“marami pa rin ibang bagay na ginawa si Hesus na kung susulating isa-isa, sa palagay ko, kahit sa sanlibutan mismo ay hindi magkakasya ang mga aklat na isusulat” (Juan 21:25)
“mayroon pa Akong maraming bagay na sasabihin sa inyo, ngunit hindi ninyo kayang dalhin sa ngayon subalit kapag dumating na ang Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12-13)
“Hindi lahat ng ipinangaral ng mga apostol at ginawa ng mga sinaunang Kristiyano ay makikita sa Bibliya”
(On sola scripturans) “lahat sila’y naniniwalang ang Biblya lamang ang saligan ng pananampalataya- isang dogmang hindi itinuro kailanman ni Hesus, hindi isinulat sa Bibliya, at hindi kinakatigan ng Bibliya.”
(Ang Tradisyon at ang ang Bibliya) “sa mga sinaunang siglo, bago pa binuo ang Bibliya, naniniwala na ang mga Kristiyano sa turo ng mga apostol at ng kanilang mga alagad, bilang saligan ng kanilang pananampalataya, na tinatawag ng Simbahan na “Banal na Tradisyon” (na nagpapatuloy pa rin sa paglipas ng mga panahon)
(tungkol sa pagkakatatag ng pagkarami-raming simbahan sa balat ng lupa) “kung mayroon kang Bibliya, maaari kang magtatag ng sarili mong simbahan, ng sarili mong interpretasyon...”
“Bakit nga ba iniiwanan ng mga Katoliko ang kanilang pananampalataya? Dalawa ang pangunahing dahilan: (1) kawalang-disiplina na nakikita nila sa Simbahan- dahil sa karamihan na rin sa mga kasapi nito at (2) kamangmangan- marami ang gumagawa ng tradisyunal na kaugaliang Katoliko na hindi alam kung bakit nila ito ginagawa. Naging matabang lupa ito kung saan inihahasik at yumayabong ang mga bagay na laban sa mga Katoliko.”
“...pero tandaan mong ang Simbahang iyan ang unang nagbigay sa iyo ng kaalaman tungkol sa Bibliya at kay Jesus. Tingnan mo, may nanay ako. Matanda na siya; hindi siya kailanman nagsuot ng modernong damit, at nais niyang panatilihin ang mga lumang kaugalian. Mukha siyang hindi maganda, lalo na’t pinakulubot ng katandaan ang kanyang mukha, subalit mahal ko siya! Siya ang nag-alaga sa akin ng buong pagmamahal. Kinilala mo sana muna nang mas maige ang Simbahang Katoliko bago mo ito iniwanan.”
*** mula sa column ni Fr. Paul Kaiparambadan sa nabanggit na magazine; humihingi ng lubos na paumanhin ang weird blogger na ito sa kanya at pahintulot na rin upang mabanggit dito ang ilan sa mga inspirasyunal niyang pahayag ***
*** the following are excerpts from the special section of the August 2006 issue of Kerygma, another great inspirational magazine led by Bro. Bo Sanchez and Shepherd’s Voice Publications***
“Why are Catholics leaving the Church?” by Jake C. Yap: “... four reasons: (1) not cathechized (2) not sacramentalized (3) not organized (4) not evangelized
“Wandering hearts come home” by Tess V. Atienza- nabasa ko dito kung bakit maraming Katoliko ang mabilis na naaakit sa ibang religious groups- sense of belongingness and kindness evangelism
“It’s good to be home” by Marc Lopez (family testimony) “... our hunger for more of God led us away from the Catholic faith but that same hunger also led us back”
What’s the real deal? Sola fide (faith alone saves) according to St. Paul and intensified by Martin Luther or “faith without good deeds is sterile” as St. James taught? I don’t like to be involved in theological disputes based on the age-old question but I believe that faith and good deeds intertwine with one another. Faith should be present in good deeds and good deeds are selflessly done out of faith. Faith must never be separated from good deeds nor good deeds from faith. And both should be offered in the name of the Lord. Amen, this is what I believe in, Luther!
“Faith without good works is dead.”
~ James 2:17
“Again I say, don’t get involved in foolish arguments
which only upset people and make them angry. God’s people must not be
quarrelsome; they must be gentle, patient teachers of those who are wrong. Be
humble when you are trying to teach those who are mixed up concerning the
truth. For if you talk meekly and courteously to them, they are more likely,
with God’s help, to turn away from their wrong ideas and believe what is true.”
