Gallery of Aerial Views, Sky, Sunset, and a Painting
*******
Karamihan sa mga cartoons at
iba pang animated series ngayon ay 3-D na o di kaya’y 2-D man pero may halo
nang 3-D technology pero para sa akin ay masarap pa rin balikan at panoorin ang
mga lumang cartoons na 2-D na nagkakaroon ng re-runs tulad na lang sa kiddie
channel na “Yey!” (paano, narinig ko kasi na yun ang channel na pinanonood ng
mga boarders namin gabi-gabi, hehe!). Timeless naman ang animated series na
kahit ilang dekada na mula nang nilikha ang mga ito ay swak pa rin para sa mga
makabagong henerasyon lalo na kapag ang ganda at ang saya ng storyline at
merong mga mabubuting aral na matututuhan. Halimbawa ay ang mga
Japanese-produced animated series (not necessarily the animé genre) na hango sa
mga classics gaya ng “Cedie”, “Trapp Family Singers”, at ang “Peter Pan” na mga
nagpasaya sa mga umaga o hapon ng mga batang ‘90s; una kong napanood ang mga
iyon noong 1993 sa channel 2 pa; ang “Judy Abbott” ay napanood ko naman noong
2004 na.
Pero sa mga series na yun, ang
paborito ko talaga ay ang “Trapp Family Singers” na una ko pang nasubaybayan at
kinaaliwan bago ko pa napanood ang pelikulang “The Sound of Music” sa channel
13 pa nga nang parehong taon iyon. Ang “Trapp Family Singers” ay hango rin sa
memoirs of the real Maria Von Trapp; sa totoo lang, doon pa ako unang
na-familiarized tungkol sa Austria o sa Tyrol at Alps, at pati nakapag-advance
na ako sa pang-high school Social Studies- World History dahil sa mga episodes
tungkol sa mga Nazis, kay Hitler, at pati dictatorial-type of government and
anti-Semitism kasi mayroong eksena doon na ang Jewish family doctor ng mga
Trapp ay dinakip ng mga Germans; 1993 din pala yun nang ipinalabas ang
award-winning film na “Schindler’s List” at naaalala ko pa ang series of
historical facts na may kaugnayan doon na saglit na tinatalakay ni Ernie Baron
(†) pagkatapos ng ulat-panahon niya sa TV Patrol noon.
*******
“... it’s hard to get mad when
there’s so much beauty in the world.”
~Lester Burnham (Kevin Spacey’s character in “American Beauty”)
At ang quotable quote na iyon
mula sa isa sa mga all-time favorite movies ko ay naging personal mantra ko na.
Nakararanas ako ng unfair criticism, misunderstandings, and humiliating words
mula sa ibang tao subalit gusto ko na lang ay magkibit-balikat, maging indifferent
kaysa mag-self-pity kaya dapat maghanap ng diversion at batid ko naman kung
paano iwasto ang aking mga pagkakamali, ang ibaling naman ang pansin sa ibang
higit na nakatutulong o nakagagaan ng kalooban. Kung tuloy pa rin ang bangga ng
negativities around, problema na yun ng tumbong nila at ako naman ay mayroong
sweet diversion towards tranquility of self.
*******
Ano bang meron sa isang halik
o kiss? Yeah, yeah, expression of love and affection and greeting... meron ding
Judas kiss at may mga halik din na
nagsimula sa pagpapakwela o katuwaan o simpleng fangirl/fanboy go-gaga over
idol at meron ding nagdudulot ng matinding kontrobersya with all that
hullabaloo that’s not to be treated as some trivial thing.
Noong isang araw pa ang
panibagong isyu na nagpadagdag pa sa ‘makulay’ na presidency ng ating Pangulo
nang nasa South Korea pa siya at nagtalumpati sa harap ng Filipino community
doon. As usual, upang huwag naman pulos formal engagements, bakit di magkaroon
ng kaunting katuwaan? Merong fangirl ang pinalapit niya at pagkatapos ay
mayroong mabilisang halik at sa labi pa at yung ale, sa totoo lang ay kasal na
isang Koreano at meron nang dalawang anak. D.O.M. naman ang tatang natin, o...
