This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Thursday, January 31, 2019

Flowers of the Butterfly Pea Plants

The Butterfly Pea plant (Clitorea ternatea)
*******


*******
2019 na ngayon at Year of the Pig in the Chinese calendar ngunit sa Church calendar, it is the Year of the Youth!
*******
“I will be devoted to Him, unlike the fanatics who do not know how to love. The fanatics only cling on to those who give them importance, but a devotee clings to Him because he/she loves Him. Fanatics, if they do not receive what they want would no longer be followers. But devotees, because of love, they would remain loyal whether they receive something in return or none. For as long as I love You (o Lord), I will serve You.”
Hango ito mula sa napakagandang homily ni Cardinal Tagle sa Misa noong Kapistahan ng Poong Nazareno nitong ika-9 ng Enero. Madarama ang inspirasyon mula sa Holy Spirit sa pagninilay na iyon. At kahit na nag-umapaw pa ang masidhing debosyon o panatisismo o trash-lacion sa naganap na Traslacion 2019, siguradong napakarami pa ring may pananalig ang may na-realize sa araw na iyon.
*******
Enero 15. Natapos ko nang basahin itong December 2018 edition ng Animal Scene magazine at very interesting ang mga features dito tapos ang nasa cover photo and story ay yung gentle giant na Maine Coon cat. Maraming features tungkol sa mga miming, pati ang dog family of spitz. Meron din tungkol sa mga coelacanths, isang prehistoric fish species na namumuhay pa rin sa mundo at kabilang sa listahan ng tinaguriang “living fossils” gaya ng tuatara sa New Zealand, horseshoe crabs na mayroon din dito sa Pilipinas, at isama rin natin ang mga ipis at hindi ito cryptozoology! Paano kaya kung meron pa palang trilobites sa mga ocean floors na nakaligtas sa extinction, nakaiwas sa evolution, o hindi naging mga petroleum deposits?
Madalas sa mga Animal Scene edition ang mga Advocate column ng mga nagpapalaganap ng vegan lifestyle lalo pa’t ilan sa mga contributors ng magasin ay mga certified vegetarians. Eh kung may alaga ang mga ito tulad ng mga aso o pusa, ginawa rin ba nilang herbivores ang mga ito? Yun bang pinapakain na lang nila ang mga ito ng processed pet food na may synthetic animal protein? Dapat nga vegan pets din ang alagaan nila tulad ng mga kambing, pagong, iguana, at pati gorilla... ehek, sorry, DENR.
Kahanga-hanga rin naman ang mga vegetarian advocates. Siyempre, kindness and ethics towards animals. Ang maging mas makatao dahil sa pagpapahalaga sa mga nilikha at huwag tularan ang mga nagpapaka-tae dahil sa masamang asal ng mga ito tulad ng kalupitan sa mga hayop. Binanggit sa column ang mga agressive campaign ng mga pangkat gaya ng PETA at nagpapalabas sila ng mga documentaries tungkol sa animal cruelty at ang kabutihan ng pagkakaroon ng meat-free vegan diet. Tipong method na “shock and awe” dahil katotohanan daw ang kanilang ipinapamulat sa publiko na baguhin na ang mga “kinasanayan”. Kung sabagay ang mga tao ay “animals” din- of the highest order and top predator in the whole world. Ang mga PETA activists at mga vegans ay nanonood din ba ng mga wildlife videos kung saan ang mga predatory animals na nasa natural habitat nila ay nagha-hunting at kinakain ang kanilang prey? 
Propaganda man o simpleng raising ethical awareness, marami talaga ang malupit sa mga hayop. At saka yung regular food animals na marahas ang pagkakapatay, mapapansin din na ang meat quality nito ay bakas ang matinding stress at takot na tipong di-ganoon kalinamnam. Mabuti pa ang mga pamamaraan ng mga Jewish and Muslim butchers na sinusunod ang kani-kanilang dietary laws, mga ritwal, at tradisyon. One strike lang daw para di-tumagal ang hirap ng hayop. Nagdarasal pa nga sila bago gawin yun.
Dumarami na ang nag-aadapt ng vegan diet out of health reasons and ethics. Kaya lang hindi naman lahat ng tao sa Mundo ay maaaring maging vegetarian lalo na kung ang pagbabasehan ay ang natural metabolism ng katawan at pati blood type. Kapag kumain ako ng karne, isipin kong ang DNA essence ng hayop na hatid ng protina ay payapa nang mamamahinga sa nucleus ng bawat cell ko, ang maging bahagi ng aking DNA. Hindi lamang mga hayop ang mga living organism, di ba? Pati mga halamang pinapapapak ng mga vegans na yun ay may buhay rin!
*******
Mabolo fruits
          *******
DELIGHTS GALORE!



