GALLERY OF SATIRES AND SELF-SATIRES
I’m braggin’ here in my blog that even I do a little ‘cyberbullying’,
nobody will react anyway because this site is very obscure and unheard of.
Bakit kaya ganito na
kahit tutukan ko pa nang husto ang kalyeseryeng yun ng “Eat Bulaga” o magtawa-tawanan
sa pagpapakwela ng De Explorer Sisters pati sa kakornihan ng punyemas na
dubsmash ng so-called most popular loveteam ngayon na AlDub, parang wala lang?
Kung ba ga, ang napapanood ko sa imagination ko kahit nanood ako ng palabas na
iyon ay isang lalaking may (*censored
words*) kahit na kaseseksi ng strippers na nagla-lap dance na sa harapan
niya. Ewan ko kung bakit hindi talaga ako matawa.
Hindi kasi talaga ako
mahilig sa mga rom-com lalo na kung hindi ko talaga trip ang kwento at mas lalo
ang pansinin ang kung anong loveteam ang bida. At saka yung si _______, panay
lang pa-kwela, ostentatious sa pag-flaunt kaya ang OA na ng drama niya to the
point na nakakabanas nang panoorin; at saka mukha siyang boring and perhaps, (*censored word*)-boring as well. Yung si
_______ naman, I used to be 25% fan niya; at ang kakarampot lang na 25% ay
nag-dip to 0% na dahil nowadays hanggang sa kalyeserye na lang siya. Hey, hey!
Wala akong kinikilingang loveteam; pakialam ko sa inyo! Yung mga tsiks na yun
ng loveteams gaya ng _________,
________, at ________, they’re just pretty, goody two-shoes but I think
they aren’t (*censored word*)-attractive
despite that (*censored word*) looks.
And their guys, smart-assed (*censored
word*).
Speaking of dubsmash na
malamang sa mga susunod na buwan ay pagsasawaan din, tandang-tanda ko na
mayroong contest noon sa “Eat Bulaga” way back in the mid-‘90s na mala-lip sync
battle pero ang mga contestant ay kailangang iarte kahit OA na pero may proper
timing ang ipi-play na mga unforgetable lines mula sa mga pelikulang Pilipino.
Kaya nga recycled trend lang ang dubsmash na yan tapos basura uli sa pop
culture later on.
The essays and illustrations above
are just satires on some excesses and this pathetic loser called Weirdjtt
(officially known as Joan T. Teves the weirdo) didn’t mean to hurt the feelings
of anyone. Walang personalan, blog lang.
*******
“L'Absinthe” by Edgar Degas
Ika-19 ng Setyembre,
2015. Bente pesos pa rin ang entrance ticket sa Manila International Bookfair
sa SMX Convention Center, SM Mall of Asia Complex. The same scenario year after
year after year since 2008; pero mabuti na rin na ang venue ay dito na lang sa
may SMX kaysa naman sa malalayong lugar, ano?
Kabilang sa mga booth na
inusyoso ko ay sa mga kumpanyang naglalathala ng trending daw na pop literature
kung saan mas maraming tao ang naiipon upang magpa-autograph sa mga trending
din daw na mga writers ngayon ng Wattpad “masterpieces” o mga ubiquitous pa
ring Tagalog romances. Kaya lang eh, ayoko rin mag-aksaya ng panahon doon. Kaya
nga kanina nang nadaanan ko ang post-it message board sa napakalawak na area ng
National Bookstore, sumulat ako ng isang napaka-bitter na mensahe: Wala na bang iba sa Philippine literature
ngayon kundi pulos pop lit, Wattpad novels, at Tagalog romances na lang? Pagkatapos,
dagli ko itong itinampal sa ibabaw ng sangkaterbang notes doon at muntik na ngang
umalog ang message board, hehehe!
