This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Friday, November 27, 2015

November Rain and El Niño


Fra Angelico's Sermon on the Mount

“The Beatitudes”
 From Matthew 5:1-12

Seeing the crowds, Jesus went up the hill. There He sat down and was joined by His disciples.
Then He began to speak. This was what He taught them:
“Blessed are the poor in spirit; theirs is the kingdom of heaven.
Blessed are the meek; they shall inherit the earth.
Blessed are those who mourn; they shall be comforted.
Blessed are those who hunger and thirst for what is right; they shall be satisfied.
Blessed are the merciful; they shall have mercy shown them.
Blessed are the pure in heart; they shall see God.
Blessed are the peacemakers; they shall be called children of God.
Blessed are those who are persecuted;  theirs is the kingdom of heaven.
Blessed are you when wicked men abuse you and persecute you and speak all
kinds of calumny against you all because of Me.
Rejoice and be glad for your reward will be great in heaven.
This is how they persecute the prophets before you.”
*******

“The Brave and the Lonely” by Robert Vaughan /  Published by River Books

            Ika-6 ng Nobyembre. Gabi. Sa wakas, natapos ko na ring basahin ang isang lumang American paperback na “The Brave and the Lonely” ni Robert Vaughan. Inabot ng 12 taon bago ko ito natapos basahin at ganoon din katagal bago ko ito na-appreciate kahit na nag-scan and skim reading ako sa ilang pahina nito na pulos paragraphs of military and scientific jargon, sangkaterbang technical descriptions and other terms so alien to me. 12 taong natengga ito sa loob ng aparador na natambakan pa ng mga local and imported paperbacks. Noong 2003, maaga akong umuwi mula AIMS dahil wala ang mga titser namin kaya wala rin klase. Dumaan muna ako sa noo’y nakatayo pang Holiday na dating sinehan tapos naging commercial building at nitong 2014 naman ito na-demolished at hanggang ngayon ay tiwangwang pa rin ang napakalawak na loteng minsa’y kinatirikan nito sa kanto ng Libertad at F. B. Harrison. Meron pang Merriam-Webster Bookstore branch sa Holiday. Naghanap ako dito ng gusto kong libro at napagtripan ko ang “The Brave and the Lonely” na nagkakahalaga lamang ng 40 pesos. Napuna kong second printing na lang pala ito circa 1993; ang first printing ay noong 1982 pa. Para bang ni-reprint in romance paperback format kahit na hindi talaga mukhang full-pledged romance genre ang nobela. Binasa ko na noon pa ang ilang kabanata at pagkatapos ay napangitan ako kaya hindi ko na pinagtiyagaang tapusin ang pagbabasa at pag-unawa dito. Makapal kasi; pero meron pa nga akong tatlo pang American romance paperbacks sa aking koleksyon.
            Sa cover illustration at back cover teaser nito, mapagkakamalan itong katulad din ng typical romance genre na nakatambak sa mga BookSale branches yet the story tell otherwise. Mayroon nga siyang romantic, intimate chapters with dose of eroticism just like in any title of the women writers-dominated Harlequin books and other romance publications; well the author of the featured book here is a man and a former soldier as well. If it is made into movie, it will be an epic film, a World War II flick, yet it’s not all about the womanizing escapades, sports/military exploits of the G.I. protagonist but how he and his all-American family coped up with their lives during the war. The novel, despite the tragic scenes and relationships gone sour, had a satisfying and happy ending which will make the reader happy, too. 
            Nitong mga nagdaang linggo ko lang binalikan ang “The Brave and the Lonely”. Naawa ako sa libro. Ang binding nga nito ay walang kagusut-gusot nang binili ko; palatandaan na wala pang bumabasa dito nang buo sa loob ng matagal na panahon. Subalit ang isang ito, katulad ng iba pang aklat sa aking koleksyon na ang karamihan ay mga pinaglumaan na at halos nilimot na ng panahon na mga binili ko sa isang BookSale branch tulad ng 15-peso each na “Chariots of the Gods?” (Erich Von Däniken) at “Mythology” (Edith Hamilton) ay destined to be mine.
