This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Thursday, April 27, 2017

Antares



(courtesy of Wikipedia/uploader SidneyHall)
            The Scorpius with its brightest star and its heart, Antares. And this time of the year, the planet Saturn is located near the ‘sting’ of its tail but much closer to Ophiuchus. This constellation is the most spectacular in the summer night sky even though I was born under the zodiac sign of Aries the Ram and the Scorpio nights are actually from October 24 to November 22.
courtesy of IAU Sky & Telescope/ Wikipedia/Google images
***
            Abril 5. Ang ika-59 na Pagtatapos ng mga mag-aaral ng Villamor Air Base Elementary School ay muling ginanap sa Cuneta Astrodome sa ganap na alas ocho ng umaga. Muli, ang weirdong nagngangalang Joan T. Teves ay kasama sa mga inanyayahang dumalo tapos na-late pa. Eh, di siyempre sa araw na ito, naging trip ko ang mag-ayos-ayos para magmukhang tao kahit papaano. Walang basagan ng trip kung mag-disguise uli ako na isang girly-girl kahit kabaligtaran naman sa tunay kong pagkatao.
            Pinanood ko hanggang matapos yung programa. Nakaupo ako sa dulong silya ng pwestong nakalaan para sa Grade 5 faculty at nadadaanan pa ito ng mga bata pagkababa nila mula sa stage matapos tanggapin ang kanilang certificates at bago bumalik sa kani-kanilang pwesto. May isa hanggang dalawang bata ang nakapansin sa akin tapos nagmano pa nang nakangiti and the rest, whether mga tinuruan ko sa asignaturang HEKASI o Filipino, lalo na mula sa mismong advisory class ko noong Grade 5 pa sila, dumaan lang.
            Hindi siguro ako nakilala o lalong hindi ako napansin. Hindi naman nakatago ang pwesto ko, eh. Gusto ko sanang batiin sila kaya lang, para akong invisible kaya minabuti ko na lang ang manahimik at panoorin sila at maging masaya na lamang para sa kanila dahil sa wakas ay nakatapos na sila sa elementarya. Aking ipinapanalanging nawa’y mas lalo pa nilang pagsumikapan ang buhay high school at huwag silang mapariwara.
            Ito ang pakiramdam ng pagiging isa na lamang multo mula sa nakaraan. Yun bang buong umaga ng araw na iyon sa graduation ng VABES, nakisalamuha ako sa mga tao at walang gaanong nakakapansin sa aking presensya maliban na lamang sa mga nakaupo malapit sa akin. Kaya nga, pagkatapos pa lamang ng programa ay lumayas na ako agad. Nagko-commute kasi ako at kapag nakisabay ako sa karamihan sa mga tao, baka matagalan bago ako makasakay sa dyip patungong EDSA-Rotonda.
***

