Royal Poinciana (Flame Tree) in bloom; courtesy of Wikipedia/uploader:Marc Averette
Golden Shower Tree (courtesy of tradewindsfruit.com)
Hindi tulad ng mga blog posts ng
Abril at Mayo nitong mga nakaraang taon, walang salaysay o mga larawan dito
tungkol sa bakasyon sa lalawigan ang kasalukuyang sanaysay na ito. Hindi kami
nagbakasyon sa Tigbauan, Iloilo ngayong tag-init. Pero humanap na lang ako ng
mga dahilan para malubos ang bakasyon. Marami rin akong napuntahang lugar.
Talaga namang halos araw-araw ay maalinsangan kaya lagi kong dala ang aking
green ACDI umbrella saan man ako magpunta. Nagko-commute lamang kasi ako. At
kapag pauwi na ako mula sa aking pilgrimages and urban explorations, hindi ako
gaanong lumalapit sa karamihan sa mga pasahero lalo na kapag nasa LRT o MRT.
Siyempre, ang baho ko na! Teka lang nga, sa init ba naman ng panahon tapos
nagko-commute ka lang, alangan namang pagtapos ng buong araw ay amoy-presko ka
pa rin, ano? Ah, wala akong pakialam! Hindi naman ako girly-girl image, eh.
Kaugalian
ko na ang anytime visita iglesia kahit tapos na ang Holy Week. Bukod doon,
nadadagdagan pa ang mga kaalaman ko sa iba’t ibang lugar dito sa Metro Manila
at kahit papaano, pati sa pamumuhay ng mga tao o sa mga pamayanang nakapaligid
sa isang simbahang sinadya ko. Kung ang karamihan sa mga tao ngayong bakasyon
sa panahon ng tag-init ay hangad ang mag-unwind sa mga out-of-town trips with
all the rustic sceneries and beach escapades, ako naman ay iba’t ibang mukha ng
mga lungsod ang natunghayan sa aking paggala. Pictures of urban life ika nga
mula sa mga lansangan hanggang sa iba’t ibang antas ng residential areas and
commercial districts, at ang panoorin ang mga tao kahit mula sa gilid ng
paningin. Hindi nga lang ako nagdadala ng camera o cellphone; nakaimbak na sa
memories ang imprints ng mga pinupuntahan kong mga lugar, nadarama ko pa sa
aking DNA. Kaya kayong mga anonymous readers, kung disappointed kayo dahil
walang photo gallery sa blog post na ito tungkol sa mga sumusunod, i-Google
niyo na lang.
- · Cathedral of St. Andrew the Apostle, La Huerta, Parañaque. Ang visita iglesia ko sa makasaysayang simbahang ito ay mayroon din trip down memory lane dahil sa tapat ng parochial school nito, naroon naman ang St. Paul College of Parañaque kung saan ako nag-aral noong 1st and 2nd year high school bago ako lumipat sa St. Mary’s Academy dito sa Pasay. Naabutan ko pa ang panahon kung kailan ang St. Paul ay all-girls school pa maliban sa kinder department at ang St. Andrew’s naman ay pulos mga lalake. Parang kailan lamang ang nakalipas na dalawang dekada. Pero ang dami nang nagbago sa La Huerta-San Dionisio area. Halimbawa ay ang Parañaque Community Hospital na maliit at lumang building pa noon. Hehehe, December 1996 noon at biglang nagkagulo sa paligid ng munting ospital nang dumating si Michael Jackson doon para bumisita sa mga pasyente. The late King of Pop was on a world concert tour then at kabilang ang bansa sa itinerary. Hindi ako fan niya pero nakita ko siya in person nang dumungaw siya sa bintana doon!
- · St. Joseph the Worker Parish, Tambo, Parañaque. Hay, ang cute ng simbahan at maaliwalas pa. Meron pa ngang binyagan nang nakarating ako doon tapos bisperas pa ng piyesta dahil ang ikalawang feast day ni San Jose ay tuwing Mayo 1 in solidarity with Labor Day.
- · Parish of Our Lady of the Abandoned, Sta. Ana, Manila. Sa wakas ay nakarating na ako sa isa pang makasaysayang simbahan by the Pasig River at nakatindig sa lupain ng sinaunang kaharian na tinatawag na Namayan na naunang nag-flourish ilang siglo bago naitatag ang Muslim na kaharian ng Maynilad. Akala ko nga ay narito pa rin ang Sta. Ana on-site museum dahil may nadiskubre noong archaelogical sites dito gaya ng mga libingan at mga ancient artifacts (para akong engot na nagtanong pa sa sekyu ng simbahan tungkol doon!); siguro nilipat na sa National Museum. Nakamamangha sa loob ng simbahan. Nang nakarating ako doon, mayroon pang summer catechism classes para sa mga bata at nakagayak ang simbahan para sa monthlong Flores de Mayo.