Duterte of madlangpipol. Hati ang opinyon ng mga Pinoy tungkol doon. Ang sabi
ng ilan, wala namang malisya doon kasi trip-trip lang na katuwaan; ang ilan
naman ay nabastusan kahit simpleng biro lamang; tapos, ang ilan, kibit-balikat,
hehehe! At umabot naman sa rurok ang ingay ng kontrobersyal na halik nang
nagkaroon ng panibagong FB post itong isang nagngangalang Mocha Uson na
ipinagtanggol ang halik na yun mula sa mga kritiko sabay kumpara naman sa isang
lumang video ni Ninoy Aquino sa loob ng eroplano minutes before the
assassination at kung saan dalawang fans ang humalik sa kanya. And then, tulad
sa laging sinasapit, batikos ang inani ni Mocha for her thoughtlessness. Ayon
sa isang sociologist, magkaiba naman ang konteksto ng Duterte fan kiss na yun
na tila set-up lang, mula sa Ninoy Aquino fan kiss na yun pala ay isa nang
premonition ng isang malungkot na pangyayari.
Siyempre, ang pinaka-vocal sa
panggagalaiti ay si Kris Aquino, bunsong anak ni Ninoy at Cory at binira ng
maaanghang na pananalita at paghahamon ang walang pakundangang lipas nang sexy
starlet. Masyado na raw binabastos ng babayitang iyon ang kanyang pamilya.
Hindi ako fan ni Kris Aquino at noon pa man ay naaartehan ako sa kanya pero sa
pagkakataong ito, napahanga ako sa kanyang classy defense ng kanyang pamilya
laban sa cheap attacks ng gaya ni Mocha.
Lala Candies' Mocha Loca- yum,yum,yum!
Post script to this essay:
ika-3 ng Oktubre ngayong taon, naganap na ang long overdue resignation ni Mocha
Uson mula sa pagiging assistant secretary sa PCOO. Ang ‘deciding factor’ ay
noong hindi raw siya sumipot sa budget hearing ng kanilang kagawaran. Masyado
na siyang agaw-pansin noon pa man na feeling ‘tagapagtanggol ng mga api’ pero
ang dating ay siya ang taga-api ng mga kritiko ng kanyang amo; at pagkatapos,
kapag binuweltahan naman ng mga binabatikos niya, depensa agad siya tapos
feeling ‘persecuted’, inaapi raw...hmp! Makalipas ng ilang araw nang nagdaos na
ng registration ang COMELEC para sa mga tatakbo sa national elections sa
susunod na taon, napaulat na kabilang siya sa mga tatakbong party-list
representatives. Well, hayaan na lang at ang pagnanais na mapaglingkuran ang
bayan ay hindi lang tungkulin kundi karapatan, hehehe!
Siyanga pala, noong isang araw
rin, merong lalakweng abogado at loyalista raw na nagngangalang Larry Gadon
(who the hell is that, anyway?) ang nagpa-presscon ng kanyang mungkahi na
ibalik na raw sa dating katawagang Manila International Airport ang Ninoy
Aquino International Airport sabay banat ng mga paratang at iba pang paninira
laban kay Ninoy tulad ng gawain ng kahit sinong panatikong loyalista. Wala
namang pumansin sa kanya. Eh yung Francisco Bangoy International Airport?
Ibalik din sa pagiging Davao International Airport? Ang Daniel Z. Romualdez
Airport, gusto niyo, tawagin uling Tacloban Airport, eh. Isama na rin yung
Clark International Airport. Palitan niyo na rin ng pangalang Pampanga
International Airport! Kung ang airport nga sa Laoag, naisip din ba ng mga
loyalistang palitan ng pangalang Ferdinand Marcos International Airport?
Satires in the form of this essay.
Ang alam ko ay hindi naman
lahat ng Ilokano ay mga maka-Marcos. Anong solid North? Exaggeration of some
propaganda! Sa palagay ko meron din mga Ilokano, mismong taga-Ilocos Norte pa,
ang kabilang sa libu-libong biktima ng human rights abuses noong panahon ng
Martial Law.
*******
Hay, break muna mula sa mga
naglipanang Koreanovelas! Oppa sabay fingerheart? Upakan na nga yan! Mabuti naman at ang GMA-7 ay nagpalabas ng
isang lakorn or Thainovela, the first of its kind on Philippine TV, ang “You’re
My Destiny” bagamat remake naman ito ng Taiwanese rom-com na “Fated to Love
You”. Well, nakaka-hook ang subaybayan ang YMD sa first episode pa lang; pati
nga instructional video ng pagluluto ng Thai ginataang bilu-bilo ay napanood ko
sa isang kabanata doon. Nagkaroon naman kasi ng entertainment exchange ang
channel 7 at ang Thai partners nito kasi nitong mga nakaraang buwan ay
naipalabas na sa Thailand ang “My Husband’s Lover” (hay, grabe, nakaka-miss ang
teledramang iyon na para bang ang saya uli panoorin; kung may remake man, sino
kaya ang mga gaganap?) at ang “Dalawang Mrs. Real” kaya nga nagpunta rin doon
ang ilang Kapuso stars para sa promotion ng kani-kanilang show. Ano kaya ang
itsura ng mga Pinoy drama na naka-dub na sa local languages kung saan
ini-export ang mga ito?.
