"Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay (ng lalaki) sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang (pisikal na) kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuhatan at nag-iwi sa iyong kasanggulan.” (Never regard a woman as an object for you to trifle with; rather you should consider her as a partner and a friend in times of need; Give proper considerations to a woman's frailty and never forget that your own mother, who brought you forth and nurtured you from infancy, is herself such a person.)
Mula ito sa ika-11 turo ng Kartilya ng Katipunan ni Gat Emilio Jacinto; maligayang buwan ng
mga kababaihan!
*******
A class picture (school year 2015-2016) from the Villamor Air Base
Elementary School (VABES); related blog about this can be read in the August 2015 post "Bugso ng Habagat"
Nais kong ibahagi sa blog post kong
ito ang isang sanaysay na bahagi ng ipinasa kong required journals sa aming
klase sa City University of Pasay.
February 6, 2016. This high noon, one of the topics
reported by my classmate was about mismatch in some teacher’s load. Actually,
the said topic was also included in “Current Issues in Education” which I took
up last semester. Mismatch also refers to other college graduates who landed in
jobs which are not related to their course. There are teachers, too, who have
particular majors in their BEED or BSE and yet when they started their career,
their teaching loads tell otherwise; for example, a teacher with history major
bacame a Math instructor just because it is the only vacant slot left in the
school. Well, it’s good if mismatch becomes serendipitous especially if the
teacher discovers his/her strength in teaching that subject even though he/she
actually took it for granted during college.
Actually, “mismatch” became my ticket to a career
after years of idleness or ‘tambay’. I graduated from the nearby school of
Asian Institute of Maritime Studies (AIMS) with a degree in B.S. Customs
Administration and instead of working from 8 to 5 in a private logistics or
freight forwarding company, I returned to my elementary Alma Mater as a teacher
after taking up Certificate in Teaching Program at the Philippine Normal
University Manila and passing the Licensure Examination for Teachers.
Some professionals just live in day-to-day “mismatch”.
It’s better to have a decent job with decent pay than no employment at all. And
as for me, well, mismatch is actually a blessing. I love teaching Filipino and
HEKASI to grade 5 kids. I found a career, not just a job.
Hay, naman! Sa totoo lang, kung magkaroon sana ng wastong pagkakataon o
oportunidad upang maging full time fiction writer at naipalalathala na ang
aking mga akda, magka-career shift muna ako!
*******
Marso 11. Buti na lang at pinagbakasyon ko na ang mga bata tutal ay wala
nang gagawin sa school kundi mga tambak ng forms and other paperworks; ayoko pa
naman ng maingay at magulo. Aba, tamang-tama at bago mag-alas kwatro ng hapon,
umuwi muna ako at pagdating ko sa bahay, nagsisimula na ang last episode ng
“Destiny Rose” sa channel 7 kahit na hindi ko talaga nasusubaybayan kasi nga
panghapong drama. Talagang tumakas ako sa school mapanood lang yun, hehehe!
Bumalik din naman ako sa school pagkatapos manood ng TV. Tuwang-tuwa ako sa
satisfying, happy ending nito na kahit pa predictable ang formula, naroon pa
rin ang mga aral na matututunan ng televiewers tungkol sa tunay na pag-ibig,
lubos na pagpapatawad, at ganap na pagtanggap. Nakatatak na ang mahusay na
pagganap ni Ken Chan bilang ang beautiful transgender na si Destiny Rose.
*******
Marso 23, Miyerkules Santo. Nagpapatuloy na ang maalinsangang panahon
ngunit natuloy pa rin ako sa aking Lenten activities para sa araw na ito. Hindi
ko man makumpleto ang pitong simbahan para sa isang visita iglesia di tulad
noong nakaraang taon (please refer to the March 2015 blog post “Isang Lunes
Santo sa Batangas” which is continuously gaining more and more pageviews
according to this blog’s dashboard statistics), ang magsadya sa dalawang
simbahan sa Baclaran ay sapat na para sa akin. Una akong nagtungo sa Sta. Rita
de Cascia Parish sa Quirino Avenue side. At pagkatapos ay nilakad ko naman ang
patungong Redemptorist Church o higit na kilala sa official name nitong
National Shrine of Our Mother of Perpetual Help.
Makapal ang dami ng tao sa loob ng Redemptorist palibhasa ay Miyerkules
kaya tuluy-tuloy ang mga nobena at saka ika-150 anibersaryo pa ng religious
icon ni Mama Mary mula nang ilagak sa simbahang ito. Ang icon ay sa sa palagay
ko, hango sa obra maestra ng medieval Italian artist na si Cimabue, ang "The Virgin and Child Enthroned with Angels” at ang art tradition nito ay tulad sa Byzantine art na
makikita rin sa mga Orthodox Christian churches.
