Matagal na namang naantala ang paglalathala ng mga sanaysay ng weirdong
blogger na nagngangalang Joan T. Teves at sa katunayan nga ang aktwal na petsa nang
nai-post ang blog na ito para sa Mayo 2016 ay Oktubre 2016 na. Katulad ng mga
naihayag ko sa blog post ko noong Abril 2016 (pakitunghayan ang “Soliloquy ng
Tag-Araw”), hindi tungkulin ng isang weirdong katulad ko ang mag-blog para
lamang sa ikaaaliw at kuryosidad ng mga anonymous readers na nag-uusyoso lang
sa site na ito.
Huli man daw at magaling (?), late pa rin.
***
Sa wakas, kahit phase out man ang mga casette tapes at wala nang available
CD nito, nakabili rin ako sa Astroplus-SM Mall of Asia ng original DVD ng mga
music videos ng maituturing na among the greatest bands in rock music history,
ang Guns n’ Roses! Ayoko ng digital downloads nito lalo pa’t hindi naman ako
madalas mag-Internet. At saka, iba pa rin kapag old school type of sound trip.
Ang nasa track list ng 1998-produced DVD ay mga hits ng GnR mula late ‘80s to
the early ‘90s at siyempre, signature hit na ang “Sweet Child o’ Mine” pero ang
favorites ko talaga ay ang “Don’t Cry” at lalo na ang “November Rain” with its
perfect blending of hard rock and the classical touch of sweeping orchestra
music. Along with the likes of Metallica and Bon Jovi (meron din akong CD ng
greatest hits nito!), wala na yatang makakatapat sa GnR sa mga banda ng
kasalukuyang panahon, ano?
***
Ika-9 ng Mayo. Buong araw talagang maalinsangan ang panahon. All roads
lead to public schools nationwide. Madaling-araw pa lang ay animo may
alay-lakad na patungong Villamor Air Base Elementary School para sa mga
taga-Barangay 183 dito sa lungsod ng Pasay.
Nag-undervote ako, hehehe! Basta, ayoko na lang mag-aksaya ng boto. Mula
tanghali hanggang gabi, nakatutok kami sa mga balita sa TV tungkol sa mga
resulta ng eleksyon. Simulan nga sa senatoriables. Tsktsktsk! Itong isang
good-goody-holier-than-thou senatoriable na hindi ko na lang babanggitin ang
pangalan ay talaga namang nakakadismayang nakarating pa sa magic 12 sa simula
pa lang ng transmission of poll results. Idinaan na lang niya sa popularidad
niya at pagkasangkapan sa mahihirap sa mga campaign TV ads niya along with his
torrential, fundamentalistic solascripturan preaching. Tinimbang ngunit kulang,
ano bang notable socio-political achievements ng isang ito noong nasa local
provincial position pa? Ang lalawigang kanyang kinatawan ay nabibilang pa rin
sa pinakamahihirap sa bansa lalo na sa sektor ng kalusugan at edukasyon katulad
ng madalas na ipinapakita sa mga balita at dokyumentaryo. Napabilang ba ang
doon sa campaign ad niya ang mismong mga kababayan niyang nasa liblib na pook
na tila nilimot na ng mundo dahil sa kalagayan nila? Well, hayaan na lang
natin,o! Basta, sana ay gampanan niya nang maigi ang tungkulin sa bayan sa
pulitikang nilahukan niya at pati sa kanyang beloved career na sabi niya noon
ay magreretiro na mula dito tapos binalikan pa rin pala.
Ang talagang gitgitan ay sa vice-presidential race. Dito sa bahay ay
maka-Leni kami, eh!
At ang “eye of the storm”, ang presidential battlefield. Sa simula pa
lang, Duterte na,o!
Pagpalain nawa ng Panginoong Diyos ang aking bansa at ang lahat ng bagong
halal na pinuno. Amen.
***
The Ayala Museum (photo courtesy of Wikipedia/ uploader:GlennG)
Ika-11 ng Mayo. Sa wakas, nakapamasyal na ako sa Ayala Museum sa Makati.
