Fernando Amorsolo's Planting Rice (courtesy of Wikipedia)
Gustave
Caillebotte’s Paris: A Rainy Day 1877 (courtesy of Wikipedia)
Mayo 25.
Ikalawang araw na ng kaguluhan sa Marawi City, Lanao del Sur dahil sa
panggugulo at pamemeste ng Maute group na ISIS-inspired daw. Bakbakan na naman
sa bahaging iyon ng Mindanao at sino pa ba ang mga biktima sa walang saysay na
giyerang ito kundi ang mga inosenteng sibilyang gusto lang mamuhay nang payapa
at gayundin ang pamilya ng mga sundalo, pulis, at media personnel na araw, gabi
ay nag-aalala para sa kapakanan ng mga ito. Idineklara na nga ni Digong ang
martial law sa Mindanao dahil sa sitwasyong nagaganap subalit ibang-iba naman
ito sa panahon ni Marcos, di ba?
Mayo 26.
Simula na ng Ramadan ayon sa Islamic calendar. Ang mga Maute-ISIS, BIFF, Abu
Sayyaf, at iba pang lawless groups- nag-aayuno rin kaya ang mga ito? Sa buong
panahon ng Ramadan, ilan kaya sa mga taong merong baluktot na ideolohiya ang
magkakaroon na sa wakas ng tinaguriang “change of heart”?
Mayo 30.
Tuluy-tuloy pa rin ang kaguluhan sa Marawi. Hindi talaga mabilis ang clearing
operations sa lungsod dahil sa mga nagkalat na snipers ng mga kalaban sa ilang
building kabilang na ang mga mosque. At may mga ulat pang marami sa mga
recruits ng Maute ay mga batang uhugin pa. Siyempre, ang paraan ng recruitment
ay tulad din sa iba pang extremists- baluktot at wala sa tamang katinuan. Na
kapag ang isang kasapi ay mamatay na isang jihadist na lumalaban sa tinagurian
nilang mga ‘infidels’, diretso silang pupunta sa ‘langit’... kahit pa marahas o
di-makatao ang ginawa niya sa pagtalima sa ‘misyon’ niya kuno. Tsktsktsk!
Hunyo 12.
Araw ng Kalayaan. Ang C-130 cargo plane ng Philippine Air Force ay dumating sa
Gate 5 ng Colonel Jesus Villamor Air Base upang ihatid ang mga labi ng mga
nasawing sundalo at pulis mula sa bakbakan sa Marawi. Mga bayani.
*******
Hunyo 2.
Buhat pa kagabi itong malagim na balita tungkol sa trahedya sa Resorts World
Manila na hindi naman nalalayo dito sa Villamor Air Base. Isa raw mama na wala
na sa sarili ang bigla na lang nagpaputok nang walang habas sa may casino area
pero wala namang sinadyang patamaan. Nagkagulo pa rin sa mga sugarol at mga
guests at sa mga kawawang empleyado. Pagkatapos, nagsunog ang gunman sa gambling
tables at gumawa pa ng sunog sa second floor at pati ang sarili niya. Habang
gumugulong ang imbestigasyon, umepal na naman ang mga ‘ISIS’ upang akuin daw
ang trahedya o sadyang sinungaling lang talaga sila. Ang malakas na hinala na
ang gunman ay isang casino gambler na masyadong dinibdib ang matinding
pagkatalo sa sugal kaya nanging instant terrorist siya. Ni hindi pa nga tapos
ang kaguluhan sa Marawi at nitong isang araw lamang, may mga sundalong
sinawimpalad na nasawi dulot ng aksidenteng airstrike sa kinalalagyan nila sa
halip na mapunta sa mga target na kalaban.
Sa totoo
lang, kahit walking distance lang ang RWM, mula nang ipinatayo ito ay DALAWANG
BESES pa lamang akong nakakapasok dito at hanggang ground floor or gaming area/
restaurants lang ang narating ko. Hindi ko kasi trip ang lugar at animo
nakasasagap ako ng kakaibang uri ng enerhiya na ang bigat sa pakiramdam. Bago
kasi ipatayo ang RWM, Marriot Hotel, at mga kalapit na building nito na lampas
ng Shrine of St. Thérèse, sa lugar na iyon nakatayo noon ang ospital ng
Philippine Air Force, PAF museum, at mga lumang barracks na ang mga kalsada ay
nalilinyahan ng maraming puno na karamihan ay matatandang akasya.
Makalipas ang ilang araw, Hunyo 11 na araw ng
Linggo, pagkagaling ko sa Misa sa Shrine, naglakad-lakad muna ako sa Newport
Boulevard hanggang sa Maxim’s Hotel kung saan naroon ang RWM. May nakakalat pa
ngang mga bubog na kulay brown mula sa nasunog na suite sa second floor. Sa
main entrance, mayroong memorial na inilagak doon bilang pag-alaala sa mga
nasawi sa trahedya. Nakabibinging katahimikan sa lugar na iyon. Matatagalan pa
talaga bago bumalik sa normal operations ang entertainment complex.
*******
Hunyo 3.
Isang buong maalinsangang araw ngunit nitong hapon ay nagpunta ako sa aking second
favorite city, ang Maynila. Hindi naman ako namasyal dahil para akong
nagpenitensiya. Talagang penitensya sa aking visita iglesia sa araw na ito
kahit na matagal nang tapos ang Holy Week.
Una kong pinuntahan ang St. Anthony of Padua Parish sa Singalong na
sakop ng San Andres district. Ang layo ng nilakad ko at nakapag-explore pa ko
nang di-oras sa mga tahimik na well-to-do residential areas ng midtown area ng
Maynila. Nakarating din ako sa naturang simbahan na tulad sa mga napuntahan ko
na, meron itong parochial school sa lote nito. At malapit na noon ang
kapistahan ni St. Anthony. Simpleng maganda na maaliwalas na simbahan.
