My
favorite variety and color of gumamela (hibiscus)
*******
Lately, pulos
mabibigat na balita sa pagsisimula ng Agosto: kamatayan ng mga pulitikong may
kinasasangkutang kontrobersya na nanlaban di-umano kaya niratrat daw ng mga
pulis. Ang isa pang balita ay tungkol sa pagkakapuslit daw sa bansa mula China
ng shabu na nakapanlulula ang tinatayang street value at dahil daw sa
kapabayaan ng Bureau of Customs. Man, Nicanor Faeldon’s in the boiling hot seat
dahil hindi raw sumunod sa mga tuntunin ukol sa mga sensitibong kaso tulad ng
ganoon. Hay, noon ay pangarap ko rin magtrabaho sa BOC sa totoo lang, hehehe!
Gusto ko yung taga-inspect ng mga karagamento sa mga piyer o airport at baka
may mga kontrabandong nakakapuslit; B.S. Customs Administration sa AIMS pa
naman ang unang kurso ko, o! Sa mga kagawaran tulad sa mga adwana, mahirap ba
talaga ang maging ma-prinsipyo at tuwid kung naririyan ang mga kababanggain mo
na handang lumamon sa iyo sa kabila ng malinis mong pagtupad sa tungkulin?
Agosto 9.
Gabi. Nag-usyoso lamang ako sa channel na PBO para malaman kung anong palabas
na lumang pelikula (dahil mas gusto ko ang mga ito kaysa sa mga karamihan sa
mga pelikulang Pinoy ngayon!), nagkataon na ang showing ay isang 1994 action
flick na hango sa tunay na buhay ng isang dating sundalo tapos naging officer
ng Customs, ang “Col. Billy Bibit Story (RAM)”. Ano bang masasabi ko sa
pag-arte ni Rommel Padilla? Sssshhh. Nagkaroon pa nga ng cameo role si Robin
Padilla at iba pang artista dito, eh. Gaya sa iba pang “true-to-life” movies
noon, dinagdagan ng ilang exaggeration para sa ikagaganda ng pelikula pero
smooth na smooth pa rin ang portrayal sa controversial and colorful personality
na si Billy Bibit na naging beterano ng mga giyera sa Mindanao noong panahon ni
Marcos, naging kasapi ng Reform the Armed Forces Movement noong panahon ni
Cory, coup plotter, and then intelligence officer ng BOC-Cebu tapos tahimik
nang namuhay noong panahon ni Ramos. Tsktsktsk! Itinaon kaya ng PBO ang
pagpapalabas nito habang mainit pa ang kaso sa BOC ngayon? Meron din kasing
pagkakahalintulad si Faeldon kahit papaano kay Bibit dahil pareho silang
military officers at nasangkot sa coup attempt. Idealism-driven tulad ng
kanyang Magdalo contemporaries na kumalaban kay Gloria, matagal-tagal din
nagtago si Faeldon, namuhay nang tahimik noong si Noynoy na ang presidente, at
muling lumutang nang si Duterte na ang pangulo na nagbigay sa kanya ng pwesto
sa gobyerno. At ang pwestong iyon ay naging napakabigat na pasaning nagpabagsak
muli sa kanya.
*******
Meron
akong sinubaybayang show sa channel 7 mula pa noong unang episode at nitong
Agosto ito nagtapos, ang Pinoy version ng hit Koreanovelang “My Love From The
Star”, hehe! Mas nahigitan pa nga nito ang original version lalo pa’t ang cute
ng tambalang Jennylyn Mercado at newcomer na si Gil Cuerva with his gorgeous
long hair and supermodel looks.
*******
Agosto
12. Hapon. Ang unang itinerary ko sa
aking visita iglesia para sa araw na ito ay ang St. John Bosco Parish sa may
Don Bosco Institute ng Makati. Pagpasok ko pa lamang sa gate nito ay namangha
na ako. Ang ganda-ganda kasi doon at payapa pa at hindi mararamdaman na ang
buong compound ay napalilibutan sa labas nito ng isang stressful, polluted
concrete ‘urban jungle’ that is called the business district. Kakaiba ang
architecture ng simbahan pero how cute naman. Pagkatapos, sumakay naman ako ng
dyip na tinatahak ang A. Arnaiz Street at bumaba ako sa isa pang Makati-based
church, ang San Ildefonso Parish sa Barangay Pio Del Pilar na pangalawang beses
ko nang nabisita. At mula dito, ang huli sa aking itinerary ay ang Sta. Clara
de Montefalco Parish ng Padre Burgos dito na muli sa Pasay. Nakakapagod man
lalo pa’t isa lang akong commuter, maraming salamat sa Panginoon, higit kong
nadarama ang kapayapaan at kasiyahan.