Ang layu-layo naman ng nilakad ko mula MRT patungong Greenbelt. Pero di bale at
matagal ko na kasing gustong makapunta sa Ayala Museum at mapagmasdan ang mga
naka-exhibit na historical dioramas and art galleries hanggang sa “Crossroads
of Civilizations” sa isang palapag ng naturang gusali. Malaki ang maitutulong
ng museum tour na ito lalo pa’t Araling Panlipunan para sa Ikalimang Baitang
ang itinuturo ko at kabilang sa mga paksa sa Unang Markahan, alinsunod sa K to
12 curriculum, ay tungkol sa pre-Hispanic history ng Pilipinas.
Exciting din siguro maging archaeologist.
Paglabas ko mula sa gallery of Philippine gold artifacts, nag-usyoso rin
ako sa mga exhibit ng mga centuries-old antique ceramics of mostly Ming dynasty
blue-and-white designs. Dito sa aming bahay, ang dami-daming made in China
ceramics tulad ng mga vases, potteries, decorative figurines, and dinnerware
pero meron din namang Korean and Japanese items kahit pa mula sa mga ukay-ukay
ang mga ito. Well, ang mga ceramics, kapag pinag-ingatan nang husto, ay
kabilang sa mga pinakamainam gawing time capsules makalipas ng isandaang taon o
limang daan o kahit libong taon pa.
***
Mayo 23- 27. Ilang linggo pagkatapos ng K to 12 seminar sa BP
Hotel-Makiling (see “Soliloquy ng Tag-Araw” April 2016 post), napabilang na
naman ako sa seminar pero isa itong writeshop. Dahil ipinatupad na ang bagong
curriculum para sa Ikalimang Baitang, maraming pagbabago sa mga subject. At
wala pa palang available na mga bagong aklat kaya kanya-kanya ng effort nang
pangangalap ng ituturo mula sa mga lumang batayang aklat ng Gr.4,5,6 at pati sa
AP ng 1st year high school. Sa writeshop seminar, ang mga dumalo ay gagawa ng
mga sample lesson plans ng iba’t ibang subjects pero sa bandang huli, nasa
diskarte pa rin at competency ng guro kung paano magpa-facilitate sa pagkatuto
ng mga mag-aaral.
Well, okey lang naman doon sa writeshop. Wala akong laptop at para akong
parasite na nakikigamit lang sa mga meron nito. Setting aside those heavy
paperworks. I wanna talk about the lovely venue, the Helena Z. Benitez National
Training Center located in Barangay Sungay East, Tagaytay City, Cavite with
those magnificent panoramic view of the Taal Volcano and Lake. Ang training
center ay ipinangalan sa kilalang civic leader and educator at ito rin ay may
camping facilities for the Girl Scouts of the Philippines kaya meron din
sculpted bust ng kapwa-great woman ni Ms. Benitez, si Gng. Maria Kalaw. Sayang
at hindi lang ako nakapagdala ng camera!
***
Ika-28 ng Mayo, simula ng bakasyon namin sa Tigbauan, Iloilo makalipas ng
dalawang taon. From NAIA-3 to Iloilo Airport, maaliwalas ang panahon. At noon
ko lamang napagtanto na ang bayan pala ng Cabatuan ang nakasasakop sa airport
na ang buong akala ko noon ay sa Sta. Barbara!
Ang weirdong nagngangalang Joan T. Teves ay nagbalik sa Tigbauan, Iloilo
upang tahimik na maghasik ng ligalig lalo na sa mga intimidated agad sa
presenya pa lang niya, nyehehehehehe!
Ilang araw lamang ang bakasyon namin, mula Mayo 28 hanggang Hunyo 5. Sa
pangkalahatan, ang buong bakasyon ay laidback days at halos staycation naman sa
bawat araw. Ngunit naghahanap pa rin ako ng mga dahilan para malubos ang
bakasyong ito. Wala nga kaming ibang napuntahan, eh.
