Ang weirdong blogger na nagngangalang Joan T. Teves alyas weirdjtt ay
ngayong April 2016 lamang naisaayos ang blog site na ito buhat sa September
2015 post na “ Anti-Pabebe Weirdness” hanggang sa kasalukuyang post na ito na
may pamagat na “Soliloquy ng Tag-araw”. Eh, sa ngayon lang ako sinipag, eh. At
saka, hindi ko naman tungkuling panatilihin ang blog site na ito on time para
lang sa entertainment and curiosity trip ng karamihan sa mga cold and distant
anonymous readers dito, ano?
Tag-init na nga kahit hanggang gabi subalit buti na lang at madalas ang
tuluy-tuloy na ihip ng silangang hangin o yung tinatawag na easterlies.
Siyempre, basta pag ganitong panahon, inoobserbahan ko ang langit tuwing gabi.
On early evenings and the night sky is clear, Orion, Taurus, Canis Major, Canis
Minor, Gemini, Auriga, and other prominent constellations during the cooler
months of November to February, are having their descent to the west. And
during the dry months of March, April, and May, Jupiter is ascending in the
east. Kasunod ang partner stars- reddish-white Arcturus of Böotes and
bluish-white Spica of Virgo. At bago maghatinggabi, inoobserbahan ko uli ang
eastern sky. Tila may bagong konstelasyon! The bright red constellation of
2016. Halos sabay ang ascent of Ophiuchus and the Scorpius. At dalawa na ang
masisilayang planeta sa pagitan ng mga ito. Noong nakaraang taon, naoobserbahan
ko ang posisyon ng Saturn at ito’y nasa sipit ng Scorpius at ngayong taon,
napalapit na ito sa gilid ng Ophiuchus. At ang bago, ang Mars ay muling
natunghayan sa Scorpius. The two planets- Mars and Saturn together with the
scorpion’s heart, Antares, ay may tatsulok na pattern, isang celestial
triangle. That’s cool! Two red planets, a bright red star, the scorpion, and
the serpent-holder. Spectacular night sky sights and delights!
*******
Abril 3. Second Sunday of the Easter season and Feast of the Divine Mercy
Sunday. Kahapon ko pa natapos ang nobena nito sa Shrine of St. Thérèse dito sa
Villamor Air Base. Matagal nang namayapa si St. Faustina Kowalska ngunit sa
pagpapala ng Panginoon, ang debosyon sa Banal na Awa ay nagpapatuloy at
nagpapatuloy. Dahil yun sa inspirasyon ng Holy Spirit.
Nagsimba ako. Bago mag-homily, may ibinahaging anecdote ang pari. Noong
World War I (1914-1918), ang reigning Pope pa noon ay si Benedict XV (†) na malamang ay idolo ni Pope Emeritus Benedict XVI. Siya ay
kilalang humanitarian pope and advocate of peace. Isang araw nang siya’y
nag-Misa sa St. Peter’s Square, isang assassin ang humalo sa mga nagsisimba.
Habang binabasbasan niya ang mga tao, inasinta siya ng assassin pero ang baril
nito ay hindi man lang pumutok kahit na loaded ng bala. Nagkagulo at dinakip
ang tao at iniharap kay Pope Benedict. Nagtataka ang mama sa baril niya na
nilinisan at nai-test naman niya pero sinabi sa kanya ng Pope na hindi na
talaga yun puputok sapagkat binasbasan na niya ang lahat-lahat ng dumalo sa
Misa. Pinatawad siya ni Pope Benedict; kagaya rin ng ginawa noon ni St. John
Paul II. Sa halip na ipakulong, pinauwi na lang niya ang mama sa pamilya nito.
Ngunit ang mama ay nag-atubiling umuwi sapagkat labis siyang nahihiya sa
kanyang asawa at mga anak.
Katulad ng binanggit sa Gospel
ngayong Linggo, matapos maniwala sa wakas ni St. Thomas na nabuhay uli si
Jesus, siya at ang mga alagad ay binasbasan ng Panginoon na “... magkaroon ng
awtoridad upang magpatawad.” Ako man, aaminin kong mahirap ako minsang
magpatawad lalo na kapag ang tiwala ko ang nasira. Subalit dumarating pa rin
ang wastong pagkakataon at panahon upang ang kapatawaran ay lubos nang maigawad
at wala nang kondisyon o pag-uungkat pa ng mga hinanakit at sugat mula sa
nakaraan. Maraming salamat sa Panginoon sa mga natutunan kong ito. Amen.