*******
Meron
akong pinanood na local horror flick sa Cinema One na kailan lamang ipinalabas
sa mga sinehan ngayong taon, ang “Ilawod”. Hango ito sa salitang Bisaya para sa
pababang agos ng tubig sa ilog, sapa, o batis; at sa English is downstream, in
contrast to upstream o ‘ilaya’. Actually, ito rin ang pamagat ng mga sinaunang
koleksyon ng mga kwentong pakikipagsapalaran o epikong Ilonggo kung saan
kabilang ang nabasa ko nang adaptation ng isa sa mga kabanata nito tungkol sa
buhay ng babaerong si Labaw Donggon. Well, going back to the aforementioned
movie, just like the formula in most Pinoy horror films of today, medyo
sluggish ang pacing ng kwento with all those psychological chuvanessence all
for the suspense and the thrill. And then, so bitin naman ang ending ng
pelikula at bahala na ang mga gising pang mga manonood na mag-imagine kung
anong gusto nilang ending kung ayaw nila ang kinahinatnan ng pinanood nila
dahil yun ang gusto ng directors and screenwriters, eh. Bakit ganyan lagi ang
formula ng karamihan sa mga pelikulang katatakutan ngayon at nitong mga nakaraang
taon? Bakit hindi naman yung mga kontrabida ang maparusahan sa bandang huli ng
pelikula? Kaya nga bahala na ang mga viewers na mag-imagine, o!
*******
Ika-19 ng
Agosto. Dati-rati, ang anibersaryong ito ng kapanganakan ni Pangulong Manuel L.
Quezon ay saklaw ng noo’y “Linggo ng Wika” na sa kasalukuyang panahon ay buong
buwan na ng Agosto ipinagdiriwang kasama ang Pambansang Araw ng mga Bayani. At
sa talatang ito, sisikapin kong maghayag sa wikang Filipino kahit na hindi man
maiwasan ang magbanggit ng ilang salitang hiram mula sa mga banyagang
wika.
Tatlong
simbahan ang aking dinalaw sa buong maghapon ng petsang ito at kainaman ang
maulap na panahon upang maglakbay sa ilang bahagi ng Maynila. Habang nakasakay
ako ng dyip patungong Pandacan, aking pinagmamasdan din ang mga nadaraanang
barangay ng Paco. Umuulan-ulan pa nang araw na iyon at ewan nga ba kung bakit
nakadarama ako ng kakaibang nostalgia samantalang hindi naman ako naninirahan
sa lungsod na ito.
Kay bilis
ng lakbay hanggang sa makaabot na ako sa Simbahan ng Santo Niño de Pandacan.
Tulad ng iba pang simbahan, isa itong sanktwaryo sa pamayanan. Panahon pa ng
mga Espanyol nang itinatag ang simbahan subalit noong dekada ’70 ito isinaayos
at ginawa sa makabago na nitong anyo kasama ang paaralan nitong parokyal, ang
St. Joseph. Mabuti at bukas pa ang isang pintuan sa gilid nito pagkagaling ko
sa adoration chapel kaya napagmasdan ko ang kahanga-hanga nitong loob kung saan
sa dambana nito nakalagak ang isang naiibang imahen ng Señor Sto. Niño na di tulad
ng sa Tondo at Cebu na dinadamitan ng magagarbong kasuotan at iba pang
palamuti, payak ang pananamit nito gaya ng isang karaniwang batang musmos.
Nagpapaalala na ang Panginoon ay mayroong payak at payapang pamumuhay sa
Kanyang kabataan. At noon, nabasa ko sa isang pitak sa pahayagan na sa tuwing
sumasapit ang kapistahan sa Pandacan tuwing Enero, ginaganap ang Buling-buling
festival kung saan magkasabay na nagdiriwang ang mga Katoliko at mga Aglipayano
na may simbahan sa di-kalayuan.
Ang mga
sumunod kong tinungo ay dalawang simbahan na kapwa nasa Paco, ang Parokya ng
Nuestra Señora de Peñafrancia at ang Parokya ng San Fernando de Dilao subalit
sarado pa ang mga ito nang nadatnan ko maliban sa mga adoration chapels. Masaya
pa rin naman ako sa aking pag-uwi mula sa aking pagsadya sa Maynila bilang
ikalawang paborito kong lungsod.
*******
Galleria
Luna y Botanica con Flores
No comments:
Post a Comment