This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Monday, February 29, 2016

#Hashtag-hashtagan: No #Hashish Please!


Tribute to my vintage cellphone, my Nokia 3510, which I will not replace even with a brand new, latest model high-end mobile phone. Almost fourteen years ago, this was manufactured somewhere in mainland China at magmula noon, hindi pa ito napapalitan ng kahit anong bahagi o piyesa at mas lalong hindi pa ito napatingnan sa kahit anong cellphone repair shops. Bumili lang ako ng isa pang extra battery at mabuti na lang ay may available pa nito sa isang cellphone shop sa second floor ng Pasay City public market. Siguro yung tindera na binilhan ko ay gustong tumawa. In pristine condition pa ang cellphone dahil ang essential purposes nito para sa akin ay text, call, and alarm clock! Regalo ito ng nanay ko way back in April 2003 nang naka-sale na ito at naging indispensible item na ito sa akin na kahit maglakad ako sa Rotonda o sa Baclaran o sa Quiapo nang hawak ito ay walang aagaw o papansin man lang.
*******

Yoshitoshi's Sun Wukong and the Jade Rabbit

           Journey to the West. The Ming Dynasty novel that started it all and brought inspiration to animated and live action drama and films starring the superhero Monkey King, Son Wukong; and then came Son Goku of the popular Dragon Ball animé and another Son Goku of Genzomaden Saiyuki

            Pebrero 8. Chinese New Year. At birthday pa ni Noynoy. Sa totoo lang, majority ng mga tao sa mundo ay higit na kinikilala ang Gregorian solar calendar na nagsisimula ang bagong taon sa Enero 1 at nagtatapos ng Disyembre 31. Gayunpaman, napapanatili pa rin ang Cinese Lunar New Year na nagtatakda ng sarili nitong bagong taon depende sa paglitaw ng unang new moon ng taon. Ang isa pang new year celebration na iyon ay naging araw ng cultural significance at pagkilala sa ambag ng mga tsino sa sibilisasyon at kasaysayan ng daigdig. At dito sa Pilipinas kung saan naroon ang pinakamatandang Chinatown sa mundo, ang Binondo, hindi talaga maitatanggi ang impluwnesya ng kulturang Tsino throughout the centuries hanggang sa nation building lalo pa’t napakaraming kilalang Pilipino ang may dugong Intsik. Kahit sa kasalukuyang ekonomiya, Chinoy power pa rin.
            Pero magkaiba naman ang mga Tsinoy sa lipunan at yung mga umaagaw sa Spratlys at mga big time drug lords, di ba? At saka, kapansin-pansing ang malaking pagkakaiba ng mga henerasyon ng mga Tsino. Ang mga Tsinoy noong mga nagdaang panahon ay kakikitaan ng ibayong sipag at pagpupursige sa buhay sa kabila ng kahirapan na sa una’y pinagtiisan nila at mga naghahanapbuhay nang disente kaya mula sa kanilang henerasyon, hayan sina Henry Sy, Sr., Lucio Tan, Gokongwei, at iba pang taipans, tycoons, and magnates na may “Cinderella, rags-to-riches stories”.
            Dito sa Villamor, marami akong napapansing mga Chinese nationals lalo na sa Newport City at yun ilan ang nangungupahan pa sa ilang bahay sa barangay. Marami sa kanila ay mga maluluho, heavy chainsmokers and alcoholics, at malamang mga sugarol sa Resorts World Manila tapos yun ilang ay kabilang sa mga nadakip ng mga pulis dahil sa drug sessions nang minsa’y ni-raid ang “high-end” daw na KTV bar sa Plaza 66 kung saan din naroon ang Metro Supermarket. Tipong mga... tsekwa beho. Goodness, I am not a racist!
*******
            Sa larangan ng pulitika, full speed ahead na para sa Presidential Campaign... pero wala naman akong iboboto sa kanila, hehehe! Nabawasan na nga pala ang mga presidentiables dahil sa pagpanaw ni dating ambassador at OFW party-list representative Roy V. Señeres, Sr. dahil sa sakit samantalang noong isang araw lang ay nagkusa na siyang bawiin ang kandidatura niya. Siya ay hindi naman kasingpopular ng iba pang kandidato ngunit matagal na siya sa government service na umiikot sa foreign and diplomatic relations and workers’ welfare at highlight ng kanyang career ay noong nakaligtas sa death penalty ang dating OFW na si Sarah Balabagan at siya pa ang ambassador to the UAE noon.
            Noong unang napabalita na tatakbong pangulo si Señeres, tiyak na marami ang nagtaas ng kilay. Nahaluan pa ng malisya ang tingin ng maraming tao sa kanyang intensyon. Demokratiko naman ang kalagayan dito sa bansa. Ang problema kasi sa karamihan sa ating mga Pilipino, hindi muna kinikilala at kinikilatis ang mga nag-aambisyong maging pulititko. Kapag hindi matunog ang pangalan kahit na may maayos naman na track record, etsapwera. At lalo pa’t madalas ang mangyari, higit pang tumatatak sa gunita ng masa ang alaala ng mga notoryus at kontrobersyal na mga tao sa gobyerno sa halip na mapansin naman ang mga public servants na tapat na naglilingkod sa bansa at sa sambayanan tulad ni Señeres.
            Napanood ko rin ang isang episode ng “Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie” sa GMANewsTV. Ininterbyu doon ang dalawang lady senatoriables na sina dating DOJ secretary Leila De Lima at Akbayan chairwoman Risa Hontiveros na pangatlong attempt na ngayon sa Senado; pareho ko silang iboboto sa halalan. Kabilang sa mga pinag-usapan ay election expenses tuwing eleksyon... grabe, nakalululang presyo! Dito sa Pilipinas, kapag pobre ang isang political aspirant kahit gaano man kadakila ang kanyang layunin at malinis ang kanyang pagkatao, kung walang malaking datung at political machinery, malabong makakalusot!
*******