*******
Hunyo 13. Tag-habagat na at
meron pang pabugsu-bugsong ulan sa maraming pook sa bansa. Ngunit gusto ko ang
ulan sa totoo lang. Balita ito noong isang araw pa tungkol sa napaulat na
pagkuha ng ilang Chinese coast guard sa huling isda ng mga mangingisdang Pilipino
mula Zambales at Pangasinan na pumapalaot sa Panatag/ Scarborough/ o simpleng
‘Karburo’ Shoal at ang pagkasira ng mga bahura doon sa shoal ay dahil daw sa
pangunguha ng mga taklobo nung mga mainland tsekwa! Bullying na yun ng mga
mainland Chinese sa kabila ng pagkakapanalo ng Pilipinas sa territorial rights
dispute sa UN Tribunal Council noong 2016.
At ang mga alipores naman ng
ating Pangulo ay tila pinanigan ang China na wala naman masama sa sinabi ng
gobyerno ng bansang ito na nakakapangisda na ang mga Pilipino sa Scarborough
dahil sa ‘out of China’s goodwill’. Punyemas! Sumegunda pa yung spokesperson na
ang pangyayaring iyon na pag-aagaw ng mga mainland tsekwa sa mga isda ng mga
Pilipino ay ‘maliit lang na bagay’ o di kaya’y barter trade, ayon kay Duterte-
first class na mga isda na ang mahal-mahal kada kilo pag binenta sa mga
palengke kapalit ng mga made in China de-lata and beer na malapit nang
mag-expire? Ano kaya kung ang mga mama na ito ang mga maglayag mismo doon sa
mga bahura ng Panatag sa loob ng kalahating araw sakay ng lumang bangka at
magtiis doon ng ilang araw makahuli lamang ng isda? May mga taga-gobyerno ang
nagsabi na itong si Duterte ay mahigpit sa mga Pilipino pero pagdating sa China
ay maluwag ito sa pag-iwas kasing galitin ang bansang naging sakim na sa
pag-angkin ng mga teritoryo.
*******
Hunyo 16. Makulimlim buong
araw ngunit tumuloy pa rin ako sa lakad ko sa Shaw Boulevard, Mandaluyong. Buti
at hindi siksikan sa MRT at nakaka-enjoy maglakad sa Shaw habang sinusulyapan
ang mga nadaraanan kong nagtataasang gusali ng Ortigas Business District. At
pagkatapos, lalo kong na-realize na hindi ko nga kapalaran ang maging office
yuppie. Hindi ako destined na maging empleyado sa isa man sa mga high rise
building sa Ayala o Ortigas tapos Lunes hanggang Biyernes, magko-commute sa
EDSA at indahin ang kabwisit-bwisitang trapik dito o doblehin pa ang kalbaryo
kapag tumirik ang mala-sardinas sa sikip na MRT. Subalit hanga pa rin ako sa
mga empleyadong nakakatiis sa ganoong mga sitwasyon sapagkat pinahahalagahan
nila ang kanilang hanapbuhay.
Nakarating na ako sa St.
Francis of Assisi Parish na nasa compound ng Lourdes School. Nadatnan ko uli na
mayroong wedding Mass palibhasa ay araw ng Sabado. Pagpasok ko pa lang sa
naturang simbahan, namangha na ako. Napakaganda! Kung ang karamihan sa mga
simbahan ay pahaba ang lawak, ang St. Francis ay malapad at pahalang.
Nakatutuwang pagmasdan ang mga frescoes na naglalarawan ng buhay ni St.
Francis. Sa lower ground floor ay mayroong candle chapel na nakapangalan kay
St. Padre Pio Pietrelcina at ang patroness ng school, ang Our Lady of Lourdes.
Kaya lang habang nasa loob pa ako ng simbahan, biglang umulan nang malakas.
Buti naman at di nagtagal. Maraming salamat sa Panginoon para sa araw na ito.
Amen.
Basta, tuloy lang ako sa aking
anytime visita iglesia. Hunyo 23, apat na simbahan ang binisita ko- tatlo mula
Makati, ang National Shrine of the Sacred Heart, Don Bosco, San Ildefonso, at
dito sa Pasay, ang Sta. Clara. Sino bang mga ugok na hangal na mayroong pangangatwiran
na ang mga simbahan ay para lamang sa mga banal at kung may makasalanan man ang
pumasok, masusunog daw ang mga ito?! What pathetic reasons!
*******
Hunyo 18. Idineklara ng
pamunuan ng Simbahan ang petsang ito bilang National Day of Mourning for slain
priests. Ilang pari na kasi ang pinaslang at mapalad ang ilan na nakaligtas.
