This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Sunday, December 31, 2017

Alinsangan at Pagkatapos ay Ginaw

Gallery of the December Moon and the Best Salted Egg ever!





The “Lumina” walkway tunnel of lights and other Christmas display at the 
Resorts World Manila and Maxim’s Hotel, Newport Complex, Pasay City.







*******
The “I-Witness” anniversary specials sa GMA-7 ay nagpapatuloy sa pamamayagpag at nadagdagan ito nang ang feature documentary ay tungkol na sa “Rohingya Refugees: Silang mga Nilimot ng Mundo” at inilahad ni Atom Araullo who made waves again after his much-talked about “Philippine Seas”.  Bukod sa kalagayan ng mga Rohingya Muslims sa kasalukuyan, ipinakita rin sa naturang programa ang di-birong trabaho ng mga UN humanitarian workers gaya ng mga Pinoy na naipadala doon sa border ng Bangladesh at ng Myanmar. Kaygaganda pa namang mga tao ang mga Rohingya subalit kalunus-lunos ang kanilang kalagayan at itinuturing silang “stateless” dulot ng bigotry and racism ng mga taong walang puwang ang pagmamalasakit sa kapwa-tao. Paano na yung mga bata na sa murang edad ay nalantad na sa kalupitan ng kanilang lipunang kinagisnan? Ang mga tagpong iyon sa mga refugee camps ay kabilang sa mga most depressive areas sa mundo at harinawa’y wala namang mapadpad na ‘bulok’ na mga tao na sa halip na tulungan sila sa wastong pamamaraan ay i-eexploit ang kanilang kalagayan at kamalayan upang maghasik ng masasamang ideolohiya ng mga ito tungkol sa extremism o radicalism upang ‘ipaghiganti’ ang sinapit ng kanilang lahi sa kamay ng mga ‘infidels’. Subalit sa palagay ko, kahit nagkaganoon man ang buhay ng mga Rohingya, lumilitaw ang mga iba’t ibang bayani at anong malay natin na merong ilan sa kanila na may pagmamahal at pagmamalasakit sa kanilang lipunan ang makikilala sa pagtulong na makabangon muli sa dignidad ang kanilang lahi.
*******
December 8, Feast of the Immaculate Conception and also my day of thanksgiving because it was the anniversary of my teaching career.
May napanood din nga pala akong documentary sa “Reel Time” ng GMANewsTV, ang “Batang Maestro”. Kay ganda namang programa na kinunan sa isang tahimik na nayon sa Sorsogon sa Bicol Region. Ibang-iba talaga ang karamihan  sa mga batang taga-probinsya at kung sino pa ang mga nasa malalayong baryo na medyo salat sa mga pangangailangan ay sila pa ang higit na kakikitaan ng pagsusumikap at tiyaga at maagang natututong maging mga responsableng mamamayan kumpara naman sa karamihan sa mga batang taga-syudad gaya dito sa Metro Manila. Nakatutuwa naman ang batang iniinterbyu sa dokyu at siya’y naging titser sa kanyang mga kapwa-bata na tinuturuan niyang magbasa at makahabol sa mga aralin. Bihira na kasi ang mga kagaya niya, ano? 
*******
Disyembre 17. Sa wakas ay napanood ko na ang episode 7 ng “Star Wars: The Force Awakens”. Nakakabanas nga lang ang presyo ng ticket sa sinehan sa SM MOA pero gustung-gusto ko talagang mapanood ang nabanggit na pelikula na very astronomical, di bale na sa ticket, kundi sa sobrang ganda kasi. Siguro ang episode 8 ay sa 2019 pa; di ko lang napapanood ang mga “spin-off” flicks nito tulad ng “Rogue One”. Makalipas ng maraming dekada, magkakaroon din kaya ng film remake ang Star Wars? Ang sarap lang kasing mag-imagine na paano kung tugma sa fantasies ni George Lucas na marami talagang extraterrestrial civilizations somewhere in the universe, in a galaxy far,far away. Kung ang maraming tao dito sa Earth ay di naniniwalang may buhay sa malalayong planeta o galaxies, malamang ang mga nilalang naman doon ay hindi rin siguro sumasagi sa kanilang isipan na may nag-i-exist palang planetang tinatawag na Earth.
Pagkagaling ko sa panonood ng sine ay nagawa ko pang makarating sa Noel Bazaar sa SMX na last day nga ng araw na iyon. Di naman ako gaanong namili. Nakakalula ang dami ng exhibitors at mga shoppers! Pero ang mahal naman kasi ng mga tinda sa booth ng Team Manila; trip ko pa namang bilhin yung cap nila na may naka-embroidered design na Chinese characters at English translation nitong “West Philippine Sea”. Quirky, witty item, ain’t it?
*******
Ika-25 ng Disyembre. Maligayang Pasko!