~ 2 Timothy 2:23-25
A FAITHFUL APOSTLE CALLED ST. JUDE ( this essay was first posted on November 2008)
(Ang malaking bahagi ng blog na ito katulad ng lahat ng nai-post ko na dito ay nauna nang isinulat ko sa aking diaries)
Alam kong iba-iba ang religious affiliations ng mga blog readers na makababasa nito ngunit hayaan niyo akong makapagpahayag dito nang malaya at welcome kayo na ang blog kong ito ay inyong basahin at unawain. Hindi ko ninanais na magkaroon man ng mga debate o mga religious disputes at naniniwala ako na ang ganoong uri ng pagtatalo ay hindi kasiya-siya sa ating Panginoon. Katulad ng nabanggit ko na kanina, I would like to have my freedom of religious expression. Kung magkakaiba man tayo ng ating mga paniniwala, igalang na lamang natin ang isa't isa. Magkakaiba rin tayo ng ating mga Bible exegesis o interpretation nito ngunit huwag natin gagamitin ang Banal na Aklat upang ipangalandakan na nasa wasto ang ating pinaniniwalaan at tuligsahin naman ang sa ating kapwa-tao dahil lamang sa kaiba ang kanilang paniniwala kaysa sa atin. Nabasa ko nga ang "Know the Truth" (published by St. Pauls at binili ko noong Bookfair sa SMX) ni Fr. Paul Kaiparambadan (ako ay instant fan ng apologist na ito!). Binanggit niya ang malungkot na kwento tungkol sa Bibliya. Na ang pagkakaiba-iba lamang ng pagkakaunawa dito ang nagdudulot ng mahaba at masalimuot na hidwaan sa mga nananalig sa loob ng maraming siglo mula nang tinipon ang Banal na Aklat at hinding-hindi iyon matatawag na inspirasyon mula sa Espiritu Santo. Walang pagkukulang ang Bibliya; tayong mga tao ang nagdudulot ng gulo sa ating buhay.
Ang blog kong ito ngayon ay tungkol sa isang simpleng nobena. Noong isang araw ay bumili ako ng dyaryo dahil nais kong makibalita sa pagkapanalo ni Barack Obama. At sa isang pahina ng Philippine Daily Inquirer, mayroong naka-published na maliit na pitak tungkol sa "Novena to St. Jude" na pina-post doon ng isang reader. Mula noon ay hindi na nawaglit sa isipan ko ang tungkol dito hanggang sa ako na mismo ang nag-nobena na kahit na hindi naman ako relihiyoso o deboto basta nadama ko ang isang 'tawag' upang mag-meditate at humingi ng tulong sa isang santo. Alam ko na maraming tao ang kontra sa ganitong paniniwala dahil non-Biblical umano at naroon pa ang age-old at hindi makatarungang pambibintang na hindi pagdarasal daw nang diretso sa Panginoon at sa halip ay nakikipag-usap na lang sa binansagan pa nilang mga dyus-dyusan. Hindi ako sang-ayon sa ganoong pananaw ng ibang tao. Madalas nilang ginagamit na pang-justify sa kanilang saloobin ang pagkaka-intindi nila sa ilang Bible passages na Ecclesiastes 9:5,10 (may nabasa akong Biblical commentary na discouraged opinion umano yun ni King Solomon at hindi nagri-reflect ng katotohanan mula sa Diyos) at Psalm 143:3,4 at Genesis 3:9. Sa kanilang paniniwala, natutulog na lang ang kaluluwa hanggang sa dumating ang Araw ng Paghuhukom. Na wala pa raw ni isa ang nakakapiling ang Panginoon kahit mga banal pa. Hindi na daw kailangang ipagdasal pa ang mga patay. (kung halimbawang magparamdam sa kanila ang kaluluwa ng mga namayapa na, paniniwalaan kaya nila ang mga ito? tulad ng maraming tao, ako ay naniniwala sa pagpaparamdam ng mga namayapa na dahil ako mismo ay nakadama na ng mga kakaibang presensya at halimuyak samantalang hindi ako nag-iispray ng pabango sa loob ng kwarto bago matulog, nagaganap kahit bihirang-bihira lamang lalo na kapag ako'y tulog at nasa kalagayan ng pagiging alanganing gising at nahihimbing pa at alam kong hindi yun panaginip! Malamang na hindi lang ako ang nakaranas ng ganoon at malamang rin na pati ang marami sa inyo...).
