This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Thursday, June 30, 2016

Change is Coming: Parating na ang Sukli


“Here’s to you and here’s to me, and I hope we never disagree.

But if that should ever be, to hell with you, here’s to me!”



“My friend, why have you drifted so far away?

All motion is relative, maybe it is you who have moved away by standing still.”



            These were the two witty quotations from anonymous authors courtesy of Quotes in Quiz by Maia D. Orlanes which appears in the Philippine Star, Pilipino Star Ngayon, and Philippine Graphic magazine. Napapanahong kasabihan lalo pa’t umaatikabo pa ang bangayan ng magkakasalungat na kuru-kuro, palagay, pananaw, at pangangatwiran ng mga taong nagtatamasa ng biyaya ng kalayaan at demokrasya.

            Pero kung ang social media ang bagong battlefield ngayon, hayaan na lang natin silang magrambulan hanggang sa mapudpod na ang mga kalyo sa kanilang daliri sa gadgets nila o computer keyboard at magsipaglagablab na ang mga tumbong nila. And I will be like a shady vulture hovering among the spoils of war because there were no ultimate winners from both sides anyway. And where’s the pack of hyenas and jackals to hunt down the pesky cybertrolls, bashers, and hardliners for feast, err, pest control?

***

            Ika-30 ng Hunyo. Late na late na akong pumasok sa trabaho dahil pinanood ko ang panunumpa bilang Pangulo ng Pilipinas ni Digong. Sayang nga lang at hindi ko nasubaybayan ang oath-taking ni Leni bilang Pangalawang Pangulo at naunang napaulat ng media nitong isang araw pa na hindi siya umano bibigyan ng posisyon sa gabinete ng administrasyong Duterte para huwag umano magtampo itong isang senator vice-presidentiable na nagpuputok ang butsi sa ilusyong dinaya raw ito noong eleksyon.

            Maikli at straight to the point ang speech ni Digong. At saka walang pagmumura and other sort of chauvinist remarks and profanity crap na nagpapakiliti at nagpapakilig pa sa kanyang mga die-hard supporters. Sa totoo lang, kapag itinabi ang portrait niya sa mga portraits ng lahat ng naging presidente ng bansa, namumukod-tangi talaga. Okey ang talumpati niya, a. Pero meron lang akong inabangang “pangakong exposé” daw tulad ng binanggit niya sa isang panayam nitong mga nakaraang araw lamang. Ibubulgar daw niya ang ilang corrupt umanong kaparian na kanyang ihahayag bago siya umupo sa pwesto. Sinabi niya talaga iyon sa isang one-on-one interview kay Jessica Soho at panay pa ang batikos niya sa Simbahang Katoliko na tinawag pa niyang most hypocritical institution. Tsktsktsk, ang matandang iyon talaga,o! Ngunit kapansin-pansing wala rin siyang kontrol sa bibig niya. May mga pinagsasabi siya ngayon at pagkatapos, iibahin niya naman ito o di kaya’y nandiyan ang mga alipores niya sa gobyerno para linawin ang mga pahayag niyang madalas lang daw may hyperbole sa context tapos...joke,joke,joke.

            O, hayan. Presidente na siya. Nasaan ang sinasabi niyang ‘rebelasyon’ tungkol sa mga paring pinatatamaan niya? Wala naman! Sinabi rin niya noon na biktima raw siya ng sexual harassment ng isang pari noong kabataan niya. Akala ko ba’y isa siyang alpha male na tigasin, matapang, at walang inuurungan; bakit hindi siya nagsumbong agad noon sa mga obispo upang makastigo ang paring nambastos daw sa kanya? Eh, noong panahon ng kampanya at merong mga media exposure kung saan ipinapakitang siya ay nag-courtesy call sa ilang simbahang Katoliko sa mga lugar na napuntahan niya. Ano yun? Kaplastikan o pakitang-tao on his part?

            What’s in store for the country in six years? The long count begins. Tulad ng binanggit ko sa blog post ko noong nakaraang buwan (pakitunghayan ang “Nasaan ang Talahiban sa Tigbauan?”, Mayo 2016), undervote ang lumabas sa balota ko. Wala akong binotong pangulo. Kahit na wala itong epekto sa poll results not even a microscopic scratch, well I just expressed my right to choose. I am not a pro-Duterte yet in my sincere prayers, may God bless the President and our beloved Philippines. I look up to and respect the President and not his fanatical supporters who don’t even know how to respect people who have opinions and views other than theirs.

