This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Tuesday, December 29, 2015

A Sweet December

Disyembre 2. Celebrating the anniversary of my favorite city, Pasay.

The Pasay City Hymn
(Katha nina Ofelia San Juan/ Raymond San Juan at Liriko ni Ivan Grulla;
Courtesy of the Pasay City Government Website)

Mabuhay! Lungsod ng Pasay
Perlas ng Kamaynilaan
Hangad ay kaunlaran
Sa lahat ng larangan.

Mabuhay! Lungsod ng pasay
Dungawan ng sandaigdigan
Ugaling mapagtanggap
Ng tunay na mamamayan.

(Chorus)
Pasay! Mahal kong Bayan
Sa puso’y nag-iisa
Pasay, dakilang bayan
Pasay, mabuhay ka!

Ang lahat ay maka-Diyos
Makabansa, makatao
Masipag at mapagmahal
Ang tunay na Pasayeño!

(Ulitin ang Chorus)
Pasay...
Mabuhay ka!

******* 
Kamakailan lamang ay agaw-pansin sa lahat ang kaakit-akit at makasining na pagbabago sa pader ng Pasay City Cemetery na nakaharap sa Tramo (ito pa rin ang tawag ng nakararaming taga-Pasay para sa pangunahing lansangang iyon sa halip na Aurora Boulevard na higit na kilala bilang malaking kalsada sa Cubao, Quezon City). Dati-rati, ang pader ay naging lugar ng kapabayaan, urban filth, and desecration to the dead lalo pa’t bahagi pa naman yun ng sementeryo. Halos puno yun noon ng mga walang kwentang bandalismo at graffiti na gawa ng mga kabataang tinakasan na yata ng katinuan nila at walang pagpapahalaga sa kalinisan ng kapaligiran; sa gabi, ay mga nakatambay doon na ilang mga taong tila hindi gagawa ng mabuti sa lipunan. Tuwing panahon ng eleksyon, punung-puno naman yun ng mga campaign posters and stickers; kung sabagay, mas mabuti na nga ang ganoon kaysa graffiti. Sa pagtutulungan ng National Commission for Culture and Arts (NCCA) at ng Pasay local government at mga karatig barangay, ilang talented artists ang nagtulungan upang gawin ang makukulay na wall murals. Pampa-good vibes sa mga motorista, commuters, pedestrians, at iba pang tagaroon na nais naman ng mga makabuluhang artworks na nagtataglay ng magagandang mensahe ng pag-asa, pangarap, pangangalaga sa kalikasan, at pagmamahal sa aming lungsod ng Pasay. Napakalaki rin ng painting doon ni Pope Francis lalo pa’t makailang beses napabilang ang Pasay sa papal itinerary and motorcade nitong pagbisita niya noong Enero.
Wala akong kuhang larawan ng mga murals na iyon. Harinawa’y magtagal pa yun at mapangalagaan ng  mga kinauukulan. Sana, sumagi naman sa utak ng mga taong mahilig manira ng mga pampubliko at pribadong lugar ang tungkol sa pagbibigay-halaga sa kalinisan at kaayusan. Huwag naman nilang pagtripang bakbakin ang mga pintura o dumihan ang pader ng basura itinatapon nila lalo na tuwing gabi. Siyempre, ang ipinangpagawa sa mga mural ay gastos ng gobyerno mula sa buwis na binabayad ng mga mamamayan!     