Ang dami-dami talagang tao. Naka-disguise nga ako, eh. Pag-alis sa bahay,
hindi ko na inalis ang cap ko. Basta, gusto ko lang umastang isang
crossdressing na tibo. Yun bang kaisa ng mga total strangers katulad ng
karamihan sa mga nakakasalamuha ko sa mga simbahan. Isa akong solitary
stranger, kaisa ng mga lonely people na palagi lang sa isang tabi,
dinadaan-daanan lang.
Sa Redemptorist na ako nag-Way of the Cross. Dala ang aking 10-peso prayer
booklet na binili ko pa noon sa Word and Life booth ng Manila Book Fair ’08,
nag-Via Crucis ako kasama ng mga strangers. Malilim nga doon sa bahaging iyon
ng Redemptorist compound na may maraming puno at mga halaman pero may ilang
nagawi dito na pabaya sa kalat nila!
Palubog na ang araw nang lumabas na ako sa Roxas Boulevard gate ng
simbahan upang mag-abang ng dyip pauwi. Pagdating doon, sari-saring tao. Mga
sidewalk vendors na halos harangan na ang mga nagsisimba; pati mga matatanda,
maysakit, at kapansanang nanlilimos at ang ganitong tagpo ay katulad din sa
simbahan ng Quiapo. Hindi ako naghulog ng barya sa sisidlan nila. Nalungkot
ako. Kagagaling ko lamang sa simbahan pero hindi ako nagkawanggawa. Subalit ang
nasa isip ko ay ang ipanalangin sila. Ang manalangin akong sana’y ang mga
nanlilimos na ito sa may gate ng simbahan ay mapatawad ang bawat taong hindi
sila pansin o hindi sila mapagbigyan sa nais nila. Ipinapanalangin kong sana’y
ma-regain nila ang dignidad nila nang hindi na maging palaasa sa limos ng mga
taong sinasalubong nila sa labas ng simbahan. Iba na ang panahon ngayon;
mahirap nang ma-realize kung sino ba ang tunay na nangangailangan sa mga
nagpapanggap lamang na layong manamantala ng kapwa!
Sa ibang lugar naman gaya ng EDSA-Taft Rotonda, dumarami doon ang mga
taong lansangan na mga dayong Badjao raw. Pumapanhik sila sa mga dyip at
kinakasangkapan pa ang mga walang kamuwang-muwang na sanggol sa pamamalimos
habang nagpapamudmod ng mga sobre sa mga pasahero. Kaya lang ang mga tao ay
natuto na. Walang nag-abot; eh di, napipilitan na lang bumaba ang mga
namamalimos. Hindi maaaring sa lahat ng oras ay pagbibigyan ang gusto ng mga
yun sa mga barya-baryang ikaliligaya lamang nila kasi iyon ay kanilang
makakasanayan na lamang lalo pa’t may mga bata silang kasama na nahaharap sa
mga panganib sa lansangan at exploitation ng ibang tao. Ang dapat paghuhulihin
ay ang mga grupong nagsasagawa ng human trafficking sa mga Badjao na iyon at sa
iba pang taong lansangan sa halip na sila’y turuan ng disenteng pamumuhay.
Nakakalungkot na nakakadismayang tagpo sa mga kalsada.
Mapalad pa ang mga Badjao na nanatili sa Mindanao tulad doon sa Tawi-Tawi
at sila’y naghahanapbuhay nang marangal nang hindi maging palaasa sa ibang tao.
Kinagabihan, hehehe, napanood ko ang last episode ng “Little Nanay” sa
channel 7. Ang cute ng family-oriented, inspirational primetime drama series na
ito.
*******
The Crucifix at the altar area of St. Michael the Archangel Chapel, Fort
Bonifacio, Taguig City
The rays behind the cross resembled sword blades; well, that was how they
designed those. Jesus taught us that whoever lives by the sword, dies by the
sword (Matthew 26.52). Sounds so familiar for the grim fate of terrorists!
Guido Reni's St. Michael
St. Michael vanquishing evil; on the other hand, the infamous statue of
the devil somewhere in the Tugatog Public Cemetery in Malabon City perhaps is
just a product of annoyingly playful imagination of whoever sculpted it. Some
people even hurled stones at it like what the hajj pilgrims do to the devil’s
pillar outside Makkah.