- · San Fernando de Dilao Parish, Paz St., Paco, Manila. Mukhang laging sarado lalo na tuwing weekdays ngunit ang Adoration Chapel ay laging bukas at maraming nagtutungo dito upang manalangin.
- · Sta. Cruz Church, Sta. Cruz, Manila. Ilang beses na akong nakapunta dito na nakatapat na sa arko ng Ongpin at balang araw ay pupuntahan ko rin ang Binondo Church or San Lorenzo Ruiz Parish. Malawak at tahimik sa loob ng simbahan at nakaka-miss ang malaking myural sa may altar area. Kung hindi lang napakasikip at napakagulo sa Carriedo, tanaw na tanaw na sana ang Quiapo Church mula dito. Magkapitbahay lamang ang dalawang simbahan kaya nga sunod akong nagtungo sa Quiapo at sa halip na mag-obstacle race ako sa Carriedo, sa mas maluwag at mas maayos namang Palanca Street ako dumaan.
- · Sto. Domingo Church, Sto. Domingo, Quezon Avenue, Quezon City. Makalipas ng maraming beses nang pagsubaybay sa televised Siete Palabras ng GMA-7 tuwing Mahal na Araw, nakarating na ako sa napakalaking simbahang ito! Nakakapagod nga lang magsadya dito para sa commuters lalo na ako na galing pa sa Pasay. Magtitiis ka talaga sa kalbaryo sa loob ng MRT tapos mahabang jeepney ride with frequent traffic sa Quezon Avenue ngunit kapag narating na ang simbahan, kaygaan na ng pakiramdam. Ang ganda, grabe! Ang lawak-lawak ng simbahang dinesenyo ng kilalang arkitekto na si Felix Roxas. Narito rin ang kumbento ng Dominican Order at nakahilera sa arcaded hallways ang mga santo at santa ng nasabing orden. Dito rin nakalagak ang Shrine of Our Lady of the Rosary or La Naval de Manila na una kong nakita ang larawan nito sa aming aklat ng EDSA People Power Revolution 1986.
- · Sacred Heart Parish, Scout Ybardolaza Street, Sacred Heart Village, Kamuning, Quezon City. Nakarating na ako dito noon ngunit kaysarap niyang balikan sa totoo lang. Madali rin marating. Pagbaba mula sa MRT GMA-Kamuning station, lakad lang patungong Timog Avenue tapos madadaanan pa ang compound ng GMA-7 Network station at marami nang dyip ang masasakyan papasok sa Sacred Heart Village na kaygandang barangay sa totoo lang. Ang simbahan ay tahimik at payapa at umuwi akong masaya!
- · Archdiocesan Shrine of Espiritu Santo Parish, Rizal Avenue cor. Tayuman, Manila. Mga ilang linggo bago ang Pentecost Sunday, nakarating na ako sa simbahang ito na natatanaw ko lamang noon mula sa LRT kapag dumadaan sa Tayuman. Kaakit-akit talaga. Kaya lang nang nakarating ako dito, para akong pumasok sa isang sauna! Weekday kasi noon at hindi pa masyado ang mga taong dumarayo dito tapos hindi ko alam kung nasaan ang switch ng mga wall fan. Ngunit hindi ko na lang itinuring na distraction ang init sa loob ng simbahan pagdating sa panalangin. May dala naman akong pamaypay, eh. Hindi pa malakas ang hanging habagat ng araw na iyon. Gayunpaman, tahimik doon at ang ganda ng altar na may malaking myural ng larawang hango sa Acts of the Apostles ng Bagong Tipan sa Bibliya kung saan ang mga sinaunang Kristiyano, kabilang na si Mama Mary, ay tumatanggap ng mga ningas ng apoy mula sa Espiritu Santo na ang sagisag ay isang nagliliwanag na puting kalapati at ang Pentecost na iyon ay pinaniniwalaang ang birthday ng Simbahan. Sandali akong gumala sa loob ng simbahan para mag-usyoso. Napansin ko ang malaking istatwa ni St. Jude Thaddeus. Bukod sa baston at medalyon, akala ko merong nakabaliktad na apa ng ice cream sa tuktok ng ulo niya. Ah, oo nga pala. Ang portrayal sa kanya sa mga likhang-sining, mayroon siyang tongue of flame sa ibabaw ng kanyang ulo dahil kabilang siya sa mga tumanggap sa Holy Spirit na dumating noong Pentecost tulad ng ipinangako ng Panginoon. On the other hand, nabasa ko sa Wikipedia ang kasaysayan ng parish na ito ng Tayuman. Ipinatayo raw ito noong panahon na ng mga Amerikano at himalang nakaligtas mula sa pinsala ng Ikalawang Digmaan.