Who says that these delights are exclusively for men? I ogle at the pictorials and guaranteed no lesbian attraction but platonic admiration, get it?
*******
The panoramic views as seen from the Runway Manila footbridge connecting NAIA-3 and Newport Complex here in Pasay City.

*******
Kahit na malayo pa ang susunod na kuwaresma ay muli akong nag-visita iglesia sa apat na simbahang ito na talagang pagkaganda-ganda at kay payapa.








*******
Great finds at Segunda Mana outlets in Harrison Plaza Manila and Metropoint Mall Pasay- National Geographic Magazine October 1991 edition for twenty pesos; I love the features about Native Americans and their heritage, dazzling rubies and sapphires, and lovely nature photos from Australia’s Lord Howe Islands.  A vintage 1984 edition of Beverly Butler’s The Ghost Cat for only ten pesos; cute story with cool mystery!
*******
********
Parody of Nova Chips? No choice but this seems to taste better!


*******

“Ang Alamat ni Helmut Heidegger”- a synopsis

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kabi-kabila ang madudugong labanan sa maraming panig ng Europa hanggang Hilagang Aprika at sa rehiyon ng Asya-Pasipiko. Ngunit isa pang malagim na kaganapan ang dumagdag pa sa mga dahilan kung bakit ang digmaang ito ay itinuturing na isa sa mga pinakamadilim na yugto sa kasaysayan ng mundo at ng sangkatauhan, ang Holocaust, itinuring ng mga Nazis na kanilang ‘final solution to the Jewish question’.
Ngunit sa mismong lugar at pang-araw-araw na kalagayan, namulat ang kanyang isipan at puso sa mga reyalidad at ilusyon sa buhay hanggang sa ang tanging hangad na niya bago ang wakas, higit pa sa kanyang kalayaan, ang kaligtasan.

Enero 27. Sa wakas, maraming salamat sa Panginoon, nailathala ko na ang aking ikalimang kwento sa Wattpad! Sa Kabanata 20, mas mahaba ang pagpapaliwanag ko tungkol sa maikling nobelang ito kaya pakibista ang https://www.wattpad.com/user/weirdjtt 


A photo taken by Margaret Bourke-White during the liberation of Buchenwald; one of sources of inspiration for my Helmut Heidegger. (courtesy of Wikipedia)

Heto ang ika-20 kabanata ng kwento:

20: Author’s Notes
Ang maikling nobelang “Ang Alamat ni Helmut Heidegger ay unang isinulat sa re-used papers noong ika-29 ng Disyembre, 2005 at natapos noong ika-6 ng Abril, 2006. Muli ko itong ini-edit at isinulat sa malaking notebook noong Enero 24, 2010 hanggang Pebrero 18, 2010. Ito ang una at pinakamahabang bahagi ng sinimulan ko nang akda na “Exotic Anthology”, isang koleksyon ng mga kwento at maiikling nobela na mayroong international themes subalit nakalulungkot man na hanggang sa kasalukuyan ay hindi magkaroon ng pagkakataong mailathala at maisa-aklat.
Salamat sa Wattpad, ipinapakilala ko na sa Mundo si Helmut Heidegger.
Dapat sana, ang akdang ito sa simula ay aabot lang hanggang anim na pahina tapos humaba nang humaba hanggang sa maging maikling nobela sa halip na maikling kwento gaya ng ilan sa mga kasama nito sa aking antolohiya. Noong pinagagana ko ang aking imahinasyon bago isulat ang akda, hindi naging problema ang magiging pangalan ng pangunahing tauhan. Naging inspirasyon ang mga pangalan ng space artist na si Helmut K. Wimmer and philosopher Martin Heidegger na kapwa mga Aleman. Tumatak din sa aking kamalayan ang mga napanood ko noong mga pelikula na ang mga tema ay Holocaust and World War 2 tulad ng “Saving Private Ryan” na una kong napanood sa VHS pa, “The Devil’s Arithmetic” na pinagbibidahan ng teenager pang si Kirsten Dunst at ipinalabas noon sa Hallmark Channel ng late ‘90s, “Jakob the Liar” ng yumaong Robin Williams, “Enemy at the Gates”, “Stalingrad”, “Nuremberg”, ang award-winning Roman Polanski film “The Pianist”, at swerteng nakabili pa ako ng original VCD ng “Schindler’s List” sa Odyssey Records ng SM Mall of Asia noong 2008 at ito’y kabilang sa iniingat-ingatang movie collection namin sa bahay. Pati ang 1991 Japanese animated series na “The Trapp Family Singers” na una kong napanood noong 1993 pa samahan pa ng “The Sound of Music”. Ang haunting picture ng kalagayan matapos ang liberasyon sa Buchenwald, Germany na kuha ng Amerikanang photojournalist na si Margaret Bourke-White ay naghatid pa lalo ng inspirasyon.
Nakapagsulat ako ng isang kwento tungkol sa isang banyaga at ang kasaysayan niya at mga pangyayari sa kanyang bansa noon ay malayo naman ang kaugnayan sa sariling kasaysayan ng aking bansa na may sarili ring mabibigat na problema noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit hindi rin maitatanggi na ang mga pangyayari noon ay magkakaugnay pa rin. Ang Pilipinas ay naging pangalawang tahanan ng libu-libong Jewish refugees na ginawaran ni Pangulong Manuel L. Quezon ng asylum. Wala namang dapat ipangamba ang mga Pilipino na madamay sa giyera laban sa mga Nazis o sa galit ni Hitler at ang Germany ay nasa kabilang panig ng mundo at maaaring ang mga Hapones ay walang pakialam sa “final solution” kahit pa kakampi nito ang bansang iyon. Ayon sa ilang matatandang Hudyo na minsang nanirahan sa Pilipinas bago sila tuluyang nag-settle sa Israel o sa Amerika pagkatapos ng digmaan, hindi sila pinakialaman ng mga Hapon dahil daw German passport-holders sila.
Sa totoo lang nang tinatapos ko ang akda kong ito noon, para itong idinikta na pakiramdam ko ay hindi talaga bigla lang sumulpot sa napapanood ko sa aking imahinasyon. Ano yun? Retrocognition na sangay ng ESP? Paano kaya kung totoo pala si Helmut Heidegger mula milyun-milyong katao na yun na biktima ng Holocaust?
Ang akdang ito ay simula sa sapul ay naisulat sa wikang Filipino (at merong occasional Taglish pa). Hindi ako propesyunal pagdating sa pagsusulat ng mga akda in straight English at lalo namang hindi ako marunong ng German or Yiddish. Kung sakali mang mayroong non-Filipinos ang mapadaan sa Wattpad site kong ito kung saan nakalathala ang aking akda at sila ay maintriga o ma-curious, kung nais nilang malaman ang tungkol sa kasaysayan ng aking si Helmut, upang maintindihan nila ay ipasalin nila sa mga Pinoy at huwag sa Google online translate.
Maraming salamat sa Panginoong Diyos. Amen.             







No comments:

Post a Comment