Disyembre 17. Christmas party sa Villamor Air Base Elementary School. Ngayong taon ay muli akong naging event organizer and party host sa children’s party. For a hassle-free party, nagpa-order na lang kami sa Greenwich-ASEANA nang ang kanilang staff ay nagtungo sa school noong isang araw. Ang dami-dami kong pinagkaabalahan nitong mga nakaraang araw at stressed out pa kaya lang naging absent-minded naman ako nang nagbayad na ako para sa mga orders at ang engot ko nang hindi ko nai-double-check ang total costs sa official receipt. Subalit sinabi ng delivery man na napasobra ang binayad ko sa staff nila kaya pinabalik ang labis na salapi. Sinuri ko uli ang resibo. Sobra nga ang binayad ko; siguro nagkamali rin sa pag-compute ang staff ng Greenwich. Well, naging engot nga ako noong isang araw sa transaksyon, ang mahalaga, maraming salamat sa Panginoon, nanaig ang katapatan ng Greenwich staff and all’s well that ends well!
Ah, very pleasant naman ang Christmas party sa aming klase kahit simple lamang. At least hindi gaanong stressful di tulad noong 2013 (refer to blog post December 2013 “Tanglaw ng mga Parol”). Ang mga bata ngayon sa advisory class ay mas cooperative at nang nagpa-games ako, isport lang sila at hindi sinisira ang laro. Kabilang sa mga games ay ang ‘pin the tail’; nagdrowing ako sa pisara ng isang unggoy sapagkat ang susunod na taon 2016 ay Year of the Monkey tapos gumupit na lang ako sa scratch paper ng buntot nito. Actually, natutunan ko ang parlor game na ito mula sa isang cartoons. Noong grade 5 ako, ang RPN-9 (now CNN Philippines) ay kagaya rin ng iba pang TV networks; nagpapalabas din ng vintage cartoons and animé (tulad ng Dragon Ball na first time napanood dito at naka-dub pa sa English). Kabilang sa daytime toon block ng channel 9 ay ang very popular “Casper: The Friendly Ghost”. Sa isang episode kasi doon, si Casper ay sumali sa isang Halloween party at ang kanyang pagiging multo ang kanyang costume mismo. Sa isang game doon, ang ‘pin the donkey’s tail’, ang player ay nakapiring ang mga mata at kailangang matantiya niya kung saan banda sa donkey illustration itutusok ang buntot na tela. Kaya lang napalayo si Casper at naitusok pa niya ang buntot sa tunay na donkey na agad siyang nasipa at tumilapon siya sa dram ng tubig kaya natunaw ang pintura niya sa sarili. At nang nalaman ng mga tao na tunay pala siyang multo ay kumaripas ng takbo ang mga ito. Haha, thanks, Casper!
Basta masaya ang party. Pagkatapos magsikain ng mga bata, exchange gift na at pati ako ay nakatanggap din ng mga regalo. May okasyon naman, eh. Mabuti naman at may mga batang nagpaiwan muna para tulungan akong maglinis at ayusin muli ang classroom.

*******
Disyembre 21. Mabuti na lang at hindi ako tumuloy sa lakad ko nitong umaga kundi ay hindi ko mapapanood ang Miss Universe 2015 Coronation Night na palabas sa ABS-CBN live from Las Vegas kahit na patapos na ito. Lalo ko yung tinutukan nang tinawag na ang finalists at kasama pa si Miss Philippines Pia Alonzo Wurtzbach; pagdating sa Q & A portion, wow, napakagaling ng sagot niya as in confidently beautiful with a heart.
At ito na ang twister, hindi lang twist. Sa pag-anunsyo ng mga wagi, yumanig malamang sa Las Vegas. Second runner-up- Miss USA; kapansin-pansin ang pagbawas ng tamis sa kanyang ngiti at paglamlam ng kislap sa kanyang mga mata. First runner-up- Miss Philippines; kitang-kita naman na tanggap na niya ang kanyang kapalaran. And this year’s Miss Universe... ninanamnam na ni Miss Colombia ang kanyang tagumpay pero bakit parang hindi nagbubunyi ang karamihan sa mga tao? Wait, I made a mistake... at least, the comedian-host was man enough for atonement. And presenting Miss Universe 2015: Miss Philippines! Glory and honor for the country, great Christmas presents not only for Pia but for the whole Filipino nation as well.
*******