            Abril 9 hanggang 16, Semana Santa o Holy Week na. Ang Palm Sunday ay tumapat din sa Araw ng Kagitingan. Noong 1942 at kasagsagan ng Second World War (man, that was 75 years ago), mga anong petsa kaya tumapat ang Holy Week? Bago o pagkatapos ng pagbagsak ng Bataan? Sobra-sobra pa sa penitensya ang tinaguriang Death March mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga at ang train ride patungong Capas, Tarlac. Nakapunta na ako noong September 11, 2010 sa Corregidor (refer to “The Cocktail Blog” October 2010 blog post) at sana, makarating din ako sa Dambana ng Kagitingan sa Bundok Samat, Pilar, Bataan. Sa libu-libong USAFFE kasama ang mga gerilya, at ang milyun-milyong mamamayan na sinapit ang malagim na panahong iyon, kulang pa nga ang mga salita upang ilarawan ang kanilang sukdulang pagdurusa subalit sa kabila ng poot, depresyon o pagkawala na sa katinuan dulot ng kaguluhan, siguradong marami pa rin ang hindi namatayan ng pananalig sa puso nila.
            Sa maalinsangang Linggo ng Palaspas, bago ako dumalo sa panghapong Misa dala ang aking palaspas, nakapag-visita iglesia pa ako. Pagdating sa EDSA, nagtungo muna ako sa Don Carlos Village kung saan naroon ang Our Lady of Fatima Parish. Cute pa rin ang simbahang ito kahit pa as of this blog writing time, hindi pa siya mukhang tapos at marami pang finishing touches ang dapat gawin pero maaliwalas sa loob dahil sa malalaking bay windows sa may altar. Very conducive also for prayers, reflection, and meditation lalo na sa Adoration Chapel nito.
            Pagkatapos ay nagtungo naman ako sa MRT. Siguro nga na may mga oras talagang maluwag at maginhawang sumakay dito. Hindi siksikan sa mga bagon. Ang destinasyon ko ay Guadalupe, Makati. At merong kakaibang tagpo. Pagdating sa Ayala station, merong isang matandang lalaki na sa halip na sumakay sa unang bagon na naka-reserve sa mga katulad niya, dumiretso sa ibang bagon at tila iniisa-isa ng tingin ang mga pasahero. And halfway bago mag-Buendia, yung isang magandang tsik na nakaupo malapit sa akin ang nag-alok ng upuan niya pero tumanggi naman ang mama. Sabi niya, sinusubukan lang daw niya kung sino ang magmamagandang-loob na magbibigay sa kanya ng mauupuan at yung babaeng iyon ang ‘nakapasa’. Pagpara sa Buendia, pumanaog na ang mama. Ano siya? Isang angel-in-disguise or fairy na sinusubukan lang kung ang mga target na mga tao ay merong busilak na kalooban?
            Pero naisip ko, ano kaya kung inalok ko rin sana ang upuan ko tutal maluwag naman sa MRT nang mga oras na iyon at kaya kong tumayo na lamang? Hay... too late. Nagbabalik sa gunita ko ang isang tagpo noong 2013 at sa MRT din. Siksikan as usual at sa bagon na pulos lalake, ibinigay ko ang upuan ko sa isang babae na akala ko buntis. Tinanggap naman niya pero tinakpan niya ang mukha niya habang walang tigil sa katatawa ang kasama niyang lalake.
            Awkward situation...
            Paghinto ng MRT sa Guadalupe station, nagtanung-tanong ako sa mga pulis, sekyu, at pati dyipni barker kung nasaan ang simbahan ng Our Lady of Guadalupe. Itinuro nila yung pagtawid ng EDSA at paliko sa Loyola Memorial Chapels. Ang layu-layo ng nilakad ko na parang penitensya at kinailangan kong dumaan sa masikip na sidewalk na merong mapapanghing pader tapos sa kitid ng daanan ay hindi pwedeng may kasalubong ka. Pagdating sa street na iyon, ang bumungad naman ay ang San Carlos Seminary (dito kami nag-recollection noong 3rd year high school sa St. Mary’s Academy). Sabi ng sekyu, ang hinahanap ko raw na Guadalupe Shrine mismo ay naroon sa kabilang panig ng EDSA na malapit daw sa MMDA. Pero sinabi niya na sa bandang ibaba ng street ay meron din daw simbahan doon.
            Ang balak ko kasing puntahan ay yung antigong simbahan sa Guadalupe Viejo (malapit na nga ito sa Ilog Pasig) na napanood ko pa nga noon sa ilang kabanata ng dating primetime series sa channel 7 na “Beautiful Strangers”. Babalik na sana ako sa MRT at saka ang init-init na talaga kaya lang sayang ang pagkakataon kaya nilakad ko pa rin  ang palusong na kalsada na tinatawag na Bernardino at hindi ko na sigurado kung saang lupalop na ako dinadala ng mga paa ko. May mga nadaanan akong lugar na maraming dikit-dikit na bahay tapos parang ginawang talyer ng dyip ang kalsada. Hanggang sa nagulat na lang ako dahil nasa tamang lugar naman talaga ako!