Binasa ko sa Bible ang passages na iyon at pagkatapos ay binasa ko muli ang ilang feature sa "Know the Truth" upang malaman naman ang broad insights ng mga apologists tulad ni Fr. Paul na may different perpectives. Ayon sa kanya, sa parehong Ecclesiastes nakasaad rin ang "at ang alabok ay bumalik sa lupa at ang espiritu ay bumalik sa Diyos na nagbigay nito" (12:7). Sa 2 Maccabees 12:42-46, binaggit ang tungkol sa pananalangin para sa mga yumao. Sa John 11:41, ipinagdasal ng Panginoon si Lazarus nang namatay ito at muli Niyang binuhay. Si St. Paul naman ay ganoon din (2 Timothy 1:16-18). Sa Revelation 6:9-10, ang mga Martir ay nananalangin sa Panginoon. Sa Luke 16:19-31, isinalaysay ng Panginoon ang isang parable tungkol sa mayamang lalaki at si Lazarus na may isinaad tungkol sa gantimpalang natamo ng mabuting tao sa Langit (Lazarus) at parusa sa impyerno (ang mayamang lalaki). ang iba pang passages ay 1 Peter 3:18, 2 Cor 5:6-8, at Genesis 35:18. At ang hindi ko malilimutan na isa sa mga Siete Palabras na ginugunita lalo na tuwing Mahal na Araw ay ang winika ng Panginoon sa magnanakaw na kasama Niyang ipinako sa krus "Ngayon din ay isasama kita sa Paraiso" (Luke 23:43). Noong Transfiguration at Mt. Tabor, kausap niya ang dalawang propeta na matagal nang namayapa na, sina Moises at Elijah. Paano na yang patuloy na paniniwala ng ibang tao na nahihimlay na lang sa kani-kanilang puntod ang mga pumanaw na at nakabaon sa limot hanggang sa Huling Araw?
Ayon kay Fr. Paul ay tungkulin natin na ipanalangin ang ating mga yumaong kaanak dahil nakibahagi tayo sa kanilang kabutihan sa buhay na ito at maging sa kanilang mga kasalanan na ating ipagdadasal upang patawarin na. Tungkol sa pugatoryo, hindi nga yun nabanggit sa Bibliya ngunit ayon sa aking binasang magasin, ang purgatoryo ay hindi isang pook na patutunguhan ng mga patay kundi kalagayan ng isang nilalang. Kaya masasabi rin na ang buhay natin dito sa Mundo ay isang purgatoryo dahil sa patuloy na pagsisikap na maglakbay patungo sa Panginoon ngunit dapat na pagsikapan din na maging karapat-dapat tayo sa Kanya.
Balikan uli ang tungkol sa Nobena. Noong una ay hindi ko pa alam kung tungkol saan ang aking petisyon dito. Basta, sinimulan ko na matapos kong basahin nang buo ang Epistle of St. Jude at gayundin ang short biography niya sa encyclopedia. Ipinarating ko ang aking paghingi ng tulong kay St. Jude katulad na katulad ng mga pagkakataong humihiling tayo sa ating mga kaibigan at mahal sa buhay na tayo ay ipanalangin nila. Hindi dapat basta-basta na basahin lang ang Nobena nang paulit-ulit sa loob ng siyam na araw sapagkat magiging vain and repetitive prayer na iyon. Katulad sa wastong pagdarasal ng rosaryo (mayroong akong diary entry tungkol dito at isang future blog coming soon here), kailangang may katapatan at pagninilay-nilay tungkol sa diwa nito. It is our hearts that counts and not the number of the words of prayer that we say, ayon kay Fr. Paul. At hanggang sa nagliwanag sa isipan ko ang tungkol sa nobena. Sapagkat nais kong mag-donate ng aking dugo sa Red Cross matapos kong marinig ang tungkol sa schedule nito via Star FM AT Bombo Radyo sa Harrison Plaza sa ika-8 ng Nobyembre ng taong ito. Nagtungo ako doon pagkagaling ko sa PNU. May health history kasi ako ng anemia noon, eh at kaya ako magdarasal at magnonobena ay upang maging qualified donor ako muli (nakapag-donate na ako nang tatlong beses) at saka kumain pa ako ng marami pang masustansyang pagkain. Pumatak sa 2nd day of novena ang blood donation at maraming salamat sa Panginoon sapagkat nakapasa ako sa pagsusuri at sa ikaapat na pagkakataon ay nag-donate ako ng aking dugo. Ramdam kong ipinagdasal ako ni St. Jude at nagpapasalamat rin ako sa kanya. Habang nababawasan ang aking dugo ay matatawag ko ang lahat ng santo at santa at sa isip ko, ang kirot sa kinabit na pangkolekta ng dugo ay wala kumpara sa stigmata ni St. Francis. Nagdasal ako sa Panginoon na nawa'y basbasan ang aking dugo upang maging instrumento ito sa pagtulong ko sa aking kapwa na akin rin ipinagdasal na Kanya'y pagpalain. Heto na ang Nobena.(distributing copies of this is highly-appreciated)
"And now- all glory to Him who alone is God, who saves us through Jesus Christ our Lord; yes, splendor and majesty, all power and authority are His from the very beginning; His they are and his they evermore shall be. And He is able to keep you from falling and slipping away, and to bring you, sinless and perfect, into His glorious presence with mighty shouts of everlasting joy. Amen." From the Epistle of St. Jude, verses 24-25
Novena to St. Jude: O holy, St. Jude, apostle and martyr. Great in virtue, rich in miracle, near in kinsman of Jesus Christ. Faithful intercessor of all who invoke your special patronage in time of need. To you, I have recourse from the depth of my heart and humbly beg great power to come to my assistance. Help me in my present and most urgent petition. In return, I promise to make your name known and cause you to be invoked. St. Jude, pray for us all and all who invoke your aid."