Replica of the X-Wing Star Fighter at the Star Wars exhibit at SM Mall of Asia

Disyembre 22. Sa araw na ito ng maaliwalas na panahon habang inoobserba ang winter solstice kahit wala namang winter season dito sa Pilipinas, isang Christmas gift na ang makapanood ng most anticipated movie ng taon, ang Star Wars VII: The Force Awakens sa SM Mall of Asia Cinemas. First time pa lang na nabanggit yun sa entertainment news ay inabangan ko na at hindi ko talaga palalampasin sa sinehan. 251 pesos ba naman, o! Ah, may ipon naman ako para dito at saka minsan-minsan lang ito. Ang nanay at tatay ko lamang ang libre sa ticket!
Habang hindi pa nagsisimula ang latest installment ng Star Wars saga, nagmumuni-muni muna ako. Huli pa akong nakapanood ng sine noong 2006 pa at sa Masagana pa yun sa Libertad (now Puregold-Wellcome Plaza); kaya nga napakalaking kawalan ng Masagana cinemas na bukod sa mas mababa ang presyo ng tiket ay wala rin namang pinag-iba sa mga sinehan ng mas malalaking mall. Marami na akong napanood na sine doon noong wala pang isandaang piso (ranging from 60 to 80 pesos only!) ang presyo ng mga tiket tulad ng “Passion of the Christ”, “Troy”, “Shrek 2”, “Hellboy”, at doon ko pa napanood ang “Star Wars III: Revenge of the Sith”. Nakapanood din ako ng local films doon tulad "Panaghoy sa Suba", “Enteng Kabisote”, “Moments of Love”, "Batanes", at ang first full-length Pinoy animated film na “Urduja”. Nabanggit ko rin sa past blogs ko na nakapanood din ako doon ng dalawang adult-oriented films, ang “Basic Instinct 2” at “Casa”. Basta, nang nanood ako doon, naka-disguise ako bilang lalaki at lalong ayoko nang may katabi! Ang isa pa sanang budget-friendly cinemas ay nasa Pearl Plaza sa Tambo, Parañaque at hindi ko alam kung operational pa ba ang mall na yun; basta doon kami nakapanood ng magagandang sine ng early dekada 2000s- “A.I. Artificial Intelligence”, “Home Along da River”, at ang “Mano Po 1”. Ang dami namang tumangkilik sa mga sinehan nito pero bakit hindi nagtagal?
Sarado na nga pala ang karamihan sa mga stand-alone o maliliit na sinehang hindi sakop ng mga mall. Mula nang ‘nasunog’ umano ang Masagana at naging Wellcome Plaza makalipas ng maraming buwan, wala nang sinehan. Talamak na talamak na kasi ang movie piracy para sa masang hangad lang ay murang entertainment. Ipapalabas din naman ang mga sine sa mga cable movie channels basta maghintay ka lamang, hehehe! Yung ilang sinehan ay operational pa rin but in a different way; nagpapalabas pa rin sila ng mga sine, lumang sine na inaanunsyo ng mga hand-painted marquee pero adult films na karamihan ay gay erotic flicks... tapos, ang sinehan ay pugad pa umano ng kalaswaan at pagkalat ng mga sakit na kahit ilang beses nang ni-raid ng pulis, bumabalik pa rin makalipas ng ilang linggo; business as usual.
Naantala ang pagninilay ko nang nagsimula na ang sine with the opening words of “A long, long time ago in a galaxy far, far away...” at nasundan ng iconic musical score na akala mo’y isang malaking batalyon ang mga miyembro ng orchestra ang tumutugtog. The movie’s great! Hay, ang sarap mag-imagine... paano kung totoong may mga ganoon ngang sibilisasyon? Paano kung ang galaxy na iyon ay ang Whirlpool Galaxy o isa sa mga extragalactic system ng Virgo constellation? Dito ba yun sa Milky Way? Meron pa bang ibang sibilisasyon anywhere in the Universe bukod sa mga taga-Earth?
*******


Disyembre 25, araw ng Kapaskuhan. Kayganda ng panahon. Habang hinihintay naming magsimula ang pang-umagang Misa sa Our Lady of Loreto Chapel sa loob ng Camp Jesus Villamor Air Base, nag-usyoso kami sa mga naka-exhibit na mga kubol sa di-kalayuan. Bawat booth ay may mga mensahe at makikita dito kung gaano ka-malikhain ang iba’t ibang departamento ng Philippine Air Force na lumahok dito. Gumamit din sila ng indigenous and recycled materials. Ngayong taon ang motifs and themes ng bawat kubol ay hango sa sikat na awiting Pamasko na “12 days of Christmas” na paulit-ulit na inaawit pero meron palang kino-convey na mas malalim na mensahe ng religious observance ng Pasko.





