Setyembre
1. Sa first Friday of September, 2017 tumapat ang Islamic holiday na Eid’l Adha
at ito ay idineklarang special non-working holiday. Feast of the Sacrifice ang
kahulugan nito sa English; yung mga teroristang hanggang ngayon ay naghahasik
pa rin ng kaguluhan at dalamhati sa Marawi at iba pang lugar sa mundo, alam din
ba nilang magsakripisyo ng kanilang buhay sa pagtalikod na sa kanilang mga
buktot na ideolohiya at kahibangan upang maibalik na ang kapayapaan at kaayusan
sa buhay ng napakaraming taong ginawan nila ng di-mabuti?
UPDATE
para sa sanaysay na ito: Oktubre 16. Maugong na news headlines sa araw na ito
ang pagkakapatay sa dalawang top leaders ng ISIS-inspired Maute-Abu Sayyaf
terrorist group. Dahil sa tip ng isang nailigtas na bihag, natunton ng militar
ang pinagkukutaan ng mga ito at
rat-tat-tat-tat-tat-tat... sapul sina Omar Khayyam Maute at ang hinirang daw na
‘emir of the Southeast Asian caliphate’ na si Isnilon Hapilon! Isinapubliko pa
ang mga graphic images nila at kulang na lang ay iparada na ang mga bangkay
nila sa buong Marawi bilang war trophies at sila naman itong pasimuno ng
dalamhati ng libu-libong mamamayan at
pagkawasak ng dating maringal na lungsod, tsktsktsk! Nakakatakot tingnan yung
mga litrato pero yung kay Hapilon, palibhasa ay buo pa ang katawan niya matapos
mapuruhan sa may dibdib, tila ba ipinikit na lang niya ang mga mata upang
tuluyan nang mamahinga mula sa wala namang saysay na ipinaglaban nila. And a
couple of days later, idineklara na ng pamahalaan na malaya na ang Marawi, ang
mga bakwit ay maaari nang umuwi, at tutugisin pa rin ng mga sundalo at pulis
ang mga natitirang terorista. Isang malaking hamon di lang para sa pamahalaan
kundi para sa buong bansa ang tulungang makabangon ang Marawi.
*******
Setyembre
9. Isang araw pagkatapos ng traditional nativity feast ni Mama Mary, nagsadya
ako sa isang visita iglesia sa Shrine of Mary, Help of Christians sa may Don
Bosco-Better Living, Parañaque. Napanood ko sa balita na ang simbahang
nilapastangan at sinunog pa ng mga demonyong terorista pagkatapos dukutin ang
ilang tao kabilang na ang parish priest, ang St. Mary’s Cathedral ay may
kahalintulad na official name- Our Lady, Help of Christians. Bagamat Muslim
city ang Marawi, merong Catholic residents pa rin doon. At may nabasa ako na si
Mama Mary ay kabilang sa mga perfect, holy women of faith according to Islamic
scholars. At mas lalo naman sa Kristiyanismo.
Hindi
madaling mahanap ang naturang shrine lalo na para sa isang commuter na tulad ko
na galing pa sa ibang lungsod. Naligaw ako sa malalawak na subdivision bago ako
makarating sa simbahan na nasa gitna pala ng residential area. Isa nga pala
akong ‘alien’ na napadpad sa suburban side na ito ng malaking lungsod ng
Parañaque. At saka yung mga sign boards
na nagsasaad ng directions patungo sa shrine ay hindi accurate sa totoo lang at
sana mas linawin pa nila ang mga ito upang makahikayat pa ng mas maraming
pilgrims; kaya nga bago ako umalis sa simbahan, nag-iwan pa ako ng maikling
liham sa may thanksgiving box doon at dito ko inihayag ang bahagya kong pagkadismaya
though it was a good-natured comment subalit higit na nangibabaw ang aking
pasasalamat na nakarating ako dito nang payapa kaysa sa kapaguran ko mula sa
biyahe; just like what the Lord said, “... for My yoke is easy and My burden is
light. Come and I’ll give you rest.”