*******
Abril 7. What a joyful day! Halos buong araw akong nasa Maynila, my second
favorite city after Pasay.
Pero hindi naman pasyal ang sadya ko doon. Buti at maluwag sa loob ng mga
bagon ng LRT-1 hanggang sa pagbaba ko sa Central Station. Pagpunta ko sa Lawton
upang mag-abang ng dyip patungong Sampaloc, napansin kong binakuran na ang
paligid ng Manila Metropolitan Theater sapagkat isinasailalim ito sa clean-up
and rehabilitation. Noong buhay pa ang namayapang Kuya Germs (†), nabanggit pa niya minsan sa isang dokyumentaryo ang
naturang gusali. Balak ng Manila City government na buhayin muli ang Met.
Sayang na sayang na heritage building. Nagsilbi pa naman itong piping saksi sa
kasaysayan ng lungsod at katulad ng Ilog Pasig, ito’y pinabayaang
mag-deteriorate sa paglipas ng maraming panahon.
Hindi matrapik hanggang Quiapo at Sampaloc. Tatlong taon na ang lumipas
nang huli akong nakapunta dito. Nagpa-renew ako ng ID ko sa PRC main building.
Online na pala ang renewal nito at kanya-kanya na ng pag-encode sa PRC website
ang bawat aplikante. Ang haba-haba ng pila sa nakahilerang computer units pero
may mga nag-a-assist naman lalo na sa mga may edad nang aplikante na hindi
masyado sa kompyuter. Syempre ang mga nakatunog sa bagong patakarang ito ng PRC
ay nag-apply na right in the comfort of their homes or offices and hassle-free
na. Magbabayad na lang sila sa Bayad Center or to the bank of their choice
within 24 hours at pwede nang makuha ang renewed ID either thru delivery o kung
masipag sila, sa main office mismo. And as for me, pumila at magutom! Ngunit
worth the long, boring wait naman, at hindi kagaya noon na isang linggo ang
hihintayin, ngayon ay nakuha ko na ang ID ko pagkatapos magbayad ng renewal fee.
Pagkakain, sumakay na ako sa dyip pabalik sa Quiapo. Sa hapong ito, meron
akong belated visita iglesia. Una kong tinungo ang Quiapo Church or Minor
Basilica of the Black Nazarene. Pagkatapos, sunod naman sa aking itinerary ay
ang St. Jude Thaddeus and St. Michael the Archangel, both National Shrines, na
nasa San Miguel o within the Malacañan Complex. Huwebes pala at may nobena kay
St. Jude kaya pala maraming tao. Nadatnan ko pa ang patapos nang High Mass.
Iba-ibang mga tao katulad sa Quiapo Church. Iba-ibang mukha. Iba-ibang
saloobin. Hindi ako nakasama sa mga nagnobena subalit simple lamang ang aking
panalangin- pagpalain nawa ng Panginoong Diyos ang lahat ng taong naroon kahit
na wala akong kilala ni isa sa kanila. Ikatlong simbahan na yung St. Michael. Malayu-layong
lakaran patungo doon along J.P.Laurel Avenue, sa labas ng bakod ng Palasyo
mismo ng Malakanyang. Hindi naman nakakapagod dahil maraming puno doon at saka
tahimik na lugar. Nadaanan ko pa ang Freedom Park at ang marker ng Liberation
of Manila 1945. Kaya lang, kulang sa maintenance ang munting parke at ang
nakakadismaya ay ang nangyari sa monumento na may istatwa ng puting kalapati sa
itaas. Kahit na tapat mismo ito ng Malakanyang, heavily-vandalized na ito gawa
ng mga iresponsableng namamasyal dito na hindi iniisip na ang ipinangpagawa sa
parke ay mula sa buwis ng taumbayan. At malamang, marami sa mga tumatambay at namamasyal dito ay hindi rin pansin kung tungkol saan o para saan ang historical marker sa naturang parke at maging mismo sa kasaysayan ng kanilang lungsod!