- · San Jose de Trozo Parish at ang Holy Cross-Magdalena Chapel, Gen. Masangkay/ Benavidez Sts. Tondo, Manila. Nang naglakad ako sa Mayhaligue (dalawang kanto mula LRT Bambang station), nasaksihan ko ang isa pang mukha ng aking ikalawang paboritong lungsod. Congested urban area. May mga nadaanan akong mga eskinita kung saan hile-hilera ang mga barung-barong tapos merong esterong nilimot na ng panahon at sangkatauhan dahil sa dami ng basurang itinambak dito. Ang mga nagtataasan ngunit lumang apartment at mga condo ay naroon din bilang vertical housing gaya sa kalapit na Binondo at Sta. Cruz at karamihan sa mga tenants ay mga Tsinoy. Meron akong naalala- isang sitcom sa channel 5 noong early ‘90s na ang pamagat ay “Tondominium”, hehe! Yet, the community is full of humanity. Pagdating sa Masangkay, ito ay closely-knit community of churches, hospitals, and schools like St. Stephen’s, Hope Christian, and St. Mary’s and all the commercial areas na either patungong Bambang market o sa Recto na diretsong Divisoria. Simple yet solemn, yan ang madarama sa San Jose de Trozo at sa kalapit nitong Holy Cross-Magdalena Chapel sa may Chinese-style entrance ng Metropolitan Hospital at dinarayo ng iba’t ibang tao na naghahanap ng kanlungan mula sa pagod nila sa buong araw na pagtatrabaho o sa mga inaalala nila sa bawat araw o pagnanais lamang ng mga payapang sandal.
- · Our Lady of the Airways Parish, Pildera, Pasay. Nang nagpunta ako dito and as of this blog writing time, under renovation pa pala ito. Nakupo, ang kaawa-awang lagay ng kalapit na plasa na meron pa namang Marian monument! Nangangailangan talaga ng rehabilitasyon at tunay na pagmamalasakit ng pamayanang nakasasakop sa parokya. Sana, sa susunod na pagdayo ko dito, tapos na ang renovation at balik uli sa solemn atmosphere gaya noong unang beses akong nakarating dito. Siyanga pala, napuntahan ko na ang lahat ng Catholic Churches dito sa Pasay City maliban sa Our Lady of the Most Blessed Sacrament Parish na nasa Kalayaan Village malapit sa Merville and I’m hoping to visit her soon.
- · Our Lady of Loreto Parish (J. Figueras St.) and Shrine of St. Anthony of Padua (Manrique St.), Sampaloc, Manila. Sinasabing kambal na simbahan ito na nasa iisang lote na hugis-tatsulok at sa labas ay merong talipapa tapos commercial areas at ang university belt mismo. Linggu-linggo ay nagsisimba kami sa Our Lady of Loreto Chapel sa loob ng Col. Jesus Villamor Air Base (CJVAB) dito sa Pasay ngunit kamakailan lamang ay narating ko na ang isa pang Loreto na nasa Maynila. 2-in-1 na visita iglesia ito. Ang ganda doon na kapag naroon ka lalo na sa may munting hardin ng St. Anthony, hindi mo mararamdaman ang noisy, congested area sa labas. Ang saya-saya ko nang nakarating ako doon.
At sa bawat simbahang nasa itinerary ng aking anytime visita iglesia, ito
ang katanungang palaging umaalingawngaw sa isipan ko: kailan kaya ako babalik?
Anu-ano nga ba ang ipinapanalangin ko kapag nakarating ako sa isang
simbahan? Hindi naman mga pansariling
hangarin iyon. Ssssshhh... only the Lord God knows at hindi ko na babanggitin
dito.
Tulad ng nabanggit ko na sa aking previous blogs (just like in the April
2017 post “Antares”), hindi talaga ako ganoon ka-religious. The cynical bigots
among you may point me as some hypocrite though you don’t know me personally, I
don’t give a damn but because of your prevailing prejudice of other people’s
beliefs and faith, I wish you disturbances in your dreams so that when you wake
up, you’ll realize that you can’t have a good night’s sleep... joke. I don’t
mean harm on people who simply just don’t understand me and my weirdness. Ah,
basta, igalang na lamang natin ang mga paniniwala at pananalig ng bawat isa.
Nakasaad din yun sa Saligang-Batas, di ba?
