Flowers for the Love Month
*******
Nitong Pebrero
10, namasyal kami sa Quezon Memorial Circle. Wow, walang trapik mula dito sa
Pasay hanggang Diliman! Sana laging ganoon sa EDSA lalo na tuwing weekdays. Ang
Lungsod ng Quezon, bukod sa lugar kung saan ako ipinanganak, ang aking 3rd
favorite city kasama ang Parañaque at Makati.
Ang sadya namin sa QMC ay ang
Hortikultura Filipina 2019. Nagtungo na ako doon at sa Museo ni Manuel L.
Quezon noong nakaraang taon pa (pakitunghayan ang “Tikoy Sampler Platter” blog
post February 2018). Nakalilibang talaga ang napakaraming exhibit ng mga
halaman at naka-landscape na mga hardin.
*******
Pebrero 1.
Tuluy-tuloy pa rin ang tinaguriang Manila Bay rehab. Nagkaroon din ng pleasing
effects na sana ay tuluy-tuloy na ang paglilinis ng naturang pook at huwag
itong ningas-kugon lamang. Ang target ng mga awtoridad ay i-improve ang water
quality ng Manila Bay na yun bang pagsapit ng Disyembre ay pwede nang paliguan
ito. Subalit hangga’t walang disiplina at salaula ang maraming tao, walang
katapusang clean-up yun.
Pebrero 16. Manila trip. Pagkagaling
ko sa Malate Church, tumawid naman ako patungong Rajah Sulayman Plaza.
Tamang-tama at ginanap doon ang isang programang nilahukan ng iba’t ibang
militanteng grupo sa pangunguna ng Gabriela Women’s Party at nagtalumpati rin
ang kilalang madreng aktibista na si Sister Mary John Mananzan. Ang
palatuntunan ay #RiseAndRage na tila patikim o intro para sa grand rally sa
Marso 8, ang International Women’s Day. Actually, masaya palang mag-usyoso doon
pero hindi ako nagtagal dahil gusto kong tumawid pa sa Roxas Boulevard hanggang
Baywalk para matunghayan ang Manila Bay lalo pa’t malapit nang mag-sunset.
Sana, kahit patapos na ang panahon
ng amihan at pumalit na ang easterlies at lalo na kapag habagat season na, mas
malinis na nga ang Manila Bay. Meron pa rin mangilan-ngilang nakalutang na
kalat pero sa pangkalahatan, nagpapatuloy ang rehabilitasyon sa makasaysayang
baybaying-dagat. Hay, amoy-dagat na muli. Hindi ko man mapanood nang buo ang
sunset, masayang-masaya na ako. Nakabibighani talaga ang Manila Bay sunset.
Pagbalik ko sa M.H. Del Pilar Street para mag-abang ng dyip na pabalik sa Pasay
o Baclaran, ang simbahan ay nagkulay-ginto dahil bilad sa sinag ng papalubog na
araw. Nostalgic feel.
No comments:
Post a Comment