*******
Abril 16. Bago magtanghali ay pumasok pa ako sa City University of Pasay
dahil finals exam at last meeting na sa aming MAED class. Napakaalinsangan nang
araw na ito. At least, lumamon naman ako kanina sa Jollibee.
16th of April na. Ngunit para sa akin ay tulad pa rin ito ng karaniwang
araw basta huwag kong kaligtaang sumadya sa simbahan. Mula F.B. Harrison,
nag-dyip ako hanggang Padre Burgos. Nagtungo ako sa Santa Clara Parish, very
nostalgic para sa akin lalo pa’t katapat din nito ang high school alma mater
kong St. Mary’s Academy. Pumasok muna ako sa Adoration Chapel bago magtungo sa
main church. Marami-rami ang tao nitong hapon, a. lumabas ako sa simbahan nang
magaan at masaya ang aking pakiramdam. Bago ako umuwi, bumili ako half choco
roll sa Goldilocks para dessert pagkatapos ng simpleng hapunan.
Ika-16 ng Abril. Ano ba ang masasabi ko sa araw na ito? Simpleng araw,
basta gusto ko lang ang isang simple pero mapayapang araw sa birthday ko.
Abril 20. Kung hindi ipinaalala ng aming family friend na sa petsang ito,
darating ang relics ni St. Anthony of Padua sa Shrine of St. Thérèse, sayang
ang pagkakataon! Kahit na hindi ko naabutan ang Misa, marami pa ring tao sa
simbahan. Pagkatapos manalangin, pumila ako para masilayan nang malapitan ang
relic. Isa pala yung maliit na bahagi ng buto na nakalagak sa maliit na
reliquary. Nabuhay si St. Anthony 800 years ago, sa panahon ng Middle Ages, at
kasabayan pa niya si St. Francis of Assisi. Katulad ng karamihan sa mga banal,
maikli rin ang buhay niya subalit makabuluhan. In art, ang portrayal sa kanya
ay isang simpleng Franciscan na buhat ang Baby Jesus na nakaupo sa aklat.
Paalala ng isang pure, childlike faith. Kilala rin siya noon bilang effective
preacher na nahikayat ang napakaraming tao pabalik sa Simbahan. Siya rin ang
patron saint of lost articles.
Pero sa term na “lost articles”, sa palagay ko, hindi lang yun mga
materyal na bagay. si St. Anthony of Padua ay isang intercessor, patuloy na
nananalangin para sa mga kaluluwang nais muling mahanap ang nawalang
pananampalataya, o ng pag-asa, pag-ibig, pangarap, tiwala, o kapayapaan ng
kalooban. Sa ikalawang blog post ko noong July 2012 na “Don’t Mess Up With This
Soliloquist” na kabilang sa mga nakatalang posts na may pinakamaraming
pageviews, may uploaded image pa doon ng painting tungkol kay St. Anthony
meeting the Baby Jesus in a vision at may karugtong na maikling panalangin na
muli kong isasama sa blog kong ito ngayong buwan.
Please pray for me and the others, o humble servant of Our Lord. May the
lost dear things, fruits of our labors be found and retrieved or returned. May
the lost trust be mended and genuine forgiveness follows. May the lost
confidence and hope to pursue dreams be regained. So be it.
*******
Botanical Gallery with Birds
Celebrating the season!
Ang tarat sa malunggay at kawad
Bougainvilleas
Is this a variety of ashitaba or not?
Cassandra shrubs
*******
Ang tarat sa malunggay at kawad
Bougainvilleas
Is this a variety of ashitaba or not?
Cassandra shrubs
*******
Blog Chaser
(actually nais kong ipabilang ang sanaysay na ito para sa buwan ng Abril
2016)
Ika-25 ng Abril hanggang ika-1 ng Mayo nang idinaos
itong K to 12 seminar ng Kagawaran ng Edukasyon- Sangay ng Lungsod ng Pasay,
doon sa Baden Powell (BP) Hotel na matatagpuan sa Jamboree Road ng medyo liblib
na baryo ng Batong Malake, Los Baños, Laguna at lampas ng University of the
Philippines at nasa Bundok Makiling na. Wala akong kuhang litrato sa naturang
lugar ngunit matutunghayan naman ang kariktan nun sa Google images at may
website din yun.