Itinuturing silang mga martir. Ang Panginoon na ang bahala sa mga salaring
iyon. Latest victim si Fr. Richmond Nilo (†) ng Nueva Ecija na kilalang aktibo sa pagtulong sa mga biktima ng social
injustice doon sa komunidad niya. At itong si Duterte, kaysa kumustahin ang
paglutas ng PNP sa mga kaso, ang nagawa na lang ay lalo pang pinagsalitaan ng
di-maganda ang isang pinaslang na pari na taga-Cagayan; meron daw siyang
‘intelligence source’ tungkol sa umano dark side nung pari kaya tuloy ito
tinira habang nagmi-Misa. Kung totoo ang ‘source’ niyang yun, nasaan ang mga
ebidensya? O, sadya lang talagang may anti-clericalism ang ating magaling na
presidente?
Nang minsang nagtalumpati siya
sa isang event, meron siyang ipinakitang aklat; yun siguro ang librong
pinagsasabi niyang ebidensya raw na kanyang ilalabas laban sa Simbahan kapag
nanalo sa eleksyon noong 2016. Ang aklat ay isinulat ng isang Pilipinong
may-akda na malay ko at pakialam ko kung sino man yun at ito ay mga exposé raw
ng priestly abuses within the Catholic Church. Really? Bukod sa ‘magnum opus’
ng kung sinong author na yun na paniwalang-paniwala ni Duterte at binibigyan pa
niya ng publicity, meron din ba iba pang libro out there, na tungkol naman sa
mga born again pastors, evangelists, and ministers na meron din kahalintulad na
kasong kinaharap ng mga pari sa ‘paboritong libro’ na yun ng ating
Pangulo?
Makalipas ang ilang araw, bago
pa matapos ang buwan ng Hunyo, meron yatang nabubuwang, hehe! Sa isang
komperensya ng mga government employees sa Davao, sa halip na ang speech ni
Duterte ay tungkol sa event, ang mga pinagsasabi niya ay umikot lang sa kanyang
pagkamuhi sa Simbahang Katoliko at ang kanyang ‘claims’ na siya raw ay
minolestya ng isang pari noong siya ay bata pa. Kung meron man time machine,
ipahiram yun kay Duterte para balikan niya ang panahon, iligtas ang kanyang
teenage self at ipapulis ang pari. Kaya lang tumanda na siya sa kanyang sama ng
loob, pinalipas pa ang mahabang panahon bago mag-#MeToo rin siya. At
pagkatapos, nasundan pa ng mga karagdagang tirada laban sa church doctrines,
ang Bibliya, at humantong na sa rurok ang blasphemy niya nang nilapastangan na
niya mismo ang Diyos.
Patawarin nawa ng Panginoon
ang “kagalang-galang” na Pangulo ng Pilipinas.
At umani ng pagkarami-raming
batikos ang mga pahayag ng ating presidente. Mas dumadagundong pa kaysa mga
pangangatwiran ng mga kampi sa kanya at ‘nililinaw’ ang kanyang mga pinagsasabi
sa publiko. Inabangan ko sa balita kung may nasabi rin ba ang kanyang dating
best friend na si Pastor Apollo Quiboloy tungkol sa kontrobersyang kinakaharap
niya; wala. Noong nakaraang taon, sa araw ng kanyang SONA, meron pang column si
Mocha Uson sa editorial section ng Philippine Star at hinirang nito na si Tatay
Digong niya ay isang “once in a lifetime president”... yeah, there’s a point in
that. Once in a lifetime president nga na nakakawalang respeto dahil sa
ipinapakitang kawalan ng respeto sa maraming tao, sa mga pananampalataya ng
kapwa-tao, at sa Panginoon.
Si Inday Sara Duterte na ang
nagsasabi, huwag na lang pansinin ang mga pahayag ng kanyang ama kung ito ay
labas na ng mga tungkulin bilang pangulo ng bansa. Ayon kay Bishop Broderick
Pabillo, VP Leni Robredo, at iba pang mambabatas, nililihis lang ni Duterte ang
mga pahayag niya mula sa mas importanteng isyung panlipunan at pambansa para
pagtakpan ang mga kakulangan ng kanyang administrasyon sa pagtugon sa mga ito.
Makalipas ng ilang araw,
matapos ng mga inter-religious dialogues at mahinahong payo mula sa mga kilala
at ma-impluwensyang tao, simple lang na
naghayag si Duterte ng mga salitang ito na ang Panginoong Diyos lamang ang
makababatid kung taos-puso ba ang pagkakabigkas nito, “Sorry, God”.
No comments:
Post a Comment