Great Valentine movies

            Mabuti na lang at nakabili ako ng original VCD noon sa Masagana, ang “Casanova” starring the late Heath Ledger. Ang cute-cute ng kwento sa totoo lang kahit na minsan ay hindi ko maintindihan ang ilang dialogues lalo na ang pag-mumble ng baritone voice ni Heath tulad sa nauna niyang pelikulang “Brokeback Mountain”. Kahit na partially based sa buhay ng legendary 18th century Venetian libertine and intellectual na si Giovanni Giacomo Casanova de Seingalt, ipinakita sa sine na siya raw ay natagpuan na ang kanyang one true love and that’s the fictional side. Babaero raw ang tunay na Casanova; hindi ba siya nagkasakit noon?
            Another all-time favorite ay ang “The Phantom of the Opera”. Paborito ko ang eksena nang inawit nina Raoul at Christine ang kabilang sa mga pinakapopular love ballads, ang “All I Ask You”. Sumunod ang alternate lyrics nito at ng “Music of the Night” na kinanta ng Phantom na mula sa pagiging destructive ay naging self-destructive pagkatapos mabigo sa pag-ibig at ma-realize na ang hindi para sa kanya ay hindi magiging kanya.
*******
            Minsan ay nag-Internet ako sa isang kompyuteran sa may 8th-7th. Tapos, may isang nakakabwisit na pangyayari na tila pag-uulit ng tagpong iyon sa isa pang kompyuteran sa 12th-7th noong 2013; binanggit ko yun sa isang past blog ko na “Tail-end of a Cold Front”- please refer to November 2013 post. May mga maiingay na batang lalaki na enjoy na enjoy sa paglalaro ng online games habang walang preno ang mga bunganga nila sa pagpapalitan ng kantyawan na pulos pagmumura at kabastusan at lahat na yata ng masasagwang pananalitang hindi normal na sinasabi ng mga bata. Samantalang ang mga katabi nila na puro mga binata na at yung ilan ay mga estudyante ng PHILSCA ay wala lang... pinababayaan na lang sila basta makapag-FB at games na lang at wala nang pakialam sa paligid; na kahit malamang todo ang volume na naririnig nila sa kanilang mga headset ay tiyak na nadirinig pa rin nila ang mga istorbong bata. Hindi ako nakatiis, nagtaray ako, at sinaway ko ang mga bata. Kaya lang, lumabas na mahihina pala ang mga ulo nila upang umintindi at maya-maya’y balik na naman ang mga marurumi nilang bunganga na dinig na dinig sa loob ng computer shop na iyon.
            Naisip ko... kaya siguro dumarami na sa mundo ang mga lalaking walang kwenta kasi nagsisimula ang katangiang yun habang bata pa sila. Pati mga lalaking walang balls upang manindigan na huwag hayaang umiral ang mali sa paligid nila kagaya ng karamihan sa mga internet users na katabi lang nung mga bata kanina!
*******
            Pebrero 20. Pagkagaling sa CUP, mabuti na lamang at naabutan ko pa ang episode ng “Karelasyon” na Rigodon, isa sa mga pinakamagandang kwento so far. Sa isang malaking boarding house kung saan halu-halo ang background ng mga nangungupahan, mayroong dalawang pares na magkatapat lang ang silid- dito, gay couple at doon, lesbian couple. And one fateful day, they swap partners. Pagkatapos, nang nabisto, labu-labo na; at talagang hugot-kulangot ang ngalngal nung tibo na nagsumbong sa bading na, “Michael! Michaeeeeel! Yung boyfriend mo, inahas ang girlfriend ko! Huhuhuhuhu!”
            Kaya lamang lumabas na serendipity ang nangyari nang na-realize ng bawat isa sa kanila kung sino ang kanilang soulmate. Sa pagtatapos ng mala-indie film episode, nagkaroon din ng reconciliation ang mga ex-lovers kaya ang lalaki ay para pa rin sa babae. Eh, di sa programang ito, parang binabandera ang isang teorya na ang homosexuality ay “state of the mind” lamang; puso pa rin ang nagwawagi.
*******
            Pebrero 25. Ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. At nataong ipinagdiwang ito sa mga huling buwan ng pagiging pangulo ni Noynoy, anak ni Ninoy at Cory. Pinanood namin either sa IBC-13 or PTV-4 ang pagbisita ni Noynoy at ng iba pang taga-gobyerno sa bagong bukas na People Power Experiential Museum sa Camp Aguinaldo. Napakaganda at napakamakabuluhang museo na may iba’t ibang bulwagang nagpapagunita sa alaala ng libu-libong humans rights abuse victims noong Martial Law at sa lahat ng makabayang Pilipinong lumahok sa makasaysayng EDSA ’86.
            Iniisip ko ang ganito na paano ba ako makikipagdiskusyon sa mga taong tila nagbubulag-bulagan sa mga reyalidad noong rehimeng Marcos palibhasa ay hindi nila naranasan ang sinapit ng ilang tao kagaya ng mga tinaguriang “desaparecidos” na inaalala sa isang bahagi ng compound ng Simbahan ng Baclaran? Nadidelusyon ba ang mga “Marcos fans” na ito sa kanilang paniniwalang “golden age” daw ng bansa ang panahon ng panunungkulan ni Marcos? Ang mga imprastraktura bang ipinatayo ni Marcos ay mga ultimate symbols na ng kaunlaran ng ating bansa? Paano kaya doon sa Ilokos na binansagang “solid north”? Karamihan ba sa mga tao na nananatiling die-hard loyalistas ay hindi pa rin naniniwala na may nangyari noong rehimeng Marcos na mga di-mabilang na kaso ng pang-aabuso sa napakaraming tao o ang pamilya Marcos ay nagpasasa sa kaban ng bayan na kung hindi sana sila ganoong kaluho ay mas marami pa sana silang magagawang mabuti sa bansa? Sa mga loyalistang iyon, ipaggigiitan pa rin ba nila na taksil sa bayan si Ninoy at ang panunungkulan ni Cory bilang pangulo ay hindi naman nagdulot ng tunay na pagbabago sa bansa? Tsktsktsk!
*******