            Nasa mataas-taas na lugar ang kinalalagyan ng Spanish period church na nagpapaalala sa akin ng simbahan ng Malate at ang Manila Cathedral. Ang tawag pala sa kanya ay Nuestra Señora de Gracia (Our Lady of Grace Parish). Ang lawak-lawak ng bakuran at mga halamanan nito. Pagdating ko doon, patapos na ang isang funeral Mass at palabas na ang mga tao. At dahil simula na ng Holy Week, natatakpan ng kulay violet na tela ang mga istatwa at krusipiho. Mag-aalas tres na ng hapon kaya 3 o’clock habit and recitation of the Chaplet to the Divine Mercy na. Hay, nawala ang pagod ko sa masayang hapon na iyon.
            Sa totoo lang, hindi naman talaga ako religious, eh. Malayo ako sa pagiging banal, tsktsktsk! Hindi ito pa-humble effect dahil nagsasabi ako ng totoo. Pero isang araw na lang kasi, naisip kong maging personal na tradisyon kung di man matatawag na panata, ang magpunta sa mga simbahan sa iba’t ibang lugar kahit hindi panahon ng Holy Week o Advent para sa ‘anytime visita iglesia’ na ito. Basta, nararamdaman ko na lang. At marami na nga akong napuntahang simbahan na ang ilan sa mga ito ay makailang beses ko nang binisita tulad dito sa Pasay, Maynila, at sa Parañaque. Religious pilgrimage, significance, relevance, soul-searching, meditation, unwinding moments, appreciation of the arts, culture, and history, charity through sincere prayers for the communities that surround the church and for all strangers who took efforts to travel to visit that church... all rolled into one. Malaki man o maliit, sinauna man o itinatag na sa makabagong panahon, bawat simbahan ay tahanan ng Panginoong Diyos kaya nararapat nating pahalagahan at pangalagaan.
***
            Miyerkules Santo, Abril 12. Baclaran.
            Visita iglesia uli. Santa Clara de Montefalco Parish sa Padre Burgos, Pasay kahapon, sa petsang ito naman ay ang Santa Rita de Cascia Parish sa Quirino, Baclaran. At pagkatapos ay alay-lakad naman papuntang Redemptorist.
            Dahil Miyerkules, araw ng nobena sa Ina ng Laging Saklolo kaya sa loob ng Baclaran Church ay di mahulugang karayom. Naging tradisyon ko na tulad nitong mga nakaraang taon ang mag-Via Crucis or Way of the Cross. Meron palang dalawang site sa Redemptorist compound para sa 14 Stations of the Cross. Ang traditional or old Stations ay nakahilera along the grand promenade patungong simbahan samantalang ang modern or new Stations ay nasa garden ng kumbento. Yung ikalawa ang pinuntahan ko at ng iba pang strangers na kasabay ko. Mas tahimik kasi doon sa hardin at nalililiman pa ng mga puno. Talagang makakapag-concentrate ka sa iyong pagninilay at panalangin.
            Sunod na pinuntahan ko ay ang Shrine of St. Thérèse, siyempre dito yun sa Villamor Air Base.
***
            Huwebes Santo, Mahal na Araw o Biyernes Santo, at Sabado de Gloria. Kapansin-pansin talagang ang mga araw na ito ay kabilang sa mga pinakapayapang araw sa buong taon sa totoo lang.
            Kahit naman walang cable subscription ang TV, marami pa ring mapapanood na secular and religious/Lenten presentation alike. Sa TV5, ang saya namang magkasunod na ipinalabas ang Tagalized Disney animated films na “Pocahontas” (1995) at “Frozen” (2014). Ang ganda rin palang pakinggan ang Tagalog version ng mga theme songs nitong “Colors of the Wind” at “Let It Go” lalo pa’t swak na swak ang pagkanta dito ng mga voice talents na dapat ay binigyan din ng credits at the end of the show. Sa channel 7 naman ipinalabas ang Tagalized "Prince of Egypt" (1998).
            Tanghaling-tapat naman ng Good Friday, kaugalian dito sa aming tahanan ang tumutok sa GMA-7 para sa “Siete Palabras” (Pitong Huling Pahayag ng Panginoon). Very Filipino ang programa. Sa totoo lang, ito ang pinakamagandang Lenten presentation ng Holy Week prior to Easter Sunday. At balang araw, nais ko rin mapuntahan ang Sto. Domingo Church.
            Abril 16. Linggo ng Muling Pagkabuhay. Sumapit na ang paborito kong okasyon sa buong taon. Higit pa nga sa birthday ko... na ngayon ding araw na ito! Tulad noong 2006, tumapat din sa Easter Sunday ngayong taon ang birthday ko. Kahit wala namang salu-salo o pamamasyal (lalo pa’t makulimlim at maulan sa araw na ito na para bang hindi panahon ng tag-init), ang mahalaga ay dumalo sa Paschal or Easter Mass kung saan ginaganap din ang renewal of baptismal vows. Maraming salamat sa Panginoon. Amen. Nitong mga nakaraang araw, ang dami-daming balita kahit paulit-ulit pang pangyayari- mga nakakasawang balita tungkol sa gulo sa gobyerno, lindol o sakuna sa ilang lugar, kaguluhan, terorismo, krimen, katiwalian. Subalit sa kabila ng lahat ng ito, ang kaligayahan sa Linggo ng Muling Pagkabuhay ay nangingibabaw at umiiral pa rin. Pag-asa, pananampalataya, panatag na pakiramdam... ang araw na ito ay araw rin ng pasasalamat.
            Hay, birthday. Well, age is just a number, right?