Ano bang masasabi ko tungkol sa seminar? Mixed
emotions. At nang nalaman ko ang bagong kurikulum ng Araling Panlipunan para sa
Ikalimang Baitang (yun ang bagong tawag sa Heograpiya, Kasaysayan, at Sibika o
HEKASI na napakahabang panahon nang pangalan sa asignatura), nalungkot ako.
Sabihin na ngang “decongested curriculum” na ang K to 12 at naka-pokus umano sa
‘mastery of topics’. Ang mga paksang-aralin ay simula sa lokasyon ng Pilipinas
sa daigdig (tulad sa AP ng Gr. 4) at ang sinauna o pre-Hispanic na panahon sa
bansa hanggang 1815 lamang. Tsktsktsk! Samantalang sa Revised Basic Education
Curriculum (RBEC) noon, ang turo sa HEKASI 5 ay tutok talaga sa kasaysayan ng
Pilipinas mula sinaunang panahon hanggang kasalukuyang pamahalaan at ang
tungkol sa demokrasya ang finale nito. Nakakabwisit ang nangyari sa school
nitong katatapos lang na school year 2015-2016. Yun pa naman ang huling SY ng
RBEC para sa Gr. 5. Ikaapat na markahan na sana pero ang dami pang paksa ang
hindi naituturo; paano, Pebrero na nagsimula yung grading period tapos
tinambakan pa ng mga mga extra-curricular activities at mga araw na walang
palitan ng mga guro at saka, pagsapit ng unang linggo ng Marso, bigla na lang
pinasimulan ang mga Ikaapat na Markahang Pagsusulit! Samantalang ang mga araw
pagkatapos ng mga pagsusulit ay wala nang mga gawain; nasayang lang. Para sa
akin, hindi naman talaga congested ang HEKASI ng grade 5. Nasa ayos naman ang
mga paksa nito mula una hanggang ikaapat na markahan. Ang problema kasi ay ang
mga sitwasyon sa aming paaralan.
Pambihira naman, o! Hindi na kabilang sa AP 5 ang
tungkol sa kasaysayan ng bansa during the late 19th to the 20th century
sapagkat ang mga yun ay kabilang na raw sa AP ng mga Gr. 6. Dumalo rin ako sa
Filipino session. Mixed emotions again.
Walang plastikan. Marami talagang pagkakataong labis
akong naiinip sa seminar. At kahit mukha lang akong tahimik na nakikinig, ang
imahinasyon ko ay nasa malayo. Kung pwede lang, tumakas muna at magtago sa
hotel room para bumawi ng tulog. O, di kaya’y lumabas tungo sa mga kakahuyan sa
tuwing umuulan. Malinis ang ulan sa Bundok Makiling, a! Gustung-gusto ko
talagang lumiban na lang sa mga seminar. Subalit hindi ko yun pinagtangkaang
gawin at hindi ko talaga yun gagawin. Batid kong ang gobyerno ang gumastos para
sa isang linggong seminar na ito. Ang pondo ay mula sa kaban ng bayan na
pinupunan ng buwis ng mga mamamayan. Tapos, may allocation ito sa DepEd. Kaya
nga walang binayaran sa hotel accomodation at sa pagkain (ewan ko lang sa
transportation costs). Nasa oras naman ang sweldo ko katulad sa iba pang
government employees.
Seminar, seminar, seminar. Araw-araw. Maghapon.
Maraming pagkakataong natutuliro ako sa aking pagninilay-nilay. Nandoon ako sa
mundo ng mga guro; titser din ba ako kagaya nila? Yun bang ang pakiramdam ng
pagiging sabit lang. Ipatutupad na sa susunod na pasukan sa Hunyo ang
‘makasaysayan’ umanong K to 12 curriculum ng Gr. 5. Hanggang kailan kaya ang
panahon ng pagiging guro ko? Hindi ko alam... sa kasalukuyang panahon, I’m
still running in circles na hindi ko mapagtanto kung ano ba talaga ang puwang
sa mundong ibabaw para sa akin. Marami na akong batang nakilala. Ngunit may
naging impluwensya ba ako sa buhay nila? Kahit papaano, may naiambag ba ako
upang makaagapay sa kanila sa panahong ito ng kanilang paglaki? That is not
mine to say.
