
Going back to the chocolates, chocoholic na nga ako pero in moderation naman. Trip ko yung Budino Cacao mula sa Italian dessert brand na Trevalli. Choco pudding yun na inilalagay ko sa freezer at kapag matigas na ay parang ice cream sa sarap! Nananatili pa rin kinse pesos ang nutty, irresistable Fortune brownies sa grocery ng Mercury Drugstore. Sa mga supermarket, on sale at minsan ay buy one, get one na lang ang marketing ng Hershey’s. Hindi na yata mabili at hindi ako gaanong mahilig dito palibhasa nag-iba na ang lasa at timpla nito buhat noong ipinapa-manufacture na ito sa China; it’s not that chocolatey anymore like it used to be. Ang Malaysian-manufactured naman na Cadbury ay okey pa rin  pero minsan it’s too sweet. Masarap pa ang Swiss brand na Frey. Ang na-miss ko nang husto ay ang paborito kong Whittaker’s from New Zealand. Dati ay laganap ito sa mga supermarkets pero ngayon ay doon na lamang sa Shopwise at ang laki ng itinaas ng presyo! Gustung-gusto ko pa naman ito lalo na yung 70% Dark Ghana Cocoa kaya lang wala nang stock ng variety na ito ngayon- or sadya ba nilang ipina-pullout lalo pa’t ang cocoa beans ay inaangkat pa mula West Africa? Ebola scare? Hindi naman siguro! Magti-tweet nga ako sa Twitter ng Whittaker’s ng aking product inquiry.
Una kong nalaman ang tungkol sa Malagos Chocolate sa August 2014 issue ng Smile magazine ng Cebu Pacific nang napabilang sa mga feature stories nito ang cacao production sa Davao. Tunay nga namang cash crop ang kakaw! Sa isang stall ng native products sa Hypermarket ng SM MOA, binili ko ang isang Malagos na 150 pesos pa at mas mahal pa kaysa sa mga imported! Kaya lang it was love at first taste; nakakalasing ang sarap ng 60% Davao single-origin. Pero hindi ito napalaganap sa mga pamilihan; siguro mas ini-export pa ito. Sana, mabawasan naman ang presyo nang hindi naman nako-compromise ang metikulosong paggawa nito. Sana makabili uli ako ng Malagos.   

2 comments:

  1. Hey, buti at naihabol ang blog na ito.

    ReplyDelete
  2. Hoy! Kahit siguro mag-post ako ng mga offensive and disturbing blogs and cyberbullying dito, wala pa rin sigurong magri-react! Aba, okey, a!

    ReplyDelete