***

            Makailang beses na nga palang nabalita ang tungkol sa malimit na ginagawang “shame campaign” laban sa mga suspected drug pushers, addicts, and other petty criminals doon sa lungsod ng Tanauan, Batangas at utos daw ng kanilang alkalde. Public humiliation ang nangyayari kaya nga binalaan ang mama tungkol sa paglabag sa mga karapatang-pantao. Sa totoo lang ay nakagagalit ang ginawa ng mga pusher at iba pang kriminal at ang pagiging salot ng mga ito sa lipunan subalit wala pa rin tayong karapatang maghusga sa kanilang pagkatao kahit pa pinanonood man natin ang kanilang kakaibang ‘parada’. Kung halimbawa kayang mga terorista, big time drug kingpins, at iba pang malaking isda ang nadakip, ipaparada rin ba sila bilang mga war trophies sa pakikiisa sa mga kampanya ng Duterte administration?

***



Photo Gallery in Tribute to the Pasay City South High School

            Ika-13 ng Hunyo. Unang araw ng taunang panuruan 2016-2017. At ang mga mag-aaral ng Villamor Air Base Elementary School na nasa ikalima at ikaanim na baitang ay magkaklase sa loob ng campus ng katabing Pasay City South High School. Ngek! Anyare?

            Mangyari kasi, hindi pa rin natatapos ang pagkukumpuni sa dalawang gusali ng VABES. At dahil hindi sapat ang makeshift classrooms sa quadrangle, ang PCSHS o higit na kilala bilang “South” mula pa noon, ang nagmagandang-loob na tanggapin ang mga Grades 5 and 6. Pinagamit nila ang makeshift classrooms nila dahil nagsipagbalik na ang mga estudyante ng high school sa dati nilang mga silid-aralan.

            Mga dalawang buwan pang idaraos ang klase ng mga nasa elementarya sa teritoryo ng hayskul. Kahit nagiging cliché man ang quotation na “everything happens for a reason”, well, that’s the truth. Noong una ay na-intimidate ako na halos ma-discourage sa unang pagkakita pa lamang sa kalagayan ng mga temporary classrooms na may butas-butas na dingding na nanlilimahid din sa bandalismo na akala mo ay silid-aralan na nasa areas of conflict doon sa gitnang Mindanao. The walls and the whole rooms speak for themselves kung gaano ka-wild ang ilang highschoolers na nagklase dito. Subalit sa paglipas naman ng mga araw, ang mga makeshift classrooms ay naging pook ng kaalaman at pagkatuto at nagkaroon ng masayang pagsisimula ang school year.

            Sa wakas, nakapasok na ako sa South at ‘nakapagtrabaho’ rin dito. Very cordial and welcoming hospitality. Noong nagtapos ako sa VABES, akala ko doon din ako maghahayskul tulad ng mga kapatid ko pero tadhana ko nang mapunta sa dalawa pang private school. Nakita ko ang ilang estudyante na naturuan ko noon. Mga binata at dalaga na ang mga nene at totoy noon. May mga nakakakilala pa rin sa akin at hindi naiilang na sa akin ay lumapit. At meron namang umiiwas na parang natatakot; kungsabagay, isa na lamang akong multo mula sa nakaraan. Nang nagsimula ang NAT review para sa mga Grade 7, ilang titser ng Grade 5 at 6 ang mga tumulong sa pagbabalik-aral ng mga bata. Man, I got included in the roster of reviewers, for pete’s sake. Ngunit pagtupad pa rin ito sa tungkulin at kaunting minuto lamang na nag-conflict sa iskedyul ko. Okey naman, eh. Cooperative yung karamihan sa mga bata tapos madali nang sawayin yung mga maldito sa kanila. Hindi ko na iniisip ang stress basta nakakahanap pa rin ako ng dahilan para maging masaya.

            Ika-27 ng Hulyo. Well, looking back sa unang dalawang buwan ng school year 2016-2017 sa campus ng PCSHS at para sa akin ay naging maayos at masaya. Habang nagbabayanihan ang mga taga-VABES sa paglilipat ng mga kagamitan at muling pagbabalik sa dating mga school buildings, sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang flagpole na may mga santan sa paanan nito, yung mga canteen at tindahan, ang mga puno at halaman, at ang admin building pati mga miming na nakatira sa may mga mahogany. At ang kanilang masipag at butihing punong-guro na nanguna sa pagtanggap sa mga “refugees” mula VABES.

***


Buti na lang at nakahanap pa ako nito sa Astroplus ng SM MOA. Sana ibalik uli nila ang mga VCD dahil mas maganda naman talaga ito kaysa DVD o kahit Blue Ray disc pa.