***

            Possibly, these Japanese-made drinking cups were used for green tea or even sake and I bought these recently for ten pesos each at an ukay-ukay store along F.B. Harrison here in Pasay. The one in the foreground has become my favorite for cold water, hot coffee, and steamy turmeric tea.
            I think this mug without handle is destined to be mine especially that the calendar for 1983 was printed on its glaze. It has been a long time since this one was manufactured somewhere in Japan yet by the look of it, it’s like as though it was only made yesterday. The colorful picture has symbolic meanings for me as well. The wild boars herald that the said year was the Year of the Pig in Chinese astrology while the fire, in western zodiac, is the element associated with Aries the Ram, my sign.
***


A Visit to San Sebastian Church, Manila



El Greco's St. Sebastian (courtesy of Wikipedia) 

            Si Saint Sebastian ay isang ancient Roman Christian martyr noong panahon ng paghahari ni Emperor Diocletian. Popular din siyang subject sa mga likhang-sining noong Renaissance period at ang usual portrayal sa kanya ay semi-nude, athletic-looking yet with male supermodel looks tulad sa mga sinaunang Greek sculptures. Man, we got a hot hunk for a saint.
            Abril 21. Isang maalinsangang araw upang magtungo sa aking second favorite city after Pasay, ang Maynila. Isa muling visita iglesia at ang nag-iisa sa aking itinerary para sa araw na ito ay ang Basilica Minore of San Sebastian sa may panulukan ng C.M.Recto. Nakakalito talagang magpunta sa ilang bahagi ng Maynila tulad sa University Belt kung saan naroon din ang San Sebastian College-Recoletos (SSC-R). Pagdating ko nga doon, para akong alien na hindi ko batid kung saang lupalop na ba ng mundong ibabaw ako naroroon.
            Lakad dito, lakad doon. Tanong dito, tanong doon. Hanggang sa natanaw ko ang mga nagtataasan at matutulis na twin towers ng mismong simbahan. Doon pa sa bandang likurang pader nito ako nakaabot at grabe naman na mga bandalismo sa likod pa man din ng simbahan at gawa ng mga taong walang magawang matino sa buhay nila. Malawak talaga ang bakuran ng simbahan.
            Unang kong nakita ang larawan ng San Sebastian sa Mabuhay magazine at akala ko noon sa ibang bansa ito. Tapos, special mention pa ito sa isa sa mga chapters ng lumang batayang aklat sa HEKASI para sa mga grade 4, ang “Pilipinong Makabayan” (Bookman Publishing). Tinagurian daw itong “Lego Church of Asia”; ano? Lego na ina-assemble? Pero ginawaran daw ito ng UNESCO bilang isang heritage site lalo pa’t naiiba ang arkitektura at istruktura nitong Gothic Revival mula sa usual Baroque designs ng karamihan sa mga Spanish colonial churches; ibinatay kasi ang istilo nito sa ilang simbahan sa Europe. Natapos gawin ang San Sebastian noong 1890’s na, sa mga huling taon ng  panahon ng mga Espanyol sa bansa.
            Ang arkitekto ng simbahan ay si Genaro Palacios; ang obra maestra niyang ito ay higit pa nga sa palasyo. Ayon sa nabanggit kong textbook, Pilipino raw siya kaya kabilang siya sa mga Pinoy mula sa iba’t ibang larangan ang tumulong sa pagpapaunlad ng ating kultura. Pero ayon sa Wikipedia and other online sources, isa raw siyang Espanyol. Ano ba talaga? Ah, maaaring kaya siya isang Pilipino dahil noon, ang katawagang “Filipino” ay para sa mga Espanyol na ipinanganak dito sa bansa samantalang ang mga katutubo ay higit pang tinatawag na “Indio”. O, maaaring si Genaro Palacios ay isang mestizo.