*******
Divine Mercy booklet with Caritas Manila knotted rosary
Marso 25, Mahal na Araw o Biyernes Santo. Pagkatapos subaybayan ang “Siete
Palabras” na televised ng GMA-7 mula Sto. Domingo Church, sinimulan ko na ang
aking Divine Mercy novena pagkatapos ng 3 o’ clock prayer. Ang nobena ay
magtatapos sa bisperas na Sabado bago ang mismong second Sunday of Easter, ang
Feast of the Divine Mercy. Maikli lamang ang devotional activity na ito na
inaabot kadalasan ng sampung minuto, bawat araw ay may particular intention
with concluding prayer; for example: first
day, bring to the Lord all mankind, especially the sinners... and that
includes this weird blogger. Ang Divine Mercy devotion ay nagsimula sa visions
ng Polish nun na si Saint Maria Faustina Kowalska of the Most Blessed
Sacrament. Maikli man ang nobena at ang pagdarasal ng Chaplet of the Divine
Mercy gamit ang regular na rosaryo, kailangang bukal sa kalooban ang pagdarasal
nito lalo pa’t ayon kay Sis. Faustina, ang inspired instructions nito ay mula
mismo sa Panginoong Hesu-Kristo.
Matagal nang binigay sa akin ng aming kamag-anak ang Divine Mercy booklet
pero nitong mga nakaraang araw ko lamang sinimulang basahin at unawain; at
tamang-tama naman nang natapos ko nang basahin, nagsisimula na ang Holy Week at
ang simula ng nobena nito ay sa Good Friday na. Truly, everything happens for a
reason. Nakatakdang makatanggap ako ng booklet na ito sa pagpapalaganap ng
Divine Mercy devotion.
Hindi talaga ako ganoon ka-religious; I’m just a frail, weak person with
oftentimes weak faith tapos maraming pagkakataong pinaiiral ang skepticism and
disbelief. Subalit pakiramdam ko, sa mga devotional activities, everybody’s
welcome, saints and sinners alike. Noong una, ayokong mag-rosaryo. Pero habang
nagtatagal, sa paglipas ng mga panahon at nakatagpo ako ng mga pahayag mula sa
mga Catholic apologists (please refer to the blog page of “Starfields” at the
right side menu of this page), hindi ko na pinakikinggan ang mga pananalita ng
mga kontra o nangungutya sa devotional practice na ito. Marami na akong nabasang
articles and I am not alone hanggang sa maliwanagan ako na ang pagrurosaryo ay
hindi isang vain, repetitive prayer because it is the person’s heart that
counts. Halimbawa, the first joyful
mystery: the Annunciation; reflect with
every Hail Marys and sincerely offer each for this person, that person, for
you, me, us, they, everyone that we all follow the will of the Lord God just
like Mama Mary’s faith. Sa isang bahagi ng Divine Mercy chaplet, this is one of
the prayers: for the sake of His
sorrowful Passion, have mercy on us and on the whole world; for every small
bead, meditate on that and contemplate and offer that prayer for either a
good-natured non-believer or a lukewarm Christian or to anyone, living or
already in the great beyond because God’s mercy is omnipresent. Kaya nga lalo
kong na-aapreciate ang Divine Mercy devotion.
Basta kung wasto at bukal sa kalooban mong isinasagawa ang isang nobena at
malalim itong pinagnilayan at ang diwa nito, may madarama kang naiibang
kagaanan ng kalooban na mahirap ipaliwanag ng mga salita, pakiramdaman mo na
lamang. Ang isang nobena ay devotion with dedication. Yun bang naroon ang
selflessness lalo na kung ang petisyon mo ay hindi naman para sa iyo kundi
dulot ng iyong pagmamalasakit sa kapwa.
Si St. Faustina, tulad nina St. Bernadette at St. Thérèse, ay may maikling
buhay na iginupo ng sakit. Ngunit naging makabuluhan naman ang mga buhay ng mga
kahanga-hangang kababaihang ito lalo pa’t ang modernong panahong kanilang
kinagisnan ay radikal na nagbago at maraming tao na ang nakalimot sa pananalig
at tunay na pakikipagkapwa-tao. Namatay si St. Faustina noong 1938, isang taon
bago sinakop ng Nazi Germany at komunistang Soviet Union ang kanyang bansang
Poland. Imagine, kung nabuhay pa siya nang mas matagal, masasaksihan niya ang
impyernong hatid ng digmaan, ng mga death camps kung saan dinala ang
napakaraming Hudyo, Gypsies, iba pang minoridad, at ang kanyang mga kababayan
mismo; hanggang sa transformation of post-war Polish government to godless
communism.
Ayon sa booklet, sa pagkamatay ni St. Faustina, ang devotion to the Divine
Mercy ay lumaganap pa lalo na sa madidilim na yugto ng World War II at tuluyan
na itong nakilala saan mang dako ng mundo lalo na nang naging Santo Papa ang kapwa-Pole
niyang si Saint Pope John Paul II.
*******
EXTRA!
Picking the moon from the night sky
No comments:
Post a Comment