Meron din namang pagkakataong na-enjoy ko ang pagdalo
sa seminar and group works. Halimbawa ay ang isang activity sa AP tungkol sa
pagkamakabansa at pagkamakabayan. Masaya ako na nakapag-ambag sa pangkat namin
sa pamamagitan ng isang on-the-spot na maikling tula na nai-compose ko. Ito
yun, eh:
Pinagpalang bayan sa silangan
Hinahagkan ng bughaw na kalangitan
Yakap ng mapaghamon ngunit
mapag-arugang karagatan
Mayroong magigiting at mararangal na
mamamayan.
Inang Pilipinas, kaming iyong mga
supling
Narito sa iyong paanan ang aming
mithiin
Dakilang pag-ibig namin, iyo ay
damhin
Sa iyong karangalan at puri, handang
ialay buhay namin.
Inaabangan ko palagi ang mga oras ng paglamon. Almusal,
morning meryenda, tanghalian, afternoon meryenda, hapunan. Palagi akong
nakakaulinig sa ibang participants na hindi raw masarap ang mga pagkain at
halatang tinipid ito. Pero ako... no discriminating taste. Wala na akong
pakialam kung malasa o malinamnam o bland ang pagkakaluto ng nasa daily menu
basta lumamon na lang ako at isipin ko na lang ang nutritional content and
value.
Well, I wanna
talk about the lighter moments and set the heavy realities of the K to 12
seminar aside.
About the venue? BP is a standard mid-rise hotel
managed by El Cielito Corporation and has neat, minimalist interiors with Asian
motif like the Buddha figurines. Along Jamboree Road and surrounded by forests,
it is adjacent to the facilities and campsite of the Boy Scouts of the Philippines.
Pagpanhik ng sinuman sa 4th floor, ah, the magnificent 360⁰ panoramic view ng mga kagubatan,
ang mga kabayanan ng Los Baños at Calamba, ang Laguna de Bay, at yung mga burol
at maging ang Sierra Madre.
Ngunit ang naghahatid sa akin ng naiibang kasiyahan ay
ang luntiang kapaligiran at ang sariwang hangin na kay inam sa kalusugan.
Gustung-gusto kong mag-usyoso beyond the BP Hotel’s premises. Naghanap ako ng
mapayapang pook doon kung saan ay walang gagambala sa akin kapag nais kong
mapag-isa. May mga nais akong gawin kung kaya’t madalas nagsosolo ako at mas
lalong wala akong pakialam kung pagbulungan man ako na isa akong weirdo dahil
weirdo naman talaga ako.
Di kalayuan sa hotel, mayroong napakalaking puno ng
akasya. Nag-iwan ako sa paanan nito ng matatamis na kendi. At pagkatapos,
initsa ko sa iba-ibang pwesto ang dala kong mga binhi ng puno at halaman at
hayaan na ang kalikasan ang mangalaga sa mga ito. Sa gilid ng malawak na
campsite na nagsilbing pastulan muna ng mga baka at kambing pati mga puting
tagak, naroon ang hilera ng mga mahogany at halos walang nagagawing tao doon.
Pero gustung-gusto ko ang lugar na iyon! Matiwasay talaga at ligtas naman, a
picture of tranquility for a meaningful solitude. Isa sa mga mahogany ang may
malaking ugat na nakausli at yun ay naging maginhawang upuan para sa akin
habang ako’y nagninilay-nilay sa ilalim ng lilim ng mga puno. Sa tahimik na
lugar na iyon, kahit na hindi talaga ako ganoong karelihiyoso, doon ko piniling
mag-rosaryo at magpatuloy sa chaplet of the Divine Mercy. Noong Abril 30, anibersaryo ng canonization ni St. Faustina.