            Tanghaling-tapat na. Pagdating ko sa simbahan, ang dami-daming estudyante. Baccalaureate Mass pala ng mga graduating students ng SSC-R. Hindi na ako nakapagsimba. Late na ako at isa pa akong outsider kaya nagtungo muna ako sa Adoration Chapel. Pagkatapos manalangin at magpasalamat, lumabas ako at nagpunta sa isang bahagi ng landscaped area sa harap ng kumbento at inihasik ko sa isang bakanteng sulok ng hardin ang mga dala kong plantlets ng kataka-taka. Ito ang aking herbal donation para sa hardin ng simbahan para maging mas luntian pa dito. Sana, huwag mapagkamalan ng hardinero na mga ligaw na damo ang mga ito. Huwag na silang magtaka pa, hehe! Kaakit-akit din ang mga kataka-taka kapag magsipaglago na ang mga ito, ano?
            Gusto ko sanang tumambay sa may Parish Office dahil mahangin kaya lang di ako nagtagal doon nang nagdatingan ang isang grupo ng mga estudyante ng San Sebastian at ang iingay nila kaya lumabas uli ako. Buti sana kung may katuturan ang mga pinagsasabi nila. Ayaw nilang dumalo sa Misa. At yung isang cynical na lalaki sa kanila ay tila nagmamalaki pang hindi na raw siya nagsisimba at hindi naman lahat ng pumapasok sa simbahan ay malilinis. Eh, di wow. Ang galing naman ng pangangatwiran ng tabatsoy na estudyanteng yun, o! Kahalintulad ng pamimilosopong “hindi na makapagsimba dahil baka raw masunog pag pumasok sa simbahan”. Eh, bakit ako? Napakaraming simbahan na ang nabisita ko at hindi naman ako napapaso pagpasok pa lang sa pintuan ng mga ito! Hindi naman ako relihiyoso. Makasalanan ako. Eh, bakit ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa bawat visita iglesia na ito? Minsan, isang tanghaling-tapat, mag-isa lang ako sa loob ng Malate Church for a quiet, contemplative solitude. Kahit hindi ko na buksan ang kalapit na bentilador, iba ang lamig doon sa totoo lang.
            Struggle against the dark side of one’s self is one of the many ways in keeping our relationship with God.
            May nabasa akong opinion column sa isang diyaryo. Ang mga taong mahilig pumuna sa mga nakikita nilang hypocrisies ng kanilang kapwa ay sila rin mismo mga sandamukal na ipokrito at ipokrita. Eh, paano yan? Gawain nga yun ng Pangulo at ng kanyang mga panatikong tagasuporta at trolls, di ba?
            Tatambay na sana ako sa katabing kumbento kahit sa may hagdanan lamang kaya lang ay tinaboy naman ako palabas. Hay, naman! Para na lang nga akong multo, eh. Dapat pala lagyan nila ng paskil ang pinto ng kumbento na “Unauthorized persons, keep out” o di kaya’y “Off limits to weird strangers”.
            Nang natapos na ang Baccalaureate Mass at naglalabasan na ang mga estudyante, ang weirdong kaluluwang ligaw na ito ay tumuloy na sa simbahan. Kaya lamang, nagsisimula na sana akong namnamin ang kasiyahan ng visita iglesia na ito sa San Sebastian nang napansin kong isa-isa nang sinasara ng mga church personnel ang mga pinto at pinapalabas na ang natitirang mga estudyante na busy pa sana sa pagselfie-selfie nila sa church premises. Nasa istatwa na sana ako ni San Ezekiel Moreno kaya lang ang mga basag-trip namang mga tauhan ng simbahan ay sinabihan ang lahat ng mangilan-ngilang dayong panauhin at pati siguro mga multo na lumabas muna dahil isasara nila ang simbahan na para bang naging private chapel na ang status. Akala ko ba naman, kahit wala pang schedule ng Misa at iba pang okasyon ay bukas lagi ang San Sebastian tulad sa iba pang dinarayong simbahan sa Maynila gaya ng Quiapo, Sta. Cruz, Malate, Ermita, at ang ‘Malacañang neighbors’- St. Jude and St. Michael Archangel.