*******

Kabilugan ng Buwan Noong Gabi ng Pasko 2015
The most beautiful in the night sky last Christmas

“O, Maliwanag na Buwan”
(Tagalog lyrics by Levi Celerio from the Ilocano folk song “O, Naraniag nga Bulan”/
 Made popular by Pilita Corrales)

O, maliwanag na buwan
Nakikiusap ako
Ang aking minamahal
Sana ay hanapin mo.
Tadhana man ay magbiro
Araw man ay magdaan
Ang pag-ibig ko sa kanya
Ay hindi magbabago
Hanggang sa kamatayan.
(Chorus)
O, buwan, sa liwanag mo
Kami ay nagsumpaan ng irog ko
Giliw ko ang sabi niya
Ang puso ko’y iyong-iyo.
O, buwan, pakiusap ko
Saan man naroroon ang irog ko
Siya’y aking hinihintay
Sabihin mo.
*******

Disyembre 28. Ngayon ay Feast of the Holy Innocents. Ito ay ang paggunita sa mga abang paslit na pinapatay ni Herodes sa pagtugis sa Batang Panginoong Hesus. Parallel event ito noong kapanganakan ni Moses. Hanggang sa makabagong panahon, napakarami pa ring mga inosenteng musmos, kasama yaong mga hindi pa ipinanganak nang masilayan naman ang mundo, ay nagbuwis ng buhay at kabataan nila dahil sa mga makasariling hangarin ng ilang tao. Mga batang iminulat na sa karahasan at sapilitang isinasali sa kaguluhang pinasimulan ng mga matatanda. Mga batang napariwara ang buhay bunga ng katiwaliang naidulot sa kanilang pagkatao at kasalatan sa wastong paggabay kaya sa murang gulang pa lamang ay nagdurusa na sila. Mga biktima ng kahirapan, pang-aabuso, at iba pang sanhi upang hindi malasap ng isang bata ang isang magandang buhay. “... sa kanila ang Kaharian ng Diyos,” winika ng Panginoon nang pinalapit sa Kanyang piling ang mga bata. Pagpalain nawa ng Panginoon ang lahat ng kabataan ng mundo. Amen.
*******
Disyembre 29. Nagpapatuloy ang 2015 Metro Manila Film Festival. Very disappointing nga lang sa SM MOA cinemas kasi akala ko lahat ng kalahok na pelikula ay ipinalalabas doon. Tapos wala palang free tickets for seniors basta MMFF entries; discount, meron. Ang gusto ko pa naman panoorin ay ang “Nilalang”; at kung hindi lang ito ang palabas, di bale na lang; trip ko pang mapanood ang mature na si Maria Ozawa kaysa sa wholesome pang dubsmash-dubsmash na lang na si Maine Mendoza, hehehe! Kaya lang, ang nanay at tatay ko ay nanood ng isang sine at yun ang “My Bebe Love #KiligPaMore”. Ayoko nga nun! Nakikinita kong ang ‘pa-good vibes’ daw na popular na sine ay corny, mababaw ang plot, at pulos advertisement ng mga commercial products... I’m so sorry, Eat Bulaga at sa AlDub nation, honest lang ako dito. Pumili na lang ako ng ibang pelikula kahit na nanghihinayang ako sa babayaran kong tiket. May mga horror movies, action thriller tapos mga corny rom-coms. At napagpasyahan kong piliin ang “#WalangForever” para malaman kung bakit sina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales ang mga itinanghal na Best Actress & Best Actor at ang naturang pelikula ay ginawaran pa ng Best Picture accolade.
Halos mapuno ang Cinema 2 ng mga manonood pero mabuti na lang at wala akong katabi! Ang “Walang Forever” ay isang bittersweet rom-com na sa simula’y medyo boring para sa akin tapos puro na lang daldal nang daldal ang mga characters na kahit na nagpapakwela na at humahagikgik na ang karamihan sa mga manonood, hindi ako affected o kaya’y bato na ako sa punyemas na kilig factor ng ganoong uri ng sine. Pero as the movie progresses, with the hugot-kulangot moments intensifying, sa wakas, nabighani na rin ako sa kwento.
*******