Kahit sandali lamang na solitude moments sa mahogany
row, panatag ang kalooban ko. Nauulinigan ko ang ibang dumalo sa seminar na
hindi mahilig sa nature trip at iniiwasan ang mapadpad sa mga kakahuyan kaya
doon lang sila sa Jamboree Road. Marami silang kakaibang paniniwala, eh. Hayaan
ko na lang sila! Basta ako, natutuwa akong mamasyal sa mga kakahuyan. Hmmm,
sundin ko na lang ang mga payo o pamahiin na kapag nagagawi sa ganoong uri ng
pook, magbulong ng “tabi-tabi po”. O, sige. Subalit ang kakahuyang iniiwasan ay
naging kanlungan ng kapayapaan para sa akin at ligtas naman doon. Panatag akong
nakakapagdasal doon. Ipinagdarasal ko sa Panginoong Diyos ang lahat ng aking
kasama sa seminar, ang lahat ng taong nakasalamuha ko sa hotel man o sa mga
karatig-pook kahit hindi ko sila kilala, ang buong lugar, ang luntiang
kapaligiran pati mga hayop, yung mga puno at halaman, at kasama na ang mga
“natatanging nananahan” dito. Nawa’y manatiling ganito kaganda at kapayapa ang
kalikasang nadarama dito.
At nang huling gabi ng “working vacation” na iyon sa
BP, lumabas ako for an early evening solitary stroll. Gusto kong lubusin ang
pagsagap ng sariwang hangin basta lumayo lang ako sa mga poste ng ilaw dahil
ang dami-daming insektong nagliliparan at lalo ang huwag lumampas sa paligid ng
hotel dahil sobrang dilim na sa maraming lugar sa bundok. At ako’y
napabuntunghininga habang nagbabalik-tanaw. Noong una, ayaw na ayaw ko talagang
dumalo sa seminar at pati ang makarating sa magandang pook na ito.
Pinagtiyagaan ko na lang ang seminar subalit ang makarating pala sa bahaging
ito ng Bundok Makiling na tinatanaw ko lamang mula sa mga highway noon ay isang
napakagandang karanasan na para sa akin. Ang mga kaakit-akit na tanawin,
nagpapaalala ng alamat ni Mariang Makiling. Kailan kaya uli ako makakapunta
dito? Sana sa pagkakataong iyon, higit pang mainam. Wala nang seminar-seminar.
Solo ko na ang guest room kung may budget mag-check in sa BP. At muli akong
makakapag-nature trip, ang tahimik na mapag-isa sa ilalim ng mga puno ng
mahogany at mag-iwan ng matatamis na kendi sa paanan ng napakalaking puno ng
akasya sa tabi ng Jamboree Road. Sana, umusbong at magsipaglaki ang mga
ikinalat kong binhi ng mga puno at halaman sa gilid ng camp site.
Sumapit na ang Mayo Uno, Araw ng Paggawa. Huling araw
na ng seminar at maaliwalas ang panahon. Sa umaga, habang wala pang sessions,
pinuntahan ko uli ang lugar na gustung-gusto ko, my favorite moments of
solitude under the mahogany trees. Doon, taimtim na makapagdadasal. Marami
akong ipinanalangin. Mga pasasalamat ko. At pagdasal para sa ligtas na biyahe
nang masayang makauwi na kaming lahat sa aming mga tahanan. At muli kong
ipinanalangin ang buong pook at ang lahat ng naririto.
Katulad ng nauna kong binanggit, wala akong kuhang
litrato sa BP at sa mga kakahuyan. Ngunit bago mag-uwian, nagpatulong ako sa
manong guard dahil nais kong mag-uwi ng mga halaman na nakatanim sa landscaped
entrance ng hotel. Napakarami ng ganoong mga tanim na animo naging ground cover
na doon. Ang mga halaman ang souvenir ko sa lugar at sana’y magsipaglago ang
mga ito sa halamanan sa bahay namin.
Kaysarap ng pakiramdam ng pag-uwi sa tahanan. Nakaabot
pa ako sa Misa palibhasa ay Linggo, Labor Day holiday, and feast of St. Joseph the
Worker, husband of Mama Mary. Pero bago yun, habang nasa Andrew’s Avenue pa
kami bago mag-Villamor Air Base, natunghayan ko pa ang campaign motorcade ni Duterte at ng kawan niya na nag-iikot pala dito sa Pasay sa halos buong maghapon
ngayong Mayo Uno. Nakita ko na sa personal ang mama! Pero kibit-balikat...
hindi naman siya ang iboboto ko. Buhat pa noong nagsimula ang mga kampanya,
wala na nga siguro akong pipiliin sa mga presidentiables pagsapit ng ika-9 ng
Mayo and that is what I want to express, hehehe!
No comments:
Post a Comment