            Let’s talk about the Robert Vaughan novel again. Ang naglathala nito ay ang River Books na wala ngang nakasaad kung saang lupalop ng Estados Unidos ang tanggapan nito pati mga pangalan ng editorial staff at ang talented artist na gumawa ng cover illustration ay hindi rin nabanggit sa copyright page. Basta, nasa huling pahina ang tungkol sa may-akda na mayroon palang military background bago siya nag-settle down with a peaceful family life and full literary career. Nag-Google search pa nga ako tungkol sa taong iyon at meron pang kapangalan pero meron talagang tungkol sa kanya at base sa larawan ay balbasarado na pwede mong mapagkamalang si Kenny Rogers. Marami na pala siyang naisulat na nobelang may kinalaman sa American history pati mga tungkol sa ibang digmaan lalo pa’t ang military experiences niya ang naging inspirasyon niya sa plots and themes ng mga ito.
            Sa panahong ito na ang bukambunganga na lang ng ilang “influential” readers and bloggers ay tungkol sa mga Wattpad, Nicholas Sparks novels, Hunger Games, Fifty Shades of Grey, at iba pang “popular and trending bestsellers” umano na prominenteng dinidispley ng National Bookstore & Powerbooks at mga balang araw ay kukupas din ang kasikatan ng mga ito. Hayaan na lang sila sa trip nila at hayaan din ako sa trip ko. Wala akong interes sa mga ganoong libro dahil higit pa akong nakatatagpo ng mga magagandang kwento, ng mga bagong mundo na aking nararating sakay ng aking imahinasyon sa mga obscure at naeetsapwerang aklat. Sa nobela ni Mr. Vaughn, para na rin akong nakasakay sa may cockpit ng isang World War II bomber plane at tanaw na tanaw ko na ang mga Nazi targets. O, di kaya’y nakapamasyal ako somewhere along the scenic, small towns of the American Midwest. And then, sinundan ko ang mga physicists sa pag-imbestiga sa epekto ng atomic bomb sa mismong ground zero ng Hiroshima; oh, the humanity! Pero sa nobela, lalo akong na-familiarize sa tinatawag na Manhattan Project na isa palang grand plan of human sacrifice to bring the empire of the sun to her knees. At katulad ng iba pang war-themed literary works, mayroon itong pagpapaalala na sa bawat digmaan, ang lahat ng panig ay talunan.
It’s just that the story’s great and sparks the imagination. It felt like visiting a family on the other side of the planet and listening to their joys, sorrows, and glories, including the intrigues and weaknesses which challenged their all-American values. Hey, wait up! Ayon sa mga aklat ng kasaysayan ng Pilipinas, nadamay lang ang bansa sa digmaan dahil sa pagiging sakop pa rin ng Amerika. Tsktsktsk... yun ay isang mabigat na katotohanang naba-bypass sa mga pelikula at panitikang may temang WW II.
Well on the other hand, sa mga booklovers out there, believe me, palagi na lang ba kayong susunud-sunod sa mga nagbabandera ng mga listahan ng “bestsellers” na highly-recommended ng mga literary critics na dapat basahin? It’s up to you. And as for me, some least known books are actually among the coolest books.
*******
Nobyembre 14. Matagal ko nang pinaghandaan ang araw na ito. Pagkagaling ko sa enrollment para sa graduate courses sa City University of Pasay, nagpunta naman ako sa Maynila. Pero bago yun, dumaan muna ako sa Chowking sa Taft bago sumakay sa LRT kasi gusto ko munang mananghalian. Kailangang magpakabusog.
Habang ako’y lumalamon ng mga inorder ko, sa gilid ng aking paningin ay inoobserbahan ko rin ang mga tao sa paligid ko. Ah, matagal na ang Chowking dito sa Wellcome-Puregold na tinatawag pa noong Masagana Citimall. At kanina naman, sa kalapit na table dito rin sa Chowking, may isang pamilya- ang mag-asawa at dalawa nilang anak na babae na sa uniporme pa lang ay mga mag-aaral ng St. Mary’s Academy sa may Padre Burgos (may Saturday class kasi sila) at yung isa ay naka-gayak pa na galing sa kanyang First Communion; suot pa nga niya ang kanyang maikling belo. Hindi ko maulinigang nagkukwentuhan ang pamilyang iyon habang nilalasap nila ang masasarap nilang orders o kahit tapos na silang kumain. Bawat isa kasi ay abalang-abala sa hawak na cellphone at iba pang gadgets. Siguro, yun ang tinatawag na “modern Filipino family”.