Disyembre 30. Araw ngayon ni Gat José Rizal. Sayang at hindi ako nakapamasyal sa Rizal Park. Siyanga pala, may napulot akong cutout picture galing school at ito ay mula sa isang lumang magasin na larawan ng Luneta noon. Base sa pananamit at porma ng mga tao sa litrato lalo na yung bell bottoms, dekada ‘70s ito. Mapapansin ang itsura ng lugar noon na hindi ganoon kadami ang mga puno at mga halaman. At mas marami pa palang “pambansang photobomber” noon sa likod ng monumento ni Rizal! More unattractive than the Torre de Manila of today!
Sa laidback na araw na ito, hay sa wakas, napanood ko na sa TV5 ang last episode ng “X-Men Animated Series”. Inabot pa ng dalawang dekada. Kumpleto na ang excitement na nagsimula pa noong 1993 nang una ko itong pinanood at sinubaybayan tuwing Friday primetime slot ng channel 2 noon. Sa kabanata, si Professor Charles Xavier ay naghihingalo na dahil sa matagal nang iniindang sakit kaya bilang huling respeto sa kanya, ilan sa kanyang mga estudyante ay sumadya sa kuta ni Magneto upang ipaalam dito ang nangyari at humingi rin ng tulong dito na mapadali ang komunikasyon nila kay Empress Lilandra mula sa malayong planeta nito. Sa isang iglap ay nag-teleport si Lilandra para pagalingin si Professor X pero sa kondisyong dadalhin na niya ito sa kanyang planeta at mananatili doon sa di-tiyak na panahon. Yun na ang huling pamamaalam ni Professor X sa kanyang X-Men family at mga kaibigan na nagsama-sama habang pinanonood siya at si Lilandra na lumisan patungo sa kabilang dako ng Universe. Hey, ang ganda ng finale pala nito.
*******
Disyembre 31. Bisperas ngayon ng Bagong Taon tapos makulimlim pa ang panahon at may pagbabadya ng ulan. Napanood ko sa Cinema One itong original at ‘80s hit movie na “Petrang Kabayo at ang Pilyang Kuting” starring Roderick Paulate na kilala pa noon pa sa funny gay roles at ang emerging child star na si Aiza Seguerra along with popular teen celebrities. Ito ang trip ko kaysa yung modern remake, hmp! Nakakatawa talaga ang tandem nina Roderick at Aiza. At saka, merong eksena doon na sa palagay ko’y pinagmulan ng pangalan ng isang pinagbabawal na paputok. Nang nalaman ng bida na nagiging kabayo na siya dulot ng sumpa at hindi niya alam kung paano siya makakalaya sa pamamagitan ng tatlong kabayanihang kailangang magawa niya bago ang 21st birthday niya, isa sa mga suicide attempts niya na nauwi lang sa kapalpakan at katatawanan ay nang lulundag na sana siya mula sa mataas na bahay na matapos mag-emote-emote ay sumigaw pa ng “goodbye, Philippines!” sabay nahulog siya sa trak ng basura!
Pero wala naman akong balak magsindi ng paputok ngayong bisperas. Tapos na ako doon noon pa. Halos buong gabing may mahinang pag-uulan pero hindi pa rin nito napigilan ang pagbulusok ng aerial fireworks. Maganda nga na umulan para mahugasan ang pulbura sa kapaligiran. Looking back 2015, the usual ups and downs. Mga di-malilimutang karanasan, tagpo, biyahe, people, along with all else. The goat or the sheep has the last baa-baa and meeeh-meeeh, and the monkey is already hoppin’ and swingin’ in at saka timing nga naman ang hit single with its cute music video of groovy dancin’ chimps ng bandang Coldplay para sa “Adventure of a Lifetime”.
What’s in store for 2016? Perhaps, I would be still running in circles. Pero ayoko nang magpaka-pessimistic. Kung walang katuparan ng pangarap, sigh... ganoon na lang siguro kahit ano pang effort ko. Higit sa lahat, sa paghihiwalay ng luma at bagong taon, ako’y nagpapasalamat sa Panginoon sa Kanyang mga biyaya sa ating lahat.
Maligayang Pasko at Masaganang Bagong taon!



No comments:

Post a Comment