Sa mga napuntahan ko nang simbahan, kay gaan sa pakiramdam ang isang
taimtim na panalangin at pagninilay at huwag nang indahin ang gulo at ingay of
the outside world. Hindi lang naman ako ang may ganitong pananaw. Kahit wala
pang Misa o sa mga karaniwang araw, may mga namamataan akong mga tao na
naglalaan ng panahon nila para sa Diyos. Hindi ko man sila kilala, mula sa
sulok ng isang church pew kung saan ako naroroon na parang multo, pinagmamasdan
ko sila nang tahimik at natutuwa ako sa kanila; basta huwag ko lang ipahalata
na inoobserbahan ko sila at baka mailang sila o manindig ang balahibo sa
presensya ko.
Kabilang na sa nakaugalian ko kapag dumarayo sa isang simbahan, may dala
akong mga plantlets ng kataka-taka bilang herbal donation sa mga bakanteng
pwesto sa plant boxes doon. At saka, humihingi rin ako ng paumanhin sa pamunuan
ng mga simbahang napuntahan ko na. Hindi naman ako nagkakalat pero nag-iiwan
ako ng kopya ng aking unang ipinalimbag na pocketbook (“Dalawang Babaeng
Umiibig”; please refer to the September 2013 blog post “Samizdat Publications:
My Little Blue Book”) at merong naka-attached sa paper clip nito na mga prayer
copies (hindi yun mga chain letters na nagdi-demand ng copies, ha!) at ito ay
ang Tagalog Sacred Heart Novena, Jubilee Prayer/Song bookmarks (limited
edition), Prayer for Priests, Corporal and Spiritual Works of Mercy, 3 o’clock
Prayer, Novena/ Prayers for Intercession of the following saints: Jude
Thaddeus, Therese of the Child Jesus, Anthony of Padua; the Prayer of St.
Francis of Assisi, at ang Prayer to the Holy Spirit. Sadya kong iniiwan ang mga
kopya nito bilang REGALO sa mga strangers na makapupulot nito at mayroong
pagpapahalaga at malawak na unawa. Yung ibang bundle nga ay meron pang kasamang
St. Anthony of Padua keychain na binili ko pa sa Shrine of St. Therese noong
nakaraang taon pa nang dumating sa bansa ang relics ni St. Anthony. Ang mga
prayer copies ay naka-post din naman sa blog page na “Prayers” sa right side ng
blog site na ito.
***
Ngayong Mayo, may mga nagtapos na mga programa sa TV. Makalipas ang
dalawang tao, nag-final episode na ang sinubaybayan ko ring “Karelasyon” tuwing
Sabado ng hapon sa channel 7 at pinalitan naman ito ng isa pang drama
anthology, ang “Tadhana” tungkol sa buhay-OFW with the same raw depiction of
social realities. Sa primetime block, halos isang taon din ang “Encantadia”;
ewan ko sa katapat nito sa channel 2, yung “Ang Probinsyano” na ayon sa
die-hard ‘syano fanatics, ‘mataas’ lang daw kasi ang ratings nito kaya nagtagal
pa on air... wweeeehhh? Pero sa hanay kasi ako ng Encantadia buhat pa noong
2005-2006 nang una itong ipinalabas sa 7. At ang pumalit ay isa ring hango sa
isa pang iconic series noong 2004, ang “Mulawin vs. Ravena” with much better
visual effects. Kaya lang, pagdating sa soundtrack, no offense to Regine
Velasquez, mas gusto ko pa rin ang pag-awit ng “Ikaw Nga” ng Southboarder with
all the falsetto vocals of Duncan Ramos (one of the vocalists) pero yun ang
trip kong pakinggan kaysa ang kay Jonalyn Viray sa second version nun na
ginamit sa “Mulawin: The Movie” (2005).
Sa April 27, 2012 blog post
kong “Tropical Southwest Monsoon”, isa sa mga essays doon ay tungkol sa James
Bond movies na mga napanood ko sa HBO at sa Tagalized version sa channel 7.
Hindi ko lang gaanong napanood ang mga pinagbidahan ni Daniel Craig pero ang
ganda ng “Skyfall”. Ngunit ang paborito ko talaga sa mga aktor na gumanap na
agent 007 ay si Roger Moore na kamakailan lamang ay namaalam na. Naiiba lang
kasing James Bond ito because of distinct, cute humour na kahit halatang may
edad na siya sa mga Bond movies at ang paborito ko sa mga sine niya ay ang “Octopussy”
kung saan di malilimutan ang eksenang nagsuot siya ng crocodile costume sa
paglusong niya sa ilog para salakayin ang kuta ng mga kalaban niya. Kung di
lang kasi mahal ang DVD collection ng Moore-starred Bond movies sa Astroplus,
binili ko na sana yun.
Matatapos na ang tag-init tapos tag-ulan na sa paglakas ng habagat. Ngunit
ang mga puno tulad ng narra, flame trees, banaba, akasya, golden shower trees, at iba pa ay
namumukadkad pa rin.
No comments:
Post a Comment