            Sayang, gusto ko pa sanang hawakan man lang ang isang haligi at mag-imagine sa mga imprints na tila madarama mula sa kasaysayan ng simbahang ito. Ito kaya ay ipinatayo ng mga prayleng Espanyol dahil sa polo y servicios o sapilitang paggawa tulad sa iba pang simbahan at mga proyekto ng gobyerno? Malamang, ilan sa mga polistas o manggagawa dito ay di-naglaon sumapi sa himagsikan. 1892 at bagong gawa pa ang San Sebastian, diretsuhin lang ang kahabaan ng Calle Azcarraga (lumang katawagan sa Recto) mula dito, sa isang bahay doon sa may Tutuban-Divisoria ay itinatag ni Andres Bonifacio at ng iba pa ang Katipunan. Nang sakupin ng mga Amerikano ang bansa at sa panahon ng mga Hapones, naging kanlungan ba ito ng mga Pilipino? Ilang kilos-protesta na ba ang nasaksihan nito during the so-called First Quarter Storm bago mag-Martial Law hanggang sa kasalukuyang panahon lalo pa’t malapit lang ito sa Mendiola? At ilang libong estudyante na kaya ang nag-aral at nagtapos sa marangal nitong kolehiyo? At napabilang na rin pala ito sa itinerary ng Traslacion ng Poong Nazareno tuwing Enero 9.
            Bago ako lumabas sa gate ng compound, muli akong dumaan sa Adoration Chapel na tanging nanatiling bukas. At merong isang lalaking estudyante ang nagtungo rin doon; siguro graduating student siya. Nakatutuwa namang bata. Habang ang karamihan sa mga kaeskwela niya ay bukambibig na lang kanina kung saan sila lalamon o gigimik o mag-FB na lang, siya ay naglaan ng panahon upang manalangin at magpasalamat.
            Nang nag-Internet ako para magsaliksik pa tungkol sa San Sebastian, may mga recent articles online na ‘endangered heritage site’ na raw ito dahil sa structural integrity. Mga environmental factors daw sa paglipas ng mga panahon tulad ng simpleng pag-ihip ng hangin mula sa Manila Bay na tagapawi man ng alinsangan subalit may dala raw panganib para sa steel structures ng simbahan. Napansin ko nga ang kakaibang lumbay sa loob ng simbahan bukod sa madilim. Sigurado ba talaga si Genaro Palacios, pati si Gustave Eiffel, at ang mga inhinyero noon na tatagal ng ilang siglo ang San Sebastian tulad sa mga mas matatandang stone churches sa bansa? Kaya siguro ang mga tauhan ng simbahan ay naglilimita sa mga taong dumarayo dito lalo na kung walang schedule ng religious activities. At saka, sa main entrance pa lang, meron ngang anunsyo doon ng walking tours na parang field trip at kabilang ito sa mga pagkukunan ng pondo para sa conservation efforts para sa simbahan.
            Naluluma na nga sa panahon ang pisikal na istruktura ng isang simbahan subalit hindi ang “Simbahan” –ang pamayanan ng mga tapat na mananampalataya. At sa pananatiling matatag sa pananalig ng pamayanan, naniniwala akong ang San Sebastian ay tatagal pa talaga dahil sa Simbahan, sa awa ng Panginoong Diyos. 