Sa totoo lang, kahit Paskung-Pasko, muntik na akong mapaaway sa ilang kapitbahay at bwisita, este bisita nila. Paano ba naman, alas dos na ng madaling-araw, sige pa rin ang ingay ng party nila at di na kami makatulog. Kung di sila inawat eh di hanggang umaga na ang istorbong dulot nila at di namang maaaring dahil kasi Pasko ay pakisamahan na lang sila kung wala na sa katwiran ang pinaggagawa nila, ano? Ang nakapanggigil lalo kasi ay nang naulinigan ko yung mga bading na hosts nila na ‘Pasko naman daw kaya walang bawal-bawal’. Kung pwede lang magmura dito sa blog... joke. Beast mode on a Christmas day... sigh.
Well, anyways. Umusad ang araw ng Kapaskuhan na may maaliwalas na panahon kahit pa nag-uulan nitong mga nakaraang araw o may napaulat na bagyo sa bansa. Kailangang dumalo sa Misa.  Palipasin na ang mga hinanakit at sama ng loob na naganap nitong madaling-araw at ipanalangin din ang mga kapitbahay, ano? Napakagandang araw pa rin ito, the designated birthday of the Baby Jesus.
Nakalulungkot nga lamang at ang Pasko ng makabagong panahon ay heavily-commercialized and secularized na ang Christmas celebrations. Yun bang ang marami sa mga tao ay mas trip pa ang disruptive, bacchanalian parties gaya kagabi sa ilang kabahayan o di kaya ang magpaka-stress sa paghahanda ng isang bonggang noche buena ma-impress lang ang guests o di kaya’y bilangin na lang ang mga natanggap na regalo at iba pang uri ng aguinaldo. 
*******
Ika-30 ng Disyembre, araw ni Rizal.
Ang kasayahan sa karnabal ay lalong naging makulay sa maraming naririnig na tugtugan sa bawat tindahang maaaring panooran. May matitinis na tunog ng trumpeta. May nakatutulig na hampas ng tambol. May tila umiihip sa plawta. Mga tunog musikang kapag nagkasama-sama ay nakapagpapaindak sa mga binata at sa mga dalaga.
Nakadaragdag sa kaingayan ang maraming kalesang ikutan nang ikutan sa mga lansangan at nagbababa ng mga pasahero sa masayang peryahan.
“Tabi! Tabi! Tabi!” Oo, kailangang tumabi ka upang makaraan ang kalesa sa kalsada. Tabi! Tabi! Tabi! Isang katotohanang ang ingay ng tumatakbong kalesa ay nakadaragdag ng ibayong kulay sa perya.  ~~~hango sa Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo ng “El Filibusterismo” ni Jose Rizal.
Yun ang Quiapo na nakagisnan ni Rizal. Ang pook ay kabilang sa arrabales o suburbs ng Maynila na nakasentro naman sa Intramuros. Special mention ito sa ilang chapters ng El Fili bilang setting ng malaking karnabal kung saan meron dinarayong ‘pagtatanghal ng kababalaghan’ ng isang mystery American character doon na nagngangalang Mr. Leeds at ang kanyang di-umanong “Egyptian mummy” na si Imuthis na sa mahabang pagkukwento ng nakaraan nito ay mahihinuhang si Simoun na dating si Crisostomo Ibarra ang may pakana ng palabas dahil itinaong ang mga VIP guests ay mga Espanyol na may atraso sa kanya tulad ni Padre Salvi na nakakatawa sa kabanata na iyon dahil nahimatay sa kapraningan. At ang kasama niyang prayle na si Padre Irene ay sinabing kaya siya nawalan ng ulirat ay dahil sa sobrang kabusugan sa sopas na may itlog ng pugo!
Eh, ang Quiapo ngayon? Maingay at masaya pa rin pero may mga lugar nang nakaliligalig at nakaririmarim pa ang gulo at dumi. Ang di lang nagbago doon sa paglipas ng mga panahon ay isang sentro pa rin ng komersyo ng sekular na mundo at lalo naman ng pananampalataya lalo pa’t nasa puso nito ang Poong Nazareno. Sa mismong araw ni Rizal, kabilang sa mga pinuntahan ko sa Maynila, bukod sa aking yearly visita iglesia sa apat na simbahan- Sta. Cruz, Minor Basilica of the Black Nazarene, and National Shrines of St. Jude and St. Michael, ay ang naturang distrito. Di-mahulugang karayom sa dami ng mga tindahan at mga mamimili lalo pa’t nagsisipagbilihan na ng maihahanda sa media noche ang mga taong dumarayo doon. Lalo naman doon sa Excelente Ham sa Palanca, as usual. Natikman ko na ang ham na tinda doon. Kakaiba nga ang linamnam dahil ang traditional and time-tested recipe ang style nila. Hehe, nakabili rin ako ng mga kastanyas at ang red plums na para rin palang apples.
*******
December 31. Ang bisperas ng Bagong Taon and Solemnity of the Feast of the Holy Family. And looking back at 2017, what a year it was!
*******
Gallery of the Merry Christmas and Happy New Year







Ficus trees (balete) and Christmas displays at the Camp Jesus Villamor Air Base, Pasay City





Our media noche on New Year's Eve


No comments:

Post a Comment