Minsang maalinsangang umaga ay sumadya ako sa simbahan ng Tigbauan. Kahit
ang piyesta dito ay tuwing Enero bilang pagpupugay sa Santo Niño, ipinangalan
pa rin kay San Juan de Sahagun ang parokya na ang kapistahan ay sa Hunyo 12 pa,
Araw ng Kalayaan. May mga pagkakataong maraming tao na galing sa ibang lugar
ang sumasadya sa heritage church ng bayan at natutunghayan sa kanilang mga
mukha ang pagkamangha sa arkitektura, interiors, at naggagandahang mga mosaic
na ginawa dahil na rin sa pagpupunyagi noon ng pumanaw na kura-paroko dito na
si Fr. Carton(†), mga local artists, at libu-libong
Tigbauanon na nag-ambag-ambag para sa grand ecclesiastical project na ito. Para
akong incognito tourist. Kabilang ako sa mga turistang dumayo dito upang
mag-visita iglesia at magbigay-pugay rin sa nasisilayang labor of love sa buong
simbahan dahil sa bayanihang ipinamalas ng bayan dulot ng malalim na pananalig.
Ang gaganda ng mga mosaic at nalapitan ko pa’t nahawakan ang mga colored
teserrae na bumubuo dito. Talagang matibay at higit na nagtatagal kaysa mga
mural or wall fresco paintings na kumukupas talaga sa paglipas ng mga panahon.
Pagmasdan na lang ang mga mosaic na ginawa ng mga ancient artists of the Greek,
Roman, and Byzantine empires. Lumipas na ang libu-libong taon, naroon pa rin
ang mga mosaic sa archaeological sites.
Kaya lamang nang gumala ako sa loob ng simbahan, may napuna ako sa may
kanang bahagi ng simbahan kung saan may mga puno ng mahogany at malapit sa
adoration chapel at isang pribadong paaralan doon, ang kalat-kalat! Wala yatang
katiwala ang nagagawi sa lugar na ito at kung may available lamang na walis at
dust pan at waste segregation facility, nag-volunteer na akong maglinis. Wala
man lang ni isang basurahan kaya ang ibang taong nagawi doon ay lalo lang
naging burara!
Pati nga ang dinarayong Santo Niño Candle Chapel na malaking bahagi pa
naman ng simbahan ay wala rin maintenance ng kalinisan, o! Nakadidismayang
pagmasdan ang kalagayan ng Santo Niño sa loob ng glass case. Buti at nakangiti
pa rin ang Batang Poon kahit pa nakayungyong na ang mga agiw at kapal ng
alikabok. Maayos-ayos pa ang kalapit na chamber kung saan may isa pang Santo
Niño.
Ngunit pagdating sa kabilang panig ng simbahan kung saan naroon ang mga
opisina at isang malaking multi-purpose covered court, wow, ang linis!
Kabi-kabila ang mga trash bin, more than enough, at naka-landscape ang hardin.
Sa totoo nga lang eh, nakapagsulat pa ako ng feedback letter at iniwan ko sa
opisina ng parish priest na walang tao nang araw na iyon; hindi naman sa
pangingialam kundi pagpapaalala bilang pagmamalasakit. Ang linis sa may parish
office ngunit bakit tila nilimot na ng mundo ang kabilang panig ng simbahan?
Uso ba dito sa Tigbauan ang magsudsod ng tunaw na kandila tulad sa Baclaran?
Palagi na lang sarado ang adoration chapel! At yung kaakit-akit na mahogany
plantation ay maaari namang taniman pa ng low maintenance garden plants sa
paanan nito at gawing mini-ecopark upang maging conducive for reflection and
meditation sa mga taong nagagawi doon.
Sa labas ng simbahan ay mayroong liwasang-bayan. Maingay doon lalo na
tuwing hapon tapos bakasyon pa kaya may mga sports activities. Dumaan din ako
sa pavilion na malapit sa napakalaking puno ng Indian mango na naging saksi sa
pamumuhay at pagbabago sa Tigbauan. May mga nagdi-date sa pavilion kahit na
napabayaan na ito katulad sa maraming bahagi ng plasa. May fountain area sana
ito pero may mga basura naman na inihahagis ng mga salaulang namamasyal dito;
sayang naman ang mga istatwa ng mga dolphins. Sana, pinatubuan na lang nila
dito sa plasa ng mga talahib!