Nag-LRT na ako patungong Doroteo Jose Station. Sa totoo lang ay nostalgic para sa akin ang Recto lalo na kapag napapansin ko ang tambak ng sangkaterbang lumang aklat pati ang ilang tindahan dito tulad ng Merriam-Webster Avenida branch at ang mga diced hopia.
Habang patungo ako sa Isetann Recto, nadaanan ko ang mga nakabalandrang “red light district” sa tabi-tabi pati mga beerhouse na katanghaliang-tapat pa lang ay may mga “matinee shows” na ayon sa “menu” ng mga naka-displey na marquee sa entrance ng mga ito. Siguro, iri-raid ng awtoridad ang mga ito at ipapasara ng city hall at pagkatapos ng ilang buwan o kahit linggo pa, pag malamig na ang sitwasyon, business as usual uli.
Hindi naman pasyal at gala ang sadya ko sa Isetann. Ngayong taon, dito naman ginanap ang Dugong Bombo 2016 ng Bombo Radyo Network at ng 102.7 StarFM samantalang maraming taon din naging venue noon ang mas malawak na SM Manila. Pagdating ko sa event center, walang mahabang pila. Naroon pa rin ang usual questionaires, interview, at CBC. Maraming salamat sa Panginoong Diyos, ako’y naging qualified blood donor muli. Pinaghahandaan ko talaga ang ganitong pagkakataon sa pamamagitan ng rosaryo, St. Jude’s novena recitation, at pagpapatuloy ng healthful living. Ang blood donation ay isang pagkakawanggawa na dedicated sa Panginoon at sa paglilingkod sa kapwang nangangailangan at hindi ito dapat i-flaunt. Tagumpay pa rin ang event dahil sa pagtutulungan ng stakeholders at tuluy-tuloy na pagdating ng donors. Sana, sa susunod na taon, sa SM MOA naman ganapin ang Dugong Bombo dahil doon ang maraming tao.
*******
Instant bakasyon nang idinaos ang Asia-Pacific Economic Cooperation Summit dito sa bansa. Kaya lang hindi pwedeng maglalabas at mahirap mag-commute sa lawak ba naman ng sakop ng road closures. Siguro ang mas nag-enjoy ay ang gaya ng mga taga-Marikina o Valenzuela at San Juan at iba pang hindi naman gaanong apektado. Ang huling APEC dito sa bansa ay ginanap noong 1996 pa kung saan gumastos daw nang katakut-takot ang Ramos administration; pinagawan ng seaside villas sa Subic ang mga delegado. At makalipas ang maraming taon, karamihan sa mga villa ay napabayaan na. Kung hindi na talaga maaaring magkaroon ng commercial value ay pwede nang resthouse para sa mga unggoy mula sa mga kalapit na kagubatan.
Kaygaganda ng mga APEC objectives na huwag sanang maging ningas-kogon lang. Mayroon ding mga kilos-protesta ng mga aktibista. Sa palagay ko, ang mga maka-kaliwang grupong ito ay tila ba hindi masaya sa kahit sinong pangulo ng Pilipinas na nasa pwesto! Hehe, natural sa maraming tao ang magpadaig sa bugso ng damdamin at ang umuusok na naglalagablab na angst ay nangangailangan ng outlet. Makikita yun sa mga vandalism na ginawa ng mga miyembro nila sa mga pampublikong lugar tulad ng ilalim ng mga LRT tracks at tulay, tsktsktsk! Kung isang clone siguro ni Karl Marx ang maging presidente ng bansa, siguro magdiriwang ang mga ito basta kapareho nila ng ideolohiya... at kapag humantong sa punto na hindi na nila gusto ang pamamalakad ng lider, hayun na naman sila sa mga lansangan tapos paghuhulihin sila at saka ikukulong sa mga gulag; pagbabayaran nila ang public scandal at bandalismong nilikha ng mga kilos-protesta nila sa ‘hard labor for the state’.
Demokratiko naman ang kalagayan dito sa bansa at malaya ang mga mamamayan na maghayag ng saloobin. May mga sang-ayon din naman sa ipinaglalaban umano ng mga militante lalo na ang tungkol sa excesses of globalization and the scourge of labor contractualization schemes. Ang APEC ‘products’ ay sadya talagang mayroong pros and cons.
*******