Pagkatapos, sunod ko namang sinadya ang Our Lady of Assumption Parish na nasa
South Malate area na malapit na sa Manila Zoo. Congested area naman ang
nakapaligid na kabahayan doon pero mapuno at medyo malamig pa tulad sa
probinsiya lalo na sa gawing Paraiso ng Batang Maynila. Sa covered court,
maraming kabataan ang naipon doon para magpraktis ng basketball; buti na lang
at mahangin doon... di nga lang amoy puno at halaman kundi litro-litrong pawis,
hehehe! Di naman ako nagmamalinis, ano? Kasi nga pagdating ko nga sa simbahan
sa Asuncion street, nakupo, ang baho ko rin naman! At sarado pa ang simbahan
nang mga oras na iyon!
*******
Hunyo 8.
Sa mainit na araw na ito, inantabayanan ang NBA Finals Best of 7. Tumamlay na
ang laban sa Cavs. Lumakas lalo ang hanay ng GSW mula nang lumipat dito si
Kevin Durant mula OKC; mas gusto ko pa nga siya kaysa kay Steph Curry. Pero ano
man ang mangyari, panalo o talo, kina King James pa rin ako, ano?
At
makalipas ng ilang araw ng pag-aabang, GSW pa rin ang nanalo.
*******
Hunyo 9.
Malaking pagbabago na sa classroom location para sa mga Grade 5 ng Villamor Air
Base Elementary School sapagkat makalipas ng maraming taon, nagkaroon na ng
sariling kwarto ang mga ito sa Building B at ang 3rd floor ang inokupa. Well,
the only constant is change; mami-miss ko ang view ng Magallanes Village, at
ang St. Alphonsus Liguori Parish na pader lang ang pagitan mula VABES o tatawid
lamang sa creek na nagtatakda ng hangganan ng Pasay at Makati. Ang lokasyon nga
pala ng school ay nasa hangganan pa ng tatlong lungsod: nakaharap ang school
buildings sa Villamor Golf Course- Pasay; ang mga kwarto sa Building A na
nakatapat sa creek at sa Magallanes nakadungaw- Makati; at ang mga kwarto naman
sa Building B na nakatanaw sa skyline ng Bonifacio Global City at Fort
Bonifacio- Taguig. Yun nga lang, natapat din sa South Superhighway at sa Skyway
na 24/7 ang pag-arangkada ng mga sasakyan! Well, ang oras na ng klase ay 10:40
ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. At tila nga ang bilis lumipas ng mga araw,
linggo, at buwan and before we know it ay patapos na pala ang school year
2017-2018, o!
*******
Hunyo 21.
Summer solstice. Hindi na ako masyadong nakakapanood sa HBO pero may isang trip
kong kakaibang sine na ipinalabas dito na merong nakakaintrigang title, ang
“Keanu” samantalang ang mga bida dito ay mga bugoy na mga nakakatawang lalaki.
Ipinangalan pala ito sa isang mysterious tabby kitten at tunay nga namang
cuteness overload. He seems so delicate and vulnerable pero sinumang makapulot
sa kanya, be they dangerous and violent drug kingpins and criminals at
lalung-lalo na ang mga bidang lalaki, lahat ay nahuhumaling sa kanya. At ang
dalawang mokong, sa kahahanap sa kanya, ay na-involve sa iba’t ibang
adventures, misadventures, and troubles sa magulong bahagi ng downtown L.A. At
sa isang hallucinatory scene, pagkatapos ng visions kay George Michael,
nagsalita na si Keanu... at ang mismong voice talent para sa kanya ay walang
iba kundi si Keanu Reeves mismo! Kakaibang pelikula na may mga bidang hayop
kahit na hindi wholesome, family-oriented flick tulad ng iba pero sa bandang
huli, ang forever cute na kuting na si Keanu ay naghahatid ng “feel good
vibes”.
*******
Hunyo 24.
Araw ng Maynila at ng kapistahan ni San Juan Bautista. Pagkagaling ko sa
nai-enroll kong subjects sa MAED sa City University of Pasay, naggala na ako.
Pero di ito pasyal kundi visita iglesia dahil sa wakas, nakarating na ako sa
San Ildefonso Parish sa Pio Del Pilar, Makati. Pagdating ko doon, ang daming
tao. Pagkatapos ng panalangin, pampa-good vibes talaga ang lihim na panoorin
ang mga tao gaya ng mga kabataang naglalaro sa kalapit na basketball court
(kaysa naman magbabad sila sa mga kompyuteran o sa mga gadgets buong araw,
ano?) at mga nagpapraktis sa rondalla
para sa Misa, at mga senior citizens na nagdarasal. Ganoon din ang
kahalintulad na tanawin sa Sta. Clara Parish nang bumalik na ako sa Pasay.
Masaya sa pakiramdam na ang itinerary sa mga ganitong laidback na araw ay mga
payapang lugar.
*******
Hunyo 30.
Nanood ako ng isang episode ng Saturday afternoon drama anthology ng GMA-7 na
“Tadhana” (ang pumalit sa “Karelasyon”). Pagsasadula ng buhay-OFW sa Thailand
na light drama plus love story di tulad ng melodramatic type ng mga naunang
episode. Tadhana ng isang OFW na matapos ng mga kabiguan sa pag-ibig ay sa
wakas, natagpuan niya ang love life na pinapangarap sa Bangkok.
Naiinggit
ba ako? Absolutely, not! Hindi na ako umaasa pa. Hindi ko na kailangang
maghintay dahil wala na akong hihintayin pa!
No comments:
Post a Comment