Napansin ko talaga sa ilang lugar dito sa Tigbauan, para bang sa paglipas
ng panahon ay nagiging mas makalat na katulad sa mga lungsod ng Metro Manila at
dumarami na ang mga taong nawawalan na ng disiplina sa kaayusan at malasakit sa
pamayanan at kapaligiran. At kabilang sa mga nakababahalang biktima ng
kapabayaan ng tao ay ang ilog na gustung-gusto ko pa namang pasyalan sa tuwing
nagbabakasyon kami. Noong 1988 hanggang early ‘90s, nadatnan ko pa ang ilog na
maayos pa ang kalagayan tapos namumulot pa ako noon ng mga kabibe sa pampang
nito at minsan pa akong nakapagtampisaw sa malinaw pa nitong tubig. Ngayong
panahon, inabuso na ng tao ang tahimik na ilog. Ilang piggery na kaya ang
diretsong nagtatapon ng dumi dito kasabay ng basura mula sa mga bahay-bahay?
Naroon pa rin ang rickety hanging
bridge na aalug-alog sa bawat hakbang ng mga tumatawid dito. Wala rin
maintenance at butas-butas na ang tabla sa sahig nito tapos maya’t maya’y
nariyan na ang mga habal-habal na motorsiklo na ginagawa itong shortcut. Sana,
ang ipinagawa ng pamahalaang lokal ay isang maliit man ngunit matibay at
konkretong tulay na pangmatagalang panahon pang mapakikinabangan ng mga
mamamayan at ng mga susunod pang henerasyon ng Tigbauanon. Maaaring makatulong
pa yun nang malaki sa mga kanayunan sa kabilang panig ng ilog.
Madalas ako noong mag-isang gumagala. Minsan ay ang layu-layo ng nilakad
ko na para bang distansya mula sa bahay namin dito sa Villamor Air Base
hanggang Baclaran! Mayroon akong guardian angel, ha! Incognito tourist uli ako
na porma at lakad-maton para ma-intimidate pa ang mga tao at huwag na lang ako
pansinin.Isang crossdressing na tibo, hehehe! Pagkagaling ko mula sa simbahan, tinahak ko ang highway na patungo na
sa kabilang bayan ng Guimbal pero hindi ko na pangarap na lumakad pa diretso pa
doon. Basta late afternoon leisurely stroll mula bayan hanggang Sibalom bridge
kung saan naroon ang isa rin sa mga pinakamagandang tanawin dito sa Tigbauan-
ang ilog na patungo na sa dagat! Gusto ko sanang marating yung bukana kaya lang
baka may mga gumagalang aso tapos hindi ko kabisado ang lugar kaya nagtungo na
lang ako sa Barangay Parara Sur kung saan sa beachfront nito madalas kami
nag-outing and picnic.
Halos walang pinagbago ang coastal fishing village. Palibhasa hapon na
kaya nakadaong ang mga paraw sa dalampasigan. Ang lakas ng hampas ng alon pero
nakakainggit ang mga batang tuwang-tuwa pa sa paglalaro dito. Masarap sa
pandinig ang dagundong ng mga alon nang mga oras na iyon sa totoo lang. At lagi
rin akong nagdi-daydream. Hay, ang sarap ng simple at payapang laidback
provincial life.
Kung mayroon akong kahilingang ipaaanod sa walang hanggang daloy ng ilog
hanggang sa nag-aanyayang karagatan, ito ay yung nawa’y mapanatili ang kapayapaan
dito. Kung napauulat man ang mga suliraning nagpapagambala sa pang-araw-araw na
pamumuhay dito, nawa’y masumpungan ng katugunan. At nawa’y lubos na mahalin ng
mga tagarito ang kanilang bayan. Pagpalain ka nawa ng Panginoong Diyos, mahal
kong Tigbauan.
No comments:
Post a Comment