Noong isang araw ay muli akong nakadaan sa Merriam-Webster Bookstore Avenida na malapit sa kanto ng Recto. Kapansin-pansin na ang MW branch na ito ay halos frozen in time; tipong “old curiosity shop”. Maraming tindang aklat ang lumang-luma at maalikabok na pati mga magasing naninilaw na ang mga pahina subalit ang mga presyo ay katulad na katulad pa rin noong sinaunang panahon nang first time dinispley ang mga ito sa mga bookshelves! Hindi sila nagki-clearance sale kagaya ng marketing scheme ng maraming bookstores as in “everything must go” para maka-attract naman ng maraming mamimili. Naroon pa rin ang tambak ng higit sa dalawang dekada nang mga Valentine Romances na para bang mula nang ako’y nakabili ng limang titles nito way back in 2011 ay hindi na muling nabawasan pa ang stock nito! Well, sa MW branch na ito matatagpuan ang ilang great classics na hindi naman mahahanap sa mas malalaking bookstores. Halimbawa ay ang original “Fairy Tales” ni Hans Christian Andersen na nabili namin dito noong 1999. Makikita rin ang “The Picture of Dorian Gray” ni Oscar Wilde at ang “Sons and Lovers” ni D.H. Lawrence.
Dalawa pang vintage local romance paperbacks ang binili ko dito. Kahit na higit sa dalawang dekada na ang lumipas, ang presyo ay ganoon pa rin! Natapos ko nang basahin ang mas maikli- “Tanikala ng Puso” (1995) ni Mabini D. Castillo. Ayos naman ang takbo ng kwento pero kulang sa editing and proof-reading kaya madalas hindi maintindihan ang pagsasalaysay. Yung mas luma at mas makapal naman na “Regie” (1991) ay kay Maria Elena Cruz na may isa pang short romance novella ang nabasa ko na, ang “Hindi Isang Paru-paro Lamang” mula sa Valentine Romances with “Books For Pleasure” as the publishing company. Ang may-akda ay isang proud Mindoreña dahil special mention lagi sa mga nobela niya ang kanyang probinsya na Oriental Mindoro.
Sa totoo lang, ang “Regie” ay may level nang tulad sa heavy contemporary Pinoy literature at hindi casual “romance novella” at pag binasa mo ay nagpapaalala ng mga katha ni Lualhati Bautista na palaging pina-book report sa panghayskul na Filipino subject. Yun nga lang, ang nabanggit na nobela ay isang mature, adult-oriented novel na mayroong slightly discreet pornographic na pagsalaysay sa ilang kabanata nito with frequent foul language. At saka, yung mga pangunahing tauhan, bagamat may mga itsura ayon sa narration, ay hindi mga ideal and attractive ang personality; tipong hindi halos kaibig-ibig na mga tao. Well, sabihin na lang na very human lang sila. Middle class working people in contrast to the conventional “rich, elegant, and sheltered characters” ng karamihan sa mga romance paperbacks ngayon and especially from those Wattpad novels! Human condition ang may heavy portrayal sa nobelang ito at di lang romansa.
Kahit 1991 pa inilathala ang nobela, ang setting and time elements ay late ‘70s or closing years na ng Martial Law hanggang Agosto 21, 1983 onwards kung saan sa huling kabanata ay tungkol sa mga tagpo nang ang mga tauhan ay nagtungo sa libing ni dating Senador Ninoy Aquino. Very retro ang feeling, transporting you back in time, noong hindi pa grabe ang trapik sa Metro Manila, ang mga NPA ay puno pa ng ideolohiya at hindi ang tungkol sa extortion sa mga small to medium enterprises ang pinaggagawa, at ang araw-araw na pamumuhay ng nakararaming tao ay maayos pa rin kahit na hindi pa sumasagi sa isipan nila kung ano ang cellphone at lalo na ang Internet. Panahon din ng Marcos regime ang nasa nobela at mababasa ang iba’t ibang pananaw ng mga tao sa panahong iyon; basta, makakatagpo ng fascination ang mga readers nito. About the characters? Nakakainis ang mga characters sa totoo lang, hehe! Ngunit mahusay silang hinulma ng may-akda bilang flawed characters na ninakawan ng innocence ng magulong lipunan at mga sitwasyon and with all the discourses on existentialism blahblahblah. And Madame Maria Elena Cruz made sure that the main characters are soulmates in order to have their own happy ending as well pagkatapos malampasan ang mga pagsubok sa buhay.

No comments:

Post a Comment