Subalit sa pagsuri ko sa
dulu-dulo ng aking diwa, marahil nga na inggit lang ako sa mga manunulat na
nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng pagkakakilanlan sa daigdig ng
panitikan. At ako’y walang puwang sa
mundong iyon sa kabila ng ng mga katha na aking pinagsumikapan sa loob ng
maraming taon na pinangangambahan kong mauuwi lang sa lalong pagkatambak sa
loob ng aparador; at hanggang doon na lang? Kinamumuhian ko ang pagkasarado ng
pang-unawa ng maraming editors at publishers at ang kanilang wala na sa
katwirang mga hatol. Sila ay mga dreamshatterers na marahil ay dunung-dunungan
lang. Patawarin nawa ako ng Panginoon sa mga pahayag na ito. Masyado na siguro
akong bitter sa sunud-sunod na frustrations at kabiguang palagi ko na lang
nilalasap.
*******
Heneral Antonio Luna
Look, I’m so sorry. Alam
kong mali at labag sa aking prinsipyo pero sa kadahilanang hindi ko na inabot
ang huling araw ng pagpapalabas sa mga sinehan ng pelikulang “Heneral Luna”,
kibitbalikat na lang akong bumili ng kopya nito sa isa sa mga pirated DVD
stores na nagsulputan na parang mga kabute sa kahabaan ng 10th street dito sa
Villamor Air Base; gawain ng karamihan sa masang Pinoy! Halos lahat ng tindang
DVD ay 25 pesos lang pero napansin ko sa maraming tindahan nito, tila hindi na
gaanong mabili sa totoo lang; tapos, pansinin na lang ang DVD cover- naroon ang
movie billing pero recycled naman galing sa iba pang DVD cover kasi Pinoy film
tapos ang cast ay mga Thai! Siguro, napagtanto ng maraming tao na mas memorable
pang manood sa mga sinehan kahit nagmahal man ang ticket o di kaya’y abangan na
lang ang pagpapalabas ng pelikula sa mga cable movie channels. At talagang
pinirata ang naturang pelikula na malamang sa loob ng sinehan naganap ang
pagnanakaw ng pagpapalabas nito kasi nadirinig mo pa ang mga background na
halakhakan ng mga manonood. Alam kong lalabas din ang original DVD ng “Heneral
Luna” makalipas ang ilang buwan sa mga records stores tulad ng Astroplus; ang
malaking tanong ay magkano naman? Baka, doble o triple pa ang presyo nito kaysa
sa ticket sa sine noong ipinalabas ito palibhasa critically-acclaimed and
certified blockbuster!
Well, the film may be
violent and even gory with all the bukambibig stuff about the Artikulo Uno
thing subalit sure na ang pwesto nito sa mga all-time great Filipino films
along with “José Rizal” and “Himala”. Napakahusay ng pagganap ng aktor na si
John Arcilla para sa bida. No wonder na ito ang entry ng bansa sa Oscars kaya
lang alam naman natin ang kalakaran doon pagdating sa foreign film category,
tsktsktsk! Ang maikling buhay ng short-tempered yet legendary Filipino patriot
from the Ilocos region, si Antonio Luna ay buong tapang na nakipaglaban sa mga
Espanyol at Amerikano subalit katulad ni Andres Bonifacio, namatay rin siya sa
kamay ng mga kapwa-Pilipino tapos si Emilio Aguinaldo muli ang sinisi. Sa isang
di-malilimutang linya sa pelikula, isinaad ng bida na hindi ang mga Espanyol o
Amerikano ang tunay na kalaban ng mga Pilipino kundi ang kani-kanilang sarili.
Yeah, tama nga naman! Kaya nga iisa ang battle cry and supreme tactic ng mga
dayuhang mananakop: divide and conquer!
Kung halimbawa kaya na si Heneral Luna ay hindi agad
namatay, siguro masasawi rin siya sa murang edad at malamang sa atake sa puso.
Mainitin kasi siya na parang laging may altapresyon. At sa biopic na ito ng
Artikulo Uno Productions, naging kontrobersyal ang paglabas sa social media na
mga tanong ng ilang kabataan: bakit ba
palagi na lang nakaupo si Apolinario Mabini, ang dakilang lumpo? Eh, di
lumalabas tuloy na marami na sa mga mag-aaral ngayon ay mga eng-eng na
pagdating sa kasaysayan ng sariling bansa. Itinuturo naman ang kasaysayan sa
lahat ng paaralan pero mga bingi-bingihan o sadyang may deposito na ng tutuli
ang ilang mga tainga doon.
*******
BOTANICAL GALLERY
No comments:
Post a Comment