*******
Setyembre
16 at 17. Sa mga maalinsangang araw na ito, nakadalo ako sa Manila
International Book Fair na muling ginanap sa SMX Convention Center, SM Mall of
Asia. Nakakabanas nga lang ang sobrang haba at tagal ng pila sa entrance dahil
higit daw ang dami ng mga taong nagsadya sa naturang event ngayong taon. May
mga nabili rin akong mga aklat at iba items mula sa mga booth ng exhibitors
doon.
Kabilang
nga pala sa mga binili ko ay ang aklat ng mga kwento ng isa sa mga pinakamahusay
na Filipino fictionists, si Nick Joaquin. Collection of four lengthy short
stories na talaga namang kapana-panabik ang tema. Ang pinakagusto ko doon ay
ang “Doña Jeronima” na malamang ay na-inspired ang may-akda mula sa isang
kabanata ng “El Filibusterismo” ni Jose Rizal kung saan ang mga tauhan doon ay
nagkukwentuhan ng mga alamat mula sa Ilog Pasig habang naglalayag ang Bapor
Tabo nila patungong Lawa ng Laguna.
At saka,
nakabili rin ako mula sa Tradewinds booth ng Mangyan Ambahan poetry na inukit
sa kawayan at native bamboo musical instruments kabilang ang Maranao kubing
(jaw harp/ Jew’s harp). Later on, nakabili rin ako ng isa pa nito sa isang
souvenir shop sa Quiapo na mas mura pa nga. Nakatutuwang patugtugin ang kubing.
Di lang ako makapaniwala na ginagamit pala ito bilang bahagi ng paghaharana
noon!
*******
Setyembre
21, 2017, ginunita ang ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar. Man,
at times did I sigh mula nang ipinatupad ang K to 12 curriculum dahil kabilang
yun sa mga hindi na ituturo sa Ikalimang Baitang at labis akong nanghihinayang.
Sana, balang araw ay makapunta ako doon sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon
City at sa EDSA Shrine. At sana, sa araw na iyon, maginhawa nang sumakay sa
MRT!
*******
Setyembre
27. Teachers’ Day celebration ng Pasay City Division at ginanap muli sa Cuneta
Astrodome. Naka-uniform ang mga guro ng kulay maroon na polo shirt at para
kaming sasama sa Traslacion ng Nazareno sa Quiapo. Grabe, ang daming dumalo
pero sana mas maaga naman nilang sinimulan ang palatuntunan kasi umabot
hanggang gabi na. At merong raffle draws. Nainip ako. Umiral ang pagkabagot na
ito at ang pag-aalala na makauwi na agad dahil ang hirap-hirap mag-commute
pauwi kung sasabay sa sanlaksang tao.
Later, pagdating ko pa lang sa bahay, I was informed na nabunot pala ang
pangalan ko sa raffle at ang dalawang libong pisong para sa akin sana ay
forfeited na.
Tsktsktsk!
Great. Ngunit sa aking pagdarasal at pagmumuni-muni, na-realize kong ang hindi
naman pala para sa akin ay hindi talaga para sa akin. Huwag na akong
manghinayang pa.
*******
Ngayong
Setyembre, simula na ng bagong season ng paborito kong serye mula sa History
Channel, ang “Ancient Aliens”. Ang gaganda ng mga episodes ng kasalukuyang
season nito gaya ng tungkol sa reincarnation at ang maaaring extraterrestrial
connection nito. Actually, makailang beses akong skeptic sa paniniwalang ito
tulad ng sa scientific cloning na isa namang likely solution para sa muling
pagkabuhay ng kahit anong nilikha sa mundo. Hindi nagkaroon ng puwang sa mga
paniniwala ng Kristiyanismo ang reincarnation at ang tungkol sa sinasabing
transmigration of souls ay yaong kapalaran sa kabilang-buhay. Pero anong malay
ko kung reyalidad na pala yun ng cycle of life di lang dito sa Mundo kundi sa
Universe mismo. Siguro kung hindi pa nakatakda sa kabilang-buhay ang isang
kaluluwa ay maglalakbay pa siya at magkakaroon pa ng bagong anyo sa bagong
buhay.
No comments:
Post a Comment