Pray this sincerely 9x a day for 9 consecutive days. believe and have faith in the will of our Lord whom our St. Jude had humbly served and loved; and still in loving service to Him by praying for us. Thank you!
Ngayong natupad ang aking panalangin, dapat talagang ipalaganap ang nobenang ito. Wala akong pambayad sa mga dyaryo upang mailathala ito ngunit tiyak na mauunawaan ni St. Jude kung dito sa blog ko i-post at mag-iwan ako ng mga kopya nito sa Simbahan.
AS I PONDER UPON THE PENTACLE OF A CHRISTMAS LANTERN ( this essay was first posted on December 2008)
Wala na bang iba kundi panandaliang saya? / wala na bang iba kundi ikaw, ako, o siya? / nalilimutan na ba natin kung bakit may Pasko / isang nagmamahal na Diyos ang isinilang sa mundo
Oo nga naman,o! Napakinggan ko yan mula sa isang sikat na akapelang awiting Pamasko ni Ryan Cayabyab. Siguro nga na secularized na ang Pasko ngayon. Siguro nga na para maging masaya ang isang namamasko ngayong Pasko ay dapat marami silang pinapaskuhan at dinaluhang kasayahan. Pati ang ilang nagsosolicit na slogan lagi ang bandera ng 'seasonal generosity' and convincing facial expressions nang makarami naman ng kolekta. Konting barya lang, katapat ng ngiti ng munting carolers at lulubayan ka na't magbabalik na ang iyong katiwasayan. Kasiyahang pinagsasaluhan... handaan at handugan ng regalo ang pinagkakaabalahan... kabusugan ng sikmura... hindi ng kaluluwa...
Everybody's busy with all this decorations and parties and get togethers and having such a great time.
But where's the real Birthday Celebrant?
Nariyan naman Siya sa paligid, a. Sa mga taong nangungulila, salat sa buhay, at malungkot ang Pasko. Sa mga taong nagmamahal nang lubusan at nagbibigayan sa tuwi-tuwina at hindi lang sa tuwing sumasapit ang okasyong ito. At maging sa tabi lang ng mga taong nakalilimot kung Sino ba ang tunay na dahilan kung bakit may Pasko at sa mga taong walang paniniwala sa Pasko. Tayo kasi ay madalas nang hindi Siya pinapansin. Our sins of omission... these make the Beautiful Child shiver in the coldness of our insensitivities and thoughtlessness.
What about 9 mornings? Kahit kailan ay hindi ko pa ito nakukumpleto. Na-popularize ng isang sine kung saan parehong non-Catholics ang mga bida. Totoo kaya yun? Kapag nakumpleto ang Pamaskong nobenang ito ay matutupad ang kahilingan at minimithi? Kukumpletuhin ito ng ibang tao kasi gusto nilang matupad ang kanilang wishes; yun ang kanilang paniniwala, wala na ako doon... But what about the spiritual nourishment? Well, the 4th candle of the Advent wreath had already been lit and the traditional white candle will shine in a few days; sa Pasko, siyempre! Ang Simbang Gabi ay bahagi ng Advent observations. Pakinggan natin si San Juan Bautista. "Make way for the Lord," pahayag niya. Gunitain, ating pagnilay-nilayan, isabuhay... Ang pagsapit ng Panginoon sa ating buhay, ang tunay na Diwa ng Kapaskuhan.
Ang paborito kong araw and the other is Easter Sunday. Ano pa bang masasabi ko bago mag the end ang blog na ito? Eh di... MALIGAYANG PASKO AT MASAGANANG BAGONG TAON SA ATING LAHAT!
successful crossover from the first blog site :)
ReplyDelete