The 100-peso original DVD of the legendary film “Apocalypse Now” directed by Francis Ford Coppola

Nang pinanood ko ang 1979 epic war film na ito, para bang ito’y ginawa lamang nitong mga nakaraang taon dahil malinaw talaga. Nasa encyclopedia pa nga ang isang kuhang larawan nang shooting nito dito sa Pilipinas na siguro doon yun sa Baler, Aurora na kabilang sa mga location; ah, iconic ang isang eksena dito kasi yung isa sa mga American cast, pagkatapos ng bakbakan sa isang ‘Viet Cong territory’, nagawa pang mag-surfing at hanggang sa kasalukuyan, surfer’s paradise pa rin ang beach na iyon sa Baler. Napakaraming Pinoy ang naging extra dito kagaya na lang ng mga Ifugao; sana, hindi tunay na kalabaw yung isinakripisyo sa ginanap na tila cañao sa isang marahas na eksena sa pelikula.
 May pagka-sluggish ang pacing ng pelikula pero ito’y di-pangkaraniwan lalo pa’t malalim ang tema nito at pilosopiya, exposé of the madness of Vietnam War and dark side of man; ang kwento kasi nito ay hango sa short novel ni Joseph Conrad na “Heart of Darkness”. Ang genre ng sine ay action thriller pero parang may halong horror; basta sa panonood nito, matutunghayan ang angst, desperation, and isolation sa pagkatao ng mga characters sa walang patutunguhang laban nila sa Vietnam. Doon naganap ang giyerang hindi nanalo ang Amerika.
Ang cold-hearted, grim character ni Marlon Brando ay may pagkakahalintulad din sa kanyang papel sa 1996 sci-fi thriller na “The Island of Dr. Moreau”, na tipong ‘white deity’ na sinasamba ng isang ethnic tribe. Pero napakahusay ng pagganap niya sa  “Apocalypse Now”. Hinangaan din ang napakagaling na pagganap ni Martin Sheen bilang principal character sa sine. Sa simula ay disappointed ako sa naging ending nito na bitin with those ambiguities pero mahilig ako sa mga kakaibang pelikula na may katuturan at pilosopiyang inihahayag.
*******

CD album of The Weeknd “Beauty Behind the Madness”

Aside from the “Apocalypse Now” and “Memoirs of a Geisha” for our DVD collection, nakabili rin ako ng isa pang original 14-track CD kahit na hindi naman ako fan ng artist! Hindi ko lang trip ang CD cover design at ang pangit ng lyrics ng ibang kanta ni The Weeknd pero gustung-gusto ko ang passionate, soulful musicality niya. Never mind the offensive lines in the “The Hills” lyrics, kabilang yun sa favorite ko along with “Earned It” at “Dark Times” featuring Ed Sheeran at ang pinakamagandang track ay ang “Angel”. Hindi naman hip-hop ang genre ng isang ito kasi mixed up jazz, R ‘n’ B, soul, quiet storm (kakaibang term pero okey palang sound trip ito) at minsan ay upbeat pop. May mga pagkakataong mapagkakamalang kaboses siya ng the late Michael Jackson. The Weeknd’s album is one intoxicating sound trip. Nakapunta na kaya siya sa isang pineapple plantation?


No comments:

Post a Comment