***

            Ika-11 ng Hunyo. Ang init-init sa araw na ito pero ang saya-sayang manood ng NBA Finals Best of 7 Cleveland Cavaliers vs. Golden State Warriors. Pareho kong gusto ang dalawang team pero mas nangingibabaw pa rin ang Cavs dahil kay Lebron James kahit pa noong lumipat pa siya sa Miami Heat. Wow, okay ang official colors- golden yellow for GSW and deep maroon for Cavs. Nazareno colors!

            Ika-20 ng Hunyo. Nanalo ang Cavs! Ang lupit ng laro, o! Nganga ang GSW fans na nagsipagsiksikan pa naman sa Oracle Arena at hindi pa umobra ang homecourt advantage. Ready to celebrate and party na sana, o!

***




Kataka-taka nga naman na ang maririkit na halamang ito ay ang mga mumunting plantlets na dala namin noon galing sa Batanes! (pakitunghayan ang blog post na “Ang Bakasyunistang Weirdo sa Batanes”, April 2015)

***

Finale of this Blog Post:




The Consumerist Manifesto


            Ngayong taong panuruan 2016-2017, ang weirdong blogger na nagngangalang Joan T. Teves ay muling nasa floating status which means, wala nang advisory class di tulad ng nakaraang taon (related blog post “Bugso ng Habagat” August 2015) at balik muli sa pagiging pangkaraniwang tagapagturo ng mga asignaturang Filipino at Araling Panlipunan para sa Ikalimang Baitang at wala nang matrabahong paperworks and classroom management.

            Oo nga pala. Tutal sa blogsite na ito, wala namang naliligaw gaano at ang mga anonymous readers dito ay mas lalong walang pakialam kahit na magmura man ako o mag-cyberbully kung trip ko, nyehehehe! Well, gusto ko na lang tila i-confide dito sa blog ang ilang pahayag na hindi ko usually inihahayag sa mga pook na hindi dapat magpahayag nito. May ugali rin ako sa pagsalungat sa agos lalo na kung may mabuting dahilan talaga upang salungatin ito at baka maging sanhi pa yun ng pagkaanod. Sigh, gusto ko ng outlet for expression.

            Ayon sa Code of Ethics for Professional Teachers Article X: The Teacher and Business, Section 1- “A teacher has the right to engage directly, or indirectly, in legitimate income generation; provided that it does not relate to or adversely affect his/her work as a teacher.” Kaya nga may ibang mga titser ang merong raket sa direct selling, provided na kapwa guro o mga school personnel ang aalukin nila ng kanilang mga kalakal. Meron namang mga titser ang nagmu-moonlighting sa ibang hanapbuhay basta legal pagkatapos ng klase nila. Eh, meron ngang mga titser ang idinadaan sa photocopied learners’ materials, handouts, modules, and quizzes ang dagdag nilang kita, ano? Another classroom situation, this is a no holds barred admission of the not-so-guilt, may mga guro, lalo na kung hindi naman miyembro ng kanilang school cooperative ang merong micro-enterprise sa loob ng canteen tray na inihahatid sa mga silid-aralan at ibabalik naman sa canteen kasama ang benta pati unsold items. At ang items mula sa micro-enterprise ay hindi naman kasama sa pagbabalik ng tray,a!

            Damn, this weirdo blogger seemed to be confessin’ that not-so-guilt last school year. Ako ay lubos na humihingi ng paumanhin kung may mga naapektuhan man sa mga panahong ako ay naging isang money-making pirate. Hindi ako kasapi ng coop. Ang mga items ay may maliit lang na tubo kaya hindi talaga masakit sa bulsa; my very own clandestine sari-sari store of very reasonable prices.  Nagmamalasakit lang ako in the name of variety during recess at ang mga bata ay meron pang natitipid sa kanilang baon. At ang weirdong ito, you can call me an opportunist or even a profiteer if you want to but you don’t have the right to judge me. Pagkatapos ng nagdaang school year, inipon ko ang benta at ako’y nag-inventory. Man, I actually did not profit that much at all! Mas malaki pa malamang ang kinikita ng manong magtataho o ng aleng naglalako ng balut at daing kaysa sa akin! Well, what was important was that as a way of thanksgiving and giving back, a fund was still raised and divided equally to be donated selflessly to three charitable institutions. Wala akong itinabi ni singkong kusing. Kung gusto niyo, i-upload ko rin dito ang litrato ng mga resibo mula sa money remittance center,eh!

            Wala na akong negosyo. Ano kayang legal scheme ang pwede? Ni wala nga akong puwang sa publishing opportunity kasi profit-driven naman talaga ang karamihan sa mga publishing company dito sa Pilipinas, di ba?   


No comments:

Post a Comment