This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Tuesday, April 30, 2019

Ilang-Ilang








Ika-2 ng Abril. Pagtatapos 2019 sa Villamor Air Base Elementary School at ginanap ito sa covered court doon. Masaya naman ang kaganapan gaya taun-taon. Mangilan-ngilan man ang mga batang nagtapos na hindi nag-atubiling lingunin ako at binati ko sila, masayang-masaya na ako at kumpleto na ang aking araw sapagkat tao pa rin ang tingin nila sa kanilang dating AP titser noong grade 5 pa sila. Siguro unawain ko na lang yung ibang kabataang malamang ay natitimang sa hiya na lumingon man lang at suklian ng masayang ngiti ang mga dating guro nila. Kay sayang pagmasdan ang mga nagtapos na mag-aaral sa kanilang pagmartsa at pagtanggap ng kanilang sertipiko at medalya.

Abril 16. Martes Santo at araw ng pasasalamat para sa akin. Hindi ko na pinoproblema ang edad ko basta pinili kong maging masaya at masiglang bata. Dito sa bahay, wala namang salu-salo at ayos lang yun. Ang paraan ko kasi ng selebrasyon ay visita iglesia,  Stations of the Cross, kawanggawa, at ang mga detalye tungkol dito ay ang Panginoon na ang nakababatid. 
Nitong Semana Santa, ang dami ko rin napanood sa TV lalo na sa GMA-7.  Nariyan ang Disney animated film na "Beauty and the Beast" kahit na saulado ko na ang kwento buhat pa noong grade 3 ako; ang ganda kasi eh! Pinanood ko rin ang #MichaelAngelo the Holy Land Special kahit paulit-ulit ang komersyal pero makabuluhang programa. Hay, kailan kaya ako makakasama sa isang pilgrimage doon?  Naroon din ang documentaries na "Hesus" at "Women of the Bible" pati "Mighty Yaya". Pero ang pinakasinubaybayan namin ay ang live telecast ng Siete Palabras mula sa Sto. Domingo Church nitong Biyernes Santo. Siyanga pala, ang Good Friday ang isa sa mga pinakapayapang araw sa buong taon. Hindi naman ito araw ng kalungkutan kundi araw ng mapagmahal na paggunita sa dakilang sakripisyo ng Panginoon para sa sangkatauhan. Lumipas ang Sabado de Gloria, Linggo na ng Muling Pagkabuhay! Ito, kasama ang Pasko, ang mga paborito kong mga araw sa buong taon. Maraming salamat sa Panginoon. Amen. 
Abril 22. Maaliwalas ang panahon at masigla as usual sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. Hay, delayed na naman ang flights kaya habang naghihintay, bumili ako doon ng Inquirer. Kabilang sa maiinit na pandaigdigang balita ay ang malagim na Easter Sunday bombings na ikinamatay ng maraming tao habang nasa mga simbahan at hotel sa Sri Lanka at hinala ng mga awtoridad ang anggulong suicide bombing ang gumawa gaya ng nangyari sa Jolo Cathedral noon. Tsktsktsktsk! Ang Panginoong Diyos na ang bahala at huhusga sa mga salaring gumawa ng ganoong mga kalupitan sa sangkatauhan.
Maganda naman talaga ang panahon nang araw na iyon kaya lang parang may kakaiba. Nag-uusyoso ako sa mga nadadaanang tindahan nang biglang may kung anong humihila sa tiles ng sahig na inaapakan ko. Hanggang sa napansin kong umaalog na ang mga nakadisplay na paninda at narealize kong lindol na pala yun! Ngunit kahit na ramdam na ramdam ang pagyanig, nanatili pa rin kalmado ang mga tao sa airport. Nalaman na lang ng lahat na ang epicenter ay sa Zambales at maraming naitalang pinsala sa Pampanga. Kaya pala delayed ng ilang oras pa ang flights lalo pa't apektado rin ang Clark airport. Nakababahala man subalit higit dapat mangibabaw ang pasasalamat sa Panginoon. Ayos pa rin dito sa airport at sa Villamor Air Base kung saan naramdaman din ang pagyanig. 
Pasado alas diyes na ng gabi nang nagpasakay na ang Cebu Pacific papuntang Iloilo. Parang mas mabilis ang flight nang gabing yun at malamang babalik pa ang parehong eroplano sa NAIA upang magsakay ng second batch ng mga pasahero. Bago mag-alas onse ay nakalapag na sa Iloilo Airport ang sinakyan naming eroplano. Maraming salamat sa Panginoon, nakarating din kami sa Tigbauan, Iloilo para sa aming masayang bakasyon. Napakinggan ko muli ang huni ng mga tuko.