San Sebastian under construction in 1890 (courtesy of Wikipedia)

***

Book Gallery



“The Best of Ang Pinaka” by GMA Network and Summit Books
I remember the host Rovilson Fernandez promoting this during the Noel Bazaar at SMX Convention Center,
SM Mall of Asia last December 2016; believe me, it’s informative and fun to read as well!


This April, I finally completed my prized collection of “Looking Back” volumes by
Professor Ambeth R. Ocampo; try one and you’ll definitely get hooked for more of his delightful essays.
History is never a boring subject, absolutely.
***

Finale of this Blog


Please, oh, please, visit and read my Wattpad works at https://www.wattpad.com/user/weirdjtt


Pedophile B.I.T.C.H. (Bound In Total Control of Himself), my first published Wattpad work.
Hey, those puritans and moralists among the anonymous readers out there, please don’t pre-judge this novella just because of its provocative title. The real essence is in the story itself.

At heto ang tatlong bagong maiikling kwentong kasama na sa aking Wattpad works. Ang “Amnestiya” at “Wattpad Fan” ay mga isinumite ko nga sa Liwayway magazine noong 2014 pero ni-reject ng kanilang editorial staff dahil hindi raw nakapasa sa kanilang pamantayan. Hmp! Kaya nga naniniwala akong ang Wattpad ay isang kanlungan para sa iba’t ibang uri ng panitikan at nilikha upang bigyan ng pagkakataon ang mga nangangarap na manunulat! Anong malay ko na ang mga ni-reject noon ng Liwayway ay may mga papansin at uunawa naman sa Wattpad!  

Amnestiya
Ang kwento ng isang pamilyang namuhay sa panahon at tagpong walang kasiguraduhan hanggang sa paggawad ng amnestiya mula sa pamahalaan sa ngalan ng pagbabagong-buhay.


Wattpad Fan
Crazy over Wattpad. Yun ang taguri kay Heather. Madalas siyang mag-daydream dulot ng kilig sa kababasa ng Wattpad romances subalit ang mga love stories bang iyon ay pwede bang maganap sa tunay na buhay? Mangarap ka na lang nang gising, Heather!


Mirage
Matagal nang may lihim na pagtingin si Sylvester para sa babaeng hindi naman siya pansin. Batid niyang wala rin namang patutunguhan ang damdaming ito at umaasa lang siya sa wala hanggang sa sumapit ang araw nang muling nagbalik ang dilag ng kanyang pangarap. Magpapatuloy pa rin kaya siya sa kanyang kahibangan o gigising na siya sa wakas mula sa mga ilusyong matagal na nagkulong sa kanyang puso sa nakaraan?